2. 19
Ang Oky ay isang mobile app na sumusuporta sa
mga kabataang babae at lalaki para mas
maintindihan nila ang mga nararanasang pagbabago
dulot ng pagdadalaga/pagbibinata o adolescence.
Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa kanilang
sekswal at reproduktibong kalusugan at karapatan
sa masaya at positibong paraan.
Ano ang Oky?
3. 19
Period tracker
Ano ang maitutulong ng Oky?
Para sa mga kabataang nagkakaroon ng regla, may
period tracker ang Oky para tulungan silang i-track
ang kanilang araw ng regla, mood, at iba pang
nararamdaman.
4. 19
Ano ang maitutulong ng Oky?
Encyclopedia
May Encyclopedia rin ng mahahalagang impormasyon
ang Oky para masagot ang mga tanong ng kabataan
tungkol sa regla, kalusugan, mga nararamdaman at
iba’t ibang mga nararanasan nila bilang adolescent.
5. 19
Ano ang maitutulong ng Oky?
Kung kailangan ng karagdagang suporta at tulong,
may Help Center din ang Oky kung saan makikita ang
mga malalapit na adolescent-friendly health facility
sa lugar nila, pati mga organisasyon at opisinang
pwede nilang lapitan.
Help Center
7. Oo, safe na safe itong gamitin ng lahat — mapa-batang
babae o lalaki, magulang, o guro pa kayo! Dinisenyo ang
Oky app kasama ang mga batang babae, para sa kapwa
nila batang babae at lahat ng kabataan.
Yes!
Ang laman nito ay maiging sinuri ng mga eksperto at
ginawang angkop para sa iba’t ibang edad. Para sa mga
Muslim na kabataan, ang impormasyong makikita nila
ay naaayon sa mga turo ng Islam.
8. Ang paggamit ng Oky app ay ineendorso ng
DepEd, DOH, CPD, NYC at BARMM Regional
Government. Mayroon ding Memorandum
ang DepEd na naghihikayat sa mga paaralan
na gamitin ang Oky at suportahan ang
pagdownload ng mga estudyante nito.
10. Option 1: App Store
I-search at install ang
‘Oky Philippines’ mula sa:
Download for FREE
Option 2: QR Code
I-scan ang QR code na ito:
11. Option 3:
Para sa sender
Step 1. Buksan ang SHAREit app at i-click ang “Send”.
Step 2. Piliin ang “Oky app” mula sa Files.
Step 3. Siguruhing nakabukas ang Wifi at iba pang permissions na kailangan.
Step 4. I-scan ang QR code ng pagpapasahang phone.
Para sa receiver
Step 1. Buksan ang SHAREit app at i-click ang “Receive”.
Step 2. Ipa-scan sa sender ang QR code na lalabas sa phone.
12. Makipag-ugnayan sa Adolescent Reproductive
Health (ARH) Focal Persons, Wash in Schools
(WinS) Coordinators, o Education Program
Supervisors (EPS) for MAPEH/CSE.
PARA SA KARAGDAGANG SUPORTA