SlideShare a Scribd company logo
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto
Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga
Kwarter 3 : Linggo 1
Department of Education • Schools Division Office of Apayao
7
https://mybookshop.co.in/myshop/media/product/553/virtues-values-a-
book-of-moral-values-class-5-8bc.jpg
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Apayao
Capagaypayan, Luna, Apayao
Published by:
Learning Resource Management and Development System
COPYRIGHT NOTICE
2021
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall
be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version,
an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for
commercial purposes and profit.
FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY
Subject for Copyright Evaluation
For inquiries or feedback, please write or email:
Department of Education - Schools Division of Apayao, Capagaypayan, Luna, Apayao
Email Address: apayao@deped.gov.ph
Consultants: BENEDICTA B. GAMATERO PhD
Schools Division Superintendent
GINADINE L. BALAGSO
OIC, AssistantSchools Division Superintendent
ChiefEducation Supervisor,CID: JOY D. SALENG
Division LRMS Supervisor: JULIET A. RAGOJOS
Education Program Supervisor: THELMA DEZA
LAS Evaluators: THELMA DEZA
JULIET A. RAGOJOS
Public School DistrictSupervisor: MARIZON P. CASTILLO
School Head: RONIE P. QUEDDENG
Writer: NORBERTO B. MANIOANG JR
School: Pudtol Vocational High School,Pudtol District
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: ____________________________________ Lebel: _____________
Seksyon: _____________________________________ Petsa: _____________
GAWAING PAGKATUTO
Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga
(Week 1)
Kasanayang Pagkatuto at Koda
a. Nakikilala ang pagkakaiba ng birtud at pagpapahalaga (EsP7PB-IIIa-9.1)
b. Natutukoy:
i. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at
ii. ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito
(EsP7PB-IIIa-9.2)
Pagtatalakay (Susing Konsepto)
Ang pagpapasya ay kasakasama na ng ating pang araw-araw na
pamumuhay. Ito ay isang bagay na siyang likas sa tao at ibinigay ng Dios sa bawat
nilalang (malayang pagpapasya). Ang pagpapasya ay ang pagpili ng kilos, tugon, o
desisyon batay sa kasalukuyang sitwasyong kinakaharap. Maaaring ang pasya ay
maging tama o mali. Kasama sa bawat araw na pagpapasya ang pamimili sa tama o
mali at mabutio masama. Paano nauugnay ang birtud at pagpapahalaga sa
depenisyon na ito?
Birtud.
Ang birtud, o virtue sa wikang Ingles, ay nangangahulugan sa pag sang-ayon
sa moral at prinsipyong etiko. Nanggaling ang salitang birtud sa wikang Latin na
vitrus na ibig sabihin ay “pagiging tao”. Ang mga ito ay mga bagay na nakabase sa
kung anong tama at makakabuti sa ating sarili at sa ating mga kapwa. Isa itong
kaugalian o katangian na partikular na natututunan sa ilalim ng pananampalatayang
Kristiyanismo.
May dalawang uri ang birtud. Una ay Intelektwal na birtud na may kinalaman
sa isip na tinatawag ding gawi ng kaalaman. Ikalawa ay Moral na Birtud na may
kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ang pag-unawa
(understanding), agham (science), karunungan (wisdom), maingat na paghuhusga
(prudence) at sining (art) ay mga halimbawa ng Intelektwal na birtud. Katarungan
(justice) o ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat
lamang para sa kanya, pagtitimpi (temperance) o pagpipigil o pagkontrol sa sarili na
maiwasan ang tukso o masamang gawain, katatagan (fortitude) o ang birtud na
nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubok, at maingat
na paghuhusga (prudence) na itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang
pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga. Ang mga
ito ay halimbawa naman ng moral na birtud.
Pagpapahalaga
Ang pagpapahalaga o value ay mula sa salitang Latin na valore na
nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makahulugan o
pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Ganap na pagpapahalagang moral (absolute
roal values) o ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng
tao bilang mabuti at mahalaga at pagpapahalagang kultural na panggawi (cultural
behaviors) pansariling pananaw ng tao o paniniwala ng isang pangkat kultural ay
mga uri ng pagpapahalaga. Ilan sa mga katangian ng pagpapahalaga ay:
a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought -to-be) at kung ano ang dapat
gawin (ought-to-do)
Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga
Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay halaga sa ating tunay na
pagkatao. Magkaiba man ay magkaugnay naman ang mga ito. Dahil ayon kay Ayn
Rand, ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao
at ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan.
