Pagkalagas ng 44 sa Tukanalipao, Masasapano, Maguindanao
Composo ni Amirah Yuri
Kaming napiling pinakamagaling,
Sa hanay ng Philippine National Police - Special
Action Forces,
Dala ang warrant of arrest para kay Marwan,
Isang Malaysian Bomber na tukoy na ang
kinalalagyan.
Ang mission na yon ay Oplan Exodos kung
tawagin,
Enero 25, 2015, sa ika- 5:30 ng umaga,
Nasa tapat na kami ng kubo ng target,
Biglang may sumabog kasamahan ko’y natamaan.
Sa pagpatuloy ng assult,
“Bingo”|ang aking narinig kasabay ng mga putok,
Bala ng mga kalaban ay umuulan,
Marami na sa amin ang nasugatan.
Isang kasamahan koy hawak ang cellphone,
Ang larawan ng pamilya niya’y minamasdan,
Habang bala ay tumatama sa katawan,
Hangang hininga ay nalagutan.
Naubusan na kami ng bala,
Rosaryo nalang ang natira,
Reinforcement ay wala pa,
Halos wala ng pag-asa.
Kasamahan ko’y tumayo,
Para bala ng sniper sa kanya mabaling,
Tumamba, lumaban hanggang di na nakatayo,
Para ako’y makagapang papalayo.
Sumubsub ako sa putik na may tubig at water lily,
Doon pansamantalang nakakubli,
Samantala ang aking mga kasamahan ay nilapitan
ng kalaban,
Kahit buhay pa’y sila’y pinagtataga at pinugutan,
Pag – alis ng mga kalaban,
Mga usisang sibilian,
Ako’y kanilang nakita,
At tinulungan.
*********saludo po ako sa inyo SAF 44*********

Composo ng saf 44

  • 1.
    Pagkalagas ng 44sa Tukanalipao, Masasapano, Maguindanao Composo ni Amirah Yuri Kaming napiling pinakamagaling, Sa hanay ng Philippine National Police - Special Action Forces, Dala ang warrant of arrest para kay Marwan, Isang Malaysian Bomber na tukoy na ang kinalalagyan. Ang mission na yon ay Oplan Exodos kung tawagin, Enero 25, 2015, sa ika- 5:30 ng umaga, Nasa tapat na kami ng kubo ng target, Biglang may sumabog kasamahan ko’y natamaan. Sa pagpatuloy ng assult, “Bingo”|ang aking narinig kasabay ng mga putok, Bala ng mga kalaban ay umuulan, Marami na sa amin ang nasugatan. Isang kasamahan koy hawak ang cellphone, Ang larawan ng pamilya niya’y minamasdan, Habang bala ay tumatama sa katawan, Hangang hininga ay nalagutan. Naubusan na kami ng bala, Rosaryo nalang ang natira, Reinforcement ay wala pa, Halos wala ng pag-asa. Kasamahan ko’y tumayo, Para bala ng sniper sa kanya mabaling, Tumamba, lumaban hanggang di na nakatayo, Para ako’y makagapang papalayo. Sumubsub ako sa putik na may tubig at water lily, Doon pansamantalang nakakubli, Samantala ang aking mga kasamahan ay nilapitan ng kalaban, Kahit buhay pa’y sila’y pinagtataga at pinugutan, Pag – alis ng mga kalaban, Mga usisang sibilian, Ako’y kanilang nakita, At tinulungan. *********saludo po ako sa inyo SAF 44*********