2. Panimula : Paksa at Tisis
ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso
sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa upang basahin ang teksto.
Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng
teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic
na iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis
o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng
proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa
tatalakaying paksa o mga katwirang
papatunayan o pasisinungalingan.
3. Wika nga nina Bernales, et al. (2001) ,
maihahalintulad ito sa Display window ng
mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing
pang-akit sa mga mamimili kundi
nagpapakita rin ng ilang abeylabol na
paninda o haylayt na paninda.
Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa
kung tungkol sa aling paksa ang teksto at
kung ano ang paniniwala, asersyon o
proposisyon ng may akda sa paksang iyon.
4. Katawan : Istraktura , Nilalaman
at Order
ang kalakhan at pinakamahabang bahagi
ng isang teksto.
ito ang pinakamahalagang bahagi ng
anumang teksto.
nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng
teksto.
Istraktura at order ang pinakalansay ng
teksto.
5. Wakas : Paglalagom at Kongklusyon
Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng
panimula, kailangan din itong maging makatawag-
pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa
pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang
mahahalagang kakintalan sa mambabasa.
Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili
sa isipan ng mga mambabasa na maaaring
makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang
pananaw ukol sa paksang tinalakay o
impormasyong natutunan.
6. Lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng
teksto. Dito inilalahad ang kabuuan
ng teksto sa pinakamaikling paraan
Kongklusyon ang naglalahad ng
inferences, proposisyon o deductions
na mahahango sa pagtatalakay sa
teksto.
7. Pagsasanay:
Gumawa ng isang tekstong diskriptibo-Iugnay
ang mga tinalakay sa bahagi ng teksto
Sa isang buong bahagi ng papel
Tekstong Deskriptibo - Ang tekstong deskriptibo
ay isang tekstong naglalarawan. Ito ay
naglalaman ng mga impormasyong may
kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay,
lugar,damdamin at pangyayaring madalas
nasasaksihan ng tao sa paligid.