Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Sarsuwela
Aspekto ng Pandiwa
8
Tuklasin
Alam mo ba na si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay
itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na director at manunulat ng
dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot
Upang lumawak pa ang inyong kaalaman sa tungkol sa sarsuwela, kailangan
mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan nito.
Ang Kaligirang Kasaysayan ng Sarsuwela
Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang may kantahan at sayawan, na
mayroong isa hanggang limang kabanata at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino
na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang
sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela
sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan kaya lamang ang ibang
linya ay kadalasang kinakanta at patulaang dayalogo nito. (https://tl.m.wikipedia.org)
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Kastila ay
namumulaklak noong panahon ng Amerikano sa pamamayani nina; Severino Reyes
na kilala sa tawag na Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Juan Abad sa
kaniyang” Tanikalang Ginto”, at ang rebolusyonaryong paksa ng dula ni Aurelio
Tolentino na “Kahapon, Ngayon at Bukas”. Sa panahon ng Amerikano, ang diwang
makabayan ang naging paksa ng dula. Bahaging-bahagi ng rebelyon ng mga
manunulat ng mga panahong ito.
Pinakalayunin ng sarsuwela ay itanghal sa entablado. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang
tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na tinatawag
na iskrip. Ang iskrip ang pinakaluluwa ng dula. (Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang
Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippine. Book Media Press, Inc.)
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.
A. Bakit kinagigiliwan ng mga Pilipino ang sarsuwela sa panahon ng mga
Amerikano?
___________________________________________________________________
B. Sa palagay mo, bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?
___________________________________________________________________
Modyul 3
Ikalawang
Markahan
Aralin 3:
Sarsuwela: Walang Sugat
Wika: Aspekto ng Pandiwa
(Ikatlong Linggo)
Suriin
Sa bahaging ito, babasahin mo ang isang sarsuwela. Kailangan na
unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.Handa ka na ba?
Walang Sugat
Severino Reyes (1898)
buod batay sa Pineda (1979)
(Panitikang Pilipino- Modyul para sa Mag-aaral)
Unang Yugto
1 Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teñong. Magkakayayaang
magpakasal ang dalawa.
2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam
ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si
Juana.
3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura.
Tinatawag silang filibustero at mason. May hindi na makakain sa dinanas na
hirap. May namatay na.
4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teñong, na ibig Makita ang asawang
Kapitan Inggo, bugbog na sa palo.
5 Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng
ina. Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi
dapat hagkan.”
6 Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap.
Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya Si Teñong ng mga kasama
na magsikuha ng mga baril at gulok. Makikiusap si Julia na huwag ituloy ni
Teñong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binate. Sasalakayin pa rin nina
Teñong ang mga kura.
Ikalawang Yugto
7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.
8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal
ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong.
Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas.
9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng
dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.
10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.
Ikatlong Yugto
11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang
liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng
dalaga. Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
13 Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.
14 Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay
Lucas na tumakas upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung
nasaan na sina Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal
o magpatiwakal.
15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si
Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang
dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
16 Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na
sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga
Katipunero ang pari para makapangumpisal si Teñong.
17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong . May huling kahilingan ang
binate—na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay
pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandal na lamang at puwede na
uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si Miguel.
18 Ikinasal sina Teñong at Julia. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at …
”Walang sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw. Gawa-gawa
lamang ng Heneral at ni Teñong ang buong eksena. (Enrijo, Willita A., et.
Al.Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippines, Book Media Press
Inc.)
Wakas
Pagyamanin
Gawain 2
Panuto: Batay sa iyong nabasa, sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang
sagot sa kahong inilaan.
1. Para kanino ang binurdahang panyo ni Julia?
2. Bakit nagmadaling nagpaalam ang binata sa dalaga?
3. Ano ang ikinamatay ni Kapitan Inggo?
4. Sino ang ipinagkasundo ni Aling Juana para kay Julia?
5. Paano ipinaaalam ni Julia kay Teñong ang pagpapakasal niya kay Miguel?
6. Ano ang naisipang plano ni Teñong para makapunta siya sa kasal ni Julia at
Miguel?
7. Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda?
8. Ilahad ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang
Sugat?
9. Sa palagay mo, tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa
isang lalaking mayaman? Pangtwiranan ang sagot. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia,
papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?
10. Kung ikaw si Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?
Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay nagsasabi ng
kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang nagtutulak ng pag-usad ng
salaysay.
