Si Diosdado Macapagal ang ikalimang pangulo ng ikatlong republika at ikasiyam na pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965. Kilala siya bilang "poor boy from Lubao" at naging prominente sa mga programang pang agrikultura at sa paglipat ng araw ng kalayaan sa Hunyo 12. Sa kabila ng kanyang mga layunin para sa reporma sa lupa, siya ay natalo kay Ferdinand Marcos dahil sa katiwalian sa kanyang administrasyon.