Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata
1.
2. Minsan, may isang batang makulit na mahilig
manghuli ng kung anu-anong hayop sa kakahuyan.
Isang araw, umuwe ng marungis si Momoy
habang dala-dala ang ilang uri ng hayop.
May dala siya sa kaliwa niyang kamay na isang
dambuhalang garapon na may lamang palaka, at
sakanyang kanang kamay, dala naman niya ang isang
dambuhalang bayawak.
Pinaglaruan niya ang mga palaka at bayawak ang
kanilang nagging hapunan.
3. Matagal nang pinagsasabihan si Momoy na tigilan na
ang panghuhuli ng mga hayop kasi hindi yun ang dapat
niyang pinagaaksayahan ng panahon, kundi ang
kanyang pag-aaral.
Pero itong si momoy, may katigasan ang ulo kaya
marahil nangyari ang isang pamabihirang pangyayari
sa kanyang buhay.
4. Isang araw nakalubog sa sapa si Momoy habang
naghahanap ng kanilang magiging hapunan ,
naghahanap siya ng mga suso.
Napakadaming suso sa sapa at may isang suso na
maganda at kumikinang sa ilalim ng araw kaya nang
makita ni Momoy ang susong iyon , kinuha niya ito.
Pagkakuha niya, biglang may sumigaw!
AAaaaarrrraaayyyy!!!
“Wala naming tao dito! mumo! mama! mumo!”
Sabi ni Momoy.
Pagbukas ni Momoy sa kamay niya, nagulat siya sa
nahui niyang suso.
“Aaaahhh ! nagsasalita yung suso!”
5. Lalo pang nagulat si Momoy nang Makita niyang may
maliit na babaeng nakasakay sa suso,
at ang sabi sa kanya,
“pakawalan mo ako ngayun dn, pakawalan mo ako
salbaheng bata!”
Pero hindi ito pinakawalan ni Momoy,
Kinuha ni Momoy ang dambuhalang garapon niya, at
nilagay niya ang suso na may maliit na babae at
pinaglaruan ito.
“Ang ganda ng laruan ko, susong may babae”
6. Nang tinignan niya ang garapon, parang wala ng buhay
ang maliit na babae sa suso kaya ang ginawa niya tinaktak
niya ang garapon
“hala, patay ka na? gising ka muna, laro pa tayo, huwag ka
mung mamatay!”
Nagulat si Momoy nang biglang lumipad ang maliit na
babae,
at sinabi ng diwata,
“hindi mo ba alam na akoy isang diwata, dahil sa ginawa
mo paparusahan kita!”
“sorry! hindi ko naman alam na diwata ka!”
Sabi naman ni Momoy.
7. Pero wala nang nagawa si momoy dahil lumipad na
papalayo ang diwata.
Habang pauwi na si Momoy sinabi niya sa sarili,
“hala, anong gagawin ko,lagot ako sa diwata,
paparusahan daw niya ako.”
Tapos biglang nagulat si Momoy dahil may
nakasalubong siyang dragon!
Tinatakot si momoy ng dragon, at tumakbo nang
tumakbo si Momoy,
Papalapit na nang papalapit ang dragon kay Momoy
at pagkalapit ng dragon sakanya, sinabi ni momoy na,
8. “huwag mo akong kakain! marami pa akong pangarap
dragon”
Biglang tumahimik ang dragon.
Pagdilat ni Momoy, nakita niyang nakatabi lang sa kanya
ang dragon at muling gumana ang malikot na isip ni Momoy
at sumakay sa dragon,
sabi ni Momoy,
“ang taas mo naman dragon, ang tigas pa ng balat mo!
Nang makaskay na si momoy sa dragon sinabi niya dito na,
“lipad tayo dragon! laro tayo dragon!”
9. At inilipad siya ng dragon at lumipad ng mataas na
mataas ang dragon hanggang sa mahawakan ni Momoy
ang mga ulap sa kalangitan.
Nang kinagabihan na, at pagod na si Momoy at ang
dragon bumaba na sila sa kakahuyan at bumaba na rin si
Momoy sa dragon,
Nagpaalam ang dragon kay Momoy at lumipad na
papalayo sakanya,
at ang sabi ni Momoy,
“Paalam kaibigang dragon !pinasxaya mo ako, hanggang
sa muli nating pagkikita, lipad tayo ulit ha!”