Ang sektor ng paglilingkod ay nagbibigay ng mga serbisyo gamit ang kakayahan at kaalaman ng tao, na may mahalagang papel sa ekonomiya. Sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya, ang mga propesyunal at dalubhasa pa rin ang pangunahing kailangan upang matugunan ang lumalalang mga suliranin at pangangailangan ng lipunan. Sa kasalukuyan, ang sektor ng paglilingkod ay may malaking kontribusyon sa gross domestic product na umabot ng 44.3%, kumpara sa agrikultura na 17.8%.