SlideShare a Scribd company logo
1 of 18
"Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004"
RA 9262
Ano ang VAWC ayon sa batas?
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children
ay panukalang batas na ipinasa ng Kongreso noong
Pebrero, 2004. Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang
laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga
intimate partners, kabilang ang dati o kasalukuyang
asawa, live-in partner o boyfriend o girlfriend. Sa
maraming pagkakataon, nadadamay din ang mga anak ng
babae sa pang-aabuso kung kaya’t ito rin ay kasamang
tinutugunan ng batas.
Ano ang VAWC ayon sa batas?
Ito ay tumutukoy sa mga “kilos o serye ng
mga pagkilos nanagagawa ng KAHIT SINONG TAO
laban sa BABAE o laban sa KANYANG ANAK na
nagreresulta sa PISIKAL, SEKSWAL, SIKOLOHIKAL
na pananakit o pagdurusa, or EKONOMIKONG
pang-aabuso kabilang ang pananakot,
pambubugbog, pag-atake, pagpilit o hindi
makatwirang pagkait ng kalayaan.
ASAWA
AMA NG KANILANG ANAK
KASINTAHAN
KINAKASAMA
KAHIT SINO (Lalaki or Babae)
Mga Maaring Magkasala
O DATING ASAWA
O DATING KINAKASAMA
KARELASYONG SEKSWAL O KATIPAN
O DATING KASINTAHAN
Sino ang Maaring Maging
Biktima?
Sa ilalim ng batas, babae lamang at ang kanyang mga anak,
(babae man o lalaki) ang maaring maging biktima ng VAWC.
Kinikilala ng Anti-VAWC Act ang hindi pantay na sitwasyon ng babae
at lalaki sa usaping pang-aabuso sa loob ng isang relasyon, kung
saan ang babae ay higit na dehado.
Sa kabilang banda, maaaring lalaki o babae na dati o
kasalukuyang karelasyon ng babaeng biktima ang mga maaaring
sampahan ng kaso sa ilalim ng batas na ito.
KABABAIHAN
ANAK
Mga Maaring Biktima
LEGIMIMATE O HINDI
ASAWA
INA NG KANILANG ANAK
KASINTAHAN
KINAKASAMA
O DATING ASAWA
O DATING KINAKASAMA
KARELASYONG SEKSWAL O KATIPAN
O DATING KASINTAHAN
Ang VAWC bilang Krimen
Ang VAWC ay isang pampublikong krimen kung kaya’t
bukod sa babaeng nakakaranas ng pang-aabuso, ang kasong
VAWC ay maaari ding isampa ng kanyang kapamilya,
barangay, social worker o concerned citizens. Dahil din sa
ang VAWC ay pampublikong krimen, hindi dapat ito
nireresolba sa pag-aareglo o pamimilit na makipagkasundo
na lamang ang babae sa kanyang mapang-abusong
karelasyon.
Mga Aktong VAWC
• Pisikal: panggugulpi, paninipa, panunutok ng baril o kahit
anumang bagay na nakakasakit
• Sekswal: panggagahasa, pamimilit na manood ng x rated na
pelikula, pambubugaw ng asawa o anak
• Sikolohikal: pamamahiya, paninira ng gamit, pagkakait sa
mga anak
• Ekonomik o pinansiyal: hindi pagbibigay ng sUstento,
pagbabawal sa pagtatrabaho ng babae , pagkuha o pakontrol sa kita
ng babae, paninira ng gamit sa bahay
Parusa sa VAWC
Ang mga aktong VAWC ay maaaring parusahan ng
pagkabilanggo ng maysala (depende sa bigat ng
krimeng ginawa ang tagal), at pagbabayad ng danyos
ng hindi bababa ng PhP100,000 ngunit hindi tataas ng
PhP300,000. Kailangan ding sumailalim sa
psychological counseling o psychiatric treatment ang
maysala.
Protection Order
Sa ilalim ng Anti-VAWC Act, maaaring bigyan
ng protection order ang babae bilang
pansamantala o permanenteng proteksyon laban
sa maaring patuloy na pang-aabuso ng kanyang
karelasyon. Kabilang sa saklaw ng protection
order ay ang sumusunod:
Protection Order
• Pagbabawal sa respondent (karelasyong nang_x0002_aabuso) na
gumawa ng kahit anong aktong VAWC sa babae
• Pagbabawal sa respondent na gambalain uli ang babae (hal:
panghaharass sa telepono)
• Pagpapaalis sa respondent sa bahay nila ng babae
• Pagbabawal lumapit sa babae at sa mga tinukoy nitong kapamilya
o kamag-anak sa kanilang bahay, opisina, eskwelahan at iba pang
lugar na madalas puntahan ng mga ito
Protection Order
• Pagkukumpiska ng korte sa baril at iba pang deadly weapon ng
respondent
• Pagbabayad ng respondent sa pinsalang ginawa nito (hal: gastos
sa ospital)
• Pagbibigay suporta ng respondent sa babae at kanilang anak
• Pagbibigay ng temporary o permanenteng custody sa babae ng
kanyang mga anak
Protection Order
Mayroon ding tatlong klase ng protection order sa ilalim ng Anti-
VAWC Act:
• Barangay protection order (BPO) : binibigay ng barangay, may
bisa ng 15 araw
• Temporary protection order (TPO) : binibigay ng korte, may bisa
ng 30 araw
• Permanent protection order (PPO) : binibigay ng korte, may bisa
hangga’t hindi nagpe_x0002_petisyon ang babae sa korte na
ipawalang bisa ito
Barangay bilang Kaagapay
laban sa VAWC.
Lalong pinagtibay ng bagong batas ang mahalagang papel na
ginagampanan ng barangay sa pagtugon sa mga kasong VAWC.
Bukod sa pagbibigay ng BPO, ang sumusunod ay tungkulin ng mga
opisyal ng barangay:
• Rumesponde agad sa mga reklamo ng VAWC
• Magkumpiska ng baril at iba pang deadly weapon ng nang-
aabuso
Barangay bilang Kaagapay
laban sa VAWC.
• Samahan ang babae sa ospital o sa isang ligtas na lugar
• Tulungan ang babae mabawi ang kanyang personal na ari-arian sa
bahay
• Siguraduhin ang pagpapatupad ng protection order
• Arestuhin ang nang-aabuso kahit walang warrant kung (1)
nahuli nila ito sa akto ng pang-aabuso,
(2) sila ay may personal na kaalaman na may naganap na
aktong VAWC, o
(3) mayroong panganib sa buhay ng babae
Barangay bilang Kaagapay
laban sa VAWC.
• I-report ang insidente sa Department of Social Welfare and
Development (DSWD) o sa mga accredited NGO’s
Ang hindi pagre-report ay may karampatang multa na
PhP10,000, at maaari din silang masampahan ng kasong kriminal,
sibil o administratibo.
Proteksyon laban sa Demanda
Ang barangay, pulis, concerned citizen na
rumesponde sa kasong VAWC ay hindi maaaring
idemanda para sa kanilang ginawang aksyon, kahit ito
pa man ay naging marahas. Ngunit dapat patunayan
din na ang pwersa na kanilang ginamit ay hindi
sumobra sa kung ano ang kinakailangan upang
masiguro ang kaligtasan ng biktima.
THANK YOU
&
GOD BLESS

