Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8titserRex
Ito po ay ginawa upang maging source ng mga mag-aaral at guro. layunin nito mas mapdali a ng paghahanap ng impormasyon patunkol sa paska na nabangit.
Ang nilalaman nito ay mula sa Padayo: Kasayasayan ng daigdig. at binibigyan pagkilala din ang mga may ari ng larawan na ginamit. salamat!
Please share and follow my account for more PPT about Social Science/Social Studies.
Thank you!
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Ebolusyong Kultural ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang yugto ng Ebolusyong Kultural ng Asya.
Ang Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Daigdig - Kasaysayan ng Daigdig Grade 8titserRex
Ito po ay ginawa upang maging source ng mga mag-aaral at guro. layunin nito mas mapdali a ng paghahanap ng impormasyon patunkol sa paska na nabangit.
Ang nilalaman nito ay mula sa Padayo: Kasayasayan ng daigdig. at binibigyan pagkilala din ang mga may ari ng larawan na ginamit. salamat!
Please share and follow my account for more PPT about Social Science/Social Studies.
Thank you!
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Ebolusyong Kultural ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang yugto ng Ebolusyong Kultural ng Asya.
1. Alamin Mo...
Ang prehistory ay panahon sa kasayasayan
kung saan hindi pa naiimbento ang
pagsusulat. Kabilang sa mahahalagang
pagbabagong naganap sa panahong ito ay ang
paglinang sa kultura. Ang kultura ay paraan
ng pamumuhay ng isang pangkat na naipapasa
sa bawat henerasyon. Kabilang sa kultura ang
2. pag-uugali, mga material na bagay, ideya,
institusyon, wika, sining, imbensyon at mga
paniniwala.
Sa pag-aaral ng mga arkeologo sa kultura ng
sinaunang tao sa panahong prehistoriko,
nagawa nilang matuklasan ang mga
kagamitang gawa sa bato. Kaugnay nito,
tinawag nila ang bahaging ito ng kasaysayan
3. na Stone Age (Panahon ng Bato). Ang Stone
Age ay tumutukoy sa panahon ng pag-unlad ng
tao kung saan bato ang ginamit upang
makabuo ng mga kagamitan. Ang Stone Age
ay nahati sa dalawang yugto, ang Paleolithic
Age (Old Stone Age) kung saan ang tao ay
nangalap ng pagkain at nangaso, at ang
Neolithic Age (New Stone Age) kung saan
nagsimula at lumaganap ang kultura.
4. PALEOLITHIC AGE
Nagsimula ang Paleolithic Age o Old Stone
Age nang matutuhan ng tao ang paggamit ng
mga kagamitang yari sa bato. Ito ang
pinakaunang yugto sa pag-unlad sa
pamumuhay ng tao at ang pinakamahabang
yugto sa kasaysayan ng tao na nahati pa sa
5. tatlong bahagi – ang Lower Paleolithic, Middle
Paleolithic, at Upper Paleolithic.
Lower Paleolithic – sumibol sa yugtong ito
ang iba’t-iabng species ng Homo kung saan
mayroong pagbabago sa laki ng utak at
pangangatawan. Nagsimula sa Lower
Paleolithic ang ebolusyon ng unang species ng
tao, ang Homo habilis at nagwakas sa
6. ebolusyon ng homo sapiens na may malaking
pagkakatulad sa kasalukuyang tao.
7. Middle Paleolithic – natutuhan ng tao na
mamuhay sa maliliit na pangkat upang
magtulungan sa paghahanap ng pagkain at
pangangaso. Mas naging maunlad ang
paggawa sa mga kagamitang bato. Nakagawa
sila ng matutulis na bato gaya ng patalim sa
sibat na nakatulong sa kanila upang makakuha
ng karagdagang pagkain.
8. Upper Paleolithic – gumawa sila ng mga
pansamantalang tirahan na tinawag na pit
house. Natutuhan ang paggamit ng mga salita
sa pakikipagtalastasan, at pagkakaroon ng
mga ritwal. Nakagawa rin sila ng mga ambag
sa larangan ng sining gaya ng sandata at
kagamitan na may dekorasyon, at mga
palamuti sa katawan na gawa sa sungay,
buto, at ivory.
9. Neolithic Age
Nang magsimula ang agrikultura,
nagkaroon ng surplus na pagkain at binago
nito ang paraan ng pamumuhay ng tao.
Natutuhan ang pag-aalaga ng mga hayop.
Upang magkaroon ng imbakan ang mga butil
at pagkain, nakagawa ang mga magsasaka ng
mga palayok at iba pang sisidlan. Nagkaroon
10. rin ng kalakalan ng pagkain sa anyong barter.
Nakagawa rin ng mga tahanan na yari sa bato,
kahoy, at ladrilyo.
Sa paglago ng mga komunidad, hinarap ng
mga tao ang hamon ng pakikitungo sa isa’t-isa
at iba pang mahalagang bagay gaya ng
pakikipagkalakalan, pag-aari ng lupain at
11. pananim pati na rin ang paggawa ng mga
irigasyon at pagtatayo ng templo.
PANAHON NG METAL
Unti-unting napalitan ang kagamitang bato
ng mga kagamitan na gawa sa metal.
Copper Age (Panahon ng Tanso) – ang unang
meta na ginamit ng tao ay ang copper
(tanso). Ang tanso ay malambot na uri ng
12. metal. Nang maglaon, natuklasang
pagsamahin ang copper (tanso) at tin (lata)
upang mabuo ang mas matigas na uri ng
metal, ang bronze.
Bronze Age (Panahon ng Bronze) – nagsimula
rin dito ang pagkakaroon ng mga ruta at
sentro ng kalakalan. Nagkaroon rin ng
pagbabago sa klima ng mundo. Ang mga tao
13. ay nagsimulang bumuo ng mga lungsod-estado
at nagsimula rin ang pakikipagkalakalan sa
pagitan ng mga komunidad gayon din ang
paggamit ng primitibong pera.
Iron Age (Panahon ng Bakal) – panahon kung
saan nagsimula ang pagmimina, pagpapanday
at pagbuo ng mga kagamitang bakal at asero.
Ang lipunan at unti-unting naging organisado
14. at lumikha ang mga tao ng pamahalaan upang
pamunuan ang isang rehiyon.
SIMULA NG
SIBILISASYON
Nagkaroon ng sibilisasyon dahil sa Urban
Revolution na nagsimula nang matutuhan ng
tao na manirahan sa mga bayan at
15. pamayanan. Nagsimula ang sibilisasyon dahil
sa magandang heograpikal na lokasyon,
surplus na pagkain, pagtaas ng populasyon, at
kultural na salik gaya ng pagkakaroon ng
kaalaman na matugunan ang mga ahmon ng
kapaligiran. Bunga ng mga salik na ito nagawa
ng tao na maimbento ang sibilisasyon. Minsan
ang sibilisasyon at tumutukoy sa “paninirahan
sa mga lungsod.” Sa kasalukuyan ang
16. sibilisasyon ay tumutukoy sa kabuuang pag-
unlad ng sangkatauhan. Ang bawat
sibilisasyon ay may kanya-kanyang katangian,
kabilang dito ay malaking sentrong urban,
mataas na antas ng teknolohiya, mga katangi-
tanging estilo sa arkitektura at sining,
nakasulat na wika, sistema ng pamamahala,
dibisyon at espesyalisasyon sa paggawa, mga
panlipunan at pang-ekonomikong institusyon,