SlideShare a Scribd company logo
1 of 52
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan.
Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang ukol sa isang
dula sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang
karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na
lamang sa iilang dulang likha
ng malikhain at malayang
kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay
naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng
isang dula ay iskrip lamang at hindi
dula, sapagkat ang tunay na dula ay
yaong pinanonood na sa isang
tanghalan na pinaghahandaan at batay
sa isang iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan.
Ang dula ay mayroon
ding sangkap. Ito ay simula, gitna,
at wakas.
Simula - mamamalas dito
ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa
suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian, at
ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan
naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
SANGKAP NG
DULA
•Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula
•Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa
tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang
bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
•Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang
dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung
wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
•Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga
tauhan sa suliraning nararanasan
•Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga
tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa
kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-
patong na tunggalian ang isang dula
•Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian
•Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga
suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
•Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari
ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa
panig ng mga manonood
ELEMENTO NG
DULA
1.Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng
isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng
dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan
ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan
ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang
nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao;
hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan samantalang
ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang
iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari sa dula.
OEDIPUS
REX
DULA
Ang Oedipus Rex ay isang
trahedya na isinulat ng bantog na
manunulat ng sinaunang Greece,
si Sophocles, at unang isinadula
noong 429 BCE. Ang trahedya ay
isang dulang ang bida ay
hahantong sa malungkot ngunit
makabuluhang wakas o kabiguan.
BUOD NG
OEDIPUS REX
Isang araw, nagkaroon ng salot
sa Thebes kaya ang mga
mamamayan ay nagtipon-
tipon sa labas ng palasyo ng
hari, ninanais nilang gumawa
ng hakbang kasama ang Hari
nila para mapigilan ang salot.
Sinagot lang sila ni Oedipus
na pinadala na niya ang
kanyang bayaw na si Creon
sa sikat na Orakulo ng
Delphi para matulungan
ang bayan ng Thebes.
Bumalik ang bayaw niyang si Creon
bitbit ang mensahe ng Oracle.
"Ang Salot ay matatapos kung ang
mamamatay-tao na pumatay sa Haring
Laius na hari ng Thebes ay mahuhuli at
mapapalayas sa lungsod ng Thebes.
Ang mamamatay-tao ay nasa loob ng
lungsod." Ito ang mensaheng dala ng
kanyang bayaw.
Nangako si Oedipus na
pananagutin niya ang sino mang
pumatay sa Haring ito na kilalang
pinatay umano ng mga bandido
habang pumupunta siya sa
Orakulo. Isa sa mga manlalakbay
na kasama ng haring ito ay
