SlideShare a Scribd company logo
1 of 34
“Huwag magplano ng masama laban sa
iyong kapitbahay na sa iyo nagtitiwala.
Huwag makipagtalo sa tao nang walang
dahilan kung wala naman siyang
ginawang masama sa iyo. Karangalan ang
mamanahin ng marurunong at kahihiyan
naman ang mapapala ng mga hangal.”
Ito ay isang kuwento na hango sa banal na
aklat o Bibliya. Ito ay ang katawagan sa
mga kuwento na ginamit ng ating
Panginoon sa kanyang pangangaral. Ito ay
nagmula sa salitang Griyego “parabole” na
ang ibig sabihin ay pagkukumpara.
Ang mga pangunahing tauhan sa mga
parabula ay mga tao. Ito ay kalimitang may
aral na nakapaloob. Ito ay naglalarawan sa
may tunay na nangyayari sa buhay ng
isang tao.
Ang Tusong Katiwala (Lukas 16:1-15)
Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-
32)
Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas
10:25-37)
Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas
16:19-31)
ANG TALINGHAGA NG TUSONG
KATIWALA (LUKAS 16:1-15)
16 Sinabi rin niya sa mga alagad, “May
isang mayaman na may katiwala.
Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito
ang kanyang mga kayamanan. 2 Tinawag
niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko
tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng
ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na
maaaring maging katiwala pa.’
3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang
gagawin ko ngayong tinanggal na sa
akin ang pangangasiwa? Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa at
nahihiya naman akong mamalimos. 4
Alam ko na ang gagawin ko! Maalis
man ako sa pangangasiwa, may
tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.’
5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga
may utang sa kanyang panginoon.
Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang
mo sa aking panginoon?’ 6 At sinabi
nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’
Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang
katibayan ng iyong pagkakautang,
maupo ka at isulat mo agad na
limampu.’
7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa
pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi
nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya
rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong
pagkakautang at isulat mo na walumpu.’ 8
Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala
dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga
anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa
pamamahala ng kanilang pamumuhay
kaysa mga anak ng liwanag.
9 Sinasabi ko sa inyo,
makipagkaibigan kayo gamit ang
kayamanan ng sanlibutan upang
kung maubos na ito ay tatanggapin
kayo sa walang hanggang mga
tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay
tapat din sa marami at ang hindi
tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa
marami.
11 Kaya kung hindi kayo naging
tapat sa kayamanan ng
sanlibutan, sino ang magtitiwala
sa inyo sa tunay na kayamanan?
12 At kung hindi kayo naging
tapat sa kayamanan ng iba, sino
ang magbibigay sa inyo ng sarili
ninyong kayamanan?
13 Walang aliping makapaglilingkod sa
dalawang panginoon. Sapagkat
kapopootan niya ang isa ngunit iibigin
ang isa pa. O kaya naman ay magiging
tapat siya sa isa ngunit kamumuhian
ang isa pa. Hindi kayo maaaring
maglingkod sa Diyos at sa salapi.”14
Ngunit narinig ng mga Fariseong
maibigin sa salapi ang lahat ng iyon
kaya siya'y kanilang kinutya.
15 Kaya sinabi niya sa kanila,
“Nagkukunwari kayong matuwid sa
harapan ng mga tao, ngunit alam ng
Diyos ang inyong puso. Sapagkat
ang pinahahalagahan ng tao ay
kasuklam-suklam sa Diyos.
Mensahe ng Butil ng Kape
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
Kung bibigyan ka ng
pagkakataon na baguhin
ang iyong sarili, ano ang
nanaisin mo? Ang maging
carrot, itlog o kape?
Isang araw, habang nagbubungkal
ng lupa ang magsasaka, narinig
niyang nagmamaktol ang kaniyang
anak na lalaki. Narinig nitong
binabanggit ng kaniyang anak ang
hirap at pagod na nararanasan sa
pagsasaka at pagbubungkal ng
bukirin.
Ayon pa sa anak, nararamdaman
niya na hindi makatarungan ang
kaniyang buhay dahil sa hirap na
nararanasan niya. Sa
pagkakataong iyon, tiningnan ng
ama ang anak at tinawag niya
papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng
tubig at saka isinalang sa apoy. Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga
oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang
nakasalang na mga palayok. Hindi
nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang
palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa
pangalawa naman ay mga itlog. Sa
panghuli, butil ng kape ang inilahok.
“Sa tingin mo, ano ang maaaring
mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape
na aking inilahok?” tanong ng ama.
“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng
anak.
Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng
ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa
mga palayok.
“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.
“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot.
Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog
at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog,
napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa
pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.
“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng
anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang
ama tungkol sa dinaanang
proseso ng carrot, itlog,at butil
ng kape. Pare-pareho itong
inilahok sa kumukulong tubig
subalit iba-iba ang naging
reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di
matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong
tubig ay naging malambot na kumakatawan sa
kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat
bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay
naging matigas matapos mapakuluan. Samantala,
ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa
kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa
iyong isipan, ang kumukulong tubig
ay katumbas ng suliranin sa buhay.
Kapag ito ay kumatok sa ating pinto,
paano ka tutugon? Ikaw ba ay
magiging carrot, itlog o butil ng
kape?” usal ng ama.
“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit
nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya
naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay
nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init
ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na
minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso
subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa
pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng
kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na
nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na
sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango
ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.
“Kung ikaw ay tulad ng butil ng
kape, ikaw ay magiging matatag sa
oras ng pagsubok. Higit sa lahat,
ikaw mismo ang magpapabago sa
mga pangyayari sa paligid mo,”
dagdag na paliwanag ng ama.
“Paano mo ngayon hinaharap ang mga
suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay
sumusunod lamang sa kung ano ang
idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap
kang maging matatag sa harap ng mga
pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na
dulot ng di magagandang pangyayari?
“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil
ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako
ay magiging butil ng kape...” katulad mo
mahal na ama.
Gawain 6: Bookmark (Parabula)
Gumawa ng isang bookmark na naglalaman
ng isang pahayag na gustong-gusto mo na
nanggaling sa bibliya.
Halimbawa: Mga anak, magsitalima kayo sa
inyong mga magulang sa lahat ng mga
bagay, sapagkat ito’y totoong nakalulugod
sa Panginoon.
–Colossians 3:20

