Florante at Laura
Florante Balagtas
ang Kasaysayan ng Florante at Laura
mga tauhan ng Florante at laura
ang pag-iibigan nina Florante at Laura
kasaysayan ng Balagtasan
mga aral ng Florante at Laura
mga tagpuang nakapaloob dito
Florante at Laura
Florante Balagtas
ang Kasaysayan ng Florante at Laura
mga tauhan ng Florante at laura
ang pag-iibigan nina Florante at Laura
kasaysayan ng Balagtasan
mga aral ng Florante at Laura
mga tagpuang nakapaloob dito
2. Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril
1788–20 Pebrero 1862), mas kilala
bilang Francisco Balagtas, ay isang
tanyag na Pilipinong makata, at
malawakang itinuturing na isa sa mga
pinakadakilang Pilipinong pampanitikan
na laureate para sa kanyang epekto sa
panitikang Filipino. Ang Florante at
Laura, ang kanyang pinakakilalang obra
3. Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 2 Abril 1788 sa
Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang
Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at
Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at
Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila, upang makahanap ng
trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa
Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong
siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa
Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya
sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre
Mariano Pilapil.
Talambuhay ni Balagtas
4. Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila.
Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na
dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang
tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa
kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya
si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang
taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa
ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni
Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya.
Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si
Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay
Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante
at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.
5. Ang awit ay nagsisilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino
ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang
aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak,
pagiging mabuting magulang, pagmamahal at
pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong
mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili, gayundin
ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili
ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa
bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman.
Ipinakita rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa
kapwa maging doon sa may magkakaibang relihiyon tulad
ng mga Muslim at Kristiyano.