2. Layunin ng tekstong Perswaysib na umapela o
mapukaw ang damdamin ng mambabasa
upang makuha ang simpatya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.
Sa araw-araw na pamumuhay ay
nakakatanggap tayo ng mensaheng
humihikayat sa ating paniniwala, panggamit
ng produkto, at iba pa.
3. Ano ang Tekstong Nanghihikayat o Perswaysib?
Ang tesktong perswaysib ay naglalayong
manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan
ng pagkuha ng damdamin o simpatya ng
mambabasa. Nakabatay ito sa opinion at
ginagamit upang maimpluwensiyahan ang
paniniwala, pag-uugali, intensiyon, at
paninidigan ng ibang tao.
5. Mga Elemento ng Tekstong Nanghihikayat
Isa si Aristotle sa mga pilosopong
naniniwala sa kahalagahan ng
panghihikayat. Ayon sa kaniya may tatlong
element ang panghihikayat – ethos o
karakter; logos o lohikal; at pathos o
emosyon.
7. Ethos: Ang karakter, imahe o Repulasyon ng
manunulat/tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na
nauugnay sa salitang etika ngunit higit na
itong angkop ngayon sa salitang “imahe.”
8. Logos: Ang opinion o Lohikal na pagmamatuwid
ng Manunulat/Tagpagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa
pangangatwiran. Nangangahulugan din itong
panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng
nilalalaman.
9. Pathos: Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na
tumatalakay sa emosyon o damdamin ng
mambabasa o tagapakinig.
10. Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat
Kredibilidad ng may-akda
Nilalaman ng Teksto
Pagtukoy sa elementong pathos sa
panghihikayat
Bisa ng panghihikayat ng teksto
11. Paghahanda para sa Pagsulat ng tekstong
Naghihikayat
Pag-aralan ang target na tagapakinig o
mambabasa
Linawin kung ano ang layunin ng isusulat na
teskto
Pagbibigay diin sa pangangailangang makapukaw
ng damdamin (pathos)