nabuhay at nakatakas.
Pinatawag ni Oedipus si Tiresias,
isang bulag na propeta, para
tanungin sa kanyang nalalaman
ukol sa pangyayaring ito.
Pinaliwanag ng bulag na siya ay
nahihirapan kung ang binibigay
lang ng katotohanan ay sakit.
Sa umpisa ayaw sabihin ng bulag
na matanda ang katotohanan
hanggang sa magalit si Oedipus at
maakusahan pa mismo ang
matanda na mamamatay-tao dahil
sa parang nakikisabwat ito sa hindi
pagsabi ng katotohanan.
Walang magawa si Tiresias
kundi sabihin ang totoo, na si
Oedipus ang pumatay sa Hari
ng Thebes. Natural lang na
itanggi agad ng haring si
Oedipus ang akusasyon laban
sa kanya.
Inakusahan ni Oedipus ang
kanyang bayaw at ang propeta
na nagsasabwatan para ilaglag
siya. Tinanong nya bakit
walang ginawa ang propeta
noong minsan nagkaroon ng
salot sa loob ng Thebes.
Noong mga panahon na
yun kasi, may isang
bugtong na kailangang
masagot para malaman
kung sino ang susunod
na hari ng Thebes.
Nagyabang si Oedipus at
sinabing siya lang ang
nakakasagot ng bugtong:
“Ano ang naglalakad ng apat na
paa sa umaga, dalawa sa tanghali,
at tatlo sa gabi?”
Pinagtanggol ng matandang
propeta na si Tiresias ang sarili at
sinabing pinagkakatiwalaan siya
ng magulang ni Oedipus. Sa
pagkakaalam ni Oedipus siya ay
lumaki sa malayong lungsod ng
Corinth, ito ay kaharian na malayo
sa Thebes.
Tinanong niya paano nakilala ng
bulag na propeta ang kanyang
mga magulang. Ang sagot ni
Tiresias ay misteryoso, isang
bugtong.
"Ang pumatay kay Laius ay tatay at
kapatid ng sarili niyang mga anak
at anak ng sarili niyang asawa."
Pag-alis ng matandang
propeta, tinakot niya si Creon
na kanyang bayaw ng
kamatayan o baka palayasin
siya sa Thebes dahil sa
pakikipagsabwatan kay Tiresias
na propeta.
Ang Asawa ni Oedipus na si
Jocasta ay pumasok sa eksena
at tinanong kung bakit ang
mga kalalakihan ay mahilig
magsigawan sa isa't isa. Si
Jocasta ay ang asawa ni Haring
Laius.
Pinaliwanag ni Oedipus kung
ano ang bintang ng bulag na
propeta na siya umano ang
pumatay kay Haring Laius.
Sumagot lang si Reyna Jocasta
na lahat daw ng propesiya ay
walang katotohanan.
Bilang pruweba, binanggit niya na ang
Orakulo ng Delphi ay minsan na silang
binigyan ng babala na ang hari na si
Laius ay papatayin ng sarili niyang
anak at sa katunayan ang anak nila ay
itinapon palabas ng Thebes noong
bata pa lang at si Laius umano ay
pinatay ng mga magnanakaw, mga
bandido.
Ang detalyadong paliwanag ng Reyna
ay pamilyar sa haring si Oedipus kaya
nagtanong pa siya. Sabi ng Reyna, ang
haring si Laius ay pinatay sa krosing na
daan ng Phocis bago makaabot ng
Thebes. Nagulat ng todo si Oedipus
kasi maaaring siya ang nakapatay kay
Laius!
Ikinuwento niya sa kanyang asawa
na si Reyna Jocasta na matagal na
ang panahon noong siya ay
Prinsipe ng Corinth kung saan siya
lumaki at narinig niya sa mga tao
na may nagsasabing hindi raw
talaga siya tunay na anak ng Hari
at Reyna ng Corinth.
Ayon sa kanya, para malaman
kung talaga bang ampon lang
siya, pumunta siya sa isang
Orakulo, pero ang sagot lang sa
kanya ay papatayin niya ang sarili
niyang Ama at siya ay
makikipagtalik sa sarili niyang Ina!
Dahil hindi niya matanggap ang sinabi
ng Orakulo siya ay umalis at sa daan
siya ay ginambala ng mga manlalakbay
at napatay niya ang mga ito dahil
pinagtanggol niya ang sarili. Ang lugar
ay ang tinutukoy ni Jocasta na lugar
kung saan pinatay ang kanyang dating
asawa na si Laius na hari ng Thebes.
Umaasa pa si Oedipus na hindi
totoo ang hula ng Orakulo
tungkol sa kanya kaya
pinatawag niya ang isang
pastol, ang survivor ng
labanan, ang nag-iisang
nabuhay na manlalakbay.
Isang tagapagbalita, isang sugo
ang lumapit sa Reyna at sinabihan
siyang ang ama ni Oedipus, ang
