Kasaysayan ng brgy. N. valderrama Siniloan, Laguna
1. Ang Labanan sa Mambog
Taong 1900, ika-17 ng Setyembre, naganap ang labanan sa Mambog (Kinale),
pag-itan ng Mabitac at Siniloan,.. Ang labanang ito ang sinasabi sa kasaysayan ng
Pilipinas na napagtagumpayan ng mga Pilipino sa pamumuno ni Fidel Sario na taga-
Paete, Laguna…Ang mga ito’y nangakahimpil sa bundok ng Kinale Alas-as… Napatay
nila ang may 400 sundalong Amerikano ngunit sinawimpalad si Fidel Sario nang
matamaan ng ligaw na bala sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan… Dinala
siya sa tanawang munti sa Siniloan… At duon sa lugar na iyon namatay siyang
bayani.Hanggang sa kasalukuyan makikita ang bantayog ng labanang ito bago
pumasok sa bayan ng Mabitac. ‘Di naglaon at ang pangalan ni Fidel Sario ay
ipinangalan sa isang Bario sa kabilang ibayo ng Gen. Luna. Ngunit sa pag lipas ng
maraming taon pinalitan ng pangalan ang Bariong ito. At kinuha ang bagong pangalang
ito sa isa sa mga bayaning nakilahok at naging isa sa Major officer noong World War II
(Fil-American Guerilla) na si Atty. Nicasio Valderrama, na kasalukuyang pangalan
ngayon na tinatawag na Brgy. N. Valderrama.