Ang wika ay isang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa komunikasyon at ekspresyon, binubuo ng mga arbitraryong tunog na may kanya-kanyang set ng istruktura. Ito ay nagsisilbing daluyan ng kultura at saloobin ng tao, na may iba’t ibang tungkulin sa lipunan, tulad ng pagpapahayag, paghihikayat, at pakikipag-ugnayan. Ang pagkakaiba-iba ng wika at ang dinamiko nito ay nag-uugat mula sa iba't ibang kultura at aspeto ng lipunan.