May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa
nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o
ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May tatlong aspekto ng pandiwa: aspektong
perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at
natapos na; aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na
ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; at aspektong
kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan ang kilos.
Tingnan ang halimbawa:
Ang pandiwang manliligaw ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan kung
kaya ito’y aspektong kontemplatibo.
(Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippine. Book Media
Press, Inc.)
11. Ilarawan kung ano ang sitwasyon ng mga Pilipino noon. Ito ba’y nangyayari sa ngayon?
Patunayan.
12. Sa tingin mo, mabuti ba ang magtanim ng galit si Teñong sa mga pari?
Ipaliwanag.
Isaisip
Ang nasa ibaba ay mula ang ikalawang bahagi ng sarsuwela na “Walang
Sugat”. Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita. Ang mga sumusunod na
salitang may salungguhit ay ang tinatawag na pandiwa.
7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.
8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal
ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong.
Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas
9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng
dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.
10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.
Halimbawa;
Pandiwa Aspekto
manliligaw kontemplatibo
nag-usap perpektibo
pagpapakasal kontemplatibo
magpapadala kontemplatibo
maghihimagsik kontemplatibo
matatagpuan kontemplatibo
ibibigay kontemplatibo
isinasaad imperpektibo
Gawain 3
Piliin ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ano ang aspekto
nito sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/). Isulat sa talahanayan nasa ibaba ang
iyong sagot.
1. May isang babaeng naglalakad mag-isa sa palayan.
2. Nag-araro sa kanyang sakahan ang ama ng aking kaklase.
3. Mahimbing natutulog ang aking kapatid.
4. Mabahang panahon ang ginugol ni Pet para sa ambisyon sa buhay.
5. Maaga siyang umuwi para matulungan pa niya ang nanay sa gawaing bahay.
6. Papasyalan nina Maria ang Boracay.
7. Pagsasabihan niya ang anak sa mali niyang gawain.
8. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas kaya sikat siya sa aming baryo.
9. Masama ang magmamaktol sa mga nakatatanda sa iyo.
10. Pinakiusapan na kita ngunit ayaw mo.
Pandiwa
Aspekto ng Pandiwa
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Isagawa
Gawain 4
Panuto: Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay
ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng
pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa
pagsasalaysay. Sundin ang krayterya.
1
KaragdagangGawain
Gawain 5
Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba ng dula at sarsuwela gamit ang Venn
Diagram.
.
Pagkakaiba,Pagkakatulad,Pagkakaiba
Susi
ng
Kasagutan
Modyul
3
Gawain
1
1.
Isang
mabisang
kasangkapan
sa
pagpapahayag
ng
isipan
at
damdaming
makabayan.
Isinisigaw
nito
ang
pagmamahal
sa
bayan
at
paghihimagsik
laban
sa
mga
mananakop.
2.
Sapagkat
ito
ang
nagsisilbing
pagkakakilanlan
nating
mga
Pilipino.
Gawain
2
1.
Teñong
2.
Hinuli
ang
kanyang
ama.
3.
sobrang
palo
na
dinanas
4.
Miguel
5.
sa
pamamagitan
ng
sulat
na
ipinadala
niya
kay
Teñong
sa
tulong
ni
Lucas
6.
Pumunta
sa
simbahan
na
sugatan
upang
mapaniwala
ang
mga
tao
roon.
7.
Ang
damdaming
namayani
sa
akda
ay
malungkot
sapagkat
sunod-sunod
ang
dagok
na
dumating
sa
pangunahing
tauhan
na
si
Teñong
ngunit
ganun
pa
man
ay
nagtagumpay
siya
sa
huli
dahil
madiskarte
siya
sa
buhay.
8.
Ang
kuturang
masasalamin
sa
akda
ay
ang
pagiging
metatag
ng
mga
Pilipino
na
kahit
anumang
mga
pagsubok
ang
darating
ay
kayang
lusutan
nang
nakangiti.
9.
Hindi,
sapagkat
dapat
igalang
ng
aking
ina
ang
aking
pasya
na
si
Teñong
ang
aking
mahal
at
hindi
si
Miguel.
10.
Oo,
dahil
ito
ang
dahilan
ng
paghihirap
at
tuluyang
pagkamatay
ng
kanyang
ama
na
isang
mabuting
tao.
