3. ISAIAS 9:6
Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang
isang bata, sa atin ay ibinigay ang
isang anak na lalaki; at ang
pamamahala ay maaatang sa
Kaniyang balikat: at ang Kaniyang
pangalan ay tatawaging
Kamanghamangha, Tagapayo,
Makapangyarihang Diyos, Walang
hanggang Ama, Pangulo ng
Kapayapaan.
4. LUCAS 2:10-14
10 Ngunit sinabi sa kanila
ng anghel, “Huwag kayong
matakot! Ako’y may dalang
magandang balita para sa
inyo na magdudulot ng
malaking kagalakan sa
lahat ng tao.
5. LUCAS 2:10-14
11 Isinilang ngayon sa
bayan ni David ang inyong
Tagapagligtas, ang Cristong
Panginoon. 12 Ito ang
inyong palatandaan:
matatagpuan ninyo ang
isang sanggol na nababalot
ng lampin at nakahiga sa
isang sabsaban.
6. LUCAS 2:10-14
13 Bigla nilang nakitang
kasama ng anghel ang isang
malaking hukbo ng mga
anghel sa kalangitan. Sila’y
nagpupuri sa Diyos at
umaawit, 14 “Papuri sa
Diyos sa kaitaasan, at sa
lupa ay kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan Niya!”
10. SI HESUS, ANG SAR
SHALOM, ANG
PANGULO NG
KAPAYAPAAN NA
SA ATIN AY
NAGBIBIGAY
KAGINHAWAAN
1
11. JUAN 14:27
“ Kapayapaan ang iniiwan
Ko sa inyo. Ang Aking
kapayapaan ang ibinibigay
Ko sa inyo; hindi ito
katulad ng kapayapaang
ibinibigay ng mundo.
Huwag na kayong mabalisa;
huwag na kayong matakot.”
12. FILIPOS 4:6-7
6 Huwag kayong mabalisa
tungkol sa anumang bagay.
Sa halip, hingin ninyo sa
Diyos ang lahat ng inyong
kailangan sa pamamagitan
ng panalanging may
pasasalamat.
13. FILIPOS 4:6-7
7 At ang kapayapaan ng
Diyos na hindi kayang
maunawaan ng tao ang
siyang mag-iingat sa inyong
puso at pag-iisip dahil sa
inyong pakikipag-isa kay
Cristo Jesus.
14. SI HESUS, ANG SAR
SHALOM, ANG
PANGULO NG
KAPAYAPAAN NA
SA ATIN AY
(NAGLIGTAS)
NAGLILIGTAS
2
15. ROMA 5:1
Sapagkat napawalang-sala
na tayo sa pamamagitan ng
ating pananampalataya,
mayroon na tayong
mapayapang relasyon sa
Diyos sa pamamagitan ng
ating Panginoong Jesu-
Cristo.
16. EFESO 2:13-
14A13 Ngunit ngayon, dahil sa
inyong pakikipag-isa kay
Cristo-Jesus, kayo na dati’y
malayo sa Diyos ay inilapit
sa pamamagitan ng dugo ng
Cristo. 14 Sapagkat si
Cristo mismo ang nagbigay
sa atin ng kapayapaan…