SlideShare a Scribd company logo
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 29:
Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa:
Department of Education - Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
Manunulat:
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Ethil P. Yutina, Judith E. Ecoben
Emelinda L. Raza, PhD, Mark Lorenz C. Luib
Mina M. Montilla, Marieta Bautista, Jezzine F. Salar
Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo
John Rey C. Clarion
Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit
Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat
Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Ferdinand D. Astelero
Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 29:
Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
1
Alamin
Ang pamumuno ay tumutukoy sa proseso ng pamamahala ng mga tao sa isang
nakaplanong direksiyon sa pamamagitan nang pagganyak. Ayon kay John C.
Maxwell, ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng awtoridad at
impluwensya. Kung mapalalawak ng isang tao ang kaniyang impluwensiya, mas
magiging epektibo siyang lider. Ang pamamaraan at hangarin ng isang lider ay
magtatagumpay lamang kung may kakayahan ang kanyang nasasakupan na
sumunod ngunit ang pagiging isang mabuting lider ay pagiging mabuting tagasunod.
Ang kaalaman at kakayahang mamuno ay kasing halaga rin ng kaalaman at
kakayahang maging tagasunod. Hindi magiging matagumpay ang isang samahan
kung walang suporta mula sa mga kasapi at tagasunod nito.
Paano ba ang maging mapanagutang lider? Paano rin ang maging
mapanagutang tagasunod? Mahalaga ba ang maging mapanagutang lider at
tagasunod? Kung mahalaga, ano-ano ang kahalagahan nito?
Halika! Palawakin natin ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagtukoy sa
kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
Sa modyul na ito ay malilinang mo ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at
tagasunod. (EsP8P-IIg-8.1)
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
2
Subukin
Paunang Pagtataya
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa?
A. mapanagutang lider
B. mapanagutang magulang
C. mapanagutang tagasunod
D. mapanagutang pamumuno
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng
pamumuno?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
B. Nagkaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
C. Nakatatanggap ng parangal o papuri ang pangkat mula sa mga
kilalang tao.
D. Nakatatanggap ng maraming utos ang mga tagasunod mula sa
kanilang lider.
3. Bakit nais ng tao na maging lider?
A. dahil siya ay may awtoridad
B. dahil siya ay makapag-iimpluwensiya sa tao
C. dahil siya ay makapag-uutos sa mga taong nasasakupan
D. dahil siya ay makapagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa kanyang
nasasakupan
4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutang pamumuno?
A. pagpapakita ng awtoridad gamit ang impluwensiya
B. pagpapakita ng awtoridad gamit ang pansariling interes
C. pagpapakita ng awtoridad gamit ang kapangyarihang mamuno
D. pagpapakita ng awtoridad sa pagbubuo ng desisyon para sa
nasasakupan
5. Bakit kailangang malinang ng lider at tagasunod ang iba’t ibang aspekto ng
pagkatao?
A. upang madaling makaimpluwensiya ng maraming tao
B. upang matagumpay na makamit ang mga pansariling layunin
C. upang magkaroon ng isang ugnayang payapa at may pagkakaisa
D. upang makahanap ng taong mapag-uutusan at mapagkatitiwalaan
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
3
6. Bakit kailangang malinang ang kakayahang gampanan ang tungkulin?
A. upang makakamit ang hangarin
B. upang makikilala ang lipunang ginagalawan
C. upang maibalik ang mga biyayang natanggap
D. upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider?
A. Sinasarili ang lahat na mga gawain.
B. Napapairal ang anumang binabalak.
C. Pinakikinggan ang mga opinyon ng kanyang nasasakupan.
D. Pinauubaya sa kanyang nasasakupan ang lahat na gawain.
8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang
tagasunod?
A. May kapansanan si Aling Nene bagaman aktibo sa mga gawaing-
pampurok.
B. Madalas magreklamo sa mga patakaran ng kanilang purok si Maria.
C. Maykaya ang pamilyang Santos kaya lang walang pakialam sa mga
aktibidad sa kanilang purok.
D. Abalang-abala sa negosyo si Mang Pedro kaya hindi makadalo sa
pagpupulong sa kanilang purok.
9. Paano maipapakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa?
A. sa pagiging masaya sa panunungkulan
B. sa paglinang sa kakayahang gampanan ang tungkulin
C. sa pagsasagawa ng mga kasiyahan sa panunungkulanq
D. sa pagganap ng tungkulin para sa pansariling hangarin
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging
mapanagutang lider?
A. Nagkibit-balikat lang ang isang Presidente kaugnay sa papalapit na
aktibidad.
B. Nagpatawag ng pulong ang Presidente ng Purok 2 kaugnay sa
papalapit na kapistahan.
C. Hinihintay muna ng Presidente ng Purok 3 kung ano ang gagawin ng
ibang purok bago siya magpatawag ng pulong.
D. Malapit na ang kapistahan ng kanilang patron kaya abalang-abala na
ang Presidente ng Purok 1 sa pangdekorasyon nito.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
4
11. Ano ang kahalagahan ng paglinang sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng
isang lider o tagasunod?
A. upang magkaroon ng pagkakaisa sa pakikipagsabwatan
B. upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat
C. upang makamit ang kapayapaan at responsibilidad ng lider ay
matapos
D. upang magkaroon ng pagkilala at pagsunod sa lider nang walang di
pagsang-ayon
12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng tagasunod?
A. Tagasunod ang nagbibigay ng kapangyarihan sa lider.
B. Tagasunod ang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa.
C. Tagasunod ang kanang kamay ng lider sa pagsasagawa ng mga gawain.
D. Tagasunod ang tumutulong sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa
layunin ng samahan.
13. Alin sa sumusunod ang angkop na naglalarawan sa isang tagasunod?
A. magaling magplano at magpasya
B. inaalagaan at iniingatan ang sarili
C. nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba
D. nakikiisa at nagsasakilos sa mga layunin ng pangkat
14. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang tagasunod?
A. tagabigay ng direksiyon
B. tagatanaw ng tagasunod
C. taga-organisa ng pangkat
D. tagatupad ng instruksiyon
15. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider?
A. tagapatupad ng plano
B. tagabigay ng direksiyon
C. tagagawa ng mga layunin
D. tagakilala ng awtoridad ng pinuno
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
5
Aralin
1 Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
“Huwag mong sabihin sa mga tao kung paano sila dapat magtrabaho.
Sabihin mo kung ano ang kailangang gawin at gugulatin ka nila ng kanilang
katalinuhan.”
- George Patton
Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang
hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.
Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Balikan
Gawain 1: Pagkilala sa Konsepto!
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na may kaugnayan sa emosyon at ekis
(x) ang wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kaniyang isip.
2. Natutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin.
3. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
4. Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin.
5. Mahalaga ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon.
6. Ang taong may motibasyon ay may desisyon sa sarili at hindi pabigla-bigla ang
pagpapasya.
7. Ang taong may pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba ay makadadama sa
damdamin at pangangailangan ng iba.
8. Mahalaga sa pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala sa sarili.
9. Naipamamalas ng tao ang kanyang pagpapahalaga sa mga bagay sa kanyang
paligid sa pamamagitan ng emosyon.
10. Nararapat na mapamahalaan nang wasto ang emosyon upang magdulot ito ng
maganda sa sarili at ugnayan sa kapwa.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
6
Tuklasin
Gawain 2. Suri-Larawan!
Panuto: Suriin ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Lider ang tawag sa taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat.
Tagasunod naman ang tawag sa sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng lider.
Ang dalawang ito ay magkasinghalaga sa isang pangkat.
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang napansin mo sa larawan?
2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang lider?
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang tagasunod?
4. Kung ikaw ang lider o tagasunod, paano mo gagampanan ang iyong tungkulin?
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
7
Suriin
Sa bahaging Tuklasin ay nasubukan mo ang sarili sa pagtukoy sa isang
mapanagutang lider at tagasunod. Napangatwiranan mo rin kung gaano kahalaga
ang pagkakaroon ng isang mapanagutang miyembro ng lipunan.
Kung susuriing muli ang larawan, malinaw na naipapakita ang pagtutulungan
at pagiging responsable ng isang pangkat ng mga mamamayan sa pangangalaga sa
kalikasan. Nagpapahiwatag lamang ito na lider ka man o tagasunod ay may kanya-
kanyang gampanin sa pagkamit sa iisang layunin
Gaano kahalaga ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod?
Ang pamumuno ay parehong proseso at katangian. Ito ang proseso sa
pagkakaroon ng awtoridad at pamamahala sa pagbuo ng desisyon para sa ikabubuti
ng nasasakupan. Isa naman itong katangian na mag-uudyok sa kapwa na sundin
ang isang pamunuan. Ang pamumuno ay may kalakip ding pananagutan at
pagkakaisa at pantay na pagtingin, mapatao man ito o mapamahalaan. Ang isang
mapanagutang pamumuno ay matatag at walang kaguluhan, may maayos na
pangangasiwa sa mga yaman at patakaran, at may paggalang sa mga batas at walang
katiwalian. Tumitingin sa mga aspektong nangangailangan ng tulong o atensiyon at
nakikinig sa boses ng mamamayan. Sa madaling salita, may paggalang sa batas at
sa nasasakupan.
Ang kahalagahan ng pamumuno ng isang lider ay ang pagkakaroon ng
awtoridad sa mga tagasunod, pagbibigay ng direksiyon, paggawa ng plano at
pagtanaw sa nasasakupan. Malaki ang kahalagahan nito sapagkat maaring
maisulong ng lider ang katuparan ng isang layuning makatarungan na makatulong
upang mapagtagumpayan ng isang pangkat ang kanilang mithiin. Sa ibang salita
ang pagsasakatuparan at tagumpay ng isang pangkat ay nakasalalay sa pakikiisa ng
mga kasapi na nahihikayat sa paraan ng pamumuno ng isang lider. Halimbawa,
bilang isang lider sa trabaho ay maaari kang umasa sa iyong posisyon upang magawa
ang mga bagay at makamit ang ninanais. Buong puso namang susunod ang mga
kasapi hangga’t nasa loob ito ng iyong awtoridad. Gayunpaman, ang mga kasapi ay
magbibigay lamang ng buong pagsisikap kung nagpakita ka ng mga tunay na
katangian ng isang mapanagutang lider na walang kinalaman sa pamagat o posisyon
sa trabaho at awtoridad.
Makapaglilingkod at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa kung
malilinang ang kakayahan na gampanan ang tungkulin batay sa hinihingi ng
sitwasyon, maaaring bilang lider at tagasunod. Ang tungkulin naman ng tagasunod
o follower ay ang magsulong at gumawa ng aksyong tugma sa ipinatutupad ng lider
upang makamit ang layunin ng samahan. Nais ng mga epektibong tagasunod na
bigyan sila ng napapanahon at kakailanganing impormasyon ng kanilang mga lider,
isali sila sa mga pagpapasiya at paggawa ng isang kapaligiran na kung saan ang mga
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
8
kontribusyon at pagsusumikap ng mga tagasunod ay kinikilala, iginagalang, at
pinararangalan. Halimbawa, sa isang pangkat ng mag-aaral na naatasang gumawa
ng isang proyekto. Nagdesisyon ang lider na pag-uusapan muna ang mga dapat
gawin at kakailanganin upang matagumpay nilang maisagawa ang proyekto.
Hinihikayat niya ang lahat ng miyembro na magbigay ng mungkahi sa kung kailan
at paano gagawin ang nasabing proyekto. Aktibo namang nakisangkot ang mga
kasapi mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa dahil ramdam nilang kabilang
sila sa nasabing pangkat. Bilang resulta ay maayos nilang naisagawa ang proyekto
at naisumite sa nakatakdang oras.
Sa pangkalahatan, lahat ay may kaakibat na tungkulin o responsibilidad sa
kaunlaran ng isang pangkat. Ikaw man ay isang lider o tagasunod laging tandaan
at isipin ang kabutihang panlahat upang maisabuhay ang kahalagahan ng pagiging
mapanagutang lider at tagasunod.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
9
Pagyamanin
Gawain 3: Tungkulin Ko, Gagampanan Ko!
Panuto: Tukuyin ang gampanin ng isang mapanagutang lider at tagasunod. Sa
tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
Lider – namumuno sa pagpapatupad ng isang mithiin
Tagasunod – nakakatulong sa pagtupad ng mithiin
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
Pamantayan Napakahusay
(15 puntos)
Mahusay
(12 puntos)
Katamtaman
(9 puntos)
Kailangan pa
ng kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at
angkop ang
mga
impormasyong
isinulat.
Kompleto
bagaman hindi
masyadong
angkop ang
impormasyong
isinulat.
Kulang at
hindi
masyadong
angkop ang
impormasyong
isinulat.
Kulang at
hindi angkop
ang
impormasyong
isinulat.
Lider Tagasunod
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
10
Gawain 4: Tala-Kahalagahan!
Panuto: Isulat sa talahanayan ang kahalagahan sa pagkakaroon ng isang
mapanagutang lider at tagasunod sa isang pangkat ng mga mag-aaral. Sa
tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
LIDER
Student Supreme Government
(SSG) Officers
TAGASUNOD
Mga mag-aaral ng isang Paaralan
Nakakaagapay sa mga suliranin
hinggil sa paaralan
Gumagawa ng mga hakbang upang
maging matiwasay ang pamumuno ng
lider
1.
2.
3.
4.
5.
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
Pamantayan Napakahusay
(15 puntos)
Mahusay
(12 puntos)
Katamtaman
(9 puntos)
Kailangan pa
ng kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto na
may 10
angkop ang
mga
impormasyong
isinulat.
Kompleto
bagaman hindi
masyadong
angkop ang
impormasyong
isinulat.
Kulang at
hindi
masyadong
angkop ang
impormasyong
isinulat.
Kulang at
hindi angkop
ang
impormasyong
isinulat.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
11
Gawain 5: Kung Ako!
Panuto: Sagutin at pangatwiranan ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
Pamantayan Napakahusay
(20 puntos)
Mahusay
(15 puntos)
Katamtaman
(10 puntos)
Kailangan pa
ng kasanayan
(5 puntos)
Nilalaman Malinaw na
nailalahad ang
pangangatwiranan
at nakapagbibigay
ng mga suportang
detalye at
halimbawa.
Malinaw na
nailalahad ang
pangangatwi-
ran at
nakapagbibigay
ng iilang
suportang
detalye at
halimbawa.
Hindi
masyadong
malinaw na
nailalahad ang
pangangatwi-
ran at
nakapagbibigay
ng iilang
suportang
detalye at
halimbawa.
Hindi
malinanw na
nailalahad
ang
pangangatwi-
ran at hindi
nakapagbibig
ay ng mga
suportang
detalye at
halimbawa.
Kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas matimbang sa iyo, ang
pagiging lider o tagasunod? Bakit?
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
12
Isaisip
Gawain 6: Masubok Nga!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang ibig sabihin ng lider?
2. Kailan masasabing ang pamumuno ay mabuti o mapanagutan?
3. Paano nagkakaiba ang isang mapanagutang lider at tagasunod?
4. Ano- ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mapanagutang lider?
5. Ano-ano naman ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang tagasunod?
RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG
Pamantayan Napakahusay
(15 puntos)
Mahusay
(10 puntos)
Nangangailangan ng
Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng
mga sagot
Nasagutan nang
tama ang lahat ng
tanong at
kinapapalooban ng
makabuluhang
impormasyon.
Nasagutan nang
tama ang iilang
tanong at
kinapapalooban ng
iilang makabuluhang
impormasyon.
May sagot sa tanong
bagaman malayo sa
konseptong hinihingi.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
13
Isagawa
Gawain 7: Magsuri’t Mangatwiran Ka!
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Mga Tanong:
1. Sa sitwasyong iyong binasa, isa bang mapanagutang lider si Dexter?
Pangatwiranan.
2. Gaano kahalaga ang pagiging lider upang makamit ang ninais na layunin?
3. Gaano ba kahalaga ang pagiging tagasunod upang makamit ang ninais na
layunin?
4. Ikaw bilang tagasunod, ano ang maaari mong gawin upang mapigilan si Dexter
sa kanyang masamang plano? Kung ikaw ang lider, gagawin mo rin ba ang ginawa
niya upang makamit ang layuning tumaas ang inyong puntos? Bakit?
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
Pamanta-
yan
Napakahusay
(20 puntos)
Mahusay
(15 puntos)
Katamtaman
(10 puntos)
Kailangan pa ng
kasanayan
(5 puntos)
Nilalaman Malinaw na
nailalahad ang
pangangatwiran
at
nakapagbibigay
ng mga suportang
detalye at
halimbawa.
Malinaw na
nailalahad ang
pangangatwiran
at
nakapagbibigay
ng iilang
suportang
detalye at
halimbawa.
Hindi
masyadong
malinaw na
nailalahad ang
pangangatwiran
at
nakapagbibigay
ng iilang
suportang
detalye at
halimbawa.
Hindi malinanw na
nailalahad ang
pangangatwi-ran at
hindi
nakapagbibigay ng
mga suportang
detalye at
halimbawa.
Proyekto sa Agham at Teknolohiya
Ang iyong guro ay nagbigay ng mga proyekto sa Agham at Teknolohiya
tungkol sa Volcanic Eruptions para sa limang grupo. Si Dexter na lider sa inyong
grupo ay nagbabalak na sirain ang proyekto nina Jay at Alice para mabigyan ng
mataas na puntos ang inyong pangkat.
Dumating ang araw na ipapasa na ang proyekto. Naisakatuparan nga ang
plano ni Dexter na masira ang proyekto nina Jay at Alice. Subalit napag-alaman
ng inyong guro ang katotohanan sa likod ng pangyayari kung kaya napagsabihan
si Dexter ng guro sa kasalanang nagawa.
Humingi ng kapatawaran si Dexter sa lahat ng kanyang kaklase at siya
naman ay pinatawad.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
14
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang
sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahan ng paglinang sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng
isang lider o tagasunod?
A. upang magkaroon ng pagkakaisa sa pakikipagsabwatan
B. upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat
C. upang makamit ang kapayapaan at responsibilidad ng lider ay
matapos
D. upang magkaroon ng pagkilala at pagsunod sa lider nang walang di
pagsang-ayon
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng tagasunod?
A. Tagasunod ang nagbibigay ng kapangyarihan sa lider.
B. Tagasunod ang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa.
C. Tagasunod ang kanang kamay ng lider sa pagsasagawa ng mga
gawain.
D. Tagasunod ang tumutulong sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa
layunin ng samahan.
3. Alin sa sumusunod ang angkop na naglalarawan sa isang tagasunod?
A. magaling magplano at magpasya
B. inaalagaan at iniingatan ang sarili
C. nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba
D. nakikiisa at nagsasakilos sa mga layunin ng pangkat
4. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang tagasunod?
A. tagabigay ng direksiyon
B. tagatanaw ng tagasunod
C. taga-organisa ng pangkat
D. tagatupad ng instruksiyon
5. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider?
A. tagapatupad ng plano
B. tagabigay ng direksiyon
C. tagagawa ng mga layunin
D. tagakilala ng awtoridad ng pinuno
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
15
6. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa?
A. mapanagutang lider
B. mapanagutang magulang
C. mapanagutang tagasunod
D. mapanagutang pamumuno
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng
pamumuno?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
B. Nagkaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
C. Nakatatanggap ng parangal o papuri ang pangkat mula sa mga
kilalang tao.
D. Nakatatanggap ng maraming utos ang mga tagasunod mula sa
kanilang lider.
8. Bakit nais ng tao na maging lider?
A. dahil siya ay may awtoridad
B. dahil siya ay makapag-iimpluwensiya sa tao
C. dahil siya ay makapag-uutos sa mga taong nasasakupan
D. dahil siya ay makapagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa kanyang
nasasakupan
9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutang pamumuno?
A. pagpapakita ng awtoridad gamit ang impluwensiya
B. pagpapakita ng awtoridad gamit ang pansariling interes
C. pagpapakita ng awtoridad gamit ang kapangyarihang mamuno
D. pagpapakita ng awtoridad sa pagbubuo ng desisyon para sa
nasasakupan
10. Bakit kailangang malinang ng lider at tagasunod ang iba’t ibang aspekto ng
pagkatao?
A. upang madaling makaimpluwensiya ng maraming tao
B. upang matagumpay na makamit ang mga pansariling layunin
C. upang magkaroon ng isang ugnayang payapa at may pagkakaisa
D. upang makahanap ng taong mapag-uutusan at mapagkatitiwalaan
11. Bakit kailangang malinang ang kakayahang gampanan ang tungkulin?
A. upang makakamit ang hangarin
B. upang makikilala ang lipunang ginagalawan
C. upang maibalik ang mga biyayang natanggap
D. upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
16
12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider?
A. Sinasarili ang lahat na mga gawain.
B. Napapairal ang anumang binabalak.
C. Pinakinggan ang mga opinyon ng kanyang nasasakupan.
D. Pinauubaya sa kanyang nasasakupan ang lahat na gawain.
13. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging
mapanagutang tagasunod?
A. May kapansanan si Aling Nene bagaman aktibo sa mga gawaing
pampurok.
B. Madalas magreklamo sa mga patakaran ng kanilang purok si Maria.
C. Maykaya ang pamilyang Santos kaya lang walang pakialam sa mga
aktibidad sa kanilang purok.
D. Abalang-abala sa negosyo si Mang Pedro kaya hindi makadalo sa
pagpupulong sa kanilang purok.
14. Paano maipapakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa?
A. sa pagiging masaya sa panunungkulan
B. sa paglinang sa kakayahang gampanan ang tungkulin
C. sa pagsasagawa ng mga kasiyahan sa panunungkulan
D. sa pagganap ng tungkulin para sa pansariling hangarin
15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging
mapanagutang lider?
A. Nagkibit-balikat lang ang isang Presidente kaugnay sa papalapit na
aktibidad.
B. Nagpatawag ng pulong ang Presidente ng Purok 2 kaugnay sa
papalapit na kapistahan.
C. Hinihintay muna ng Presidente ng Purok 3 kung ano ang gagawin ng
ibang purok bago siya magpatawag ng pulong.
D. Malapit na ang kapistahan ng kanilang patron kaya abalang-abala
na ang Presidente ng Purok 1 sa pag-adorno nito.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
17
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Pagkilala sa Sarili!
Panuto: Magbigay ng repleksyon sa sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Ipagpalagay na nakatitig ka sa sariling imahe sa salamin. Ano-ano ang mga
katangiang nakikita mo sa iyong sarili bilang isang mapanagutang lider at
tagasunod. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel.
RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG
Pamantayan Napakahusay
(15 puntos)
Mahusay
(10 puntos)
Nangangailangan ng
Pag-unlad
(5 puntos)
Lalim at
nilalaman ng
repleksyon
Napakalalim na
naipakita ang pag-
uugnay ng sarili sa
karanasan sa bagong
kaalaman.
Malinaw na nailalahad
ang repleksyon at
pangangatwiran.
Malalim na naipakita
ang pag-uugnay ng
sarili sa karanasan sa
bagong kaalaman.
Hindi gaanong
malinaw na nailalahad
ang repleksyon at
pangangatwiran.
Mababaw na hindi
naipakita ang pag-
uugnay ng sarili sa
karanasan sa bagong
kaalaman.
Hindi malinaw na
nailalahad ang
repleksyon at
pangangatwiran.
Katangian bilang mapanagutang
lider
Katangian bilang mapanagutang
tagasunod
Bakit mahalaga ang maging isang mapanagutang lider at tagasunod?
Pangatwiranan.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
18
Susi sa Pagwawasto
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
19
Sanggunian:
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral.
5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Suda, Lawrence. PMI. PA: Project Management Instituite. October 29, 2013.
https://www.pmi.org/learning/library/importance-of-effective-followers- (accessed June 2,
2020).
Wigston, Sue. eaglesflight.com. Eagles Flight. July 16, 2019.
https://www.eaglesflight.com/blog/the-critical-role-of-followership-in-leadership
(accessed June 2, 2020).
Allen, Terina. fastcompany.com. Fast Company & Inc. November 28, 2018.
https://www.fastcompany.com/90273002/want-to-be-a-good-leader-learn-to- follow
(accessed June 2, 2020).
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
20
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Alamin
Ikaw ba ay may social media account? Sa isang millennial na batang kagaya
mo, tiyak ang sagot mo ay Opo. Batid ko rin na mayroon kang gustong i-follow sa
iyong mga accounts. Maaaring karakter, artista o kaya’y mga taong may naging
malaking ambag sa ating lipunang ginagalawan. Maari din naman na ikaw ang
sinusubaybayan ng mga followers mo sa iba’t ibang social media site o kaya’y maging
sa inyong komunidad dahil sa iyong mga natatanging nagampanang tungkulin o
gawain.
Maraming dahilan kung bakit tayo humahanga o kaya’y nagiging
tagasubaybay ng isang partikular na tao at ito ang pag-aaralan natin ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito ay magkakaroon tayo ng mas malinaw na gabay
o batayan sa pagpili ng ating mga taong hahangaan o susubaybayan upang
magkaroon ng mas magandang direksyon ang ating mga buhay.
Handa ka na bang pag-aralan ang modyul na ito? Isang maligayang pag-
aaral sa inyo!
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama,
naobserbahan o napanood. (ESP8P-IIg-8.2)
2 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Subukin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o situwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider?
A. may malawak na karanasan
B. may sapat na tiwala sa sarili
C. may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan
D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin
2. Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal?
A. Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan.
B. Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili.
C. Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang situwasyon.
D. Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap
para sa samahan.
3. Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay
Lewis?
A. isang mabuting halimbawa
B. may sapat na kaalaman at kasanayan
C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin
D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at
nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa
4. Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider?
A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat.
B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan
upang mapakilos ang pinamumunuan.
C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain
upang makamit ang layunin ng pangkat.
D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa
pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
3 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
5. Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain
at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong
kakayahan ang taglay ng isang tagasunod, ayon sa pahayag?
A. Pakikipagkapwa
B. Mga pagpapahalaga
C. Kakayahan sa trabaho
D. Kakayahang mag-organisa
6. Kailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay
umaayon o nakikiisa sa mga gawain?
A. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at
mataas na antas ng pakikibahagi
B. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at
mataas na antas ng pakikibahagi
C. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at
mababang antas ng pakikibahagi
D. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at
mababang antas ng pakikibahagi
7. Nagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa
hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong
maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na
ito?
A. diktador
B. adaptibo
C. inspirasyonl
D. transpormasyonal
8. Anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin
ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago?
A. adaptibo
B. diktador
C. inspirasyonal
D. transpormasyonal
9. Si Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok ay
binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung
saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong
prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita?
A. isang huwarang lider
B. lider na may sapat na kaalaman
C. pagkilala ng lubos sa mga kasapi
D. pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawa
4 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
10. Si Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at
pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang
ipinapakita sa situwasyon?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
11. Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa
kanyang mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa
larangan ng trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang
mapanagutang lider?
A. pagtanggap sa mga tungkulin
B. pagiging huwaran sa ibang tao
C. malinaw sa pagpapahayag ng plano
D. pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi
12. Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi
sa organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng
loob. Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
13. Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSG President dahil sa
kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng
tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang
ipinapakita ng lider?
A. adaptibo
B. kognitibo
C. inspirasyunal
D. transpormasyunal
14. Anong situwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa
pamumunong transpormasyunal?
A. Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon
siya ng mga kabataang babae.
B. Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang
kanyang pamilya sa kanya.
C. Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan.
Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi.
D. Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung
saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad
sa mga kababaihan.
5 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
15. Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa
kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at
magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey
bilang influencer?
A. hindi huminto sa pag-aaral
B. mapanagutan sa mga desisyon
C. may positibong pananaw sa buhay
D. pagpaunlad ng kaalaman
6 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Aralin
1
Katangian ng Lider at
Tagasunod
Balikan
Gawain 1. Sampung mga Daliri!
Panuto: Iguhit ang sariling kamay (kanan at kaliwa). Isulat sa hand graphic organizer
ang kahalagahan ng isang lider at tagasunod sa pag-unlad ng isang
komunidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
7 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Tuklasin
Gawain 1. Suri-Komiks!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na senaryo sa komiks at pagnilayan
ang mga gabay na tanong.
Scenario: Pagsasagawa ng pangkatang-gawain sa klase ni Gng. Ramos sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao baitang 8.
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
8 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Si Jeanie na ‘yong
tagasulat kasi
maganda ang
penmanship niya.
Si Marc nalang sa
yell. Magaling
siyang kumanta,
hindi ba?
Okay, ako na
sa yell. Kayo
na ang bahala
sa mga
sasagutan!
As usual, ito na
talaga ang role
ko sa grupo
natin.
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
9 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
10 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Gabay na Tanong:
Panuto: Isulat ang mga sagot sa kwaderno.
1. Batay sa usapan, anong katangian ang taglay ng lider sa kanilang pangkat?
2. Paano ilalarawan ang katangian ng mga kasapi ng pangkat?
Naranasan mo na rin bang maging isang lider o kasapi ng pangkatang-gawain?
Isalaysay ang iyong naging karanasan sa pakikitungo sa iyong lider o sa kapwa
mo kasapi.
Suriin
Sa Gawain 1 ay nasubukan mo ang sarili sa pagtukoy at paglalarawan sa
katangian ng isang lider at tagasunod. Nababalikan mo rin ang iyong karanasan
bilang lider o kasapi sa pangkat. Kung aalamin natin lahat ay may kanya-kanyang
kuwento tungkol sa mga pangkatang-gawain. Wika nga ninyong mga millenials
#relatemuch! Maaaring masaya o malungkot ang karanasan. Tama ba?
Masaya ang karanasan sa mga pangkatang gawain kung napabilang sa
pangkat na responsable ang lider, matutulungin at nakikinig naman ang mga kasapi
ng pangkat. Malungkot naman kung napabilang ka sa mga grupong
nangangailangan pa ng gabay sa pamumuno ng pangkat o kaya naman ay hindi
nakikinig na mga kasapi.
Kung pagbabatayan ang komiks na nabasa sa bahaging Tuklasin, masasabi
na may angking kakayahan sa pamumuno ng kanilang pangkat ang lider batay sa
ipinakitang kilos. Taglay nito ang katangiang may pagtitiwala sa kakayahan ng
kanyang mga kasapi at pagbibigay ng laya sa mga ito na pumili ng gawain batay sa
kanilang kakayahan. Dahil sa mga katangiang ito, mas nagkaroon ng kompyansa
ang mga kasapi na mas nagpaganda at nagpabilis na matapos ang pangkatang-
gawain.
Ipinakita lamang na mahalaga talaga ang papel na ginagampanan ng isang
lider at tagasunod hindi lamang sa isang simpleng pangkatang-gawain sa loob ng
klasrum. Masasalamin din ito sa pamilya kung saan ang ama ang tumatayong haligi
ng tahanan habang ang ina naman ang nagsisilbing ilaw na gagabay sa mga anak.
Isipin mo na lang, anong mangyayari sa isang bansang hindi magkaisa ang gobyerno
at mamamayan? Tiyak, malaking gulo at walang pagkakaisa.
Ano nga ba ang katangiang dapat taglayin ng isang lider at tagasunod upang
mapanatili ang isang matiwasay na ugnayan at koneksyon sa bawat isa?
11 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Mga katangiang dapat taglayin ang isang lider (Lewis,1998) at prinsipyong
pinanghahawakan (The Royal Australian Navy; Leadership Ethics,2010):
 nagsisilbing inspirasyon at modelo sa mga nasasakupan
 may positibong pananaw sa buhay
 may integridad, tumatayong boses ng organisasyon,
 bukas sa opinyon at nakikinig sa ideya nang nakararami,
 may malinaw na plano at mapanagutan sa mga desisyon sa kanyang sarili
at sinasakupan,
 higit sa lahat isang mabuting tagasunod.
Ayon Kay John C. Maxwell, ang pamumuno o pagiging lider ay ang
pagkakaroon ng impluwensiya. Kung iisipin, mabigat at malaki ang gampanin ng
isang lider dahil sa kanya nakaatang ang mga kritikal na desisyon, pananagutan at
pangunguna sa tiyak na aksyon sa isang situwasyon. Ngunit ang pagganap sa mga
situwasyon ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang aksyon batay sa lider at istilo ng
pamumuno na tinataglay (Dr. Eduardo Morado, 2007). Ang mga sumusunod:
Pamumunong Inspirasyonal. Nagiging inspirasyon sa iba ang lider na ito
batay sa kanilang katangi-taging kilos at desisyon sa isang pangkat. Tinatawag din
silang servant leader. Sila ang uri ng lider na nagbibigay direksyon at gabay sa mga
