2. 1934- Iminungkahi ng grupo ni Lope K.
Santos na ang wikang pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito
ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na
noo’y Pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt ng Pilipinas.
3. 1935- “ Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansang ibabatay sa
isa sa mga umiiral na katutubong
wika. Hangga’t hindi itinakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika”
4. 1937- Iprinoklama ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang wikang
tagalog upang maging batayan ng
Wikang Pambansa base sa
rekomendasyon ng Surian sa bias
ng kautusang Tagapagpaganap Blg.
134.( Disyembre 30, 1937)
5. 1940 – Taong ito nagsimulang ituro ang
wikang pambansang batay sa Tagalog sa
mga paaralang pampubliko at pribado
1946- Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang
kalayaan ng Pilipinas ( Hulyo 4, 1946) Dito
din ipinahayag na ang wikang opisyal na
gagamitin sa bansa ay Tagalog at Ingles sa
bias ng Batas Komonwelt Bilang 570.
6. 1959- Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang
tawag sa wikang pambansa mula tagalog
ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang
Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose
E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.
Ang wikang ito ay ginamit sa iba’t ibang
tanggapan, gusali at mga dokumentong
pampamahalaan.
7. 1987- Sa Saligang Batas ng 1987 ay
pinagtibay ng Komisyong Kontitusyunal
na binuo ni dating Pangulong Cory
Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino .
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6
ang probisyon tungkol sa wika.