hari ng Corinth na si Haring
Polybus ay patay na. Pinatatawag
umano si Oedipus para maghari
sa Corinth kapalit ng kanyang
Ama.
Natuwa si Jocasta dahil ang
pagkakamatay ng tatay ni Oedipus
na si Haring Polybus sa normal na
paraan ay patunay umano na mali
ang propesiya. Lumabas si
Oedipus at natuwa kasama ang
kanyang Reyna.
Natuwa siya kahit pa binalita lang na
namatay ang Ama niya na nag-alaga
sa kanya. Ang kalahati ng propesiya
ay hindi na raw tunay, ang pinatay
niya ang sariling ama. Pero ang
natitirang kalahati, ang nakipagtalik
siya sa sarili niyang Ina ay hindi pa
napapasinungalingan.
Ngunit sinabi ng tagapagbalita na
si Haring Polybus at ang asawa
nitong si Reyna Merope ay hindi
magulang ni Oedipus sa dugo.
Ayon sa matandang tagapagbalita,
alam niyang dumating sa Corinth
si Oedipus bilang ulila.
Isang araw habang pinapastol niya ang
kanyang mga tupa, may isa pang pastol
ang lumapit sa kanya at binigyan siya
ng sanggol. Ayon sa sugo, dinala raw
niya ang sanggol na ito sa hari ng
Corinth. Nang tanungin siya ni Oedipus
kung sino ang pastol na nagbigay ng
sanggol sa kanya, sinagot siya ng sugo
na isa itong lingkod ni Laius.
Kaya pinatawag ni Oedipus ang
lingkod na ito, ang matandang pastol
sa kanyang harapan para patotohanan
ang sinabi ng sugo mula sa Corinth.
Dahil sa natatakot na si Jocasta, ang
Reyna ng Thebes na malaman pa ng
Hari ang katotohanan, nagmakaawa
siyang itigil na ang kanyang
pagtatanong.
Hindi niya makayanan kaya
tumakbo siya papasok sa
palasyo. Pumasok naman sa
eksena ang pastol na
tinutukoy ng sugo.
Tinanong niya ang pastol, "Sino ang
nagbigay sa iyo ng sanggol" tumanggi
ang pastol na ibunyag ito. Tinakot ni
Oedipus ang pastol na sasaktan siya
ng matindi kung hindi siya sasagot. Sa
bandang huli, sumagot na lang ang
kawawang pastol. Ang bata, ang
sanggol ay galing sa tahanan ng
haring si Laius.
Nang tanungin pa niya ng mas
detalyado, sumagot ito na Anak talaga
ng hari ang bata at si Jocasta mismo
ang nag-abot sa kanya ng sanggol.
Ipinag-utos umano ng Reyna sa kanya
na patayin ang bata dahil nahulaan na
nga na papatayin nito ang kanyang
mga magulang.
Kaso, ang pastol ay naawa sa bata
at naisip niyang ang propesiya ay
maaaring iwasan kung ilalayo niya
sa napakalayong lugar ang bata.
Kaya ayon sa pastol, ipinasa niya
sa isa pang pastol ng Corinth ang
bata.
Nang malaman ni Oedipus ang
buong katotohanan, siya ay
nagulantang at napasigaw ng
todo at bumalik sa palasyo.
Pinatay niya ang sariling Ama ng
hindi nalalaman at ang kanyang
Asawa ay kanya palang ina.
Ang Reyna na si Jocasta ay nagbikti gamit
ang sarili niyang buhok. Nang malaman ni
Oedipus na namatay ang kanyang asawa,
ang kanyang ina, kinuha niya ang mga
karayom na nasa kanyang damit, tinusok
niya ang kanyang mga mata at dinukot
ito. Lumabas siya sa palasyo na
nagdurugo at nagmamakaawang
ipatapon siya sa labas ng lungsod.
Inutusan niya ang bayaw niyang si
Creon na alagaan ang kanyang
dalawang anak na babae, si
Antigone at Ismene, dahil sa nais
din ng bayaw niya ng
kapangyarihan, natuwa ito dahil
magiging hari na siya.
Gawain 6:
MAIKLING PAGSUSULIT
Gawain 7: Oedipus Rex
I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang suliranin ng bayan ng Thebes at paano ito malulutas?
2. Ano ang katotohanan sa buhay ni Oedipus Rex? Isalaysay.
3. Naging totoo ba ang hula kay Oedipus Rex? Patunayan.
4. Paano pinakita ni Oedipus ang kanyang pagsisisi?
5. Para sa iyo, karapat-dapat ba ang nangyari kay Oedipus Rex
noong nalaman niya ang katotohanan? Ipaliwanag.
II. Gumawa ng timeline ng buhay ni Oedipus.
III. Ilahad ang iyong posibleng gawin kung sakaling ikaw ay
nakatuklas ng isang mapait na katotohanan sa iyong buhay.