More Related Content

More from RoseAnneOcampo1

KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
NOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptx
NOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptxNOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptx
NOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptxRoseAnneOcampo1
 
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.pptKASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.pptRoseAnneOcampo1
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxRoseAnneOcampo1
 
Mga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
Mga tanyag na komiks na mababasa sa PilipinasMga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
Mga tanyag na komiks na mababasa sa PilipinasRoseAnneOcampo1
 
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docxBanghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docxRoseAnneOcampo1
 
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptxANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptxRoseAnneOcampo1
 
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptxIBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptxRoseAnneOcampo1
 
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptx
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptxAng Epiko ni Gilgamesh.pptx
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptxRoseAnneOcampo1
 

More from RoseAnneOcampo1 (11)

KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
NOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptx
NOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptxNOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptx
NOBELA at KWENTO NG KUBA SA NOTRE DAME.pptx
 
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.pptKASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
 
Mga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
Mga tanyag na komiks na mababasa sa PilipinasMga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
Mga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
 
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docxBanghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
 
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptxANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
 
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptxIBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
 
DULA-OEDIPUS REX.pptx
DULA-OEDIPUS REX.pptxDULA-OEDIPUS REX.pptx
DULA-OEDIPUS REX.pptx
 
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptx
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptxAng Epiko ni Gilgamesh.pptx
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptx
 
Cupid at Psyche.pptx
Cupid at Psyche.pptxCupid at Psyche.pptx
Cupid at Psyche.pptx
 

Recently uploaded

GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxcrisquiambaoalfonso
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 

Recently uploaded (20)

GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 

PARABULA at TALINGHAGA NG TUSONG KATIWALA.pptx

  • 1.
  • 2. “Huwag magplano ng masama laban sa iyong kapitbahay na sa iyo nagtitiwala. Huwag makipagtalo sa tao nang walang dahilan kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo. Karangalan ang mamanahin ng marurunong at kahihiyan naman ang mapapala ng mga hangal.”
  • 3.
  • 4.
  • 5. Ito ay isang kuwento na hango sa banal na aklat o Bibliya. Ito ay ang katawagan sa mga kuwento na ginamit ng ating Panginoon sa kanyang pangangaral. Ito ay nagmula sa salitang Griyego “parabole” na ang ibig sabihin ay pagkukumpara.
  • 6. Ang mga pangunahing tauhan sa mga parabula ay mga tao. Ito ay kalimitang may aral na nakapaloob. Ito ay naglalarawan sa may tunay na nangyayari sa buhay ng isang tao.
  • 7. Ang Tusong Katiwala (Lukas 16:1-15) Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11- 32) Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37) Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)
  • 8. ANG TALINGHAGA NG TUSONG KATIWALA (LUKAS 16:1-15) 16 Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan. 2 Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’
  • 9. 3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos. 4 Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’
  • 10. 5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ 6 At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’
  • 11. 7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na walumpu.’ 8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag.
  • 12. 9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami.
  • 13. 11 Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong kayamanan?
  • 14. 13 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.”14 Ngunit narinig ng mga Fariseong maibigin sa salapi ang lahat ng iyon kaya siya'y kanilang kinutya.
  • 15. 15 Kaya sinabi niya sa kanila, “Nagkukunwari kayong matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang inyong puso. Sapagkat ang pinahahalagahan ng tao ay kasuklam-suklam sa Diyos.
  • 16. Mensahe ng Butil ng Kape “The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean” (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
  • 17. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang iyong sarili, ano ang nanaisin mo? Ang maging carrot, itlog o kape?
  • 18. Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
  • 19. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.
  • 20. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.
  • 21. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.
  • 22. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
  • 23. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.
  • 24. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.
  • 25. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
  • 26. “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.
  • 27. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.
  • 28. “Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.
  • 29. “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?
  • 30. “Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.  Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...” katulad mo mahal na ama.
  • 31.
  • 32.
  • 33.
  • 34. Gawain 6: Bookmark (Parabula) Gumawa ng isang bookmark na naglalaman ng isang pahayag na gustong-gusto mo na nanggaling sa bibliya. Halimbawa: Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito’y totoong nakalulugod sa Panginoon. –Colossians 3:20