Ang suliraning teritoryal ay nagaganap kapag mayroong dalawa o higit pang bansa na umaangkin sa iisang lupain o katawang tubig, gaya ng Spratly Islands na pinag-aagawan dahil sa likas na yaman at estratehiyang halaga nito. Ang mga dahilan ng ganitong pag-aagawan ay maaaring maiuri sa materyal at simboliko, na may kinalaman sa kasaganaan sa yaman at kasaysayan ng estado. Ang mga halimbawang global na suliranin sa teritoryo ay kinabibilangan ng pag-angkin ng Russia sa Crimea at ang isyu ng Kashmir sa pagitan ng India at Pakistan.