Gawain 1:
Panuto: Hanapin at pag-ugnayin ang mga kaisipan sa kolum A at B. Isulat ang titik
lamang sa sagutang papel.
A B
1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang
kilos
2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng tao, mga gawi na
nagpapabuti sa tao.
3. may kinalaman sa sa isip ng tao na tinatawag ding
gawi ng kaalaman
4. Nangangahulugan ng pagiging tao, pagiging matatag
at pagiging malakas
5. Ito ang obheto ng ating intensyonal na damdamin
6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao
7. ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na
tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
8. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
9. immutable o objective
A. Birtud
B. Pagpapahalaga
C. Katangian ng
pagpapahalaga
D. Habit o Gawi
E. Intelektwalna birtud
F. Moral na birtud
G. Ganap na
Pagpapahalagang Moral
(Absolute Moral Values)
H. Pagpapahalagang
Kultural na Panggawi
(cultural behaviors)
I. pagpapasya
10. nagbibigay direksyon sa buhay ng tao
Gawain 2.
Panuto: Mula sa iyong sariling karanasan, isalaysay ang sariling gawi na maaaring
maging daan upang taglayin mo ang mga moral na birtud gaya ng katatagan,
pagtitimpi, katarungan, at maingat na pagpapasya. Isulat sa kahon ang iyong sagot.
Gawi Birtud na maaaring malinang
Halimbawa: Araw-araw akong tinutukso
ng aking mga kaklase subalit pinipili kong
wag magalit
Pagtitimpi
IKAW NAMAN
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3.
Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salita at pagkatapos ay ibigay
ang kahulugan batay sa napag-aralan. Ilagay sa kolum na “” kung ito ay salik ng
birtud at sa kolum na “Pagpapahalaga” kung ito ay salik ng pagpapahalaga.
Salik ng Birtud Salik ng Pagpapahalaga
a) KURANGATAN b) ITUMBAMEL c) NAGTATAKA
d) TULKULAR AN GAWIPAG e) IMPITGATIP
Pagtataya:
A. Panuto: Isulat sa patlang ang pinakaangkop na sagot sa bawat tanong.
___ 1. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin?
A. Pagpapahalaga
B. Pagpapakatao
C. Gawi o Habit
D. Birtud
___ 2. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa:
A. . Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
B. . Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming indibidwal
C. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
D. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)
___ 3. Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud?
A. Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan
ang pinahahalagahan
B. Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang Mabuti
ang ginagawa sa tao
C. Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit
D. Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud
___ 4. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos?
A. birtud
B. habit o gawi
C. pagpapakatao
D. pagpapahalaga
___ 5. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa.
A. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat kilosng tao.
B. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
D. Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao
B. Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang
pahayag ay mali.
___ 6. Ang birtud ay taglay na ng tao sa kanyang kapanganakan.
___ 7. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang
gawin ayon sa tamang katwiran.
___ 8. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o
kalidad sa buhay ng tao.
___ 9. Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao, ang kalayaan ang
daan upang makamit ito.
___ 10. Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi
na nagpapabuti sa tao.
Repleksiyon:
Ang aking natutunan at nagging reyalisasyon sa aralin ay ________________
___________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-birtud
https://brainly.ph/question/90788
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-module-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q3-q4.html
https://mybookshop.co.in/myshop/media/product/553/virtues-values-a-book-of-moral-
values-class-5-8bc.jpg
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1;
1. d 6. b
2. f 7. g
3. e 8. h
4. a 9. c
5. b 10. C
Gawain 2;
*Maaaring magkakaiba ang sagot depende sa sariling karanasan ng mag-aaral.
Gawain 3;
1. KATARUNGAN - ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa kanya, - Birtud
2. IMMUTABLE - hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga. - Pagpapahalaga
3. KATATAGAN - ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang
anumang pagsubok - Birtud
4. KULTURAL NA PAGGAWI - pansariling pananaw ng tao o paniniwala ng isang
pangkat kultural - Pagpapahalaga
5. PAGTITIMPI - pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o
masamang Gawain - Birtud
Pagtataya
1. A 6. M
2. D 7. T
3. A 8. T
4. B 9. T
5. C 10. M
Inihanda ni:
Norberto B. Manioang Jr
Guro ng EsP 7

