3. ANO NGA BA ANG BATAS?
Ang batas ay isang
kautusan ng katuwiran
na pumapatnubay
patungo sa
kabutihang panlahat
at ito ay ipinapatupad
ng mga nangangalaga
sa komunidad.
4. ORDINANCE OF REASON
- Ang intension ng batas ay dapat makamit para sa
kabutihan ng lahat at ng hindi ng para sa iilan lamang.
FOR THE COMMON GOOD
- Ang batas ay pinag iisipan.
Made by him who has care of the community
- ang may paghahalaga sa sambahayan sila dapat ang
binibigyan ng kapangyarihan na gumawa ng batas
Promulgated - to make known publicly.
5. Ayon pa rin kay Sto. Tomas de Aquino, may apat na uri
ng batas. Ito ay ang mga sumusunod:
ETERNAL
LAW
NATURAL
LAW
HUMAN LAW
NATURAL
MORAL LAW
Ito ang
huwaran ng
banal na
karunungan na
siyang
gumagabay sa
lahat ng kilos
at galaw.
Ito ang batas
na gumagabay
sa inang
kalikasan.
Ito ay binubuo
ng Civil Law
(Batas Sibil) at
Ecclesiastical
Law (Batas ng
Simbahan)
Ito ang batas
na nakaukit sa
puso ng tao -
“Do good,
avoid evil.”
10. LIKAS BATAS MORAL
Ang batas na ito ay taglay na ng tao mula ng siya ay
likhain. Nakatanim na sa kaniyang puso ang batas na
ito- na siyang tumutulong upang maunawaan ng tao
ang tama o mali. Sapagkat ang tao ay nilikha na
kawangis ng Diyos, taglay niya ang kabutihan at
karunungan na nagmumula sa kaniyang manlilikha.
Kaakibat ng kabutihan at kamalayan na taglay ng tao ay
ang kalayaan na ipinagkaloob sa kaniya. Ang
kakayahang pumili ang nagdudulot upang siya ay
makagawa ng masama o mabuti
11. Ang Likas na Batas Moral ay kusang
bumubukal sa tao na hindi na nangangailangan
ng pormal na edukasyon o pag-aaral upang
malaman ang mga nakasaad dito. Ang tao ay
biniyayaan ng kalayaan na magagamit upang
maging mapanagutan sa kaniyang kilos. Ang
kalayaan ng tao ay isa sa mga dahilan kung
bakit siya ay nagtataglay ng Likas na Batas
Moral. Tanging ang mga pinagkalooban ng
kalayaan, ang sakop ng Likas na Batas Moral.
12. Ang layunin ng Likas na Batas Moral ay upang
magsilbing patnubay ng tao sa pagpili ng tama at
mabuting desisyon sa buhay. Ang batas ding ito ay
naglalayon na mapabuti ang tao. Makaiiwas na
gumawa ng masama ang tao kung palagi niyang
susundin ang batas na ito. Sapagkat ang tao ang may
kakayahan upang magpasiya sa mga bagay na
makabubuti o makasasama sa kaniya gayundin sa
kaniyang kapwa. Kung gagawin ng tao ang sinasaad sa
Likas na Batas Moral, ito ay magdudulot ng kapayaan
sa kaniyang sarili gayundin sa kaniyang kapwa.
13. Paano ba natin masasabi o malalaman na
mabuti o masama ang ating ginagawa?
Kailan mo masasabi na mabuti ang iyong
ginagawa?
14. Ang mabuti ay nakabatay sa layon ng tao sa kaniyang
kapwa maging sa kaniyang mga ginagawa. Ito ay
nakasalig sa kung paano nag iisip ng maayos ang tao sa
kaniyang kapwa, nakapagbabalanse ng mga bagay-
bagay at higit sa lahat ay may malinis at dalisay na puso
sa kaniyang kapwa.
Ang mabuti ay ang pagnanais na gumawa patungo sa
pagbuo ng pagkatao ng kapwa maging ng sarili. Ganun
din pinalalago nito ang ugnayan sa kaniyang kapwa.
15. Ang tama ay pagpapasya na nakabatay sa
angkop na panahon, lugar, tao, sitwasyon,
dahilan at paraan. Hindi lahat ng mabuti ay tama
kung hindi ito umaayon sa matuwid na katuwiran
na magdadala sa tao sa kung ano ang dapat.
Masasabi ba na lahat ng mabuti ay tama?
Kailan mababatid na tama ang pagkilos?
16. Ang MABUTI ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili.
Ang TAMA ay ang pagpili ng mabuti batay sa
panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon.
Tinitignan dito ang mga pangangailangan at
kakayahan ng gagawa ng pagpili.
ANG TAMA BA AY IBA SA
MABUTI?
17.
18.
19. PERFORMANCE TASK:
Gumawa ng picture collage o gumuhit
(draw/ illustrate) mula sa kagamitan na
mayroon sa bahay o paligid na
nagpapakita ng kilos na nakaayon sa Likas
na Batas Moral.
Sundan ang rubrik.
22. PANUTO: ISULAT ANG TAMA KUNG WASTO
ANG IPINAPAHAYAG AT MALI NAMAN UNG
HINDI ITO WASTO.
23. _____1. Ang kakayahang pumili ang nagdudulot
upang siya ay makagawa ng masama o mabuti
_____2. Ang Likas Batas Moral ay taglay ng tao mula
ng siya ay magkaroon ng isip.
_____3. Nagdudulot ng kapayapaan sa kaniyang
sarili gayundin sa kaniyang kapwa ang Likas Batas
Moral.
_____4. Ang TAMA ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili.
_____5. Ang MABUTI ay ang pagpili ng tama batay
sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon.
24. _____6. Ang batas ay hindi kailangang pag-isipan,
basta ito ay naaayon sa kaunlaran.
_____7. Ang intensyon ng batas ay dapat makamit
para sa kabutihan ng iilan lamang.
_____8. Ang may paghahalaga sa sambahayan ang
dapat na binibigyan ng kapangyarihan na gumawa ng
batas
25. PANUTO: PILIIN ANG TAMANG SAGOT SA
LOOB NG KAHON NA NASA IBABA.
TAMA BATAS MABUTI
NATURAL MORAL LAW
ETERNAL LAW HUMAN LAW
NATURAL LAW
26. 9. Isang kautusan ng katuwiran na pumapatnubay
patungo sa kabutihang panlahat at ito ay
ipinapatupad ng mga nangangalaga sa
komunidad.
10. Ito ay ang pagpapasya na nakabatay sa
angkop na panahon, lugar, tao, sitwasyon,
dahilan at paraan.
11. Ito ay nakabatay sa layon ng tao sa
kaniyang kapwa maging sa kaniyang mga
ginagawa.
27. 12. Ito ang batas na gumagabay sa inang
kalikasan.
13. Ito ang huwaran ng banal na
karunungan na siyang gumagabay sa lahat
ng kilos at galaw.
14. Ito ay binubuo ng Batas Sibil at Batas ng
Simbahan.
15. Ito ang batas na nakaukit sa puso ng tao
- “Do good, avoid evil.”
28. Answer key:
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5.MALI
6. MALI
7. MALI
8. TAMA
9. BATAS
10. TAMA
11. MABUTI
12. NATURAL LAW
13. ETERNAL LAW
14. HUMAN LAW
15. NATURAL MORAL LAW