4. Mga Kanluraning bansa na
nanakop at nagtayo ng mga
kolonya sa Asya at Anerika
- Portugal
- Spain
- Netherlands
- France
- Britain
5. Ang Pananakop sa Makabagong Panahon
- Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang
pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang
Portugal, Spain, Netherlands, France, at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa
Asya at Amerika. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago
nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang
Netherlands at France. Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan
ang 13 kolonya ng Britain sa America, ang Timog Canada, at ang
pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal
- Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang
bahagi ng ika-20 na siglo, habang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong
Industriyal. Ang panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang
Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na
paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain.
6. Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang
pananakop sa paggamit ng MANIFEST DESTINY at WHITE MAN’s
BURDEN.
MANIFEST DESTINY – may karapatang ibinigay ang Diyos sa United
States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang
America.
WHITE MAN’s BURDEN – tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang
inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga
ng mga kolonyang kanilang sinakop.
7. Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
PROTECTORATE – pagbibigay ng kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob
ng ibang bansa.
CONCESSION – ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.
SPHERE OF INFLUENCE – isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan
kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
8. Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa
sistemang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga
Kanluranin na magpalawak ng teritoryo at ipalaganap ang kanilang
kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng pananakop. Maraming
pagbabagong political, kultural at pangkabuhayan ang naganap sa mga
bansang sinakop. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga
kolonya.
Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami
pang pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa
katayuan ng mamamayan. May nagtayo ng kolonya, protectorate,
concession o sphere of influence. Sa mga mananakop, pinakamalawak ang
imperyo ng Britain
9. Thank You For Listening and We
Hope You had Learn Something
From Us!! GODBLESS!!
Note: Minadali namin ito kasi 1 minute nalang time namin haha