Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
2. Ano ang Maikling Kuwento?
O naglalahad ng madulang pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan at nag-
iiwan ng kakintalan sa isipan at
damdamin ng mambabasa.
O Tagpuan
O Tauhan
O Banghay
O Mahahalagang paksang diwa o tema o
isipan na nais ipahatid ng awtor.
3. Uri ng Kuwento
O Salaysay- uring ito di nagtataglay ng
nangingibabaw na katangian, hindi
nagmamalabis bagama’t hindi apurahan
ang pagsasalaysay.
O Rip Van Winkle ni Irving
4. Rip Van Winkle
O “Rip Van Winkle” is such a well-known tale that
almost every child in the United States has read it
or heard it narrated at one time or another. Rip is
a simple-minded soul who lives in a village by the
Catskill Mountains. Beloved by the village, Rip is
an easygoing, henpecked husband whose one
cross to bear is a shrewish wife who nags him
day and night.
O One day he wanders into the mountains to go
hunting, meets and drinks with English explorer
Henry Hudson’s legendary crew, and falls into a
deep sleep. He awakens twenty years later and
returns to his village to discover that everything
has changed. The disturbing news of the
dislocation is offset by the discovery that his wife
is dead. In time, Rip’s daughter, son, and several
villagers identify him, and he is accepted by the
others.
5. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng katutubong kulay- uri ng
kuwento na binibigyang diin ay ang
tagpuan ang kapaligiran ng isang pook.
O “Ang Suyuan sa Tubigan” ni Macario
Pineda
6. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng madulang pangyayari-
ang pangyayari sa gaitong uri ng
kuwento ay kapansin-pansin at lubhang
mahalaga atnagbubunga ng isang bigla
at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng
mga taong gumagalaw sa kuwento.
O “Bahay na Bato” ni Antonio B.L. Rosales
7. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng pakikipagsapalarang
maromansa- dito’y ang kawilihan ay
nasa balangkas sa halip na sa mga
tauhan.
O “Alamat ng tatlong prinsesa” ni Irving
8. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng kababalaghan- ang mga
bagay na hindi kapanipaniwala at
salungat sa hustong bait, kaisipan at
karanasan ng tao ay siyang ipinakikilala
ng ganitong uri ng kuwento.
9. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng katatawanan- kahawig
lamang ng uring ito ng isang salsaysay
kaysa sa isang tunay na maikling
kuwento.
O “Tubig sa Buslo” ni Mateo Cruz Cornelio
10. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng sikolohiko- may kahirapan
ang ganitong uri ng kuwento. Ang tauhan
ay inilalarawan sa mga pag-iisip ng
mambabasa.
O “Dugo at Utak” ni Cornelio Reyes
O “May Landas ang mga Bituin” ni Macario
Pineda
11. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng tauhan- ang binibigyan diin
sa kuwentong ito ay ang tauhan o mga
tauhang gumagalaw sa kuwento.
O “Si Ingkong Gaton at ang kanyang
Kalakian” ni Serafin Guinigundo.
12. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng katatakutan- ang
damdamin ay pinupukyaw sa kawilihan
ng mambabasa sa halip na ang kilos sa
kuwento.
O Kaisahan
O Bisa
13. Uri ng Kuwento
O Kuwento ng talino- ang mahusay na
pagkabuo ng balangkas ang umaakit ng
kawilihan sa mga mambabasa sa halpi
na ang tauhan o ang tagpuan ang
sumusukat ng ganitong uri ng kuwento
ay kailangan gumawa ng masuliraning
kalagayan upang mamahay sa
alinlangan o sa dilim, hanggang sa mga
takdang oras ay sumapit ang paglalahad
ng kalutasan.
O Kuwento ukol sa paniniktik
14. Mga Sangkap ng Maikling
Kuwento
O Banghay- ang banghay ng kuwento ay
tumutukoy sa pagkakawing-kawing ng
mga pangyayari na lumilikha ng
pangunahing ’buhol’ na kapag nakalas ay
tapos na ang kuwento.
16. Mga Sangkap ng Maikling
Kuwento
O Tunggalian- Ang pangunahing tauhan ay
may mahalagang suliranin na dapat
magkaroon ng kalutasan.
O Tao laban sa tao
O Tao laban sa kalikasan
O Tao laban sa sarili
O Tao laban sa Lipunan
17. Mga Sangkap ng Maikling
Kuwento
O Tauhan- Karakter na gumaganap na sa
kuwento.
O Dalawang Uri ng Tauhan
O Protagonista
O Pangunahing tauhan
O Sa kanya nakasentro ang pangyayari
O bida
O Antagonista- Siya ang lumilikha ng
hadlang para huwag magtagumpay ang
pangunahing tauhan
18. Mga Sangkap ng Maikling
Kuwento
O Paksa o Tema- Kaisipan o Mensahe ng
Awtor sa Kuwento.
O Paningin- isinisusulat ang maikling
kuwento ng may akda sa isang paningin
o pint of view.
O Sa paningin ng may akda
O Sa paningin ng tauhan
O Sa panigin ng isang tauhan
O Sa unang panauhan
19. Walang Panginoon Ni
Deogracias A. Rosario
O Ang kuwento ni Deogracias A.
Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa
isang maralitang pamilya at sa kanilang
pakikipagtunggali sa mga mayayamang
nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang
pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang
naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong
at ng mababang uri na makikita sa tauhang si
Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito,
maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa
Marxismong kritisismo.
20. O Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa
pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang
isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay may
kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga
mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran
ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging
mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni
Don Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan,
habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Ito rin ay
pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman
sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo. Mahalaga
ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila isang
kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak
pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang
pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng
mga mayayaman sa mga mabababang uri o alienation mula sa
lipunan. Panghuli, ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay
isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa kamatayan ng
kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa
huling talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang
kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap
sa mga kamay ng mataas na uri.
21. O Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad
ng pangkalahatang tema ng kuwento-ang pagpatay sa isang
sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at
pabor lamang sa mayayaman. Ang pagbanggit ng ’walang
panginoon ’ sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng
isang lipunang walang mataas at walang mababa, isang
lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa
mga tao o bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na
nagbubunga sa isang mapang-aping sistema na sanhi
naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay
Don Teong sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng
pagpapahayag ng mensahe na ang patuloy na pang-aabuso
ng isang tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang
maghahatid sa kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang
ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya’t
ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang
panginoon.