PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER
PARA SA BARANGAY LIWANAG
Mula kay Leah Grace L. Delgado
324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Liwanag
General Trias, Cavite
11 Disyembre 2015
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Liwanag sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias
sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring
nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Liwanag sa kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbaha sa mga
mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga
pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa
mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na
kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan
din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw
ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang
mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
III. Plano ng Dapat Gawin
1. Pagpasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor sa pagpapagawa ng breakwater (2
linggo)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng
breakwater (1 araw)
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Liwanag (3 na buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 Araw)
IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa
isinumite ng napiling contractor
Php 3,200,000.00
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat
ng mamamayan ng Barangay Liwanag. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib
na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira
ngkanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay. Higi sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing
sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubog sa ilog ng mga ipatatayong
mga pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas
ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog.
Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga magsasakang karaniwang
pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Liwanag. Ipagawa ang
breakwater o pader ng kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.

Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf

  • 1.
    PANUKALA SA PAGPAPAGAWANG BREAKWATER PARA SA BARANGAY LIWANAG Mula kay Leah Grace L. Delgado 324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue Barangay Liwanag General Trias, Cavite 11 Disyembre 2015 Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati I. Pagpapahayag ng Suliranin Isa ang Barangay Liwanag sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Liwanag sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbaha sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok. Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. II. Layunin Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
  • 2.
    III. Plano ngDapat Gawin 1. Pagpasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw) 2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor sa pagpapagawa ng breakwater (2 linggo) 3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw) 4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Liwanag (3 na buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 Araw) IV. Badyet Mga Gastusin Halaga I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng napiling contractor Php 3,200,000.00 II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00 Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00 V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Liwanag. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ngkanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higi sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubog sa ilog ng mga ipatatayong mga pader. Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Liwanag. Ipagawa ang breakwater o pader ng kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.