More Related Content

What's hot

LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxLEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxVirgilNierva
 
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10Araling Panlipunan
 
CSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docxCSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docxMaLynFernandez2
 
Karahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptx
Karahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptxKarahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptx
Karahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptxJonalynElumirKinkito
 
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptxDiskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptxAkemiAkane
 
cot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx
cot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptxcot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx
cot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptxfaithdenys
 
Anti-Violence Against Women and Children
Anti-Violence Against Women and ChildrenAnti-Violence Against Women and Children
Anti-Violence Against Women and Childrenbigkiskababaihan
 
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plankarahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson planCashmir Bermejo
 
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docxMUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docxrichardvaldez45
 
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004Sharon Geroquia
 
Gender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptx
Gender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptxGender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptx
Gender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptxChristianChoco5
 
aralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptx
aralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptxaralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptx
aralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptxMelynJoyObiSoAuman
 
Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)
Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)
Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)marvindmina07
 
GENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptx
GENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptxGENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptx
GENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptxLovellRoweAzucenas
 
Gender Roles sa Ibat Ibang Lipunan sa Mundo
Gender Roles sa Ibat Ibang  Lipunan sa MundoGender Roles sa Ibat Ibang  Lipunan sa Mundo
Gender Roles sa Ibat Ibang Lipunan sa Mundoedmond84
 
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...
Modyul 2 sub modyul 2.4  paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...Modyul 2 sub modyul 2.4  paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...Dhon Reyes
 

What's hot (20)

LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxLEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
 
summative test.docx
summative test.docxsummative test.docx
summative test.docx
 
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
Karahasan sa kababaihan para sa Grade-10
 
CSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docxCSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docx
 
Karahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptx
Karahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptxKarahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptx
Karahasan at Diskriminasyon sa mga Kababaihan at LGBTQ.pptx
 
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptxDiskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
 
cot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx
cot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptxcot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx
cot 1-MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx
 
vawc 2.pptx
vawc 2.pptxvawc 2.pptx
vawc 2.pptx
 
Anti-Violence Against Women and Children
Anti-Violence Against Women and ChildrenAnti-Violence Against Women and Children
Anti-Violence Against Women and Children
 
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plankarahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
 
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docxMUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
MUM-COT-1-MARCH-21-2023.docx
 
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT of 2004
 
Philgov
PhilgovPhilgov
Philgov
 
Gender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptx
Gender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptxGender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptx
Gender Roles sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig.pptx
 
aralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptx
aralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptxaralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptx
aralin2-karahasansakababaihan-191215013031 (1).pptx
 
Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)
Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)
Karahasan sa kababahihan (PowerPoint)
 
GENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptx
GENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptxGENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptx
GENDER ROLES SA PILIPINAS QUIZ.pptx
 
Gender Roles sa Ibat Ibang Lipunan sa Mundo
Gender Roles sa Ibat Ibang  Lipunan sa MundoGender Roles sa Ibat Ibang  Lipunan sa Mundo
Gender Roles sa Ibat Ibang Lipunan sa Mundo
 
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...
Modyul 2 sub modyul 2.4  paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...Modyul 2 sub modyul 2.4  paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...
Modyul 2 sub modyul 2.4 paksa 2. sesyon 1 pag-iwas sa karahansan sa loob ng ...
 