nasasakupan. Halimbawa nito ay si Martin Luther King na kilala sa kanyang
pagpupursigi na wakasan ang pagkahiwa-hiwalay at diskriminasyon sa iba’t ibang
lahi.
Pamumunong Transpormasyonal. Sa pamumunong ito, ang lider ay
nagsisilbing mentor kung saan tinutulungan, tinuturuan at ginagabayan ang mga
kasapi o sinasakupan. Nakatuon sa pagkakaroon ng pagbabago, madaling
pagtuklas ng pagkakataon at nagtataglay ng kaisipang kritikal na kinakailangan sa
paglutas ng isang suliranin o sitwasyon. Halimbawa ng pamumunong ito ay si
Priyanka Chopra-Jonas, UNICEF Ambassador at isang philanthropist na kilala sa
pagsulong ng pagbabago sa papel at mukha ng mga kababaihan lalo na sa mga
bayan na sakop ng India at iba pang bansa sa mundo. Siya ang naging boses ng
mga kababaihan sa pagpuksa ng karahasan at pagpapataas sa kalidad ng
kababaihan at pasulong ng libreng edukasyon sa mga bata.
Pamumunong Adaptibo. Nagtataglay ang lider sa uring ito ng katangiang
mataas na antas ng pagkilala at pagpapahalaga sa sarili, pakikibagay sa sitwasyon,
personalidad at pakikipagkapuwa. Sa madaling sabi, mataas ang Emotional
Quotient kung kaya madaling nakuha ang paggalang at pag-ingganyo ng tagasunod.
Halimbawa nito ay ang pangulo ng United State of America na si Barack Obama.
Kung ang mga pagpapakahulugan at tuntunin sa pagiging lider ay nasunod
ng isang namumuno, tiyak na magiging mataas ang pagtingin, hahangaan at
magiging inspirasyon ito ng kanyang mga tagasunod o kasapi.
12 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Maliban sa lider ay mayroong gampanin at pananagutan din ang isang
tagasunod upang masiguro ang maluwalhating ugnayan ng bawat isa. Iminungkahi
ang mga kasanayang dapat linangin ng isang ulirang tagasunod (Kelly, 1992):
a. Kakayahan sa trabaho (job skills)
Hindi lamang pagiging pokus sa trabaho, may pananagutan,
pagpapaunlad sa sariling kakayahan sa paggawa ang binibigyang pansin
sa kakayahang ito. Hinihimok din ang pagtulong sa kapuwa tagasunod
upang mas mapaangat ang kalidad ng trabaho ng kapwa ang dapat
linangin ng isang tagasunod upang masabi na ito ay may kakayahan sa
trabaho.
b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
Kakikitaan ng kahusayan sa pakikipagsalamuha at pakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa kasapi at lider. Mahusay bumuo ng koneksyon at relasyon
sa ibang tao upang mapalago ang kinabibilangang organisasyon.
c. Mga pagpapahalaga (Values component)
Masasalamin sa kilos ng isang tagasunod ang kanyang prinsipyo at
paninindigan bilang isang tao. Yayakapin nito ang mga pamantayan at
mabuting gawi sa pagtupad ng mga gampanin bilang tagasunod na mas
makapagpapatatag sa imahe ng organisasyong kinabibilangan. Sa
madaling sabi, lilinangin ng isang tagasunod ang kabuuan ng kanyang
pagkatao.
Kung iisipin, mahalagang magkaisa at taglayin ang kani-kanilang katangian
upang maihanay at maging mapanagutan ang bawat lider at tagasunod. Sapagkat
kahit taglay na ang mga katangiang ito, wala pa ring mangyayari at hindi uunlad
ang isang grupo kung hindi matibay ang pundasyon ng isang samahan.
Kinakailangan ipakita ng isang lider ang malasakit at matatag na sarili sa kanyang
tagasunod habang ipapakita naman ng tagasunod ang matibay na suporta sa
kanyang pinuno sa pamamagitan ng pananatiling matapat, mabuti at produktibong
aksyon sa mga gawain upang umunlad ang isang samahan.
13 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Pagyamanin
Gawain 3: Suri-Salita!
Panuto: Hanapin at suriin sa pinaghalong letra ang mga pitong (7)
salitang/pariralang naglalarawan sa katangian ng isang lider at tagasunod.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
M A P A N A G U T A N S E Q M A N S
I B O S S T A O B S A V M C K L A M
T O S A R A H I W N G A A R A G N E
A G I R E M A Y I N T E G R I D A D
M F T H O A L S O G I D A Y O E K O
D H I L A B A E K A T E L I D B I S
M A B U T I W A L L I T I K A J K Z
O J O V E L O V E A W I N G C A I N
U M S E L L I N G A A D G E N E N E
S L I P E O N G S A L I N G O I I N
R P E O R G A N I S A D O N G A G A
14 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Gawain 4. Suri-Katangian!
A. Panuto: Mula sa mga larawan na nasa Hanay A, hanapin ang tamang sagot sa
Hanay B. Suriin kung anong katangian ng isang lider ang ipinapahiwatig
sa mga larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A B
A. naglilingkod na lider
B. lider na may positibong
pananaw
C. lider na may integridad
D. lider na may tiwala sa
kakayahan ng iba
E. lider na magaling
magplano at magpasya
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat at Alim V. Eviota
1
2
3
4
15 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
B. Panuto: Suriin kung anong katangian o kakayahan ng isang tagasunod ang
ipinapahiwatig sa mga sitwasyon. Isulat ang (KT) kung kakayahan sa
trabaho, (KM) kung Kakayahang mag-organisa at (KP) kung kakayahan
sa pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Si Jose Delo ay magalang at may maayos na pakikisama sa kanyang kapwa at
pinuno
2. Sinisikap ni Ben na makalikha ng bagong disenyo ng mga bulaklak gamit ang
youtube
3. Isinasapuso ni Jebie ang prinsipyo ng asosasyon na maging tapat at mahusay
4. Bumuo si Kris ng project proposal na naglalaman ng kanyang ideya kung paano
malulutas ang problemang kinakaharap ng pangkat bago ito inilahad sa mga
kasamahan.
5. Tuwing nagpapabili ng pagkain ang isang pamilya ay ibinabalik ni Tony ang sukli
sa kanyang amo o kakilala.
Gawain 5. Suri-Pamumuno!
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga sitwasyon. Ipaliwanag kung anong
pamumuno ang (Pamumunong Inspirasyonal, Pamumunong
Transpormasyonal o Adaptibo) ipinapahiwatig ng sitwasyon. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Bilang Pangulo ng Supreme Student Government (SSG) ng kanilang
paaralan, sinisiguro ni Joy na nagagampanan niya ng balanse ang kanyang
tungkulin bilang boses ng mag-aaral at ang kanyang pagiging isang working
student.
Sinisikap niyang matugunan ang hinaing ng mga mag-aaral tulad ng
pananatili ng mga tutorial sa iba’t ibang asignatura sa tulong ng iba pang
opisyales, pagsasagawa ng adbokasiya sa tamang pagtapon ng basura, pagwaksi
sa bullying at maging isang huwarang mag-aaral sa pamamagitan ng pagiging
honor students at palakaibigan sa kapwa mag-aaral. Dahil sa kanyang
ipinakitang pag-uugali at kabutihan ay maraming mag-aaral ang tumutulong at
nagboboluntaryong maging kasapi ng kanilang tutorial class at nagsasagawa ng
mga hakbang sa loob ng klasrum na mapairal ang katiwasayan at
pagkakaibigan.
16 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
1. Anong katangian ng lider ang ipinakita sa sitwasyon? Patunayan.
2. Anong katangian ng lider ang ipinakita sa sitwasyon? Ipaliwanag.
3. Anong katangian ang ipinakita ng lider sa sitwasyon? Ipaliwanag.
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
Pamantayan Napakahusay
(20 puntos)
Mahusay
(15 puntos)
Katamtaman
(10 puntos)
Kailangan pa
ng kasanayan
(5 puntos)
Nilalaman Malinaw na
nailalahad ang
pangangatwira
n at
nakapagbibiga
y ng mga
suportang
detalye at
halimbawa.
Malinaw na
nailalahad ang
pangangatwi-
ran at
nakapagbibiga
y ng iilang
suportang
detalye at
halimbawa.
Hindi
masyadong
malinaw na
nailalahad ang
pangangatwi-
ran at
nakapagbibiga
y ng iilang
suportang
detalye at
halimbawa.
Hindi
malinanw na
nailalahad ang
pangangatwi-
ran at hindi
nakapagbibiga
y ng mga
suportang
detalye at
halimbawa.
Nahalal na Alkalde sa bayan ng Sta. Isla si Hon. Juan De la Cruz. Kilala
siya sa mga proyektong nagawa tulad ng pabahay sa mga mahihirap, iba’t ibang
programang pangkabuhayan, pagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo at
pagpapatupad nang maayos sa mga batas sa kanilang lugar. Tinatawag din
siyang “Ama ng Sta. Isla” dahil sa kanyang mga natatanging nagawa na
nagpabago at nagpaunlad sa kanilang bayan.
Hinahangaan at sinusubaybayan si Chiska sa kanyang mga social media
account lalong-lao na sa Tiktok at Twitter dahil sa mga nakahahangang post
hinggil sa kanyang positibong pananaw sa buhay, magagandang komentaryo at
payo sa kanyang mga follower sa comment section. Maliban dito, gumagawa siya
ng mga vlog tungkol sa mga kaparaanan kung paano malalabanan ang
depresyon, bullying, pag-iwas sa maling tao at pakikipagkaibigan. Kung kaya
hindi kataka-takang malimit sa kanyang mga tagasunod ay mga kabataang
maaring nakaranas o nakadama ng mga ganitong problema sa buhay. Madali
niyang nakukuha ang loob ng isang netizen dahil sa kanyang mga post na
kapupulutan ng aral.
17 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Isaisip
Gawain 6. Magpaliwanag Ka!
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapaliwanag sa sumunod na pahayag.
“With Great Powers, Comes Great Responsibility.”
Uncle Ben, Spiderman Movie 2002
RUBRIKS SA PAGPAPALIWANAG
Kriterya Higit na
Inaasahan
(15)
Nakamit ang
Inaasahan
(12)
Bahagyang
Nakamit ang
Inaasahan
(9)
Hindi
Nakamit ang
Inaasahan
(6)
Pagpapali-
wanag sa
Konsepto
Makabuluhan
at mahusay ang
pagpapaliwanag
at pagtatalakay
sa pahayag.
May sapat na
detalye at
pagpapaliwanag
.
May
kakulangan
ang
pagpapaliwan
ag.
Hindi
naipapaliwa
nag ang
pahayag.
Organisas-
yon ng mga
ideya
Lohikal at
mahusay ang
pagkakasunod-
sunod ng mga
ideya.
Naipakita ang
ideya ng
pahayag
bagaman hindi
makinis ang
pagkakalahad.
Hindi gaanong
maayos ang
pagkakalahad
ng ideya.
Hindi
organisado
ang
pagpapaliwa
-nag.
Kabuuan:
30 puntos
18 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Isagawa
Gawain 7. Saksi Ako!
Panuto: Gamit ang iyong natutunang kaalaman sa modyul na ito, obserbahan ang
mga tao sa inyong lipunan at suriin kung ang kanilang kilos ay
naglalarawan sa katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod. Nasa
pinakaunang bilang ng kahon ang halimbawa.
Mapanagutang Lider at Tagasunod sa aming Lugar
Taong naobserbahan Ipinamalas na
Katangian ng isang
mapanagutang
Lider at tagasunod
Pagsalaysay sa sitwasyong
nagpapakita ng katangian ng
isang mapanagutang lider at
tagasunod
1. Kasapi sa Pamilya na
sumusunod sa batas sa
loob ng bahay
Masunurin, isang
maagandang
ehemplo ng bawat
kasapi ng pamilya.
Ang aking nakakatandang
kapatid ay naghugas ng
pinggan dahil sya ay naka-
iskedyul na maghugas ng
pinggan ngayon. Siya mismo
ang gumawa ng iskedyul
kaya nagaganahan kami na
sumunod na rin sa kanya.
2. Mga Opisyales/
Nagtatrabaho sa inyong
Barangay
3. Iniidolo sa Social Media,
Drama, atbp.
4. Sumusubaybay o Fans
ng isang sikat na artista,
drama, vlogger atbp.
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT
Pamantayan Napakahusay
(15 puntos)
Mahusay
(12 puntos)
Katamtaman
(9 puntos)
Kailangan pa
ng kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at
angkop ang
mga
impormasyong
isinulat.
Kompleto
bagaman hindi
masyadong
angkop ang
impormasyong
isinulat.
Kulang at
hindi
masyadong
angkop ang
impormasyong
isinulat.
Kulang at
hindi angkop
ang
impormasyong
isinulat.
19 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa kanyang
mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng
trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang mapanagutang
lider?
A. pagtanggap sa mga tungkulin
B. pagiging huwaran sa ibang tao
C. malinaw sa pagpapahayag ng plano
D. pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi
2. Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi sa
organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng loob.
Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
3. Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSG President dahil sa
kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng
tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang
ipinapakita ng lider?
A. Adaptibo
B. kognitibo
C. inspirasyunal
D. transpormasyonal
4. Anong sitwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa pamumunong
transpormasyunal?
A. Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon
siya ng mga kabataang babae.
B. Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang
kanyang pamilya sa kanya.
C. Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan.
Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi.
D. Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung
saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad
sa mga kababaihan.
20 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
5. Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa
kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at
magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey
bilang influencer?
A. hindi huminto sa pag-aaral
B. mapanagutan sa mga desisyon
C. may positibong pananaw sa buhay
D. pagpaunlad ng kaalaman
6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider?
A. may malawak na karanasan
B. may sapat na tiwala sa sarili
C. may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan
D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin
7. Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal?
A. Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan.
B. Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili.
C. Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang sitwasyon.
D. Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap
para sa samahan.
8. Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay
Lewis?
A. isang mabuting halimbawa
B. may sapat na kaalaman at kasanayan
C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin
D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at
nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa
9. Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider?
A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng
pangkat.
B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan
upang mapakilos ang pinamumunuan.
C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain
upang makamit ang layunin ng pangkat.
D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo
sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
21 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
10. Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain
at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong
kakayahan ang taglay ng isang tagasunod?
A. Pakikipagkapwa
B. Mga pagpapahalaga
C. Kakayahan sa trabaho
D. Kakayahang mag-organisa
11. Kailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay
umaayon o nakikiisa sa mga gawain?
A. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at
mataas na antas ng pakikibahagi
B. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at
mataas na antas ng pakikibahagi
C. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at
mababang antas ng pakikibahagi
D. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at
mababang antas ng pakikibahagi
12. Nagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa
hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong
maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na
ito?
A. diktador
B. adaptibo
C. inspirasyonl
D. transpormasyonal
13. Anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin
ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago?
A. adaptibo
B. diktador
C. inspirasyonal
D. transpormasyonal
14. Si Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok
ay binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung
saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong
prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita?
A. isang huwarang lider
B. lider na may sapat na kaalaman
C. pagkilala ng lubos sa mga kasapi
D. pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawa
22 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
15. Si Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at
pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang
ipinapakita sa sitwasyon?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga
23 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Karagdagang Gawain
Gawain: Sila ang Salamin Ko!
Panuto: Pumili ng isang kilalang tao sa pagpipilian. Sagutin ang gabay sa
pagsasaliksik at bumuo ng isang sanaysay batay sa nasaliksik na
impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Mother Theresa
B. Steve Jobs
C. Mahatma Ghandi
D. Bill Gates
Gabay sa pagsasaliksik.
1. Kailan at saan siya ipinanganak?
2. Saan nakapag-aral at sa anong larangan nakilala?
3. Ano ang kanyang mga prinsipyo sa buhay?
4. Sino ang mga tao na nagbigay ng impluwensiya sa kanyang buhay?
5. Mga kasabihan at pangaral
6. Resulta ng mga pagpapasya bilang lider o tagasunod
7. Pinakagustong kasabihan sa buhay
8. Mga katangian bilang lider o kasapi ng samahan
9. Mga organisasyong nabuo o sinalihan
10. Mga Karangalang natanggap
RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG TEKSTONG NAGLALAHAD
Pamantayan Higit na
Inaasahan
(15)
Nakamit ang
Inaasahan
(12)
Bahagyang
Nakamit ang
Inaasahan
(9)
Hindi Nakamit
ang
Inaasahan
(6)
Kahalagahan
at kasapatan
ng impormas-
yon
Mahalaga at
sapat ang
impormasyong
inilalahad.
May sapat na
detalye at may
iilang
mahalagang
impormasyon na
naipakita.
May kakulangan
sa mahalagang
impormasyon.
Hindi
naipakita ang
mahalagang
impormasyon.
Organisas-
yon ng
impormasyon
Lohikal at
mahusay ang
pagkakasunod-
sunod ng mga
ideya.
Naipakita ang
ideya ng pahayag
bagaman hindi
makinis ang
pagkakalahad.
Hindi gaanong
maayos ang
pagkakalahad ng
ideya.
Hindi
organisado
ang
pagpapaliwa-
nag.
Kabuuan: 30
puntos
24 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Susi sa Pagwawasto
25 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-
aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
26 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
1 CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to COQ2ESP8WK7.pdf

