1. - 1 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
TEXT: MATEO 6:38-48
TOPIC: MGA ALITUNTUNIN SA PAMUMUHAY PANGKAHARIAN
THEME: PAGNAISAHAN KA…APATIN MO
INTRO:
SULAT NG ISANG MAKATA
Infact some people are like wheels, di sila magtatrabaho kung di sila
itutulak. Ang iba naman ay parang mga trailers, kailangan panghatakin bago
maging kagamit-gamit.
Ang iba ay parang mga saranggola, pagpinabayaan mong lumipad mag-isa
at tinanggal mo ang tali ay bigla na lamang maglalaho.
Ang iba naman ay parang bola, hindi mo alam kung saan pupunta ang
direksiyon pag ito ay tumatalbog.
Ang iba naman ay parang lobo, masyadong mapagmataas, inaantay na
lamang kung kailan siya puputok.
Ang iba naman ay parang flat na gulong, kailangan mong I-jack para lang
maibalik sa tamang porma.
Ang iba naman ay parang napakagandang relo, punong-puno ng dalisay at
ganap na ginto kung kumilos ay tahimik ngunit maaasahan at ito ay laging nasa
oras (ibig sabihin siya ay mabunga). IBIG SABIHIN ANONG URI NG TAO KA
DITO SA LUPA?
STORY: NG DALAWANG MAGKAPATID NA NAG-UUNAHAN PARA SA
DAMDAMIN NG KANILANG NANAY:
Itong panganay ay nagtatrabaho din sa Brunei, dahil sa inggit sa kapatid na
nakikita niya na parang mas close yung nanay niya sa kapatid niya dahil sa
kakapadala ng pera (ganyan yung ibang nanay, mas close don sa anak na
nakakapagbigay, pag hindi, no pansin sa kanya).
Dahil sa inggit, nagpunta rin siya sa Brunei para makapagbigay din ng pera sa
nanay. Dumating ang panahon na magbbday ang nanay, March 8, isang buwan
bago dumating ang b-day ng nanay, yung kuya nagpadala na ng regalo o BMW.
2. - 2 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
Sabi ng bunso, “Talaga itong kuya ko, sipsip talaga. Anong ipapadala ko na
ganyan kamahal, eh wala akong perang ganoon karami at ganoon kamahal.” Nag-
isip po siya at nalungkot.
Mabuti na lang mayroon siyang kaibigan sa Brunei na nag-aalaga ng hayop, at
ang taong ito ay nakapagtrain ng ibon na nakakapagsalita ng isang libong salita na
iba’t ibang wika. Sabi niya bilhin ko nalang yung ibon mo. Kasi wala akong
mabibili na maidadaig sa BMW na ibinigay ng kapatid ko sa b-day ng nanay ko.
Sabi ng kaibigan niya, O sige tutal kailangan ko rin ng pera ngayon.
Magkano , sabi ng lalake, sabi ng may-ari ng ibon, $10,000.00. Ano? Ang
mahal naman niyan, sabi ng kaibigan, Aba, eh wala ka ng makikitang ibon sa
buong daigdig na nakakapagsalita ng isang libong wika na iba’t iba pa.
Di sinubok po yung ibon, aba nakapagsalita nga. Eh, Kapangpangan yung
nanay niya. Sabi ng lalake marunong bang magkapangpangan yan? Naasar po yung
ibon, nagsalita ito. MEKENI, BATUKAN KETA, SUKA KANG PYANO,
TUGTUGAN KANG DOREMI SAYAW KANG ELBIMBO.
O sige, bilhin ko na, bayad siya. Pinadala sa bahay ng nanay niya sa elepante
(DHL). Sabay tawag ng IKA-12 ng gabi sa nanay, Hello, nay, kamusta na ang b-
day mo? Ok ka ba? O yung regalo ko natanggap mo ba?
Sagot ng nanay, Oo anak, ang SARAP ng pinadala mo. Sagot ng anak, Nay
anong masarap? ANONG IBIG MONG SABIHIN?