COT-MIGRASYON.pptx
COT-MIGRASYON.pptxCOT-MIGRASYON.pptx
COT-MIGRASYON.pptx
 

vawc.pptx

  • 1. "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004" RA 9262
  • 2. Ano ang VAWC ayon sa batas? Ang Anti-Violence Against Women and Their Children ay panukalang batas na ipinasa ng Kongreso noong Pebrero, 2004. Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate partners, kabilang ang dati o kasalukuyang asawa, live-in partner o boyfriend o girlfriend. Sa maraming pagkakataon, nadadamay din ang mga anak ng babae sa pang-aabuso kung kaya’t ito rin ay kasamang tinutugunan ng batas.
  • 3. Ano ang VAWC ayon sa batas? Ito ay tumutukoy sa mga “kilos o serye ng mga pagkilos nanagagawa ng KAHIT SINONG TAO laban sa BABAE o laban sa KANYANG ANAK na nagreresulta sa PISIKAL, SEKSWAL, SIKOLOHIKAL na pananakit o pagdurusa, or EKONOMIKONG pang-aabuso kabilang ang pananakot, pambubugbog, pag-atake, pagpilit o hindi makatwirang pagkait ng kalayaan.
  • 4. ASAWA AMA NG KANILANG ANAK KASINTAHAN KINAKASAMA KAHIT SINO (Lalaki or Babae) Mga Maaring Magkasala O DATING ASAWA O DATING KINAKASAMA KARELASYONG SEKSWAL O KATIPAN O DATING KASINTAHAN
  • 5. Sino ang Maaring Maging Biktima? Sa ilalim ng batas, babae lamang at ang kanyang mga anak, (babae man o lalaki) ang maaring maging biktima ng VAWC. Kinikilala ng Anti-VAWC Act ang hindi pantay na sitwasyon ng babae at lalaki sa usaping pang-aabuso sa loob ng isang relasyon, kung saan ang babae ay higit na dehado. Sa kabilang banda, maaaring lalaki o babae na dati o kasalukuyang karelasyon ng babaeng biktima ang mga maaaring sampahan ng kaso sa ilalim ng batas na ito.
  • 6. KABABAIHAN ANAK Mga Maaring Biktima LEGIMIMATE O HINDI ASAWA INA NG KANILANG ANAK KASINTAHAN KINAKASAMA O DATING ASAWA O DATING KINAKASAMA KARELASYONG SEKSWAL O KATIPAN O DATING KASINTAHAN
  • 7. Ang VAWC bilang Krimen Ang VAWC ay isang pampublikong krimen kung kaya’t bukod sa babaeng nakakaranas ng pang-aabuso, ang kasong VAWC ay maaari ding isampa ng kanyang kapamilya, barangay, social worker o concerned citizens. Dahil din sa ang VAWC ay pampublikong krimen, hindi dapat ito nireresolba sa pag-aareglo o pamimilit na makipagkasundo na lamang ang babae sa kanyang mapang-abusong karelasyon.
  • 8. Mga Aktong VAWC • Pisikal: panggugulpi, paninipa, panunutok ng baril o kahit anumang bagay na nakakasakit • Sekswal: panggagahasa, pamimilit na manood ng x rated na pelikula, pambubugaw ng asawa o anak • Sikolohikal: pamamahiya, paninira ng gamit, pagkakait sa mga anak • Ekonomik o pinansiyal: hindi pagbibigay ng sUstento, pagbabawal sa pagtatrabaho ng babae , pagkuha o pakontrol sa kita ng babae, paninira ng gamit sa bahay
  • 9. Parusa sa VAWC Ang mga aktong VAWC ay maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng maysala (depende sa bigat ng krimeng ginawa ang tagal), at pagbabayad ng danyos ng hindi bababa ng PhP100,000 ngunit hindi tataas ng PhP300,000. Kailangan ding sumailalim sa psychological counseling o psychiatric treatment ang maysala.
  • 10. Protection Order Sa ilalim ng Anti-VAWC Act, maaaring bigyan ng protection order ang babae bilang pansamantala o permanenteng proteksyon laban sa maaring patuloy na pang-aabuso ng kanyang karelasyon. Kabilang sa saklaw ng protection order ay ang sumusunod:
  • 11. Protection Order • Pagbabawal sa respondent (karelasyong nang_x0002_aabuso) na gumawa ng kahit anong aktong VAWC sa babae • Pagbabawal sa respondent na gambalain uli ang babae (hal: panghaharass sa telepono) • Pagpapaalis sa respondent sa bahay nila ng babae • Pagbabawal lumapit sa babae at sa mga tinukoy nitong kapamilya o kamag-anak sa kanilang bahay, opisina, eskwelahan at iba pang lugar na madalas puntahan ng mga ito
  • 12. Protection Order • Pagkukumpiska ng korte sa baril at iba pang deadly weapon ng respondent • Pagbabayad ng respondent sa pinsalang ginawa nito (hal: gastos sa ospital) • Pagbibigay suporta ng respondent sa babae at kanilang anak • Pagbibigay ng temporary o permanenteng custody sa babae ng kanyang mga anak
  • 13. Protection Order Mayroon ding tatlong klase ng protection order sa ilalim ng Anti- VAWC Act: • Barangay protection order (BPO) : binibigay ng barangay, may bisa ng 15 araw • Temporary protection order (TPO) : binibigay ng korte, may bisa ng 30 araw • Permanent protection order (PPO) : binibigay ng korte, may bisa hangga’t hindi nagpe_x0002_petisyon ang babae sa korte na ipawalang bisa ito
  • 14. Barangay bilang Kaagapay laban sa VAWC. Lalong pinagtibay ng bagong batas ang mahalagang papel na ginagampanan ng barangay sa pagtugon sa mga kasong VAWC. Bukod sa pagbibigay ng BPO, ang sumusunod ay tungkulin ng mga opisyal ng barangay: • Rumesponde agad sa mga reklamo ng VAWC • Magkumpiska ng baril at iba pang deadly weapon ng nang- aabuso
  • 15. Barangay bilang Kaagapay laban sa VAWC. • Samahan ang babae sa ospital o sa isang ligtas na lugar • Tulungan ang babae mabawi ang kanyang personal na ari-arian sa bahay • Siguraduhin ang pagpapatupad ng protection order • Arestuhin ang nang-aabuso kahit walang warrant kung (1) nahuli nila ito sa akto ng pang-aabuso, (2) sila ay may personal na kaalaman na may naganap na aktong VAWC, o (3) mayroong panganib sa buhay ng babae
  • 16. Barangay bilang Kaagapay laban sa VAWC. • I-report ang insidente sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa mga accredited NGO’s Ang hindi pagre-report ay may karampatang multa na PhP10,000, at maaari din silang masampahan ng kasong kriminal, sibil o administratibo.
  • 17. Proteksyon laban sa Demanda Ang barangay, pulis, concerned citizen na rumesponde sa kasong VAWC ay hindi maaaring idemanda para sa kanilang ginawang aksyon, kahit ito pa man ay naging marahas. Ngunit dapat patunayan din na ang pwersa na kanilang ginamit ay hindi sumobra sa kung ano ang kinakailangan upang masiguro ang kaligtasan ng biktima.