Tayo’y Makilahok....... Makilahok
Aralin 6
Nakapagpapatunay na mahalaga ang
pagkakaisa sa pagtatapos ng Gawain
Pagkakaisa(Unity)
Alamin Natin (Day 1)
• Alam mo ba na.......
• Ang pakikiisa, lalo na sa
pagpaplano at pagpapasya ay
nagkakamit ng ginhawa at tagumpay
ng bawat isa.
Tayo’y Makilahok...... Makilahok
Tayo’y makilahok sa lahat ng gawain
Sa ating samahan lalo na’t may usapin
Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin
Ay dapat maging mabuti ang simulain.
Saan man dumako ang usapan
Sumaling palagi sa plano ng samahan
Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan
Kaya makisama sa lahat ng talakayan.
Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina
Upang di tayo magmistulang tangan
Kapag may nangyari tayo’y may alam na
At di magtatanong na tila ibang-iba.
• Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga
mambabasa?
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain
ng samahan?
3. Ipaliwanag: “Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina
upang di tayo magmistulang tanga.”
4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano
ng proyekto ng samahan?
5. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat
na laging mamayani.
Isagawa Natin(Day 2)
Gawain 1
Isang proyekto ang gagawin sa inyong paaralan. Ito’y
isang pagtatanghal upang kumita ng salaping
maitutulong sa mga mahihirap. Magpulong sa isang
bahagi ng inyong silid (Maaaring hatiin ang klase sa
tatlong grupo). Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang una ninyong dapat pag-usapan tungkol sa
proyekto?
2. Ano ang inyong plano para sa paglikha ng pondo na
maitutulong sa mga mahihirap?
3. Ilang komite ang inyong bubuuin? Bakit?
4. Sinu-sino ang mamamahala ng bawat komite?
5. Isulat ang napag-usapan sa klase. Ano ang masasabi
mo sa inyong napag-usapan? Bakit?
Gawain 2
Marami na tayong nagawang mga proyekto
sa iba’t ibang asignatura. Naipakita ninyo ang
inyong pagkakaisa upang matapos ang isang
gawain. Lahat ay nakiisa sa paggawa nito.
Sa isang construction paper(red), gumuhit
ng isang puso. Sa loob nito ay gumawa ng isang
maikling sulat para sa isang taong alam mong
nagpakita ng pakikiisa upang matapos ang isang
gawain. Sabihin mo sa kanya kung ano nman ang
maaari mong gawin upang masuklian ang
ginawa niya. Maaari mong gawing halimbawa
ang nasa ibaba. Ipadala/iabot ito sa kanya.
Ana,
Nais kong magpasalamat sa
ginawa mong pakikiisa sa ating
natapos na gawain sa ESP at dahil
lahat ng miyembro ng pangkat ay
nagkaroon ng pagkakaisa.
Para masuklian ko ang iyong
ipinamalas na pakikiisa ay sisikapin
ko na unawain at bigyang pansin ang
inyong mungkahi.
Isapuso Natin (Day 3)
Isapuso Natin (Day 3)
Matapos nating ipakita ang magandang dulot ng pagkakaisa sa pagtatapos ng
gawain, sabay-sabay tayong umawit at unawain ang mensahe ng awitin.
Makilahok
(awit sa tono ng I have two hands)
I
Halina kayo
Sa ‘ting talakayan
Upang isipa’y
Magiging buhay
Pumalakpak 1,2,3
At utak natin ay titindi.
II
Makiplano
Sa talakayan
Upang isipa’y humusay
Pumalakpak 1,2,3
At utak natin ay titindi.
Tandaan natin
Sa pagpaplano o pagpapasya
Ang mungkahi ng bawat isa ay
mahalaga
Tinig niya o tinig nila
Ay tinig na dapat maging isa.
Isabuhay Natin (Day 4)
Mag-isip ng isang bagay o pangyayari nagpakita
ng pagkakaisa na maaari nilang kunin o hango
sa isang pelikula, teleserye o mga pangyayari
na kanilang napanood.
Halimbawa:
People Power –EDSA Revolution
Kasaysayan ng mga Bayani
Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga
dayuhang mananakop
Subukin Natin(Day 5)
Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na
mga tanong:
Ano ang dapat mong gawin kung.....
1. mainit na ang sikat ng araw, subalit oras na ng
pagpila para sa seremonya sa Watawat ng
Pilipinas
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian
ninyo ng iyong mga kapatid
3. natanggal ang bubong ng inyong bahay at
nabasa ang inyong mga kagamitan
• Sa ginawa ninyong pagpupulong, lagyan ng √
ang iyong ginawa. Sipiin ang sagot sa inyong
kwaderno.
Palagi Di ko
ginagawa
Nakibahagi ako sa usapan.
Tumahimik lamang ako at
nakinig.
Naging magulo ako sa talakayan.
Nakisama ako sa pagpaplano.
Iginagalang ko ang desisyon ng
iba.
Iginigiit ko ang aking mungkahi