Sabi ng nanay, iniluto ko kanina, kinaldereta ko, ang sarap pala ng kalderetang
ibon. Nay, ba’t nyo niluto, di ninyo ba alam, $10,000,00 yon? Sabi ng nanay ba’t
ang mahal? Eh, kasi yung ibon na yan nakakapagsalita ng Iba’t ibang wika. Sagot
ng nanay, eh ba’t di siya nagsasalita nung kinakatay ko? Bakit di mo sinabi sa akin
ng maliwanag, na iyung ibon na yon ay isang bagay pala?
Opportunity na yon, nawala pa at nasayang ang $10,000.00.
TANONG: Bakit maraming nag-aaral pero di nagtatagumpay pagkatapos?
3. - 3 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
SAGOT: Ang utak lang nila ay, kailangan kong mag-aral kasi maraming nag-aaral,
para naman masabing may pinag-aralan ako. Pero di nila nakita na ang pag-aaral
ang pagmumulan ng tagumpay at magandang buhay.
EXAMPLE: Bakit sa pagpupuri yung iba na-bless, yung iba parang
walang nangyari. SAGOT: Kasi hindi nakatuon ang puso’t isip sa tunay na
oportunidad ng pagsamba at pagpupuri, umaawit ang bibig pero ang puso’t isip ay
malayo at gumagala ang mata.
Sa panahon ng pagsamba, sana’y makita nating na ito’y oportunidad na
bigay ng Dios, kasi ang iba ay di na nakakasamba.
TANDAAN: Ang oportunidad ay mabilis ding dumadaan.
STORY: KUWENTO NG ISTATWA NA GAWA NI LECEPYUS
Mayroong istatwang kakaiba na gawa ni Lecepyus, kakaiba ito kasi yung
bugkos ng buhok ay nasa harap ang kapal, tapos sa likod kalbo, baligtad.
Karamihan ang kalbo ay nasa harap, ito ay baliktad nasa likod.
Tapos may pakpak siya sa paa, kaya ang tanong sa kanya ng mga tao sino
ka? Ang pangalan ko’y Opportunity, sinong may gawa sayo? Ang may may gawa
sa akin ay si Lecepyus. Bakit mayroon kang bugkos ng buhok sa harapan ng iyong
mukha? Sabi niya, sapagkat sa sandaling ako’y dumaan madali silang
makakahawak sa akin.
Eh, bakit kalbo ka sa likod? Upang kapag ako’y lumagpas hindi nyo na ako
mahahawakan.
Eh, bakit may pakpak ka sa paa? Dahil mabilis akong dumaan.
Ganyan ang oportunidad, mabilis kaya hindi makita kaya maraming
naiisahan. Alam nyo masakit maisahan at malamangan, sabi ng isang manunulat
ang mga tao daw ay di makatwiran. They are very unreasonable, kaya minsan
imbes na ikaw ay tulungan, ikaw pa ang sisirain. Gayon pa man gawin mo pa rin
itong oportunidad para mapabuti ang kalagayan ng tao.
TULA: ANYWAY (GANUNPAMAN)
4. - 4 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
People are reasonable, illogical and self-centered, love them anyway. IF
YOU DO GOOD, Sabi nila siguro may masamang motibo ito, mayroon itong
pagnanasa sa akin. Kahit ganoon ang iniisip nila sa iyo, gumawa ka pa rin ng
mabuti. KUN IKAW NAGTAGUMPAY, marami kang makikilalang di totoong
kaibigan. Ngunit lalabas din naman yung totoo mong kaibigan, kaya’t sabi nga
patuloy ka pa rin sa iyong pananagumpay. PAGTAPAT KA AT IKAW AY HINDI
NAGSISINUNGALING, PRANGKA KA, delikado ka, madali kang malinlang…
ganoon pa man maging tapat ka pa rin, maging totoo ka sa iyong kapwa. IYONG
GINAGAWA MO NGAYON NA MABUTI MAAARING MAKALIMUTAN
BUKAS..gumawa ka pa rin ng mabuti. IYUNG MALALAKING TAO NA
GUMAWA NG MAGAGANDANG IDEYA…iyon ay maaaring sirain lamang ng
mga taong maliliit ang kaisipan…mag-isip ka pa rin ng malawak. MAARING
LUMIKOM KA AT MAGTAGUYOD KA NG ISANG BAGAY NA DINAAN
PA NG TAON ANG TAGAL…subalit maaring masira sa isang iglap lamang, sabi
po gumawa ka pa rin.
