Ang Middle Ages, o gitnang panahon, ay nag-uugnay sa sinaunang at makabagong panahon, na nagbunga ng isang bagong lipunan mula sa pamanang klasikal ng Rome, paniniwala ng Simbahang Katoliko, at kaugalian ng mga tribong Germanic. Sa kabila ng mga pagsisikap nina Diocletian at Constantine na mapanatili ang kapangyarihan ng imperyo, ang paghina ng pampulitikang katatagan at paglusob ng mga Germanic ay nagdulot ng pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman. Kasabay nito, umusbong ang Kristiyanismo bilang pinakamakapangyarihang institusyon sa lipunan habang humihina ang mga tradisyunal na sistema ng kalakalan at komunikasyon sa Europa.