Panghalip na Paari
Ang panghalip paari ay isang
uri ng panghalip na nagsasaad ng
pag-aari ng isang bagay.
Ang mga salitang akin, iyo,
kaniya, atin, amin, inyo, at kanila
ay mga panghalip na paari.
Ginagamit ang akin, iyo, at kaniya
kung ang tinutukoy ay iisang tao.
Mga halimbawa:
•Akin ang napulot na lapis ni Ben.
•Ang iyong damit ay nilabhan na ni nanay.
•Ang bagong laruan ay kaniya.
Ginagamit ang atin, amin, inyo, at
kanila kung ang tinutukoy ay
maramihan.
Mga halimbawa:
•Sabi ni Aling Marta, atin daw ang mga pagkain
sa supot.
•Amin ang bahay na may mataas na bakod.
•Sa inyo ba ang mga gulay na iyan?
•Mula sa kanila ang malakas na tunog ng radyo.

Panghalip na Paari