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
LiGhT ArOhL
 
( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9 ( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
Charm Sanugab
 
Esp leaners module 9
Esp leaners module 9Esp leaners module 9
Esp leaners module 9
Ronalyn Concordia
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Cansinala High School
 
Es p 9 lm draft 3.31.2014
Es p 9 lm draft 3.31.2014Es p 9 lm draft 3.31.2014
Es p 9 lm draft 3.31.2014
Muhammad Ismail Espinosa
 
m8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptx
m8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptxm8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptx
m8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptx
PaulineSebastian2
 
Pamumuno at tagasunod
Pamumuno at tagasunodPamumuno at tagasunod
Pamumuno at tagasunod
Rodel Sinamban
 
SLMQ1G10ESPM9.pdf
SLMQ1G10ESPM9.pdfSLMQ1G10ESPM9.pdf
SLMQ1G10ESPM9.pdf
JosephDy8
 
SLMQ1G10ESPM8.pdf
SLMQ1G10ESPM8.pdfSLMQ1G10ESPM8.pdf
SLMQ1G10ESPM8.pdf
JosephDy8
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
jashemar1
 
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdfEsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
KhristelGalamay
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
JoanBayangan1
 
APvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptx
APvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptxAPvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptx
APvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptx
CatherineBagaan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Manuel Dinlayan
 
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
ErmaJalem1
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
ErmaJalem1
 

Similar to COQ2ESP8WK7.pdf (20)

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
 
( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9 ( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
( VALUES EDUCATION-9) EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
 