More Related Content

More from RoseAnneOcampo1 (8)

KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.pptKASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN SA PILIPINAS.ppt
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
 
Mga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
Mga tanyag na komiks na mababasa sa PilipinasMga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
Mga tanyag na komiks na mababasa sa Pilipinas
 
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docxBanghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
Banghay Aralin sa FIILIPINO 10-WEEK 1-3rdQ.docx
 
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptxANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
ANG KASAYSAYAN NG SARSWELA SA PILIPINAS.pptx
 
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptxIBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
IBAT IBANG URI NG POPULAR NA BABASAHIN.pptx
 
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptx
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptxAng Epiko ni Gilgamesh.pptx
Ang Epiko ni Gilgamesh.pptx
 
Cupid at Psyche.pptx
Cupid at Psyche.pptxCupid at Psyche.pptx
Cupid at Psyche.pptx
 

Recently uploaded

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
JoseIsip3
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 

Recently uploaded (20)

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 

DULA-OEDIPUS REX.pptx

  • 2. Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
  • 3. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
  • 4. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
  • 5. Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
  • 6. Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
  • 8. •Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula •Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula •Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula •Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
  • 9. •Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung- patong na tunggalian ang isang dula •Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian •Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian •Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
  • 11. 1.Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip 2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula 3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
  • 12. 4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip 5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
  • 13. Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
  • 15. Ang Oedipus Rex ay isang trahedya na isinulat ng bantog na manunulat ng sinaunang Greece, si Sophocles, at unang isinadula noong 429 BCE. Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot ngunit makabuluhang wakas o kabiguan.
  • 17. Isang araw, nagkaroon ng salot sa Thebes kaya ang mga mamamayan ay nagtipon- tipon sa labas ng palasyo ng hari, ninanais nilang gumawa ng hakbang kasama ang Hari nila para mapigilan ang salot.
  • 18. Sinagot lang sila ni Oedipus na pinadala na niya ang kanyang bayaw na si Creon sa sikat na Orakulo ng Delphi para matulungan ang bayan ng Thebes.
  • 19. Bumalik ang bayaw niyang si Creon bitbit ang mensahe ng Oracle. "Ang Salot ay matatapos kung ang mamamatay-tao na pumatay sa Haring Laius na hari ng Thebes ay mahuhuli at mapapalayas sa lungsod ng Thebes. Ang mamamatay-tao ay nasa loob ng lungsod." Ito ang mensaheng dala ng kanyang bayaw.
  • 20. Nangako si Oedipus na pananagutin niya ang sino mang pumatay sa Haring ito na kilalang pinatay umano ng mga bandido habang pumupunta siya sa Orakulo. Isa sa mga manlalakbay na kasama ng haring ito ay nabuhay at nakatakas.
