3. Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Gulay o
Paghahalamanan
May kabutihang naidudulot ang paghahalaman hindi lamang
sa tao kundi maging sa pamayanan at kalikasan man.
Narito ang mga pakinabang na naidudulot ng
pagtatanim, pag aani at pagkain ng gulay.
A. PARA SA SARILI
1. Nagsisilbing libangan at ehersisyo.
2.Nagbibigay ng bitamina at mineral na kailangan para sa
malusog at masiglang pangangatawan ang pagkain ng gulay.
B. PARA SA PAMILYA
1. Nagbibigay ng pagkain sa pamilya.
2. Nagsisilbing hanapbuhay at nakadaragdag ng panustos sa
pangangailangan ng pamiLya.
4. Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Paghahalaman
c. PARA SA PAMAYANAN
1. Nagbibigay ng sariwang hangin.
2. Nagdudulot ng lilim at lamig sa paligid at oksiheno
na kailangan ng tao.
3. Nagpapaganda sa pamantayan at kapaligiran.
5. Sa anong paraan nakatutulong ang mga gulay sa
kalikasan?
Paano nakatutulong sa kalusugan ng matatanda
ang pagtatanim ng gulay?
PAGPAPALALIM:
6. PAGLALAHAT:
Anu- ano ang mga pakinabang na makukuha sa
pagtatanim ng gulay?
Bakit mahalagang matutunan ng bawat mag-
anak ang pagtatanim ng gulay?
7. PAGLALAPAT:
PANGKAT 1 – Mga Gulay na pweding itanim
sa buto.
PANGKAT 2 – Mga Gulay na itinatanim kahit
dahon o sanga lamang.
PANGKAT 3 – Mga Gulay na pweding itanim
sa bakuran.
9. 1. Bakit kinakailangan tayo magtanim ng
halamang gulay?
a. Para may sapat na panustos sa arawaraw
na pangangailangan ng pamilya.
b. Nakapagdudulot ng magandang
kalusugan
c. Nakawiwili
d. Lahat ay tama
PAGTATAYA:
Basahin ang tanong sa bawat bilang bilugan ang letra
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
10. 2. Alin sa mga sumusunod ang mga
pakinabang na maaari nating makuha
sa pag-aalaga ng mga halamang gulay?
a. Pera
b. Preskong gulay
c. Kalusugan
d. Lahat ay tama
11. 3. Gusto mong mag-alaga ng gulay dahil
alam mo na may pakinabang ang
pagtatanim nito ngunit wala kang lupang
mapagtataniman ano ang maari mong
gawin?
a. Magtatanim nalang sa lupa ng
kapitbahay
b. Magpapatanim sa iba
c. Gagamit ng mga supot, lata na
puwedeng gamiting paso
d. Lahat ay tama
12. 4. Paano mo mahihikayat ang iyong
mga kapit-bahay o kaibigan na
magtanim ng mga halamang gulay sa
kanilang bakuran?
a. Sasabihin ang kahalagahan nito
b. Hihikayatin silang magtanim
c. Maging modelo sa kanila
d. Bigyan sila ng itatanim
13. 5. Ano ang mangyayari kung ang bawat
pamilya ay magtatanim ng halamang
gulay?
a. Lahat ay magiging malusog
b. Magkakaroon lahat ng dagdag kita
c. Lahat ay mawiwili at malilibang
d. Lahat ay tama
14. V. Takdang Aralin:
Gumawa ng survey ukol sa mga
halamang gulay na maaaring itanim
ayon sa:
lugar,
Panahon
Pangangailangan
Gusto ng mga mamimili
Maghanda ng isang pag-uulat ukol dito.
15. Ang Pagtatanim nga gulay ay
mahalagang matutuhan ng bawat
mag-anak dahil (matustusan)
natutustusan nito ang mga
pangangailangan ng buong pamilya.
VI. Repleksiyon Pagninilay - nilay: