Uri ng
Pangngalan
Layunin:
Nagagamit nang wasto ang
pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar,
hayop, bagay at pangyayari.
Magbalik-aral muna
tayo tungkol sa
pangngalan.
3
Ito ang salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, o pangyayari.
4
5
Sabihin kung ang mga
salita ay ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar o
pangyayari.
1. doktor
2. face mask
3. pusa
4. Ospital
5. Buwan ng Wika
6
Narito ang
tamang sagot.
1. tao
2. bagay
3. hayop
4. lugar
5. pangyayari
7
Basahin at Pag-isipan!
8
A B
1. NU-Nazareth
School
2. Doc. Willie
Ong
3. Safeguard
4. Snoopy
paaralan
doktor
sabon
aso
Ano ang masasabi mo sa
mga salita sa Hanay A at
Hanay B? Anong uri ng
pangngalan ang nasa
bawat hanay?
9
Halika! Alamin Natin
10
May Dalawang Uri ng
Pangngalan. (Pantangi at
Pambalana)
11
A (Pantangi) B (Pambalana)
 Ito ay tumutukoy
sa tiyak o
partikular na
ngalan ng tao,
bagay, hayop,
lugar, o
pangyayari
 Ito ay
tumutukoy sa di-
tiyak o
karaniwang
ngalan ng tao,
bagay, hayop,
lugar o
pangyayari.
12
A (Pantangi) B (Pambalana)
 Ito ay
nagsisimula sa
malaking titik.
 Ito ay
nagsisimula sa
maliit na titik.
Mga Halimbawa:
13
Pantangi Pambalana
1. Bb. Flores
2. Araw ng
mga Patay
3. Havaianas
4. Juan Luna
Elementary
School
guro
pista
tsinelas
paaralan
14
Subukan
Natin!
A. Tukuyin ang uri ng
pangngalan sa
bawat bilang.
Sabihin lang ang
tamang sagot.
(pantangi o
pambalana)
15
1. SM Manila
2. palengke
3. Hello Kitty
4. lapis
5. Samsung
16
B. Gamitin sa sariling pangungusap ang
sumusunod na mga pangngalang pantangi
at pambalana.
1. Jollibee
2. papel
3. Nutella
4. biskwit
5. Disney Land
17
Narito ang tamang sagot.
A.
1. pantangi
2. pambalana
3. pantangi
4. pambalana
5. pantangi
18
B. Mga Posibleng pangungusap.
Puwedeng maging iba ang sagot.
19
1. Omorder kami ng pagkain sa Jollibee.
2. Kumuha ng isang pirasong papel.
3. Paborito kong ipalaman ang Nutella sa
tinapay ko.
4. Ayoko ng matamis na biskwit.
5. Gusto kong makarating sa Disney Land
balang araw.
Ano-ano nga ang
dalawang uri ng
pangngalan?
Ano-ano ang kanilang
pagkakaiba?
20
Magaling mga bata! Ngayon
naman ay sagutan mo ang
huling pagsasanay na inihanda
ng iyong guro para sa araling ito.
Gawin mo ang pagsasanay.
21
Maraming
Salamat
Meron ba
kayong mga
katanungan?
😉
Thank you for
joining today's class.
See you on our next
meeting!
BYE

GFILPN1_1Q_Week8.pptx