Sa buhay na ito ay ibat iba ang ating karanasan, totoo pong may mga taong
nananakit , may mga taong hindi nakakaunawa sa nangyayari sa kaniyang paligid,
maraming buhay po sa atin ang nasira dahil sa sakit ng karanasan ng kanilang
kahapon, yung iba naman po ay they are not aware that they were hurt (Sila yung
mga taong…ok lang yon walang problema yon).
STORY: DALAWANG MAGKAPATID
May dalawang magkapatid, yung panaganay ay guwapao, matalino, may
leadership, may potential sa school, sikat na sikat, siya’y 4th year high school.
Yung kaniya namang nakababatang kapatid ay kabaligtaran, pangit, kuba,
punggok, ngunit napakaganda ng tinig, siya ay 1st year.
Noong siya ay 1st year mayroon pong enunciation na ginawa, nang mga
panahon na yon ang kanyang kuya ay busy, at honor student.
Ang ginawa ng mga classmates noon sa bunsong kapatid ay hinubaran,
tapos nilublob sa drum at sabi sa kanya sige kumanta ka, kumanta ka. Siyempre
5. - 5 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
paano makakakanta eh, nilublob sa drum, siyempre manginginig ka sa takot kahit
anong ganda ng boses mo.
Alam nyo kitang kita ito ng kanyang kuya pero wala itong ginawa, di niya
pinansin ang ginawa sa kanyang kapatid, tahimik lang ito at tuloy sa kaniyang
ginagawa.
Yung kapatid po ay hindi namatay pero nasiraan po ng loob dahil sa
nangyari hindi na po siya umawit kahit kailan, yung kuya niya okay na okay ang
buhay.
Noong pong World War II, ang panganay na kapatid ay naging komander
ng digmaan, noon po ay natutulog bigla siyang nakapanaginip, napanaginipan niya
na kasama siya sa mga alagad ni Kristo at siya si Judas. Ipinagkanulo niya ang
Lord. Nagising po siya na hingal na hingal at doon po ay kinausap siya ng Dios.
Sabi sa kanya, umuwi ka puntahan mo ang kapatid mo. Dahil yon pong bata niyang
kapatid ay hindi na po pumasok at nawalan na po ng pag-asa, kaya umuwi po siya,
mula sa Palestinian ay umuwi siya.
Pagdating niya sa kapatid, takot na takot po ang kapatid niya. Sabi ng
bunsong kapatid, Bakit ka nandito? Sabi ng Kuya, Sori di kita napansin ng matagal
na panahon, patawarin mo ako noong mga panahon na ikaw ay kinukutya,
sinasaktan, di rin kita pinapansin.
Bigla pong lumuha ang kapatid na bunso, wala po siyang kaalam-alam, para
sa kanya po ay walang kinalaman ang Kuya niya doon sa pang-aaping ginawa sa
kanya.
Doon lang niya na-realize, dahil sa kanyang takot di siya nakaabante sa
buhay, dahil sa isang karanasan na masakit, isang araw muli po siyang umawit, sa
malayong bahagi ng hardin, umawit po siya.
Ang awit po niya ay ito: O BAKIT BA GANYAN ANG BUHAY NG
TAO, MAYROONG MAYAMAN AT API SA MUNDO. Noong marinig po ito ng
Kuya, iyak po ito ng iyak, at nilapitan niya uli ang kaniyang kapatid, sabi niya,
tandaan mo, walang api kung walang papaapi, walang bigo kung tama lamang ang
iyong tingin, ngunit ako’y nagsisisi sapagkat hindi ko iyon nakita sa iyo.
6. - 6 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
Simula po noom gumanda ang kanilang relasyon at naging kompositor yung
bata. Maraming tao, hindi masaya kapag hindi nakakasakit ng kapwa at hindi titigil
hanggat hindi nakakaganti.