Grade 5 PPT_ESP_Q1_W6.pptx

  • 1.
    Tayo’y Makilahok....... Makilahok Aralin6 Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng Gawain Pagkakaisa(Unity)
  • 2.
    Alamin Natin (Day1) • Alam mo ba na....... • Ang pakikiisa, lalo na sa pagpaplano at pagpapasya ay nagkakamit ng ginhawa at tagumpay ng bawat isa.
  • 3.
    Tayo’y Makilahok...... Makilahok Tayo’ymakilahok sa lahat ng gawain Sa ating samahan lalo na’t may usapin Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin Ay dapat maging mabuti ang simulain. Saan man dumako ang usapan Sumaling palagi sa plano ng samahan Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan Kaya makisama sa lahat ng talakayan. Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina Upang di tayo magmistulang tangan Kapag may nangyari tayo’y may alam na At di magtatanong na tila ibang-iba.
  • 4.
    • Sagutin angmga tanong: 1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa? 2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain ng samahan? 3. Ipaliwanag: “Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina upang di tayo magmistulang tanga.” 4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto ng samahan? 5. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat na laging mamayani.
  • 5.
    Isagawa Natin(Day 2) Gawain1 Isang proyekto ang gagawin sa inyong paaralan. Ito’y isang pagtatanghal upang kumita ng salaping maitutulong sa mga mahihirap. Magpulong sa isang bahagi ng inyong silid (Maaaring hatiin ang klase sa tatlong grupo). Sagutin ang mga tanong sa ibaba. 1. Ano ang una ninyong dapat pag-usapan tungkol sa proyekto? 2. Ano ang inyong plano para sa paglikha ng pondo na maitutulong sa mga mahihirap? 3. Ilang komite ang inyong bubuuin? Bakit? 4. Sinu-sino ang mamamahala ng bawat komite? 5. Isulat ang napag-usapan sa klase. Ano ang masasabi mo sa inyong napag-usapan? Bakit?
  • 6.
    Gawain 2 Marami natayong nagawang mga proyekto sa iba’t ibang asignatura. Naipakita ninyo ang inyong pagkakaisa upang matapos ang isang gawain. Lahat ay nakiisa sa paggawa nito. Sa isang construction paper(red), gumuhit ng isang puso. Sa loob nito ay gumawa ng isang maikling sulat para sa isang taong alam mong nagpakita ng pakikiisa upang matapos ang isang gawain. Sabihin mo sa kanya kung ano nman ang maaari mong gawin upang masuklian ang ginawa niya. Maaari mong gawing halimbawa ang nasa ibaba. Ipadala/iabot ito sa kanya.
  • 7.
    Ana, Nais kong magpasalamatsa ginawa mong pakikiisa sa ating natapos na gawain sa ESP at dahil lahat ng miyembro ng pangkat ay nagkaroon ng pagkakaisa. Para masuklian ko ang iyong ipinamalas na pakikiisa ay sisikapin ko na unawain at bigyang pansin ang inyong mungkahi.
  • 8.
  • 9.
    Isapuso Natin (Day3) Matapos nating ipakita ang magandang dulot ng pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain, sabay-sabay tayong umawit at unawain ang mensahe ng awitin. Makilahok (awit sa tono ng I have two hands) I Halina kayo Sa ‘ting talakayan Upang isipa’y Magiging buhay Pumalakpak 1,2,3 At utak natin ay titindi. II Makiplano Sa talakayan Upang isipa’y humusay Pumalakpak 1,2,3 At utak natin ay titindi.
  • 10.
    Tandaan natin Sa pagpaplanoo pagpapasya Ang mungkahi ng bawat isa ay mahalaga Tinig niya o tinig nila Ay tinig na dapat maging isa.
  • 11.
    Isabuhay Natin (Day4) Mag-isip ng isang bagay o pangyayari nagpakita ng pagkakaisa na maaari nilang kunin o hango sa isang pelikula, teleserye o mga pangyayari na kanilang napanood. Halimbawa: People Power –EDSA Revolution Kasaysayan ng mga Bayani Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop
  • 12.
    Subukin Natin(Day 5) Sagutinsa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong: Ano ang dapat mong gawin kung..... 1. mainit na ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa seremonya sa Watawat ng Pilipinas 2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid 3. natanggal ang bubong ng inyong bahay at nabasa ang inyong mga kagamitan
  • 13.
    • Sa ginawaninyong pagpupulong, lagyan ng √ ang iyong ginawa. Sipiin ang sagot sa inyong kwaderno. Palagi Di ko ginagawa Nakibahagi ako sa usapan. Tumahimik lamang ako at nakinig. Naging magulo ako sa talakayan. Nakisama ako sa pagpaplano. Iginagalang ko ang desisyon ng iba. Iginigiit ko ang aking mungkahi

Editor's Notes

  • #5 3. Sa pagtatalakay ng kwento, bigyang-diin at pagpapahalaga ang ugaling pagkakaisa sa paggawa ng isang proyekto.   4. Hikayatin ang ilang mag-aaral na magkwento ng kanilang karanasan na nagpapakita ng kanilang pagkakaisa.
  • #11 Basahin at talakayin ang Tandaan Natin. Sa pagtatalakay nito, bigyang-diin at pahalagahan ang ugaling pagkakaisa. Itimo sa kalooban ng mga mag-aaral na may pagkakataon na kailangang magtiis upang makamit ang mga pangarap.
  • #12 Maaari itong gawin sa pamamagitan ng isang dula-dulaan upang maging makabuluhan at madamdamin ang bahaging ito ng aralin.