More Related Content

What's hot

Ebolusyong kultural
Ebolusyong kulturalEbolusyong kultural
Ebolusyong kultural
Olhen Rence Duque
 
AP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptx
AP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptxAP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptx
AP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptx
MaerieChrisCastil
 
COT 2.pptx
COT 2.pptxCOT 2.pptx
COT 2.pptx
Perlita Noangay
 
Kahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
Kahulugan, Konsepto at Katangian ng KabihasnanKahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
Kahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
John Mark Luciano
 
Pagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa Propesyon
Pagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa PropesyonPagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa Propesyon
Pagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa Propesyon
DEPARTMENT OF EDUCATION
 
AP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT TUBIG NG ASYA.pptx
AP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT  TUBIG NG ASYA.pptxAP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT  TUBIG NG ASYA.pptx
AP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT TUBIG NG ASYA.pptx
RaysonCarillo
 
Birtud
BirtudBirtud
Birtud
lotadoy22
 
Heyograpiya ng Asya
Heyograpiya ng Asya Heyograpiya ng Asya
Heyograpiya ng Asya
Merelyn Menor
 
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdangwastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
kenlumogdang2010
 
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUDESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
Lemuel Estrada
 
Topograpiya ng asya
Topograpiya ng asyaTopograpiya ng asya
Topograpiya ng asya
roxie05
 
EsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa Birtud
EsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa BirtudEsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa Birtud
EsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa Birtud
Lemuel Estrada
 
Pisikal na katangian ng Asya
Pisikal na katangian ng AsyaPisikal na katangian ng Asya
Pisikal na katangian ng Asya
Rach Mendoza
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
Glenda Acera
 
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa AsyaAnyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
John Eric Calderon
 
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyoModyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Evalyn Llanera
 
Konsepto ng kabihasnan
Konsepto ng kabihasnanKonsepto ng kabihasnan
Konsepto ng kabihasnan
attysherlynn
 
Kontinente ng Asya
Kontinente ng AsyaKontinente ng Asya
Kontinente ng Asya
Padme Amidala
 
What's hot (20)

Ebolusyong kultural
Ebolusyong kulturalEbolusyong kultural
Ebolusyong kultural
 
piyudalismo
piyudalismopiyudalismo
piyudalismo
 
AP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptx
AP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptxAP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptx
AP 7 - Q1 Week 2 (Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran).pptx
 
COT 2.pptx
COT 2.pptxCOT 2.pptx
COT 2.pptx
 
Kahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
Kahulugan, Konsepto at Katangian ng KabihasnanKahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
Kahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
 
Pagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa Propesyon
Pagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa PropesyonPagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa Propesyon
Pagpapaunlad ng Hilig sa Paghahanda sa Propesyon
 
AP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT TUBIG NG ASYA.pptx
AP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT  TUBIG NG ASYA.pptxAP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT  TUBIG NG ASYA.pptx
AP7 Q1 2 MGA ANYONG LUPA AT TUBIG NG ASYA.pptx
 
Birtud
BirtudBirtud
Birtud
 
Heyograpiya ng Asya
Heyograpiya ng Asya Heyograpiya ng Asya
Heyograpiya ng Asya
 
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdangwastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
 
