2. ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula
sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa
hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang
kabihasnan sa Mesopotamia ay mas
naunang nagsimula subalit masasabing mas
naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt
ay nabuklod bilang isang estado pagsapit
ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob
halos ng tatlong milenyo.
3. ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon
ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang
kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga
isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na
nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa
pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng
ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang
tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan.
Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa
sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga
kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula
sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
4. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang
Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy
na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng
lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na
may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba
ay dumadaloy mula katimugan patungong
hilaga.
5. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Noon pa mang unang panahon, ang Egypt
ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil
kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain
nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa
ng ilog na ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa.
6. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar
na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng
pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon.
Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto
lamang noong 1970 nang maitayo ang
Aswan High Dam upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisaayos ang suplay ng
tubig.
7. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-
apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa
lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot
ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-
iiwan ng matabang lupain na mainam para
sa pagtatanim.
8. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim
sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na
dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa
bunganga ng Nile sa hilaga upang maging
latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito
ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop.
Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para
sa mga lupang sakahan.
9. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Upang maparami ang kanilang maaaring
itanim bawat taon, ang mga sinaunang
Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng
tubig at naghukay ng mga kanal upang
padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang
sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay
nangangailangan ng malaking bilang ng
mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at
maayos na mga plano. Ang pagtataya ng
panahon kung kailan magaganap ang mga
pagbaha ay naisakatuparan din sa mga
panahong ito.
10. HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka,
ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa
paglalakbay noong mga panahong iyon.
Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan malapit sa
pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga
disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng
ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga
pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay
nagawang makapamuhay nang mapayapa
at masagana sa loob ng mahabang
panahon.
12. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay
kadalasang hinahati sa mga panahong batay
sa dinastiya ng naghaharing pharaoh.
• Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng
sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na
taglay ang mga lihim ng langit at lupa.
• Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol
sa kanilang nasasakupan.
• Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng
isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian.
• Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang
pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa
kalakalan, pagtatakda ng mga batas,
pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.
14. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga
pamayanang malapit sa Nile.
• Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa
pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol
sa pakikipagkalakalan.
• Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang
sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na
hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o
hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito
ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at
pagtatala ng mga pangyayari
15. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang
ilang pamayanan ay naging sentro ng
pamumuhay sa sinaunang Egypt.
• Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na
nome o malalayang pamayanan na naging
batayan ng mga binuong lalawigan ng
sinaunang estado ng Egypt.
• Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch,
ay unti – unting nakapagbuklod ng isang
estado sa Nile upang makabuo ng
panrehiyong pagkakakilanlan.
16. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Tungkol saan ang larawan?
________________________________
• Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng
mga sinaunang Egyptian?
_________________________________
________________________________
17. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng
ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga
alyansa sa harap ng mabilis na mga pagbabago sa
aspektong pangkabuhayan at politikal.
• Unti-unti ring lumaki ang populasyong nangailangan ng mas
intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan.
• Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang
Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 B.C.E., isang pinuno
ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa
Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain
sa mahabang panahon.
• Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng
Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng
pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga
gobernador sa iba’t ibang lupain.
• Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari
ni Menes.
18. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Tungkol saan ang larawan?
________________________________
• Ano ang nais ipahiwatig nito?
_________________________________
_________________________________
19. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa
Ikatlong Dinastiya ng Egypt.
• Ang mga kahanga-hangang pyramid o
piramide ng Egypt na itinayo sa panahong
ito ay nagsilbing mga monumento ng
kapangyarihan ng mga pharaoh at huling
hantungan sa kanilang pagpanaw.
• Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng
estruktura ay nangailangan ng husay mula
sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo
naman mula sa libo-libong taong nagtayo
nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang
Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na
naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak
na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
20. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang
pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan, tinatayang
may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa
Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na.
• Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian
na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang ito
sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na
itinala ng mga Greek na pinakamagandang
arkitektura sa mundo.
21. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide,
itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa
iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito
ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at
Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at
transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian
sa Nile Delta upang maging bagong taniman.
22. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na
Dinastiya (circa 90 B.C.E.). Pinaniniwalaang tumagal ng
94 na taon ang kaniyang pamumuno na
nangangahulugang siya ang pinakamatagal na
naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong
gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono.
Namatay siya sa edad na 100.
• Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang
pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina
dahil sa laganap na tag-gutom at mahinang
pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga
opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng
pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan
sa loob halos ng dalawang siglo.
23. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Unang Intermedyang Panahon
Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon
ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng
Egypt.
Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga
panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower
Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang
dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo
naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang
dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt.
Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay
nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang
ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay
pinangalanang Inyotef o Antef.
24. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Anong estraktura ang nasa larawan?
________________________________
• Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na
kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian??
__________________________________________
_________________________________
25. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang kaguluhang politikal
ay nagtapos nang
manungkulan si
Mentuhotep I. Sa mga
sumunod na naghari,
napag-isa muli ang
Egypt. Nalipat ang
kabisera sa Itjtawy
(ipinapalagay na ngayon
ay el-Lisht) sa Lower
Egypt.
26. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I
(1970-1926 B.C.E.), nakipagtunggali
siya sa bahaging Nubia.
27. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o
Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang
kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring
pagkakataon, tinangka niyang palawakin
ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
28. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong
ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na
namayani sa loob ng 45 taon.
29. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga
gawain ng karamihan sa mga naging pinuno
ng Ika-12 Dinastiya.
• Sa halip, maraming ekspedisyon ang
nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert
upang tumuklas ng mahahalagang bagay na
maaaring minahin o mga kahoy na maaaring
gamitin.
• Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng
Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
30. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian.
Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya
ang namayani sa panahong ito.
• Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “mga
prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila
ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar
at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa
katimugan.
• Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong
1670 B.C.E. at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob
ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit
ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian.
• Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera,
nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan
ng Egypt.
31. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ikalawang Intermedyang Panahon
• Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na
Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa
Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang
kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13
Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng
kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang
Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile
Delta.
• Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes
ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng
Great Hyksos na namayani sa Avaris. Nagawang palawigin
ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang
sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang
pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa
pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng
mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
32. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?
________________________________
• Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa
kasaysayan ng sinaunang Egypt?
_________________________________
_________________________________
33. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang
panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan
ng Ika-18 Dinastiya.
• Tinatawag din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni
Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa
Egypt noong 1570 B.C.E.
• Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh
mula sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang
Nubia sa katimugan.
• Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng
lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga
pharaoh.
• Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa
katimugan hanggang sa Euphrates River sa
Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni.
34. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa
ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay
kinilala bilang isa sa mahusay na babaing
pinuno sa kasaysayan.
• Siya ay nagpagawa ng mga templo at
nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang
mga lupain.
• Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang
pinalawig ni Thutmose III (1504-1450 B.C.E.),
anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
35. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na
siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-
1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan.
Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng
mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
• Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na
nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na
sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi
tinangkilik ng mga pari ang ganitong
pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton,
tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
• Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325
B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa
lamang nang maupo sa trono.
36. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na
siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-
1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan.
Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng
mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
• Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na
nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na
sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi
tinangkilik ng mga pari ang ganitong
pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton,
tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
37. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325
B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa
lamang nang maupo sa trono.
40. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga
panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya
ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting
pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt.
• Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang
lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan
si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito
ang kauna-unahang kasunduang
pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang
imperyo sa kasaysayan ng daigdig.
• Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula
Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli
na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa
kaniyang pagpanaw.
41. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ikatlong Intermedyang Panahon
Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay
pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang
dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na
nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya.
Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.)
na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga
panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang
nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa
pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang
prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang
nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin
ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang
kapangyarihan hanggang sa Memphis.
Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si
Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt.
Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
42. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?
________________________________
• Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang
Empire Age?
_________________________________
_________________________________
43. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni
Psammetichus (664-610 B.C.E.). Nagawa niyang
pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt.
• Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 B.C.E.
Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala
upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain
ang kolonya ng Greece na Cyrene.
• Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang
hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na
humantong sa paghalili ni Amasis II (570-526
B.C.E.).
• Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang
Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses
II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
44. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa
pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw ng
Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong
lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian
hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina
ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa
kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang
Ika-31 Dinastiya.
45. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The
Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng
kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang
saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng
Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia,
Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India.
Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E.,
naging satrap o gobernador ng Egypt ang
kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
46. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang
kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at
pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang
Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob
halos ng tatlong siglo.
• Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng
dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng
Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
47. KABIHASNANG EGYPTIAN
• Sino ang nasa larawan?
________________________________
• Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?
_________________________________
_________________________________
51. PAMPROSESONG TANONG
1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?
2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad
sa Mesopotamia?
3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga
sinaunang Egyptian?
4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang
kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan
sa Egypt?
5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa
kabihasnang Egyptian?