  • 21. Pinatawag ni Oedipus si Tiresias, isang bulag na propeta, para tanungin sa kanyang nalalaman ukol sa pangyayaring ito. Pinaliwanag ng bulag na siya ay nahihirapan kung ang binibigay lang ng katotohanan ay sakit.
  • 22. Sa umpisa ayaw sabihin ng bulag na matanda ang katotohanan hanggang sa magalit si Oedipus at maakusahan pa mismo ang matanda na mamamatay-tao dahil sa parang nakikisabwat ito sa hindi pagsabi ng katotohanan.
  • 23. Walang magawa si Tiresias kundi sabihin ang totoo, na si Oedipus ang pumatay sa Hari ng Thebes. Natural lang na itanggi agad ng haring si Oedipus ang akusasyon laban sa kanya.
  • 24. Inakusahan ni Oedipus ang kanyang bayaw at ang propeta na nagsasabwatan para ilaglag siya. Tinanong nya bakit walang ginawa ang propeta noong minsan nagkaroon ng salot sa loob ng Thebes.
  • 25. Noong mga panahon na yun kasi, may isang bugtong na kailangang masagot para malaman kung sino ang susunod na hari ng Thebes.
  • 26. Nagyabang si Oedipus at sinabing siya lang ang nakakasagot ng bugtong: “Ano ang naglalakad ng apat na paa sa umaga, dalawa sa tanghali, at tatlo sa gabi?”
  • 27. Pinagtanggol ng matandang propeta na si Tiresias ang sarili at sinabing pinagkakatiwalaan siya ng magulang ni Oedipus. Sa pagkakaalam ni Oedipus siya ay lumaki sa malayong lungsod ng Corinth, ito ay kaharian na malayo sa Thebes.
  • 28. Tinanong niya paano nakilala ng bulag na propeta ang kanyang mga magulang. Ang sagot ni Tiresias ay misteryoso, isang bugtong. "Ang pumatay kay Laius ay tatay at kapatid ng sarili niyang mga anak at anak ng sarili niyang asawa."
  • 29. Pag-alis ng matandang propeta, tinakot niya si Creon na kanyang bayaw ng kamatayan o baka palayasin siya sa Thebes dahil sa pakikipagsabwatan kay Tiresias na propeta.
  • 30. Ang Asawa ni Oedipus na si Jocasta ay pumasok sa eksena at tinanong kung bakit ang mga kalalakihan ay mahilig magsigawan sa isa't isa. Si Jocasta ay ang asawa ni Haring Laius.
  • 31. Pinaliwanag ni Oedipus kung ano ang bintang ng bulag na propeta na siya umano ang pumatay kay Haring Laius. Sumagot lang si Reyna Jocasta na lahat daw ng propesiya ay walang katotohanan.
  • 32. Bilang pruweba, binanggit niya na ang Orakulo ng Delphi ay minsan na silang binigyan ng babala na ang hari na si Laius ay papatayin ng sarili niyang anak at sa katunayan ang anak nila ay itinapon palabas ng Thebes noong bata pa lang at si Laius umano ay pinatay ng mga magnanakaw, mga bandido.
  • 33. Ang detalyadong paliwanag ng Reyna ay pamilyar sa haring si Oedipus kaya nagtanong pa siya. Sabi ng Reyna, ang haring si Laius ay pinatay sa krosing na daan ng Phocis bago makaabot ng Thebes. Nagulat ng todo si Oedipus kasi maaaring siya ang nakapatay kay Laius!
  • 34. Ikinuwento niya sa kanyang asawa na si Reyna Jocasta na matagal na ang panahon noong siya ay Prinsipe ng Corinth kung saan siya lumaki at narinig niya sa mga tao na may nagsasabing hindi raw talaga siya tunay na anak ng Hari at Reyna ng Corinth.
  • 35. Ayon sa kanya, para malaman kung talaga bang ampon lang siya, pumunta siya sa isang Orakulo, pero ang sagot lang sa kanya ay papatayin niya ang sarili niyang Ama at siya ay makikipagtalik sa sarili niyang Ina!
  • 36. Dahil hindi niya matanggap ang sinabi ng Orakulo siya ay umalis at sa daan siya ay ginambala ng mga manlalakbay at napatay niya ang mga ito dahil pinagtanggol niya ang sarili. Ang lugar ay ang tinutukoy ni Jocasta na lugar kung saan pinatay ang kanyang dating asawa na si Laius na hari ng Thebes.
  • 37. Umaasa pa si Oedipus na hindi totoo ang hula ng Orakulo tungkol sa kanya kaya pinatawag niya ang isang pastol, ang survivor ng labanan, ang nag-iisang nabuhay na manlalakbay.