Indus 2
Indus 2Indus 2
Indus 2
 
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUDESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
 
Topograpiya ng asya
Topograpiya ng asyaTopograpiya ng asya
Topograpiya ng asya
 
EsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa Birtud
EsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa BirtudEsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa Birtud
EsP 7 Modyul 9 Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga sa Birtud
 
Pisikal na katangian ng Asya
Pisikal na katangian ng AsyaPisikal na katangian ng Asya
Pisikal na katangian ng Asya
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
 
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa AsyaAnyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
 
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyoModyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
 
Konsepto ng kabihasnan
Konsepto ng kabihasnanKonsepto ng kabihasnan
Konsepto ng kabihasnan
 
Kontinente ng Asya
Kontinente ng AsyaKontinente ng Asya
Kontinente ng Asya
 
Similar to Las es p7 q3w1_norberto manioang

pagpapahalaga.pptx
pagpapahalaga.pptxpagpapahalaga.pptx
pagpapahalaga.pptx
MarilynEscobido
 
birtud.docx
birtud.docxbirtud.docx
birtud.docx
SheilaSerna3
 
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptxBIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
DonnaTalusan
 
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptx
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptxIKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptx
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptx
DesilynNegrillodeVil
 
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
sundom95
 
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptxMODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
ROWENAVILLAMIN7
 
Ayon kay max scheler
Ayon kay max schelerAyon kay max scheler
Ayon kay max scheler
Melchor Lanuzo
 
lesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptx
lesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptxlesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptx
lesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptx
CARLACONCHA6
 
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng PagpapahalagaMga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Eddie San Peñalosa
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Manuel Dinlayan
 
EsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptx
EsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptxEsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptx
EsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptx
jeobongato
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Lemuel Estrada
 
Grade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docxGrade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docx
JanCarlBriones2
 
Ang Pagpapahalaga o Values
Ang Pagpapahalaga o ValuesAng Pagpapahalaga o Values
Ang Pagpapahalaga o Values
Eddie San Peñalosa
 
Curriculum Guide in ESP 8
Curriculum Guide in ESP 8Curriculum Guide in ESP 8
Curriculum Guide in ESP 8
Jessie James Tanael
 
Moral na Birtud at kahulugan.pptx
Moral na Birtud at kahulugan.pptxMoral na Birtud at kahulugan.pptx
Moral na Birtud at kahulugan.pptx
MarilynEscobido
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
AireneMillan1
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
AireneMillan1
 
Similar to Las es p7 q3w1_norberto manioang (20)

pagpapahalaga.pptx
pagpapahalaga.pptxpagpapahalaga.pptx
pagpapahalaga.pptx
 
birtud.docx
birtud.docxbirtud.docx
birtud.docx
 
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptxBIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA LAST.pptx
 
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptx
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptxIKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptx
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7.pptx
 
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
 
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptxMODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
 
Ayon kay max scheler
Ayon kay max schelerAyon kay max scheler
Ayon kay max scheler
 
lesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptx
lesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptxlesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptx
lesson1pagpapahalagaatbirtud-200110065836.pptx
 
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng PagpapahalagaMga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
Virtues ii
Virtues iiVirtues ii
Virtues ii
 
EsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptx
EsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptxEsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptx
EsP73rdQWk1D1_Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga.pptx
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
 
Grade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docxGrade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docx
 
Ang Pagpapahalaga o Values
Ang Pagpapahalaga o ValuesAng Pagpapahalaga o Values
Ang Pagpapahalaga o Values
 
Curriculum Guide in ESP 8
Curriculum Guide in ESP 8Curriculum Guide in ESP 8
Curriculum Guide in ESP 8
 
Moral na Birtud at kahulugan.pptx
Moral na Birtud at kahulugan.pptxMoral na Birtud at kahulugan.pptx
Moral na Birtud at kahulugan.pptx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
Las es p7 q3w1_norberto manioang

