Si Don Pedro at ang
Puno ng Piedras Platas
Nang sa haring mapakinggan
Ang hatol na kagamutan
Kapagdaka’y inutusan
Ang anak niyang panganay
Si Don Pedro’y tumalima
Sa utos ng haring ama,
Iginayak kapagdaka
Kabayong sinakyan niya
Yumao nang nasa hagap
Kabundukan ay matahak
Kahit siya mapahamak
Makuha lamang ang lunas
Mahigit na tatlong buwang
Binagtas ang kaparangan
hirap ay di ano lamang
Sa hinaba ng nalakbay
Isang landas ang nakita
Mataas na pasalunga
Inakyat ng buong sigla
Katawan man ay pata na
Sa masamang kapalaran
Hindi sukat na asahan
Nang sumapit sa ibabaw
Kabayo niya’y namatay
Di ano ang gagawin pa’y
Wala nang masakyan siya;
Dala-dalaha’y kinuha’t
Sa bundok ay naglakad na
Sa masamang kapalaran
Ang prinsipe’y nakatagal,
Narating ding mahinusay
Ang Tabor na kabundukan
May namasdang punong kahoy
Mga sanga’y mayamungmong
Sa nagtubing naroroo’y
Bukod-tangi yaong dahon
Magaganda’t kumikinang
Diyamante ang kabagay
Pag hinahagkan ng araw
Sa mata’y nakasisilaw
Sa kanyang pagkabighani
sa sarili ay niyaring
Doon na munang lumagi
Nang ang pagod ay mapawi
Habang siya’y naglilibang
Biglang nasok sa isipang
Baka yaon na ang bahay
Ng Adarnang kanyang pakay
Takipsilim ng sumapit
sa itaas ay namasid

Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras.pptx