Esp leaners module 9
Esp leaners module 9Esp leaners module 9
Esp leaners module 9
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 (LM)
 
Es p 9 lm draft 3.31.2014
Es p 9 lm draft 3.31.2014Es p 9 lm draft 3.31.2014
Es p 9 lm draft 3.31.2014
 
Esp 9
Esp 9Esp 9
Esp 9
 
m8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptx
m8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptxm8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptx
m8ppt-141211214608-conversion-gate01.pptx
 
Pamumuno at tagasunod
Pamumuno at tagasunodPamumuno at tagasunod
Pamumuno at tagasunod
 
SLMQ1G10ESPM9.pdf
SLMQ1G10ESPM9.pdfSLMQ1G10ESPM9.pdf
SLMQ1G10ESPM9.pdf
 
SLMQ1G10ESPM8.pdf
SLMQ1G10ESPM8.pdfSLMQ1G10ESPM8.pdf
SLMQ1G10ESPM8.pdf
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdfEsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
 
APvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptx
APvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptxAPvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptx
APvgggggrrcewdrrfffdfffdd-WEDNESDAY.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
Lider
LiderLider
Lider
 
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
 

More from JuAnTuRo1

treasure-hunt-XL.pptx
treasure-hunt-XL.pptxtreasure-hunt-XL.pptx
treasure-hunt-XL.pptx
JuAnTuRo1
 
music9.pptx
music9.pptxmusic9.pptx
music9.pptx
JuAnTuRo1
 
PTA-meeting-2023-2024.pptx
PTA-meeting-2023-2024.pptxPTA-meeting-2023-2024.pptx
PTA-meeting-2023-2024.pptx
JuAnTuRo1
 
MATH4-Q3-WEEK-4.pptx
MATH4-Q3-WEEK-4.pptxMATH4-Q3-WEEK-4.pptx
MATH4-Q3-WEEK-4.pptx
JuAnTuRo1
 
PTA-Meeting-September-22-2022.pptx
PTA-Meeting-September-22-2022.pptxPTA-Meeting-September-22-2022.pptx
PTA-Meeting-September-22-2022.pptx
JuAnTuRo1
 
dEMO-1-2022.pptx
dEMO-1-2022.pptxdEMO-1-2022.pptx
dEMO-1-2022.pptx
JuAnTuRo1
 
Presentation2.pptx
Presentation2.pptxPresentation2.pptx
Presentation2.pptx
JuAnTuRo1
 
Q3W5_AGRICULTURE-9-.pptx
Q3W5_AGRICULTURE-9-.pptxQ3W5_AGRICULTURE-9-.pptx
Q3W5_AGRICULTURE-9-.pptx
JuAnTuRo1
 
bullying.pptx
bullying.pptxbullying.pptx
bullying.pptx
JuAnTuRo1
 
modyul2powerpoint-181105020508.pdf
modyul2powerpoint-181105020508.pdfmodyul2powerpoint-181105020508.pdf
modyul2powerpoint-181105020508.pdf
JuAnTuRo1
 
vdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptx
vdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptxvdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptx
vdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptx
JuAnTuRo1
 
Active-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptx
Active-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptxActive-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptx
Active-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptx
JuAnTuRo1
 

More from JuAnTuRo1 (12)

treasure-hunt-XL.pptx
treasure-hunt-XL.pptxtreasure-hunt-XL.pptx
treasure-hunt-XL.pptx
 
music9.pptx
music9.pptxmusic9.pptx
music9.pptx
 
PTA-meeting-2023-2024.pptx
PTA-meeting-2023-2024.pptxPTA-meeting-2023-2024.pptx
PTA-meeting-2023-2024.pptx
 
MATH4-Q3-WEEK-4.pptx
MATH4-Q3-WEEK-4.pptxMATH4-Q3-WEEK-4.pptx
MATH4-Q3-WEEK-4.pptx
 
PTA-Meeting-September-22-2022.pptx
PTA-Meeting-September-22-2022.pptxPTA-Meeting-September-22-2022.pptx
PTA-Meeting-September-22-2022.pptx
 
dEMO-1-2022.pptx
dEMO-1-2022.pptxdEMO-1-2022.pptx
dEMO-1-2022.pptx
 
Presentation2.pptx
Presentation2.pptxPresentation2.pptx
Presentation2.pptx
 
Q3W5_AGRICULTURE-9-.pptx
Q3W5_AGRICULTURE-9-.pptxQ3W5_AGRICULTURE-9-.pptx
Q3W5_AGRICULTURE-9-.pptx
 
bullying.pptx
bullying.pptxbullying.pptx
bullying.pptx
 
modyul2powerpoint-181105020508.pdf
modyul2powerpoint-181105020508.pdfmodyul2powerpoint-181105020508.pdf
modyul2powerpoint-181105020508.pdf
 
vdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptx
vdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptxvdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptx
vdocuments.mx_ang-pamilya-bilang-natural-na-institusyon-55f9d897c9ab1.pptx
 
Active-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptx
Active-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptxActive-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptx
Active-Health-Lesson-3-Physical-Fitness-21p93ap.pptx
 

