3. “Mahiwaga ang balong iyan,” wika ni Eddie. “Iyan daw ay nagbibigay ng
magagandang kapalaran sa mga humihiling.”
“Siyanga? Paano ang paghiling? Maaari rin ba kaming humiling?” usisa ni
Charito.
” Aba, siyempre naman.” sagot ni Eddie. ”Kumuha kayo ng tigatlong maliliit na
bato. Pumikit kayo, ihulog ang maliliit na bato kasabay ng inyong paghiling.
Nagsikuha sila ng maliliit na bato.
”Ako ang unang hihiling,” sabi ni Annie.
Balong mahiwaga! Balong malalim! Pakinggan mo aking hiling;
Sana sa paglaki ko, maging doktorang ubod-galing upang lahat ng may sakit ay
gumaling.”
Palakpakan ang magkakaibigan.
“Ako naman ang hihiling,” sabi ni Edward.
Balong mahiwaga! Balong malalim! Pakinggan din sana ang aking hiling;
Sana magkaroon din ako ng ganitong looban. Malawak, luntian, at sagana sa
halaman.”
Natanaw ni Eddie ang lola niya. Dala na ang kanilang tanghalian.
Matagal pang mangyari ang mga hiling ninyo.
Ako naman ang inyong pakinggan,sabi ni Eddie. Balong malalim, tubig na
malinaw!
Ang aking hiling ay iyong pakinggan;
Sana kami’y pakalooban ng mainit-init at masarap na masarap na
pananghalian.”
At narinig nila si lola. “O, mga bata, halina kayo,” anyaya ni lola sa mga bata.
“Nakita na ninyo. Ibinigay agad ang hiling ko,” natatawag sabi ni Eddie.
Masayang nagsalu – salo ang lahat sa payak ngunit masarap na pagkain.
4. Pansinin ang mga salitang ginamit sa usapan. Paano binuo
ang mga salita?
sagana mahiwaga
payak malalim
mainit-init hugis-puso
ubod-galing masarap na masarap
Ang mga salitang ito ay naglalarawan din. Basahin ang mga parirala na
ginamit ang mga salitang naglalarawan
sagana sa halaman
payak na pagkain
mainit–init na pagkain
masarap na masarap na pagkain
mahiwagang balon
malalim na balon
hugis-pusong balon
ubod–galing na doktor
5. Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? Narito ang iba
pang halimbawa.
Ang mga salita sa hanay A ay nabibilang sa mga pang-uring
payak. Ito ay binubuo lamang ng salitang-ugat.
A B C D
hinog
likas
berde
bihira
sariwa
makatao
luntian
mahirap
palatawa
kaysaya
manipis-nipis
maliit-liit
tuwang-tuwa
putol-putol
tambak-tambak
hubog-kandila
lakad-pagong
ngiting-aso
boses-ipis
batang-lansangan
Ang mga salita sa hanay B ay maylapi. Binubuo ang mga ito ng
salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa:
maka + tao lunti + an
6. Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? Narito ang iba
pang halimbawa.
Ang mga salita sa hanay C binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit
ng salitang-ugat o buong salita. Ang mga ito ay pang-uring
inuulit.
Halimbawa: malayu-layo ang buti-buti
A B C D
hinog
likas
berde
bihira
sariwa
makatao
luntian
mahirap
palatawa
kaysaya
manipis-nipis
maliit-liit
tuwang-tuwa
putol-putol
tambak-tambak
hubog-kandila
lakad-pagong
ngiting-aso
boses-ipis
batang-lansangan
Ang mga salita sa hanay ay binubuo ng pinagsamang dalawang
salita. Ang mga ito ay pang-uring tambalan.
Halimbawa: halik–Hudas dilang-anghel
patay-gutom buong-puso
7. Ang mga pang-uring panlarawan ay may apat na
kayarian o pagbubuo. Ang mga ito ay:
1. Payak- binubuo ng salitang – ugat
2. Maylapi-nilalagyan ng panlapi ang
salitang -ugat
3. Inuulit-inuulit ang salitang – ugat o
buong salita
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salita
Tandaan
8. Gawin:
Tingnan ang sumusunod na mga salitang naglalarawan. Sabihin
kung ano ang kayarian ng mga ito. Pagkatapos ay gamitin sa
pangungusap ang mga salita.
Halimbawa
malawak – maylapi
Si Gng. Fuentabella ay may malawak na hardin.
1.mayaman
2.payapa
3.masarap- sarap
4.luntian
5.sagana
6.kawali – wili
7.sirang – plaka
8.hinog
9.sariwang – sariwa
10.napakarami
9. B. Basahin ang talata. Itala ang mga pang – uri ayon sa kayarian.
Nangunguna ang Palawan sa mga lalawigan sa bansa
sa pagkakaroon ng pinakamalaking hayop sa Pilipinas.
Sa Palawan matatagpuan ang ibong tabon. Napakalaki
ng itlog nito na mahuhukay sa mga dalampasigan. Higit
na malaki ito sa itlog ng manok at pato. Dito rin
makikita ang mga hayop na walang katulad gaya ng
pilandok, tapiloc, at tandikan.
C. Bumuo ng mga pang – uring maylapi o inuulit mula sa mga
salitang – ugat.
1. laki
2. puno
3. isa
4. itim
5. payat
6. sobra
7. linis
8. bilog
9. lungkot
10. iba
10. A. Isulat sa sagutang papel ang kayarian ng pang-
uring nakasaungguhit sa pangungusap.
______________ 1. Masisipag ang kabataan sa kabilang
ngayon .
______________ 2. Madami-dami din ang dumalo sa
aking kaarawan.
______________ 3. Sagana sa pagkain ang mga bukirin .
______________ 4. Nagkalat ang mga batang-lansangan
sa kalye ngayon.
______________ 5. Payapang pamumuhay ang nais ko.
______________ 6. Usad-pagong ang sasakyan dahil sa
masikip na daloy ng trapiko.
______________ 7. Isang masarap na tanghalian ang
iniluto ni Nanay.
______________ 8. Tuwang – tuwa ang mga bata.
______________ 9. Busog silang lahat.
______________ 10. Masaya silang lahat.
Paunlarin:
Maylapi
Inuulit
Payak
Tambalan
Payak
Tambalan
Maylapi
Inuulit
Payak
Maylapi
11. B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang uri :
C. Isalaysay ang isang pangyayari o naging karanasan mo na may
kaugnayan sa sumusunod. Gamitin ang mga pang – uri
1.malusog
2.malaki-laki
3.tulog manok
4.sari-sari
5.buong puso
6.buong-buo
7.puti
8.sagana
9.sama-sama
10.napakarami
1.pagkaligaw sa isang lugar
2.pagsakay sa eroplano o tren
3.pagkawala ng bag o gamit
4.pagkakita sa isang aksidente sa daan
5.pagkapahiya sa isang handaan