Ang Mateo 5:17-48 ay kabahagi ng pagtuturo ng Panginoong Jesus sa
kanyang preaching bilang hari. At vs. 17-48 ay ang kanyang aral patungkol sa mga
alituntunin para sa pamumuhay pangkaharian. Ito ay ang kaniyang pagtupad sa
kautusan. At dito ngayon ay itinuturo niya ang PANLOOB NA BATAS.
Dito sa vs. 38-48 ay mayroon tayong apat na bagay na makikita na dapat
gawin sa pamumuhay pangkaharian habang tayo ay nasa lupa pa. Kaya’t
pinamagatan ko ang ating usapin na PAGNAISAHAN KA…APATIN MO.
A. HUWAG NINYONG PATULAN ANG MASAMANG
TAO…PAGSINAMPAL ANG KANAN MO….. (v. 39)
I. UNAWAIN MO NA IKA’Y TAO DIN NA NAGKAKAMALI (VS. 39-
41)
LAHAT TAYO AY NAGKAKAMALI kaya’t hindi agad ganti ang
tugon sa kasamaan, unawain natin na tayo ay tulad niya. Pare-pareho din
tayo ng frame work.
God’s purpose behind this law was an expression of mercy (see Exo.
21:23-25; Deut. 19:21; Lev. 24:23-25).
II. UNAWAIN MO NA KAILANGAN MONG MAGPATAWAD (V.42) AT
HUWAG NINYONG TATALIKDAN ANG SA INYO’Y
NANGUNGUTANG.
Alam po ninyo, yung inakay maging mabait at di ka matanggi pag
may nangungutang, minsan problema pa yan ng nagpapautang, pagdating
ng panahon ikaw ay niloko ng nangutang sa iyo at pagsinisingil mo galit pa.
7. - 7 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
Tanong, madali ba silang patawarin. Hindi, kaya’t mahirap pong
magpatawad. Mismo ang Dios nahirapan din siya bago tayo patawarin.
Binigay muna niya ang kaniyang anak sa krus bago niya pinatawad.
FORGIVE..means to release, bitawan muna, palayain muna like the story of
Prodigal Son (see Exo. 23:4-5).
III. RESTORE THE LOVE (V. 44) – ATING PANUMBALIKIN ANG
PAGTANGGAP AT PAGMAMAHAL.
Alam po ninyo may mga taong walang ginawa kundi pasamain ang
kanilang kapwa, pero ano ang igaganti natin sa kanila (see 1 Peter 3:8-12).
STORY: ISANG BATA NA GUSTONG MAGPASTOR
Dahil sa kakulangan niya sa pera ay nagdrive muna siya ng bus
upang makadagdag sa kaniyang gastusin. Habang namamasada siya, ay may
sumakay sa kaniyang mga goons, at sabi sa kanya, ibigay mo sa amin ang
pera mo, nagmatigas ito at nahuli naman ang mga bumugbog sa kanya. At
ang naging hatol ng judge ay ikulong ang mga goons na yon. Pero sabi po
ng bata, your honor hindi po ako tutol sa desisyon nyo, pero pwede po ba na
ako na lang ang inyong ikulong at hindi sila.
Sagot ng judge, ano eh kakaiba ka, wala pang nangyaring ganito sa
kasaysayan ng mundo. Sagot ng bata, mayroon na po ang Panginoong Hesu
Kristo, wala po siyang ginawang masama pero pinako siya sa krus, hindi po
pumayag ang judge, ikinulong ang mga goons.
Pero ang ginawa ng bata, araw-araw dinadalhan niya ng pagkain ang
mga goons at nag-umpisa siyang magturo ng bible sa kulungan, walang
makagalaw po sa kanya dahil ang mga goons ang tagapagtanggol niya.
TANDAAN: Kahit anong sama ng tao kailangan siya ng Panginoong Hesu
Kristo . They are looking for LOVE.