Gawain
3
Pandiwa
Aspekto
ng
Pandiwa
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
naglalakad
/
nag-araro
/
natutulog
/
ginugol
/
umuwi
/
matulungan
/
papasyalan
/
pagsasabihan
/
nag-aral
/
magmamaktol
/
pinakiusapan
/
Gawain
4
Nasa
guro
ang
pamantayan
sa
bahaging
ito.
Gawain
5
Depende
sa
pagwawasto
ng
guro
2
MODULE 3
IKALAWANG MARKAHAN
SUMMATIVE TEST
NOTE: Kumuha ng sagutang papel (Yellow Paper/ Intermediate Paper) para sa iyong kasagutan.
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong sagutang papel.
1. Siya ang itinuturing na Ama ng Sarsuwela.
a. Aurelio Tolentino b. Lola Basyang c. Severino Reyes d. Juan Abad
2. Ito ang palayaw o bansag na ibinigay sa ama ng sarsuwela.
a. Aurelio Tolentino b. Lola Basyang c. Severino Reyes d. Juan Abad
3. Isang anyo ng dulang may kantahan at sayawan at itinatanghal sa entablado.
a. drama b. dula-dulaan c. sarsuwela d. tula
4. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula
a. banghay b. tauhan c. tagpuan d. iskrip
5. Akdang isinulat ni Aurelio Toentino.
a. Walang Sugat b. Pusong Ligaw c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Tanikalang Ginto
6. Akdang isinulat ni Juan Abad.
a. Walang Sugat b. Pusong Ligaw c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Tanikalang Ginto
7. Akdang isinulat ni Severino Reyes.
a. Walang Sugat b. Pusong Ligaw c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Tanikalang Ginto
8. Panahon kung kailan mas nakilala at umusbong ang sarsuwela sa bansang Pilipinas.
a. Amerikano b. Kastila c. Hapon d. Tsino
9. Ito ang naka-impluwensya sa mga Pilipino upang tangkilikin ang sarsuwela sa sariling bansa.
a. Amerikano b. Kastila c. Hapon d. Tsino
10. Ang pahayagang itinatag noong 1923 kung saan si Reyes ang naging unang patnugot.
a. Liwanag b. La Solidaridad c. Liwayway d. Bandera
11. Tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos.
a. Pangngalan b. Panghalip c. Pandiwa d. Pang-uri
12. Aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay tapos na.
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Komunikatibo
13. Aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay hindi nasisimulang gawin o gagawin pa lamang.
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Komunikatibo
14. Aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay kasalukuyang ginagawa.
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Komunikatibo
15-17. Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa.
18-20. Ipaliwanag: “Bakit mahalagang matutunan ang tungkol sa sarsuwela? Ano ang iyong mga
natutunan tungkol ditto?”
B. Panuto: Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang sumusunod na mga salita.
(Perpektibo, Imperpektibo at Kontemplatibo)
____________21. sinampal ___________26. kumakanta
____________22. aalis ___________27. sumasayaw
____________23 umiiyak ___________28. sumakay
____________24. umiinom ___________29. kukunin
____________25. tatanungin ___________30. tinapon
3
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan del Sur
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Operating Unit (Empowered School)
Website.asnhs.webs.com
School I.D.: 304703
Filipino 8
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
IKALAWANG MARKAHAN
MODULE 3
DAY &
TIME
LEARNING
AREAS
LEARNING
COMPETENCY
LEARNING TASKS MODE OF
DELIVERY
Lunch Break
Tuesday
1:00 pm –
3:00 pm
Filipino 8
(Panitikang
Pilipino)
.
F8PU-IIe-f-26
Nasusuri nang
pasulat ang
papel na
ginagampanan
ng sarsuwela sa
pagpapataas ng
kamalayan ng
mga Pilipino sa
kultura ng iba’t
ibang rehiyon
sa bansa
F8PS-IIg-h-28
Naipaliliwanag
nang maayos
ang pansariling
kaisipan,
pananaw,
opinyon at
saloobin
kaugnay ng
akdang
tinalakay
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng sarsuwela at ang kahulugan nito.
Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Suriin
Panuto: Sa bahaging ito, babasahin mo ang isang sarsuwela. Kailangan
na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Pagyamanin - Gawain 3
Panuto: Batay sa iyong nabasa, sagutin ang sumusunod na katanungan
at isulat ang sagot sa kahong inilaan.
Isaisip
Panuto: Basahin at unawain ang tungkol sa aspekto ng pandiwa at ang
mga kahulugan nito. Ang nasa ibaba ay mula ang ikalawang bahagi ng
sarsuwela na “Walang Sugat”. Tingnan ang mga nakasalungguhit na
salita. Ang mga sumusunod na salitang may salungguhit ay ang
tinatawag na pandiwa.
Gawain 4
Panuto: Piliin ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap at tukuyin
kung ano ang aspekto nito sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/).
Isulat sa talahanayan nasa ibaba ang iyong sagot.
Isagawa - Gawain 5
Panuto: Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa
iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang
simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang
mga pandiwang ginamit sa pagsasalaysay. Isulat sa espayong inilaan
ang gagawing pagsasalaysay. Sundin ang krayterya.
Karagdagang Gawain
Gawain 7
Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba ng dula at sarsuwela gamit
Venn Diagram.
• Modular
(Send by
Barangay)
• Digitized
(Messenger
and Email
4
5
Q2-SLM3-W3-FILIPINO.pdf learning activity sheets

Q2-SLM3-W3-FILIPINO.pdf learning activity sheets

  • 1.
    Filipino 8 Ikalawang Markahan– Modyul 3: Sarsuwela Aspekto ng Pandiwa 8
  • 2.
    Tuklasin Alam mo bana si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na director at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot Upang lumawak pa ang inyong kaalaman sa tungkol sa sarsuwela, kailangan mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan nito. Ang Kaligirang Kasaysayan ng Sarsuwela Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan kaya lamang ang ibang linya ay kadalasang kinakanta at patulaang dayalogo nito. (https://tl.m.wikipedia.org) Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Kastila ay namumulaklak noong panahon ng Amerikano sa pamamayani nina; Severino Reyes na kilala sa tawag na Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Juan Abad sa kaniyang” Tanikalang Ginto”, at ang rebolusyonaryong paksa ng dula ni Aurelio Tolentino na “Kahapon, Ngayon at Bukas”. Sa panahon ng Amerikano, ang diwang makabayan ang naging paksa ng dula. Bahaging-bahagi ng rebelyon ng mga manunulat ng mga panahong ito. Pinakalayunin ng sarsuwela ay itanghal sa entablado. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ang pinakaluluwa ng dula. (Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippine. Book Media Press, Inc.) Gawain 1 Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot. A. Bakit kinagigiliwan ng mga Pilipino ang sarsuwela sa panahon ng mga Amerikano? ___________________________________________________________________ B. Sa palagay mo, bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela? ___________________________________________________________________ Modyul 3 Ikalawang Markahan Aralin 3: Sarsuwela: Walang Sugat Wika: Aspekto ng Pandiwa (Ikatlong Linggo)
  • 3.
    Suriin Sa bahaging ito,babasahin mo ang isang sarsuwela. Kailangan na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.Handa ka na ba? Walang Sugat Severino Reyes (1898) buod batay sa Pineda (1979) (Panitikang Pilipino- Modyul para sa Mag-aaral) Unang Yugto 1 Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teñong. Magkakayayaang magpakasal ang dalawa. 2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si Juana. 3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura. Tinatawag silang filibustero at mason. May hindi na makakain sa dinanas na hirap. May namatay na. 4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teñong, na ibig Makita ang asawang Kapitan Inggo, bugbog na sa palo. 5 Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng ina. Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan.” 6 Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap. Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya Si Teñong ng mga kasama na magsikuha ng mga baril at gulok. Makikiusap si Julia na huwag ituloy ni Teñong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binate. Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura. Ikalawang Yugto 7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak. 8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas. 9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel. 10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Maghahandang lumaban ang mga Katipunero. Ikatlong Yugto 11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. 12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng dalaga. Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina. 13 Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana. 14 Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas na tumakas upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sina Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal. 15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
  • 4.
    16 Sa simbahan,ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Teñong. 17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong . May huling kahilingan ang binate—na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandal na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si Miguel. 18 Ikinasal sina Teñong at Julia. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at … ”Walang sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Teñong ang buong eksena. (Enrijo, Willita A., et. Al.Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippines, Book Media Press Inc.) Wakas Pagyamanin Gawain 2 Panuto: Batay sa iyong nabasa, sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa kahong inilaan. 1. Para kanino ang binurdahang panyo ni Julia? 2. Bakit nagmadaling nagpaalam ang binata sa dalaga? 3. Ano ang ikinamatay ni Kapitan Inggo? 4. Sino ang ipinagkasundo ni Aling Juana para kay Julia? 5. Paano ipinaaalam ni Julia kay Teñong ang pagpapakasal niya kay Miguel? 6. Ano ang naisipang plano ni Teñong para makapunta siya sa kasal ni Julia at Miguel? 7. Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda? 8. Ilahad ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat? 9. Sa palagay mo, tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman? Pangtwiranan ang sagot. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit? 10. Kung ikaw si Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?
