3. PAGHAHABI :
Ating tatalakayin sa araling ito
ang kahalagahan ng
pasasalamat sa Panginoon para
sa lahat ng biyayang sa atin ay
Kanyang pinagkaloob.
4. Punan ng sagot ang graphic organizer
tungkol sa mga paraan upang maipakita ang
iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
Paraan ng
Pasasalamat
sa Diyos
5. OBLIGASYON SA SARILING RELIHIYON
“Ipagpaumanhin ninyo ngunit
hindi ako maaaring sumama sa
inyo sa Linggo,” pahayag ni
Tintin.
“Bakit? Paano yan kulang na
kami ng miyembro?
Nagtatakang tanong ni Donna.
6. “Miyembro pa rin ninyo ako
subalit hindi ako makakasama sa
Linggo sa paggawa ng iba nating
proyekto. Bigyan n’yo nalang ako
ng kahit gaano karaming gawain.
Gagawin ko sa ibang araw huwag
lang sa araw na iyon,” pakiusap ni
Tintin sa mga kamag-aral.
7. “Ganoon naman pala eh. Sige mag-
isip tayo ng paraan. Ilipat natin sa
ibang araw ang paggawa upang
makasama natin si Tintin nang
magagawa pa rin niya ang kanyang
obligasyon o tungkulin sa kanilang
relihiyon,” wika ng kanilang lider.
8. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1.Sinu-sino ang nag-uusap sa kwento?
2.Bakit humihingi ng paumanhin si
Tintin?
3.Ano ang may pagtatakang tanong ni
Donna?
4.Ano ang pakiusap ni Tintin na ibinigay
sa kanya kapalit ng hindi niya
pagsama sa paggawa ng kanilang
gawain?
5.Napaunlakan ba ang pakiusap ni
Tintin?
9. Sabihin sa pamamagitan ng
isang maikling talata kung
anong araw kayo nagsisimba o
sumasamba. Talakayin din kung
anu-ano ang inyong mga
gawaing pansamba.
10. Pagsagot sa katanungan:
1.Kung kayo si Tintin,uunahin nyo
rin ba ang obligasyon o tungkulin
mo sa iyong relihiyon kaysa sa
paggawa ng proyekto? Bakit oo?
Bakit hindi?
2.Sa inyong palagay,mabuting tao
rin ba ang kanilang lider? Bakit mo
nasabi iyan?
11. PAGLALAHAT :
Sa inyong palagay,sapat na
kaya ang pagsisimba upang
maipakitang ikaw ay mabuting
tao at kaanib ng inyong
relihiyon? Bakit?
12. PAGTATAYA :
Sagutin ng Tama o Mali.
_____1.Isagawa ang mga gawaing
panrelihiyon sa nakatakdang araw nito.
_____2.Huwag ipagwalang-bahala ang araw
ng pagsamba o pagsimba.
_____3.Gawin ang anumang gawain
pagkatapos ng gawaing panrelihiyon sa
takdang araw na iyon.
_____4.Igalang ang patakaran ng ibang
rehiyon.
_____5.Unahin ang takdang aralin kaysa sa
pagsisimba kung araw ng Linggo.
13. TAKDANG ARALIN :
Bilang isang bata, anu-ano ang mga
pinaniniwalaan mong mga gawaing maka-
Diyos? Itala mo ang mga ito.
___________________________________
___________________________________
__________________