COQ2ESP8WK7.pdf

  • 1. 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa: Department of Education - Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Ethil P. Yutina, Judith E. Ecoben Emelinda L. Raza, PhD, Mark Lorenz C. Luib Mina M. Montilla, Marieta Bautista, Jezzine F. Salar Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo John Rey C. Clarion Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Ferdinand D. Astelero Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseňares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina
  • 3. 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 29: Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga
  • 4. Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 1 Alamin Ang pamumuno ay tumutukoy sa proseso ng pamamahala ng mga tao sa isang nakaplanong direksiyon sa pamamagitan nang pagganyak. Ayon kay John C. Maxwell, ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng awtoridad at impluwensya. Kung mapalalawak ng isang tao ang kaniyang impluwensiya, mas magiging epektibo siyang lider. Ang pamamaraan at hangarin ng isang lider ay magtatagumpay lamang kung may kakayahan ang kanyang nasasakupan na sumunod ngunit ang pagiging isang mabuting lider ay pagiging mabuting tagasunod. Ang kaalaman at kakayahang mamuno ay kasing halaga rin ng kaalaman at kakayahang maging tagasunod. Hindi magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga kasapi at tagasunod nito. Paano ba ang maging mapanagutang lider? Paano rin ang maging mapanagutang tagasunod? Mahalaga ba ang maging mapanagutang lider at tagasunod? Kung mahalaga, ano-ano ang kahalagahan nito? Halika! Palawakin natin ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagtukoy sa kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. Sa modyul na ito ay malilinang mo ang kasanayang pampagkatuto na: a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. (EsP8P-IIg-8.1)
  • 6. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 2 Subukin Paunang Pagtataya Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa? A. mapanagutang lider B. mapanagutang magulang C. mapanagutang tagasunod D. mapanagutang pamumuno 2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno? A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat. B. Nagkaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin. C. Nakatatanggap ng parangal o papuri ang pangkat mula sa mga kilalang tao. D. Nakatatanggap ng maraming utos ang mga tagasunod mula sa kanilang lider. 3. Bakit nais ng tao na maging lider? A. dahil siya ay may awtoridad B. dahil siya ay makapag-iimpluwensiya sa tao C. dahil siya ay makapag-uutos sa mga taong nasasakupan D. dahil siya ay makapagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa kanyang nasasakupan 4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutang pamumuno? A. pagpapakita ng awtoridad gamit ang impluwensiya B. pagpapakita ng awtoridad gamit ang pansariling interes C. pagpapakita ng awtoridad gamit ang kapangyarihang mamuno D. pagpapakita ng awtoridad sa pagbubuo ng desisyon para sa nasasakupan 5. Bakit kailangang malinang ng lider at tagasunod ang iba’t ibang aspekto ng pagkatao? A. upang madaling makaimpluwensiya ng maraming tao B. upang matagumpay na makamit ang mga pansariling layunin C. upang magkaroon ng isang ugnayang payapa at may pagkakaisa D. upang makahanap ng taong mapag-uutusan at mapagkatitiwalaan
  • 7. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 3 6. Bakit kailangang malinang ang kakayahang gampanan ang tungkulin? A. upang makakamit ang hangarin B. upang makikilala ang lipunang ginagalawan C. upang maibalik ang mga biyayang natanggap D. upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa 7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider? A. Sinasarili ang lahat na mga gawain. B. Napapairal ang anumang binabalak. C. Pinakikinggan ang mga opinyon ng kanyang nasasakupan. D. Pinauubaya sa kanyang nasasakupan ang lahat na gawain. 8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang tagasunod? A. May kapansanan si Aling Nene bagaman aktibo sa mga gawaing- pampurok. B. Madalas magreklamo sa mga patakaran ng kanilang purok si Maria. C. Maykaya ang pamilyang Santos kaya lang walang pakialam sa mga aktibidad sa kanilang purok. D. Abalang-abala sa negosyo si Mang Pedro kaya hindi makadalo sa pagpupulong sa kanilang purok. 9. Paano maipapakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa? A. sa pagiging masaya sa panunungkulan B. sa paglinang sa kakayahang gampanan ang tungkulin C. sa pagsasagawa ng mga kasiyahan sa panunungkulanq D. sa pagganap ng tungkulin para sa pansariling hangarin 10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider? A. Nagkibit-balikat lang ang isang Presidente kaugnay sa papalapit na aktibidad. B. Nagpatawag ng pulong ang Presidente ng Purok 2 kaugnay sa papalapit na kapistahan. C. Hinihintay muna ng Presidente ng Purok 3 kung ano ang gagawin ng ibang purok bago siya magpatawag ng pulong. D. Malapit na ang kapistahan ng kanilang patron kaya abalang-abala na ang Presidente ng Purok 1 sa pangdekorasyon nito.
  • 8. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 4 11. Ano ang kahalagahan ng paglinang sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng isang lider o tagasunod? A. upang magkaroon ng pagkakaisa sa pakikipagsabwatan B. upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat C. upang makamit ang kapayapaan at responsibilidad ng lider ay matapos D. upang magkaroon ng pagkilala at pagsunod sa lider nang walang di pagsang-ayon 12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng tagasunod? A. Tagasunod ang nagbibigay ng kapangyarihan sa lider. B. Tagasunod ang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa. C. Tagasunod ang kanang kamay ng lider sa pagsasagawa ng mga gawain. D. Tagasunod ang tumutulong sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa layunin ng samahan. 13. Alin sa sumusunod ang angkop na naglalarawan sa isang tagasunod? A. magaling magplano at magpasya B. inaalagaan at iniingatan ang sarili C. nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba D. nakikiisa at nagsasakilos sa mga layunin ng pangkat 14. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang tagasunod? A. tagabigay ng direksiyon B. tagatanaw ng tagasunod C. taga-organisa ng pangkat D. tagatupad ng instruksiyon 15. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider? A. tagapatupad ng plano B. tagabigay ng direksiyon C. tagagawa ng mga layunin D. tagakilala ng awtoridad ng pinuno
  • 9. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 5 Aralin 1 Ikaw, Ako, Tayo’y Mahalaga “Huwag mong sabihin sa mga tao kung paano sila dapat magtrabaho. Sabihin mo kung ano ang kailangang gawin at gugulatin ka nila ng kanilang katalinuhan.” - George Patton Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita. Balikan Gawain 1: Pagkilala sa Konsepto! Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na may kaugnayan sa emosyon at ekis (x) ang wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip. 2. Natutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin. 3. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. 4. Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin. 5. Mahalaga ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon. 6. Ang taong may motibasyon ay may desisyon sa sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasya. 7. Ang taong may pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba ay makadadama sa damdamin at pangangailangan ng iba. 8. Mahalaga sa pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala sa sarili. 9. Naipamamalas ng tao ang kanyang pagpapahalaga sa mga bagay sa kanyang paligid sa pamamagitan ng emosyon. 10. Nararapat na mapamahalaan nang wasto ang emosyon upang magdulot ito ng maganda sa sarili at ugnayan sa kapwa.
  • 10. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 6 Tuklasin Gawain 2. Suri-Larawan! Panuto: Suriin ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong. Lider ang tawag sa taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat. Tagasunod naman ang tawag sa sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng lider. Ang dalawang ito ay magkasinghalaga sa isang pangkat. Iginuhit ni: Jubell C. Cababat Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang napansin mo sa larawan? 2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang lider? 3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang tagasunod? 4. Kung ikaw ang lider o tagasunod, paano mo gagampanan ang iyong tungkulin?
  • 11. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 7 Suriin Sa bahaging Tuklasin ay nasubukan mo ang sarili sa pagtukoy sa isang mapanagutang lider at tagasunod. Napangatwiranan mo rin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mapanagutang miyembro ng lipunan. Kung susuriing muli ang larawan, malinaw na naipapakita ang pagtutulungan at pagiging responsable ng isang pangkat ng mga mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan. Nagpapahiwatag lamang ito na lider ka man o tagasunod ay may kanya- kanyang gampanin sa pagkamit sa iisang layunin Gaano kahalaga ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod? Ang pamumuno ay parehong proseso at katangian. Ito ang proseso sa pagkakaroon ng awtoridad at pamamahala sa pagbuo ng desisyon para sa ikabubuti ng nasasakupan. Isa naman itong katangian na mag-uudyok sa kapwa na sundin ang isang pamunuan. Ang pamumuno ay may kalakip ding pananagutan at pagkakaisa at pantay na pagtingin, mapatao man ito o mapamahalaan. Ang isang mapanagutang pamumuno ay matatag at walang kaguluhan, may maayos na pangangasiwa sa mga yaman at patakaran, at may paggalang sa mga batas at walang katiwalian. Tumitingin sa mga aspektong nangangailangan ng tulong o atensiyon at nakikinig sa boses ng mamamayan. Sa madaling salita, may paggalang sa batas at sa nasasakupan. Ang kahalagahan ng pamumuno ng isang lider ay ang pagkakaroon ng awtoridad sa mga tagasunod, pagbibigay ng direksiyon, paggawa ng plano at pagtanaw sa nasasakupan. Malaki ang kahalagahan nito sapagkat maaring maisulong ng lider ang katuparan ng isang layuning makatarungan na makatulong upang mapagtagumpayan ng isang pangkat ang kanilang mithiin. Sa ibang salita ang pagsasakatuparan at tagumpay ng isang pangkat ay nakasalalay sa pakikiisa ng mga kasapi na nahihikayat sa paraan ng pamumuno ng isang lider. Halimbawa, bilang isang lider sa trabaho ay maaari kang umasa sa iyong posisyon upang magawa ang mga bagay at makamit ang ninanais. Buong puso namang susunod ang mga kasapi hangga’t nasa loob ito ng iyong awtoridad. Gayunpaman, ang mga kasapi ay magbibigay lamang ng buong pagsisikap kung nagpakita ka ng mga tunay na katangian ng isang mapanagutang lider na walang kinalaman sa pamagat o posisyon sa trabaho at awtoridad. Makapaglilingkod at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa kung malilinang ang kakayahan na gampanan ang tungkulin batay sa hinihingi ng sitwasyon, maaaring bilang lider at tagasunod. Ang tungkulin naman ng tagasunod o follower ay ang magsulong at gumawa ng aksyong tugma sa ipinatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng samahan. Nais ng mga epektibong tagasunod na bigyan sila ng napapanahon at kakailanganing impormasyon ng kanilang mga lider, isali sila sa mga pagpapasiya at paggawa ng isang kapaligiran na kung saan ang mga
  • 12. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 8 kontribusyon at pagsusumikap ng mga tagasunod ay kinikilala, iginagalang, at pinararangalan. Halimbawa, sa isang pangkat ng mag-aaral na naatasang gumawa ng isang proyekto. Nagdesisyon ang lider na pag-uusapan muna ang mga dapat gawin at kakailanganin upang matagumpay nilang maisagawa ang proyekto. Hinihikayat niya ang lahat ng miyembro na magbigay ng mungkahi sa kung kailan at paano gagawin ang nasabing proyekto. Aktibo namang nakisangkot ang mga kasapi mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa dahil ramdam nilang kabilang sila sa nasabing pangkat. Bilang resulta ay maayos nilang naisagawa ang proyekto at naisumite sa nakatakdang oras. Sa pangkalahatan, lahat ay may kaakibat na tungkulin o responsibilidad sa kaunlaran ng isang pangkat. Ikaw man ay isang lider o tagasunod laging tandaan at isipin ang kabutihang panlahat upang maisabuhay ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
  • 13. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 9 Pagyamanin Gawain 3: Tungkulin Ko, Gagampanan Ko! Panuto: Tukuyin ang gampanin ng isang mapanagutang lider at tagasunod. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel. Halimbawa: Lider – namumuno sa pagpapatupad ng isang mithiin Tagasunod – nakakatulong sa pagtupad ng mithiin RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT Pamantayan Napakahusay (15 puntos) Mahusay (12 puntos) Katamtaman (9 puntos) Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) Nilalaman Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat. Lider Tagasunod
  • 14. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 10 Gawain 4: Tala-Kahalagahan! Panuto: Isulat sa talahanayan ang kahalagahan sa pagkakaroon ng isang mapanagutang lider at tagasunod sa isang pangkat ng mga mag-aaral. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel. LIDER Student Supreme Government (SSG) Officers TAGASUNOD Mga mag-aaral ng isang Paaralan Nakakaagapay sa mga suliranin hinggil sa paaralan Gumagawa ng mga hakbang upang maging matiwasay ang pamumuno ng lider 1. 2. 3. 4. 5. RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT Pamantayan Napakahusay (15 puntos) Mahusay (12 puntos) Katamtaman (9 puntos) Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) Nilalaman Kompleto na may 10 angkop ang mga impormasyong isinulat. Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat.
  • 15. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 11 Gawain 5: Kung Ako! Panuto: Sagutin at pangatwiranan ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT Pamantayan Napakahusay (20 puntos) Mahusay (15 puntos) Katamtaman (10 puntos) Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) Nilalaman Malinaw na nailalahad ang pangangatwiranan at nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. Malinaw na nailalahad ang pangangatwi- ran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwi- ran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. Hindi malinanw na nailalahad ang pangangatwi- ran at hindi nakapagbibig ay ng mga suportang detalye at halimbawa. Kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas matimbang sa iyo, ang pagiging lider o tagasunod? Bakit?
  • 16. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 12 Isaisip Gawain 6: Masubok Nga! Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang ibig sabihin ng lider? 2. Kailan masasabing ang pamumuno ay mabuti o mapanagutan? 3. Paano nagkakaiba ang isang mapanagutang lider at tagasunod? 4. Ano- ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mapanagutang lider? 5. Ano-ano naman ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang tagasunod? RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG Pamantayan Napakahusay (15 puntos) Mahusay (10 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Nilalaman ng mga sagot Nasagutan nang tama ang lahat ng tanong at kinapapalooban ng makabuluhang impormasyon. Nasagutan nang tama ang iilang tanong at kinapapalooban ng iilang makabuluhang impormasyon. May sagot sa tanong bagaman malayo sa konseptong hinihingi.
  • 17. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 13 Isagawa Gawain 7: Magsuri’t Mangatwiran Ka! Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Mga Tanong: 1. Sa sitwasyong iyong binasa, isa bang mapanagutang lider si Dexter? Pangatwiranan. 2. Gaano kahalaga ang pagiging lider upang makamit ang ninais na layunin? 3. Gaano ba kahalaga ang pagiging tagasunod upang makamit ang ninais na layunin? 4. Ikaw bilang tagasunod, ano ang maaari mong gawin upang mapigilan si Dexter sa kanyang masamang plano? Kung ikaw ang lider, gagawin mo rin ba ang ginawa niya upang makamit ang layuning tumaas ang inyong puntos? Bakit? RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT Pamanta- yan Napakahusay (20 puntos) Mahusay (15 puntos) Katamtaman (10 puntos) Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) Nilalaman Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. Malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa. Hindi malinanw na nailalahad ang pangangatwi-ran at hindi nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa. Proyekto sa Agham at Teknolohiya Ang iyong guro ay nagbigay ng mga proyekto sa Agham at Teknolohiya tungkol sa Volcanic Eruptions para sa limang grupo. Si Dexter na lider sa inyong grupo ay nagbabalak na sirain ang proyekto nina Jay at Alice para mabigyan ng mataas na puntos ang inyong pangkat. Dumating ang araw na ipapasa na ang proyekto. Naisakatuparan nga ang plano ni Dexter na masira ang proyekto nina Jay at Alice. Subalit napag-alaman ng inyong guro ang katotohanan sa likod ng pangyayari kung kaya napagsabihan si Dexter ng guro sa kasalanang nagawa. Humingi ng kapatawaran si Dexter sa lahat ng kanyang kaklase at siya naman ay pinatawad.