  • 5.
    Ang mga nakasalungguhitna salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay nagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang nagtutulak ng pag-usad ng salaysay. May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May tatlong aspekto ng pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; at aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan ang kilos. Tingnan ang halimbawa: Ang pandiwang manliligaw ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan kung kaya ito’y aspektong kontemplatibo. (Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippine. Book Media Press, Inc.) 11. Ilarawan kung ano ang sitwasyon ng mga Pilipino noon. Ito ba’y nangyayari sa ngayon? Patunayan. 12. Sa tingin mo, mabuti ba ang magtanim ng galit si Teñong sa mga pari? Ipaliwanag. Isaisip Ang nasa ibaba ay mula ang ikalawang bahagi ng sarsuwela na “Walang Sugat”. Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita. Ang mga sumusunod na salitang may salungguhit ay ang tinatawag na pandiwa. 7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak. 8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas 9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel. 10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Maghahandang lumaban ang mga Katipunero. Halimbawa; Pandiwa Aspekto manliligaw kontemplatibo nag-usap perpektibo pagpapakasal kontemplatibo
  • 6.
    magpapadala kontemplatibo maghihimagsik kontemplatibo matatagpuankontemplatibo ibibigay kontemplatibo isinasaad imperpektibo Gawain 3 Piliin ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ano ang aspekto nito sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/). Isulat sa talahanayan nasa ibaba ang iyong sagot. 1. May isang babaeng naglalakad mag-isa sa palayan. 2. Nag-araro sa kanyang sakahan ang ama ng aking kaklase. 3. Mahimbing natutulog ang aking kapatid. 4. Mabahang panahon ang ginugol ni Pet para sa ambisyon sa buhay. 5. Maaga siyang umuwi para matulungan pa niya ang nanay sa gawaing bahay. 6. Papasyalan nina Maria ang Boracay. 7. Pagsasabihan niya ang anak sa mali niyang gawain. 8. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas kaya sikat siya sa aming baryo. 9. Masama ang magmamaktol sa mga nakatatanda sa iyo. 10. Pinakiusapan na kita ngunit ayaw mo. Pandiwa Aspekto ng Pandiwa Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Isagawa Gawain 4 Panuto: Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa pagsasalaysay. Sundin ang krayterya.
  • 7.
    1 KaragdagangGawain Gawain 5 Panuto: Paghambinginang pagkakaiba ng dula at sarsuwela gamit ang Venn Diagram. . Pagkakaiba,Pagkakatulad,Pagkakaiba Susi ng Kasagutan Modyul 3 Gawain 1 1. Isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipan at damdaming makabayan. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop. 2. Sapagkat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Gawain 2 1. Teñong 2. Hinuli ang kanyang ama. 3. sobrang palo na dinanas 4. Miguel 5. sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya kay Teñong sa tulong ni Lucas 6. Pumunta sa simbahan na sugatan upang mapaniwala ang mga tao roon. 7. Ang damdaming namayani sa akda ay malungkot sapagkat sunod-sunod ang dagok na dumating sa pangunahing tauhan na si Teñong ngunit ganun pa man ay nagtagumpay siya sa huli dahil madiskarte siya sa buhay. 8. Ang kuturang masasalamin sa akda ay ang pagiging metatag ng mga Pilipino na kahit anumang mga pagsubok ang darating ay kayang lusutan nang nakangiti. 9. Hindi, sapagkat dapat igalang ng aking ina ang aking pasya na si Teñong ang aking mahal at hindi si Miguel. 10. Oo, dahil ito ang dahilan ng paghihirap at tuluyang pagkamatay ng kanyang ama na isang mabuting tao. Gawain 3 Pandiwa Aspekto ng Pandiwa Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo naglalakad / nag-araro / natutulog / ginugol / umuwi / matulungan / papasyalan / pagsasabihan / nag-aral / magmamaktol / pinakiusapan / Gawain 4 Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito. Gawain 5 Depende sa pagwawasto ng guro
  • 8.