  • 38. Isang tagapagbalita, isang sugo ang lumapit sa Reyna at sinabihan siyang ang ama ni Oedipus, ang hari ng Corinth na si Haring Polybus ay patay na. Pinatatawag umano si Oedipus para maghari sa Corinth kapalit ng kanyang Ama.
  • 39. Natuwa si Jocasta dahil ang pagkakamatay ng tatay ni Oedipus na si Haring Polybus sa normal na paraan ay patunay umano na mali ang propesiya. Lumabas si Oedipus at natuwa kasama ang kanyang Reyna.
  • 40. Natuwa siya kahit pa binalita lang na namatay ang Ama niya na nag-alaga sa kanya. Ang kalahati ng propesiya ay hindi na raw tunay, ang pinatay niya ang sariling ama. Pero ang natitirang kalahati, ang nakipagtalik siya sa sarili niyang Ina ay hindi pa napapasinungalingan.
  • 41. Ngunit sinabi ng tagapagbalita na si Haring Polybus at ang asawa nitong si Reyna Merope ay hindi magulang ni Oedipus sa dugo. Ayon sa matandang tagapagbalita, alam niyang dumating sa Corinth si Oedipus bilang ulila.
  • 42. Isang araw habang pinapastol niya ang kanyang mga tupa, may isa pang pastol ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng sanggol. Ayon sa sugo, dinala raw niya ang sanggol na ito sa hari ng Corinth. Nang tanungin siya ni Oedipus kung sino ang pastol na nagbigay ng sanggol sa kanya, sinagot siya ng sugo na isa itong lingkod ni Laius.
  • 43. Kaya pinatawag ni Oedipus ang lingkod na ito, ang matandang pastol sa kanyang harapan para patotohanan ang sinabi ng sugo mula sa Corinth. Dahil sa natatakot na si Jocasta, ang Reyna ng Thebes na malaman pa ng Hari ang katotohanan, nagmakaawa siyang itigil na ang kanyang pagtatanong.
  • 44. Hindi niya makayanan kaya tumakbo siya papasok sa palasyo. Pumasok naman sa eksena ang pastol na tinutukoy ng sugo.
  • 45. Tinanong niya ang pastol, "Sino ang nagbigay sa iyo ng sanggol" tumanggi ang pastol na ibunyag ito. Tinakot ni Oedipus ang pastol na sasaktan siya ng matindi kung hindi siya sasagot. Sa bandang huli, sumagot na lang ang kawawang pastol. Ang bata, ang sanggol ay galing sa tahanan ng haring si Laius.
  • 46. Nang tanungin pa niya ng mas detalyado, sumagot ito na Anak talaga ng hari ang bata at si Jocasta mismo ang nag-abot sa kanya ng sanggol. Ipinag-utos umano ng Reyna sa kanya na patayin ang bata dahil nahulaan na nga na papatayin nito ang kanyang mga magulang.
  • 47. Kaso, ang pastol ay naawa sa bata at naisip niyang ang propesiya ay maaaring iwasan kung ilalayo niya sa napakalayong lugar ang bata. Kaya ayon sa pastol, ipinasa niya sa isa pang pastol ng Corinth ang bata.
  • 48. Nang malaman ni Oedipus ang buong katotohanan, siya ay nagulantang at napasigaw ng todo at bumalik sa palasyo. Pinatay niya ang sariling Ama ng hindi nalalaman at ang kanyang Asawa ay kanya palang ina.
  • 49. Ang Reyna na si Jocasta ay nagbikti gamit ang sarili niyang buhok. Nang malaman ni Oedipus na namatay ang kanyang asawa, ang kanyang ina, kinuha niya ang mga karayom na nasa kanyang damit, tinusok niya ang kanyang mga mata at dinukot ito. Lumabas siya sa palasyo na nagdurugo at nagmamakaawang ipatapon siya sa labas ng lungsod.
  • 50. Inutusan niya ang bayaw niyang si Creon na alagaan ang kanyang dalawang anak na babae, si Antigone at Ismene, dahil sa nais din ng bayaw niya ng kapangyarihan, natuwa ito dahil magiging hari na siya.
  • 52. Gawain 7: Oedipus Rex I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang suliranin ng bayan ng Thebes at paano ito malulutas? 2. Ano ang katotohanan sa buhay ni Oedipus Rex? Isalaysay. 3. Naging totoo ba ang hula kay Oedipus Rex? Patunayan. 4. Paano pinakita ni Oedipus ang kanyang pagsisisi? 5. Para sa iyo, karapat-dapat ba ang nangyari kay Oedipus Rex noong nalaman niya ang katotohanan? Ipaliwanag. II. Gumawa ng timeline ng buhay ni Oedipus. III. Ilahad ang iyong posibleng gawin kung sakaling ikaw ay nakatuklas ng isang mapait na katotohanan sa iyong buhay.