TAYUTAY
Tayutay
Paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita.
May layuning maging
maganda at kawili-wili ang
pananalita.
Tayutay
Matatalinhagang
pananalita
PAGTUTULAD O
SIMILE
Paghahambing ng
dalawang bagay na
magkaiba ng anyo subalit
may pagkakatulad na
katangian.
TULAD NG ANIMO
KATULAD NG ANAKI’Y
PARANG KASING-
KAWANGIS NG SING-
PARIS NG
PAGTUTULAD O
SIMILE
PAGTUTULAD O
SIMILE
Sing-alat ng bagoong
ang swerte ko ngayon.
Para kang latang
walang laman.
PAGTUTULAD O
SIMILE
Ga-poste na si Maria
ngayon.
Animo hangin ang
paglipas ng oras.
PAGWAWANGIS O
METAPORA
Paghahambing ng
dalawang bagay ngunit
tuwiran ang
ginagawang
paghahambing.
PAGWAWANGIS O
METAPORA
Pating ‘yan sa tubig!
Kapag mas amoy-paa
ang bagoong, mas
masarap!
PAGWAWANGIS O
METAPORA
Ikaw ay isang tala sa
aking paningin.
Ang ginoo ang susi sa
kasong inihain ko.
PAGMAMALABIS O
HYPERBOLE
Pagpapalabis sa
normal upang bigyan
ng kaigtingan ang nais
ipahayag.
PAGMAMALABIS O
HYPERBOLE
Pakiramdam ko’y nasa
loob ako ng freezer sa
lamig dito Baguio!
Timba-timba ang pawis
niya.
PAGMAMALABIS O
HYPERBOLE
Bumaha ng handa sa
kanilang tahanan
noong kaarawan ng
kaniyang ina.
PAGMAMALABIS O
HYPERBOLE
Nalaglag ang puso niya
sa tuwa nang
malamang nakapasa
sa pagsusulit.
PAGSASATAO O
PERSONIPIKASYON
Paglilipat ng katangian
ng isang tao sa mga
walang buhay.
PAGSASATAO O
PERSONIPIKASYON
Yumuyugyog ang puno
ng mangga.
Tumatakbo ang oras.
Lumilipad ang balita.
PAGSASATAO O
PERSONIPIKASYON
Lumilipad na naman
ang isip ni Albert.
Kumakaway ang mga
bulaklak sa hardin.
PAGTAWAG O
APOSTROPHE
Isang panawagan o
pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay
isang tao.
PAGTAWAG O
APOSTROPHE
Isang panawagan o
pakiusap sa isang tao
na tila ba ito ay
kaharap mo.
PAGTAWAG O
APOSTROPHE
Diyos Ama, ituro mo sa
akin ang tamang daan.
Ulan, ulan, kami’y
iyong lubayan.
PAGTAWAG O
APOSTROPHE
O tukso, layuan mo
ako!
Paalam Europa! Bukas
ay iiwan na kita.
PAGHIHIMIG O
ONOMATOPOEIA
Ang paggamit ng mga
salitang kung ano ang
tunog ay siyang
kahulugan.
PAGHIHIMIG O
ONOMATOPOEIA
Dumagundong ang
malakas na kulog na
sinundan ng pagguhit
ng matatalim na kidlat.
PAGHIHIMIG O
ONOMATOPOEIA
Kumalabog sa matigas
na lupa ang bumagsak
na kargamento mula sa
trak.
Pag-
uyam/BALINTUNA
O IRONY
Paggamit ng pag-uyam
sa pamamagitan ng mga
salitang parang pumupuri
o dumadakila subalit ang
nais ay mangutya
Pag-
uyam/BALINTUNA
O IRONY
Ang ganda ng kanyang
mga kamay, pwede
mong gawing
pangkudkod sa
semento sa bahay.
Pag-
uyam/BALINTUNA O
IRONYNapakaganda niya,
kapag nakatalikod.
Tahimik sa bahay na
ito, napakaraming nag-
aaway.
PAGPAPALIT-TAWAG
O METONYMY
Gumagamit ito ng salita o
mga salitang sa
pagtawag o pagtukoy sa
bagay o tao na
pinatutungkulan.
PAGPAPALIT-TAWAG
O METONYMY
Huwag mong
lapastanganin ang
puting buhok.
PAGPAPALIT-TAWAG
O METONYMY
Binato niya ng
tinapay ang kaniyang
nakasamaan ng
loob.
ALUSYON
Ang paggamit ng mga
sanggunian mula sa
kasaysayan, panitikan,
pulitika, bibliya at iba pang
aspekto ng buhay ng tao.
ALUSYON
Sa husay ni Kiray sa
pakikipaglaban, siya ang
Athena ng kanilang
purok.
ALUSYON
Si Bonie ang
Shakespeare ng aming
unibersidad dahil sa
angking talino sa
larangan ng literatura.
PAGTANGGI O
LITOTES
Gumagamit ito ng
salitang hindi o ‘di upang
magpahayag ng hindi
pagsang-ayon sa
sinasabi.
PAGTANGGI O
LITOTES
Hindi sa
pinangungunahan kita,
pero malaki ka na, sana
nama'y tigilan mo na ang
pagbabarkada.

Tayutay