STORY: MAG-AMA SA SPAIN
8. - 8 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
May mag-ama sa Spain na nagkagalit, lumayas ang bata dahil
napagalitan. Ang name ng bata ay Paco. Napagalitan siya dahil sa hindi
tamang ginawa, hinanap siya ng hinanap ng kaniyang tatay pero hindi siya
makita. Ang ginawa ng tatay, naglagay ng karatula sa gitna ng plasa.
Sabi ng ama sa karatula: MAHAL KONG PACO, saan ka man
naroroon, mahal na mahal kita, kalimutan muna ang nangyari. Mag-umpisa
tayong muli, magkita tayo dito bukas 11:30 ng tanghali, maghahanda ako
ng paborito mong ulam pag-uwi mo.
Kinabukasan 500 na mga kabataan ang nasa plasa na Paco din ang
name na naghihintay ng PAGMAMAHAL.
TANDAAN: Maraming tao ang uhaw na uhaw sa pagtanggap at
pagmamahal.
STORY: BATA NA NINAKAW ANG KANYANG BISCUIT
May isang bata na pinadalhan ng biscuit ng nanay para sa Jamborie.
Nang panahon na kakain na, ay wala iyong biscuit niya. Noong hinanap ng
teacher, kinakain na pala ng isang bata doon sa likod ng isang puno.
Galit na galit ang bata at babatukan yung classmate, pero sabi ng
teacher, wag ang gawin mo sulat ka sa nanay mo na magpadala pa dito ng
maraming biscuit, eh mabait po yung nanay, nagpadala naman. Sabi ng
teacher, o itong isang bag, ibigay mo sa kanya at sabay kayong kumain, sabi
ng ninakawan, ayoko ko nga, sabi ng teacher, kung gusto mong ipadama
ang pagmamahal sa kanya , gawin mo ang gusto mo.
Di lapit po ang bata, sabi niya doon sa kumuha ng biscuit, Oy
kaibigan dinalhan pa kita ng maraming biscuit. Halika kain tayo, maya-
maya yung dalawa ay sabay ng bumalik sa classroom at magkaakbay, sabi
ng batang nagnakaw, kaibigan, sa iyo na itong swiss knife ko kasi hindi ko
na mababayaran ang biscuit mo, ito na lang. Sori ha! (see Prov. 25:21-22).
9. - 9 -
Z:tempwindows20210417111647_ce7c26687ee590690e9140c54422de83cd04e091pagnaisahank
aapatinmo-210417111646.doc
You see, dahil sa pagmamahal naayos ang bata.
IV. PAG-ALAM MONG TAMA, GAWIN MO PARA SA IBA, PAG-ALAM
MONG MALI WAG MONG GAWIN PARA SA IBA (V.46).
THE WORD: Kung ang mga umiibig lamang sa inyo….Ganyan din
ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis (see Prov. 24:17-18).
Sabi noong kasama ni Korina sa Issue 101 sa naganap sa Manor
Hotel, “Ang ikinalulungkot daw niya ay kung alin yung mga Pastor na
malapit sa Dios ay sila pa ang namatay, hindi na lamang yung mga
walanghiya na mga pulitiko sa gobyerno. Sabay tutok ng kamera doon sa
mga politician na ininvite nila.
Parang mabait siya pero mali. Dahil iyung magsalita ka lang ng
hindi maganda sa kapwa mo at paghahangad na mamatay na ang mga taong
masasama ay nagpapakita lang ng mali nating gawain sa buhay.
Kung ikaw ang nasa ganoong kalalagayan at nalalaman mong gusto
ng tao na mamatay ka na di ba lalo kang magpapakasama at baka isama mo
pa ang mga taong nagnansa nityo para sa iyo.
Ano ang buod ng kautusan/ (see Mateo 7:12)
CONCLUSION:
Ang ating buhay ay hindi atin, ito’y sa Dios kaya dapat nating gamitin ito
para sa kaluwalhatian ng Dios. Matuto tayong gamitin ang oportunidad ng buhay
para sa tamang kaparaanan. PAG-INISAHAN KA..APATIN MO.
INISAHAN KA NG IYONG KAPWA SA MASAMANG PARAAN.
GANTIHAN MO NG APAT…APAT NA MABUTING PARAAN.