  • 18. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 14 Tayahin Pangwakas na Pagtataya Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang kahalagahan ng paglinang sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng isang lider o tagasunod? A. upang magkaroon ng pagkakaisa sa pakikipagsabwatan B. upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat C. upang makamit ang kapayapaan at responsibilidad ng lider ay matapos D. upang magkaroon ng pagkilala at pagsunod sa lider nang walang di pagsang-ayon 2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng tagasunod? A. Tagasunod ang nagbibigay ng kapangyarihan sa lider. B. Tagasunod ang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa. C. Tagasunod ang kanang kamay ng lider sa pagsasagawa ng mga gawain. D. Tagasunod ang tumutulong sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa layunin ng samahan. 3. Alin sa sumusunod ang angkop na naglalarawan sa isang tagasunod? A. magaling magplano at magpasya B. inaalagaan at iniingatan ang sarili C. nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba D. nakikiisa at nagsasakilos sa mga layunin ng pangkat 4. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang tagasunod? A. tagabigay ng direksiyon B. tagatanaw ng tagasunod C. taga-organisa ng pangkat D. tagatupad ng instruksiyon 5. Alin sa sumusunod ang gawain ng isang mapanagutang lider? A. tagapatupad ng plano B. tagabigay ng direksiyon C. tagagawa ng mga layunin D. tagakilala ng awtoridad ng pinuno
  • 19. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 15 6. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa? A. mapanagutang lider B. mapanagutang magulang C. mapanagutang tagasunod D. mapanagutang pamumuno 7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno? A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat. B. Nagkaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin. C. Nakatatanggap ng parangal o papuri ang pangkat mula sa mga kilalang tao. D. Nakatatanggap ng maraming utos ang mga tagasunod mula sa kanilang lider. 8. Bakit nais ng tao na maging lider? A. dahil siya ay may awtoridad B. dahil siya ay makapag-iimpluwensiya sa tao C. dahil siya ay makapag-uutos sa mga taong nasasakupan D. dahil siya ay makapagbibigay ng direksyon at inspirasyon sa kanyang nasasakupan 9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutang pamumuno? A. pagpapakita ng awtoridad gamit ang impluwensiya B. pagpapakita ng awtoridad gamit ang pansariling interes C. pagpapakita ng awtoridad gamit ang kapangyarihang mamuno D. pagpapakita ng awtoridad sa pagbubuo ng desisyon para sa nasasakupan 10. Bakit kailangang malinang ng lider at tagasunod ang iba’t ibang aspekto ng pagkatao? A. upang madaling makaimpluwensiya ng maraming tao B. upang matagumpay na makamit ang mga pansariling layunin C. upang magkaroon ng isang ugnayang payapa at may pagkakaisa D. upang makahanap ng taong mapag-uutusan at mapagkatitiwalaan 11. Bakit kailangang malinang ang kakayahang gampanan ang tungkulin? A. upang makakamit ang hangarin B. upang makikilala ang lipunang ginagalawan C. upang maibalik ang mga biyayang natanggap D. upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
  • 20. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 16 12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider? A. Sinasarili ang lahat na mga gawain. B. Napapairal ang anumang binabalak. C. Pinakinggan ang mga opinyon ng kanyang nasasakupan. D. Pinauubaya sa kanyang nasasakupan ang lahat na gawain. 13. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang tagasunod? A. May kapansanan si Aling Nene bagaman aktibo sa mga gawaing pampurok. B. Madalas magreklamo sa mga patakaran ng kanilang purok si Maria. C. Maykaya ang pamilyang Santos kaya lang walang pakialam sa mga aktibidad sa kanilang purok. D. Abalang-abala sa negosyo si Mang Pedro kaya hindi makadalo sa pagpupulong sa kanilang purok. 14. Paano maipapakita ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa? A. sa pagiging masaya sa panunungkulan B. sa paglinang sa kakayahang gampanan ang tungkulin C. sa pagsasagawa ng mga kasiyahan sa panunungkulan D. sa pagganap ng tungkulin para sa pansariling hangarin 15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang lider? A. Nagkibit-balikat lang ang isang Presidente kaugnay sa papalapit na aktibidad. B. Nagpatawag ng pulong ang Presidente ng Purok 2 kaugnay sa papalapit na kapistahan. C. Hinihintay muna ng Presidente ng Purok 3 kung ano ang gagawin ng ibang purok bago siya magpatawag ng pulong. D. Malapit na ang kapistahan ng kanilang patron kaya abalang-abala na ang Presidente ng Purok 1 sa pag-adorno nito.
  • 21. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 17 Karagdagang Gawain Gawain 7: Pagkilala sa Sarili! Panuto: Magbigay ng repleksyon sa sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ipagpalagay na nakatitig ka sa sariling imahe sa salamin. Ano-ano ang mga katangiang nakikita mo sa iyong sarili bilang isang mapanagutang lider at tagasunod. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel. RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG Pamantayan Napakahusay (15 puntos) Mahusay (10 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Lalim at nilalaman ng repleksyon Napakalalim na naipakita ang pag- uugnay ng sarili sa karanasan sa bagong kaalaman. Malinaw na nailalahad ang repleksyon at pangangatwiran. Malalim na naipakita ang pag-uugnay ng sarili sa karanasan sa bagong kaalaman. Hindi gaanong malinaw na nailalahad ang repleksyon at pangangatwiran. Mababaw na hindi naipakita ang pag- uugnay ng sarili sa karanasan sa bagong kaalaman. Hindi malinaw na nailalahad ang repleksyon at pangangatwiran. Katangian bilang mapanagutang lider Katangian bilang mapanagutang tagasunod Bakit mahalaga ang maging isang mapanagutang lider at tagasunod? Pangatwiranan. 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. 4. 5.
  • 22. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 18 Susi sa Pagwawasto
  • 23. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 19 Sanggunian: Aklat Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City. Suda, Lawrence. PMI. PA: Project Management Instituite. October 29, 2013. https://www.pmi.org/learning/library/importance-of-effective-followers- (accessed June 2, 2020). Wigston, Sue. eaglesflight.com. Eagles Flight. July 16, 2019. https://www.eaglesflight.com/blog/the-critical-role-of-followership-in-leadership (accessed June 2, 2020). Allen, Terina. fastcompany.com. Fast Company & Inc. November 28, 2018. https://www.fastcompany.com/90273002/want-to-be-a-good-leader-learn-to- follow (accessed June 2, 2020). Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
  • 24. CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 20 SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 25. 1 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Alamin Ikaw ba ay may social media account? Sa isang millennial na batang kagaya mo, tiyak ang sagot mo ay Opo. Batid ko rin na mayroon kang gustong i-follow sa iyong mga accounts. Maaaring karakter, artista o kaya’y mga taong may naging malaking ambag sa ating lipunang ginagalawan. Maari din naman na ikaw ang sinusubaybayan ng mga followers mo sa iba’t ibang social media site o kaya’y maging sa inyong komunidad dahil sa iyong mga natatanging nagampanang tungkulin o gawain. Maraming dahilan kung bakit tayo humahanga o kaya’y nagiging tagasubaybay ng isang partikular na tao at ito ang pag-aaralan natin ngayon. Pagkatapos ng modyul na ito ay magkakaroon tayo ng mas malinaw na gabay o batayan sa pagpili ng ating mga taong hahangaan o susubaybayan upang magkaroon ng mas magandang direksyon ang ating mga buhay. Handa ka na bang pag-aralan ang modyul na ito? Isang maligayang pag- aaral sa inyo! Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na: Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o napanood. (ESP8P-IIg-8.2)
  • 26. 2 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Subukin Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o situwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider? A. may malawak na karanasan B. may sapat na tiwala sa sarili C. may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin 2. Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal? A. Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan. B. Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili. C. Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang situwasyon. D. Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap para sa samahan. 3. Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay Lewis? A. isang mabuting halimbawa B. may sapat na kaalaman at kasanayan C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa 4. Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider? A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat. B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan. C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat. D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
  • 27. 3 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 5. Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong kakayahan ang taglay ng isang tagasunod, ayon sa pahayag? A. Pakikipagkapwa B. Mga pagpapahalaga C. Kakayahan sa trabaho D. Kakayahang mag-organisa 6. Kailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay umaayon o nakikiisa sa mga gawain? A. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi B. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi C. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi D. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi 7. Nagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na ito? A. diktador B. adaptibo C. inspirasyonl D. transpormasyonal 8. Anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago? A. adaptibo B. diktador C. inspirasyonal D. transpormasyonal 9. Si Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok ay binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita? A. isang huwarang lider B. lider na may sapat na kaalaman C. pagkilala ng lubos sa mga kasapi D. pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawa
  • 28. 4 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 10. Si Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang ipinapakita sa situwasyon? A. kakayahan sa sarili B. kakayahan sa trabaho C. kakayahan na mag-organisa D. kakayahan sa pagpapahalaga 11. Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa kanyang mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang mapanagutang lider? A. pagtanggap sa mga tungkulin B. pagiging huwaran sa ibang tao C. malinaw sa pagpapahayag ng plano D. pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi 12. Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi sa organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng loob. Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod? A. kakayahan sa sarili B. kakayahan sa trabaho C. kakayahan na mag-organisa D. kakayahan sa pagpapahalaga 13. Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSG President dahil sa kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang ipinapakita ng lider? A. adaptibo B. kognitibo C. inspirasyunal D. transpormasyunal 14. Anong situwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa pamumunong transpormasyunal? A. Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon siya ng mga kabataang babae. B. Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang kanyang pamilya sa kanya. C. Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan. Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi. D. Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad sa mga kababaihan.
  • 29. 5 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 15. Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey bilang influencer? A. hindi huminto sa pag-aaral B. mapanagutan sa mga desisyon C. may positibong pananaw sa buhay D. pagpaunlad ng kaalaman
  • 30. 6 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Aralin 1 Katangian ng Lider at Tagasunod Balikan Gawain 1. Sampung mga Daliri! Panuto: Iguhit ang sariling kamay (kanan at kaliwa). Isulat sa hand graphic organizer ang kahalagahan ng isang lider at tagasunod sa pag-unlad ng isang komunidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
  • 31. 7 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Tuklasin Gawain 1. Suri-Komiks! Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na senaryo sa komiks at pagnilayan ang mga gabay na tanong. Scenario: Pagsasagawa ng pangkatang-gawain sa klase ni Gng. Ramos sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao baitang 8. Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
  • 32. 8 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Si Jeanie na ‘yong tagasulat kasi maganda ang penmanship niya. Si Marc nalang sa yell. Magaling siyang kumanta, hindi ba? Okay, ako na sa yell. Kayo na ang bahala sa mga sasagutan! As usual, ito na talaga ang role ko sa grupo natin. Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
  • 33. 9 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
  • 34. 10 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Gabay na Tanong: Panuto: Isulat ang mga sagot sa kwaderno. 1. Batay sa usapan, anong katangian ang taglay ng lider sa kanilang pangkat? 2. Paano ilalarawan ang katangian ng mga kasapi ng pangkat? Naranasan mo na rin bang maging isang lider o kasapi ng pangkatang-gawain? Isalaysay ang iyong naging karanasan sa pakikitungo sa iyong lider o sa kapwa mo kasapi. Suriin Sa Gawain 1 ay nasubukan mo ang sarili sa pagtukoy at paglalarawan sa katangian ng isang lider at tagasunod. Nababalikan mo rin ang iyong karanasan bilang lider o kasapi sa pangkat. Kung aalamin natin lahat ay may kanya-kanyang kuwento tungkol sa mga pangkatang-gawain. Wika nga ninyong mga millenials #relatemuch! Maaaring masaya o malungkot ang karanasan. Tama ba? Masaya ang karanasan sa mga pangkatang gawain kung napabilang sa pangkat na responsable ang lider, matutulungin at nakikinig naman ang mga kasapi ng pangkat. Malungkot naman kung napabilang ka sa mga grupong nangangailangan pa ng gabay sa pamumuno ng pangkat o kaya naman ay hindi nakikinig na mga kasapi. Kung pagbabatayan ang komiks na nabasa sa bahaging Tuklasin, masasabi na may angking kakayahan sa pamumuno ng kanilang pangkat ang lider batay sa ipinakitang kilos. Taglay nito ang katangiang may pagtitiwala sa kakayahan ng kanyang mga kasapi at pagbibigay ng laya sa mga ito na pumili ng gawain batay sa kanilang kakayahan. Dahil sa mga katangiang ito, mas nagkaroon ng kompyansa ang mga kasapi na mas nagpaganda at nagpabilis na matapos ang pangkatang- gawain. Ipinakita lamang na mahalaga talaga ang papel na ginagampanan ng isang lider at tagasunod hindi lamang sa isang simpleng pangkatang-gawain sa loob ng klasrum. Masasalamin din ito sa pamilya kung saan ang ama ang tumatayong haligi ng tahanan habang ang ina naman ang nagsisilbing ilaw na gagabay sa mga anak. Isipin mo na lang, anong mangyayari sa isang bansang hindi magkaisa ang gobyerno at mamamayan? Tiyak, malaking gulo at walang pagkakaisa. Ano nga ba ang katangiang dapat taglayin ng isang lider at tagasunod upang mapanatili ang isang matiwasay na ugnayan at koneksyon sa bawat isa?