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Gawaing Pagkatuto Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga Kwarter 3 : Linggo 1 Department of Education • Schools Division Office of Apayao 7 https://mybookshop.co.in/myshop/media/product/553/virtues-values-a- book-of-moral-values-class-5-8bc.jpg
  • 2. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Cordillera Administrative Region Schools Division of Apayao Capagaypayan, Luna, Apayao Published by: Learning Resource Management and Development System COPYRIGHT NOTICE 2021 Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit. FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY Subject for Copyright Evaluation For inquiries or feedback, please write or email: Department of Education - Schools Division of Apayao, Capagaypayan, Luna, Apayao Email Address: apayao@deped.gov.ph Consultants: BENEDICTA B. GAMATERO PhD Schools Division Superintendent GINADINE L. BALAGSO OIC, AssistantSchools Division Superintendent ChiefEducation Supervisor,CID: JOY D. SALENG Division LRMS Supervisor: JULIET A. RAGOJOS Education Program Supervisor: THELMA DEZA LAS Evaluators: THELMA DEZA JULIET A. RAGOJOS Public School DistrictSupervisor: MARIZON P. CASTILLO School Head: RONIE P. QUEDDENG Writer: NORBERTO B. MANIOANG JR School: Pudtol Vocational High School,Pudtol District
  • 3. EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Pangalan: ____________________________________ Lebel: _____________ Seksyon: _____________________________________ Petsa: _____________ GAWAING PAGKATUTO Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga (Week 1) Kasanayang Pagkatuto at Koda a. Nakikilala ang pagkakaiba ng birtud at pagpapahalaga (EsP7PB-IIIa-9.1) b. Natutukoy: i. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at ii. ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito (EsP7PB-IIIa-9.2) Pagtatalakay (Susing Konsepto) Ang pagpapasya ay kasakasama na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Ito ay isang bagay na siyang likas sa tao at ibinigay ng Dios sa bawat nilalang (malayang pagpapasya). Ang pagpapasya ay ang pagpili ng kilos, tugon, o desisyon batay sa kasalukuyang sitwasyong kinakaharap. Maaaring ang pasya ay maging tama o mali. Kasama sa bawat araw na pagpapasya ang pamimili sa tama o mali at mabutio masama. Paano nauugnay ang birtud at pagpapahalaga sa depenisyon na ito? Birtud. Ang birtud, o virtue sa wikang Ingles, ay nangangahulugan sa pag sang-ayon sa moral at prinsipyong etiko. Nanggaling ang salitang birtud sa wikang Latin na vitrus na ibig sabihin ay “pagiging tao”. Ang mga ito ay mga bagay na nakabase sa kung anong tama at makakabuti sa ating sarili at sa ating mga kapwa. Isa itong kaugalian o katangian na partikular na natututunan sa ilalim ng pananampalatayang Kristiyanismo. May dalawang uri ang birtud. Una ay Intelektwal na birtud na may kinalaman sa isip na tinatawag ding gawi ng kaalaman. Ikalawa ay Moral na Birtud na may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ang pag-unawa (understanding), agham (science), karunungan (wisdom), maingat na paghuhusga (prudence) at sining (art) ay mga halimbawa ng Intelektwal na birtud. Katarungan (justice) o ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, pagtitimpi (temperance) o pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o masamang gawain, katatagan (fortitude) o ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubok, at maingat na paghuhusga (prudence) na itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga. Ang mga ito ay halimbawa naman ng moral na birtud.
  • 4. Pagpapahalaga Ang pagpapahalaga o value ay mula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makahulugan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Ganap na pagpapahalagang moral (absolute roal values) o ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga at pagpapahalagang kultural na panggawi (cultural behaviors) pansariling pananaw ng tao o paniniwala ng isang pangkat kultural ay mga uri ng pagpapahalaga. Ilan sa mga katangian ng pagpapahalaga ay: a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga. b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao d. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought -to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do) Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay halaga sa ating tunay na pagkatao. Magkaiba man ay magkaugnay naman ang mga ito. Dahil ayon kay Ayn Rand, ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao at ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan. Gawain 1: Panuto: Hanapin at pag-ugnayin ang mga kaisipan sa kolum A at B. Isulat ang titik lamang sa sagutang papel. A B 1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos 2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao. 3. may kinalaman sa sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman 4. Nangangahulugan ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas 5. Ito ang obheto ng ating intensyonal na damdamin 6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao 7. ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. 8. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. 9. immutable o objective A. Birtud B. Pagpapahalaga C. Katangian ng pagpapahalaga D. Habit o Gawi E. Intelektwalna birtud F. Moral na birtud G. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values) H. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural behaviors) I. pagpapasya
  • 5. 10. nagbibigay direksyon sa buhay ng tao Gawain 2. Panuto: Mula sa iyong sariling karanasan, isalaysay ang sariling gawi na maaaring maging daan upang taglayin mo ang mga moral na birtud gaya ng katatagan, pagtitimpi, katarungan, at maingat na pagpapasya. Isulat sa kahon ang iyong sagot. Gawi Birtud na maaaring malinang Halimbawa: Araw-araw akong tinutukso ng aking mga kaklase subalit pinipili kong wag magalit Pagtitimpi IKAW NAMAN 1. 2. 3. 4. 5. Gawain 3. Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salita at pagkatapos ay ibigay ang kahulugan batay sa napag-aralan. Ilagay sa kolum na “” kung ito ay salik ng birtud at sa kolum na “Pagpapahalaga” kung ito ay salik ng pagpapahalaga. Salik ng Birtud Salik ng Pagpapahalaga a) KURANGATAN b) ITUMBAMEL c) NAGTATAKA d) TULKULAR AN GAWIPAG e) IMPITGATIP
  • 6. Pagtataya: A. Panuto: Isulat sa patlang ang pinakaangkop na sagot sa bawat tanong. ___ 1. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin? A. Pagpapahalaga B. Pagpapakatao C. Gawi o Habit D. Birtud ___ 2. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa: A. . Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga. B. . Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming indibidwal C. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao D. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values) ___ 3. Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud? A. Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan B. Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang Mabuti ang ginagawa sa tao C. Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit D. Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud ___ 4. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos? A. birtud B. habit o gawi C. pagpapakatao D. pagpapahalaga ___ 5. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa. A. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat kilosng tao. B. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos D. Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao B. Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali. ___ 6. Ang birtud ay taglay na ng tao sa kanyang kapanganakan. ___ 7. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katwiran. ___ 8. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. ___ 9. Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao, ang kalayaan ang daan upang makamit ito. ___ 10. Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao.
  • 7. Repleksiyon: Ang aking natutunan at nagging reyalisasyon sa aralin ay ________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Mga Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-birtud https://brainly.ph/question/90788 https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-module-in-edukasyon-sa- pagpapakatao-q3-q4.html https://mybookshop.co.in/myshop/media/product/553/virtues-values-a-book-of-moral- values-class-5-8bc.jpg Susi sa Pagwawasto Gawain 1; 1. d 6. b 2. f 7. g 3. e 8. h 4. a 9. c 5. b 10. C Gawain 2; *Maaaring magkakaiba ang sagot depende sa sariling karanasan ng mag-aaral. Gawain 3; 1. KATARUNGAN - ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, - Birtud 2. IMMUTABLE - hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga. - Pagpapahalaga 3. KATATAGAN - ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubok - Birtud 4. KULTURAL NA PAGGAWI - pansariling pananaw ng tao o paniniwala ng isang pangkat kultural - Pagpapahalaga 5. PAGTITIMPI - pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o masamang Gawain - Birtud
  • 8. Pagtataya 1. A 6. M 2. D 7. T 3. A 8. T 4. B 9. T 5. C 10. M Inihanda ni: Norberto B. Manioang Jr Guro ng EsP 7