    2 MODULE 3 IKALAWANG MARKAHAN SUMMATIVETEST NOTE: Kumuha ng sagutang papel (Yellow Paper/ Intermediate Paper) para sa iyong kasagutan. A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong sagutang papel. 1. Siya ang itinuturing na Ama ng Sarsuwela. a. Aurelio Tolentino b. Lola Basyang c. Severino Reyes d. Juan Abad 2. Ito ang palayaw o bansag na ibinigay sa ama ng sarsuwela. a. Aurelio Tolentino b. Lola Basyang c. Severino Reyes d. Juan Abad 3. Isang anyo ng dulang may kantahan at sayawan at itinatanghal sa entablado. a. drama b. dula-dulaan c. sarsuwela d. tula 4. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula a. banghay b. tauhan c. tagpuan d. iskrip 5. Akdang isinulat ni Aurelio Toentino. a. Walang Sugat b. Pusong Ligaw c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Tanikalang Ginto 6. Akdang isinulat ni Juan Abad. a. Walang Sugat b. Pusong Ligaw c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Tanikalang Ginto 7. Akdang isinulat ni Severino Reyes. a. Walang Sugat b. Pusong Ligaw c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Tanikalang Ginto 8. Panahon kung kailan mas nakilala at umusbong ang sarsuwela sa bansang Pilipinas. a. Amerikano b. Kastila c. Hapon d. Tsino 9. Ito ang naka-impluwensya sa mga Pilipino upang tangkilikin ang sarsuwela sa sariling bansa. a. Amerikano b. Kastila c. Hapon d. Tsino 10. Ang pahayagang itinatag noong 1923 kung saan si Reyes ang naging unang patnugot. a. Liwanag b. La Solidaridad c. Liwayway d. Bandera 11. Tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos. a. Pangngalan b. Panghalip c. Pandiwa d. Pang-uri 12. Aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay tapos na. a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Komunikatibo 13. Aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay hindi nasisimulang gawin o gagawin pa lamang. a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Komunikatibo 14. Aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay kasalukuyang ginagawa. a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Komunikatibo 15-17. Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa. 18-20. Ipaliwanag: “Bakit mahalagang matutunan ang tungkol sa sarsuwela? Ano ang iyong mga natutunan tungkol ditto?” B. Panuto: Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang sumusunod na mga salita. (Perpektibo, Imperpektibo at Kontemplatibo) ____________21. sinampal ___________26. kumakanta ____________22. aalis ___________27. sumasayaw ____________23 umiiyak ___________28. sumakay ____________24. umiinom ___________29. kukunin ____________25. tatanungin ___________30. tinapon
  • 9.
    3 Republic of thePhilippines Department of Education Caraga Administrative Region Division of Agusan del Sur AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL Operating Unit (Empowered School) Website.asnhs.webs.com School I.D.: 304703 Filipino 8 WEEKLY HOME LEARNING PLAN IKALAWANG MARKAHAN MODULE 3 DAY & TIME LEARNING AREAS LEARNING COMPETENCY LEARNING TASKS MODE OF DELIVERY Lunch Break Tuesday 1:00 pm – 3:00 pm Filipino 8 (Panitikang Pilipino) . F8PU-IIe-f-26 Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa F8PS-IIg-h-28 Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay Tuklasin Panuto: Basahin at unawain ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng sarsuwela at ang kahulugan nito. Gawain 2 Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot. Suriin Panuto: Sa bahaging ito, babasahin mo ang isang sarsuwela. Kailangan na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain. Pagyamanin - Gawain 3 Panuto: Batay sa iyong nabasa, sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa kahong inilaan. Isaisip Panuto: Basahin at unawain ang tungkol sa aspekto ng pandiwa at ang mga kahulugan nito. Ang nasa ibaba ay mula ang ikalawang bahagi ng sarsuwela na “Walang Sugat”. Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita. Ang mga sumusunod na salitang may salungguhit ay ang tinatawag na pandiwa. Gawain 4 Panuto: Piliin ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ano ang aspekto nito sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/). Isulat sa talahanayan nasa ibaba ang iyong sagot. Isagawa - Gawain 5 Panuto: Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa pagsasalaysay. Isulat sa espayong inilaan ang gagawing pagsasalaysay. Sundin ang krayterya. Karagdagang Gawain Gawain 7 Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba ng dula at sarsuwela gamit Venn Diagram. • Modular (Send by Barangay) • Digitized (Messenger and Email
  • 10.
  • 11.