  • 35. 11 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Mga katangiang dapat taglayin ang isang lider (Lewis,1998) at prinsipyong pinanghahawakan (The Royal Australian Navy; Leadership Ethics,2010):  nagsisilbing inspirasyon at modelo sa mga nasasakupan  may positibong pananaw sa buhay  may integridad, tumatayong boses ng organisasyon,  bukas sa opinyon at nakikinig sa ideya nang nakararami,  may malinaw na plano at mapanagutan sa mga desisyon sa kanyang sarili at sinasakupan,  higit sa lahat isang mabuting tagasunod. Ayon Kay John C. Maxwell, ang pamumuno o pagiging lider ay ang pagkakaroon ng impluwensiya. Kung iisipin, mabigat at malaki ang gampanin ng isang lider dahil sa kanya nakaatang ang mga kritikal na desisyon, pananagutan at pangunguna sa tiyak na aksyon sa isang situwasyon. Ngunit ang pagganap sa mga situwasyon ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang aksyon batay sa lider at istilo ng pamumuno na tinataglay (Dr. Eduardo Morado, 2007). Ang mga sumusunod: Pamumunong Inspirasyonal. Nagiging inspirasyon sa iba ang lider na ito batay sa kanilang katangi-taging kilos at desisyon sa isang pangkat. Tinatawag din silang servant leader. Sila ang uri ng lider na nagbibigay direksyon at gabay sa mga nasasakupan. Halimbawa nito ay si Martin Luther King na kilala sa kanyang pagpupursigi na wakasan ang pagkahiwa-hiwalay at diskriminasyon sa iba’t ibang lahi. Pamumunong Transpormasyonal. Sa pamumunong ito, ang lider ay nagsisilbing mentor kung saan tinutulungan, tinuturuan at ginagabayan ang mga kasapi o sinasakupan. Nakatuon sa pagkakaroon ng pagbabago, madaling pagtuklas ng pagkakataon at nagtataglay ng kaisipang kritikal na kinakailangan sa paglutas ng isang suliranin o sitwasyon. Halimbawa ng pamumunong ito ay si Priyanka Chopra-Jonas, UNICEF Ambassador at isang philanthropist na kilala sa pagsulong ng pagbabago sa papel at mukha ng mga kababaihan lalo na sa mga bayan na sakop ng India at iba pang bansa sa mundo. Siya ang naging boses ng mga kababaihan sa pagpuksa ng karahasan at pagpapataas sa kalidad ng kababaihan at pasulong ng libreng edukasyon sa mga bata. Pamumunong Adaptibo. Nagtataglay ang lider sa uring ito ng katangiang mataas na antas ng pagkilala at pagpapahalaga sa sarili, pakikibagay sa sitwasyon, personalidad at pakikipagkapuwa. Sa madaling sabi, mataas ang Emotional Quotient kung kaya madaling nakuha ang paggalang at pag-ingganyo ng tagasunod. Halimbawa nito ay ang pangulo ng United State of America na si Barack Obama. Kung ang mga pagpapakahulugan at tuntunin sa pagiging lider ay nasunod ng isang namumuno, tiyak na magiging mataas ang pagtingin, hahangaan at magiging inspirasyon ito ng kanyang mga tagasunod o kasapi.
  • 36. 12 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Maliban sa lider ay mayroong gampanin at pananagutan din ang isang tagasunod upang masiguro ang maluwalhating ugnayan ng bawat isa. Iminungkahi ang mga kasanayang dapat linangin ng isang ulirang tagasunod (Kelly, 1992): a. Kakayahan sa trabaho (job skills) Hindi lamang pagiging pokus sa trabaho, may pananagutan, pagpapaunlad sa sariling kakayahan sa paggawa ang binibigyang pansin sa kakayahang ito. Hinihimok din ang pagtulong sa kapuwa tagasunod upang mas mapaangat ang kalidad ng trabaho ng kapwa ang dapat linangin ng isang tagasunod upang masabi na ito ay may kakayahan sa trabaho. b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills) Kakikitaan ng kahusayan sa pakikipagsalamuha at pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa kasapi at lider. Mahusay bumuo ng koneksyon at relasyon sa ibang tao upang mapalago ang kinabibilangang organisasyon. c. Mga pagpapahalaga (Values component) Masasalamin sa kilos ng isang tagasunod ang kanyang prinsipyo at paninindigan bilang isang tao. Yayakapin nito ang mga pamantayan at mabuting gawi sa pagtupad ng mga gampanin bilang tagasunod na mas makapagpapatatag sa imahe ng organisasyong kinabibilangan. Sa madaling sabi, lilinangin ng isang tagasunod ang kabuuan ng kanyang pagkatao. Kung iisipin, mahalagang magkaisa at taglayin ang kani-kanilang katangian upang maihanay at maging mapanagutan ang bawat lider at tagasunod. Sapagkat kahit taglay na ang mga katangiang ito, wala pa ring mangyayari at hindi uunlad ang isang grupo kung hindi matibay ang pundasyon ng isang samahan. Kinakailangan ipakita ng isang lider ang malasakit at matatag na sarili sa kanyang tagasunod habang ipapakita naman ng tagasunod ang matibay na suporta sa kanyang pinuno sa pamamagitan ng pananatiling matapat, mabuti at produktibong aksyon sa mga gawain upang umunlad ang isang samahan.
  • 37. 13 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Pagyamanin Gawain 3: Suri-Salita! Panuto: Hanapin at suriin sa pinaghalong letra ang mga pitong (7) salitang/pariralang naglalarawan sa katangian ng isang lider at tagasunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. M A P A N A G U T A N S E Q M A N S I B O S S T A O B S A V M C K L A M T O S A R A H I W N G A A R A G N E A G I R E M A Y I N T E G R I D A D M F T H O A L S O G I D A Y O E K O D H I L A B A E K A T E L I D B I S M A B U T I W A L L I T I K A J K Z O J O V E L O V E A W I N G C A I N U M S E L L I N G A A D G E N E N E S L I P E O N G S A L I N G O I I N R P E O R G A N I S A D O N G A G A
  • 38. 14 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Gawain 4. Suri-Katangian! A. Panuto: Mula sa mga larawan na nasa Hanay A, hanapin ang tamang sagot sa Hanay B. Suriin kung anong katangian ng isang lider ang ipinapahiwatig sa mga larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. A B A. naglilingkod na lider B. lider na may positibong pananaw C. lider na may integridad D. lider na may tiwala sa kakayahan ng iba E. lider na magaling magplano at magpasya Iginuhit ni: Jubell C. Cababat at Alim V. Eviota 1 2 3 4
  • 39. 15 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 B. Panuto: Suriin kung anong katangian o kakayahan ng isang tagasunod ang ipinapahiwatig sa mga sitwasyon. Isulat ang (KT) kung kakayahan sa trabaho, (KM) kung Kakayahang mag-organisa at (KP) kung kakayahan sa pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Si Jose Delo ay magalang at may maayos na pakikisama sa kanyang kapwa at pinuno 2. Sinisikap ni Ben na makalikha ng bagong disenyo ng mga bulaklak gamit ang youtube 3. Isinasapuso ni Jebie ang prinsipyo ng asosasyon na maging tapat at mahusay 4. Bumuo si Kris ng project proposal na naglalaman ng kanyang ideya kung paano malulutas ang problemang kinakaharap ng pangkat bago ito inilahad sa mga kasamahan. 5. Tuwing nagpapabili ng pagkain ang isang pamilya ay ibinabalik ni Tony ang sukli sa kanyang amo o kakilala. Gawain 5. Suri-Pamumuno! Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga sitwasyon. Ipaliwanag kung anong pamumuno ang (Pamumunong Inspirasyonal, Pamumunong Transpormasyonal o Adaptibo) ipinapahiwatig ng sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Bilang Pangulo ng Supreme Student Government (SSG) ng kanilang paaralan, sinisiguro ni Joy na nagagampanan niya ng balanse ang kanyang tungkulin bilang boses ng mag-aaral at ang kanyang pagiging isang working student. Sinisikap niyang matugunan ang hinaing ng mga mag-aaral tulad ng pananatili ng mga tutorial sa iba’t ibang asignatura sa tulong ng iba pang opisyales, pagsasagawa ng adbokasiya sa tamang pagtapon ng basura, pagwaksi sa bullying at maging isang huwarang mag-aaral sa pamamagitan ng pagiging honor students at palakaibigan sa kapwa mag-aaral. Dahil sa kanyang ipinakitang pag-uugali at kabutihan ay maraming mag-aaral ang tumutulong at nagboboluntaryong maging kasapi ng kanilang tutorial class at nagsasagawa ng mga hakbang sa loob ng klasrum na mapairal ang katiwasayan at pagkakaibigan.
  • 40. 16 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 1. Anong katangian ng lider ang ipinakita sa sitwasyon? Patunayan. 2. Anong katangian ng lider ang ipinakita sa sitwasyon? Ipaliwanag. 3. Anong katangian ang ipinakita ng lider sa sitwasyon? Ipaliwanag. RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT Pamantayan Napakahusay (20 puntos) Mahusay (15 puntos) Katamtaman (10 puntos) Kailangan pa ng kasanayan (5 puntos) Nilalaman Malinaw na nailalahad ang pangangatwira n at nakapagbibiga y ng mga suportang detalye at halimbawa. Malinaw na nailalahad ang pangangatwi- ran at nakapagbibiga y ng iilang suportang detalye at halimbawa. Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwi- ran at nakapagbibiga y ng iilang suportang detalye at halimbawa. Hindi malinanw na nailalahad ang pangangatwi- ran at hindi nakapagbibiga y ng mga suportang detalye at halimbawa. Nahalal na Alkalde sa bayan ng Sta. Isla si Hon. Juan De la Cruz. Kilala siya sa mga proyektong nagawa tulad ng pabahay sa mga mahihirap, iba’t ibang programang pangkabuhayan, pagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo at pagpapatupad nang maayos sa mga batas sa kanilang lugar. Tinatawag din siyang “Ama ng Sta. Isla” dahil sa kanyang mga natatanging nagawa na nagpabago at nagpaunlad sa kanilang bayan. Hinahangaan at sinusubaybayan si Chiska sa kanyang mga social media account lalong-lao na sa Tiktok at Twitter dahil sa mga nakahahangang post hinggil sa kanyang positibong pananaw sa buhay, magagandang komentaryo at payo sa kanyang mga follower sa comment section. Maliban dito, gumagawa siya ng mga vlog tungkol sa mga kaparaanan kung paano malalabanan ang depresyon, bullying, pag-iwas sa maling tao at pakikipagkaibigan. Kung kaya hindi kataka-takang malimit sa kanyang mga tagasunod ay mga kabataang maaring nakaranas o nakadama ng mga ganitong problema sa buhay. Madali niyang nakukuha ang loob ng isang netizen dahil sa kanyang mga post na kapupulutan ng aral.
  • 41. 17 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Isaisip Gawain 6. Magpaliwanag Ka! Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapaliwanag sa sumunod na pahayag. “With Great Powers, Comes Great Responsibility.” Uncle Ben, Spiderman Movie 2002 RUBRIKS SA PAGPAPALIWANAG Kriterya Higit na Inaasahan (15) Nakamit ang Inaasahan (12) Bahagyang Nakamit ang Inaasahan (9) Hindi Nakamit ang Inaasahan (6) Pagpapali- wanag sa Konsepto Makabuluhan at mahusay ang pagpapaliwanag at pagtatalakay sa pahayag. May sapat na detalye at pagpapaliwanag . May kakulangan ang pagpapaliwan ag. Hindi naipapaliwa nag ang pahayag. Organisas- yon ng mga ideya Lohikal at mahusay ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya. Naipakita ang ideya ng pahayag bagaman hindi makinis ang pagkakalahad. Hindi gaanong maayos ang pagkakalahad ng ideya. Hindi organisado ang pagpapaliwa -nag. Kabuuan: 30 puntos
  • 42. 18 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Isagawa Gawain 7. Saksi Ako! Panuto: Gamit ang iyong natutunang kaalaman sa modyul na ito, obserbahan ang mga tao sa inyong lipunan at suriin kung ang kanilang kilos ay naglalarawan sa katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod. Nasa pinakaunang bilang ng kahon ang halimbawa. Mapanagutang Lider at Tagasunod sa aming Lugar Taong naobserbahan Ipinamalas na Katangian ng isang mapanagutang Lider at tagasunod Pagsalaysay sa sitwasyong nagpapakita ng katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod 1. Kasapi sa Pamilya na sumusunod sa batas sa loob ng bahay Masunurin, isang maagandang ehemplo ng bawat kasapi ng pamilya. Ang aking nakakatandang kapatid ay naghugas ng pinggan dahil sya ay naka- iskedyul na maghugas ng pinggan ngayon. Siya mismo ang gumawa ng iskedyul kaya nagaganahan kami na sumunod na rin sa kanya. 2. Mga Opisyales/ Nagtatrabaho sa inyong Barangay 3. Iniidolo sa Social Media, Drama, atbp. 4. Sumusubaybay o Fans ng isang sikat na artista, drama, vlogger atbp. RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT Pamantayan Napakahusay (15 puntos) Mahusay (12 puntos) Katamtaman (9 puntos) Kailangan pa ng kasanayan (6 puntos) Nilalaman Kompleto at angkop ang mga impormasyong isinulat. Kompleto bagaman hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. Kulang at hindi masyadong angkop ang impormasyong isinulat. Kulang at hindi angkop ang impormasyong isinulat.
  • 43. 19 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Tayahin Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa kanyang mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang mapanagutang lider? A. pagtanggap sa mga tungkulin B. pagiging huwaran sa ibang tao C. malinaw sa pagpapahayag ng plano D. pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi 2. Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi sa organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng loob. Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod? A. kakayahan sa sarili B. kakayahan sa trabaho C. kakayahan na mag-organisa D. kakayahan sa pagpapahalaga 3. Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSG President dahil sa kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang ipinapakita ng lider? A. Adaptibo B. kognitibo C. inspirasyunal D. transpormasyonal 4. Anong sitwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa pamumunong transpormasyunal? A. Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon siya ng mga kabataang babae. B. Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang kanyang pamilya sa kanya. C. Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan. Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi. D. Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad sa mga kababaihan.
  • 44. 20 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 5. Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey bilang influencer? A. hindi huminto sa pag-aaral B. mapanagutan sa mga desisyon C. may positibong pananaw sa buhay D. pagpaunlad ng kaalaman 6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider? A. may malawak na karanasan B. may sapat na tiwala sa sarili C. may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin 7. Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal? A. Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan. B. Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili. C. Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang sitwasyon. D. Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap para sa samahan. 8. Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay Lewis? A. isang mabuting halimbawa B. may sapat na kaalaman at kasanayan C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa 9. Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider? A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat. B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan. C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat. D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
  • 45. 21 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 10. Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong kakayahan ang taglay ng isang tagasunod? A. Pakikipagkapwa B. Mga pagpapahalaga C. Kakayahan sa trabaho D. Kakayahang mag-organisa 11. Kailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay umaayon o nakikiisa sa mga gawain? A. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi B. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi C. kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi D. kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi 12. Nagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na ito? A. diktador B. adaptibo C. inspirasyonl D. transpormasyonal 13. Anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago? A. adaptibo B. diktador C. inspirasyonal D. transpormasyonal 14. Si Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok ay binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita? A. isang huwarang lider B. lider na may sapat na kaalaman C. pagkilala ng lubos sa mga kasapi D. pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawa
  • 46. 22 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 15. Si Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang ipinapakita sa sitwasyon? A. kakayahan sa sarili B. kakayahan sa trabaho C. kakayahan na mag-organisa D. kakayahan sa pagpapahalaga
  • 47. 23 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Karagdagang Gawain Gawain: Sila ang Salamin Ko! Panuto: Pumili ng isang kilalang tao sa pagpipilian. Sagutin ang gabay sa pagsasaliksik at bumuo ng isang sanaysay batay sa nasaliksik na impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. A. Mother Theresa B. Steve Jobs C. Mahatma Ghandi D. Bill Gates Gabay sa pagsasaliksik. 1. Kailan at saan siya ipinanganak? 2. Saan nakapag-aral at sa anong larangan nakilala? 3. Ano ang kanyang mga prinsipyo sa buhay? 4. Sino ang mga tao na nagbigay ng impluwensiya sa kanyang buhay? 5. Mga kasabihan at pangaral 6. Resulta ng mga pagpapasya bilang lider o tagasunod 7. Pinakagustong kasabihan sa buhay 8. Mga katangian bilang lider o kasapi ng samahan 9. Mga organisasyong nabuo o sinalihan 10. Mga Karangalang natanggap RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG TEKSTONG NAGLALAHAD Pamantayan Higit na Inaasahan (15) Nakamit ang Inaasahan (12) Bahagyang Nakamit ang Inaasahan (9) Hindi Nakamit ang Inaasahan (6) Kahalagahan at kasapatan ng impormas- yon Mahalaga at sapat ang impormasyong inilalahad. May sapat na detalye at may iilang mahalagang impormasyon na naipakita. May kakulangan sa mahalagang impormasyon. Hindi naipakita ang mahalagang impormasyon. Organisas- yon ng impormasyon Lohikal at mahusay ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya. Naipakita ang ideya ng pahayag bagaman hindi makinis ang pagkakalahad. Hindi gaanong maayos ang pagkakalahad ng ideya. Hindi organisado ang pagpapaliwa- nag. Kabuuan: 30 puntos
  • 48. 24 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Susi sa Pagwawasto
  • 49. 25 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30 Sanggunian Aklat Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag- aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
  • 50. 26 CO_Q2_ESP 8_ Modyul 30
  • 51. 1 CO_ Q2_EsP 8_Modyul 29 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph