2. • Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo
ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo
bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit
sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag
maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa,
magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging
manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga
kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
•14 Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo
sila at huwag sumpain.