Aralin 8
Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa
Pagsulong ng Kamalayang Pambansa
Natutuhan mo sa huling aralin ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor
(katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. Nalaman mo rin ang mga grupo ng mga
katutubo at kababaihan na lumahok sa pakikibaka, ang kanilang katapangan, pagiging
makabayan ay ang naging dahilan upang hindi nila isuko ang kanilang teritoryo sa mga
Kastila.
Sa araling ito, inaasahang:
a. Naiisa-isa ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa pagsulong ng
kamalayang pambansa.
b. Natatalakay ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa pagsulong ng
kamalayang pambansa (LeaP )
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8.1 – Maikling Sagot
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng bawat pahayag.
1. Rehiyong iyong kinabibilangan________________________________________
2. Matapang na pangkat na hindi nasakop ng mga Espanyol__________________
3. Asawa ni Diego Silang na nagpatuloy sa kaniyang ipinaglalaban______________
4. Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa sa _________________.
5. Naging tugon ng mga Pilipino sa pagmamalabis ng mga Espanyol_____________
Aralin 8: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pagsulong ng
Kamalayang Pambansa
Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay humantong sa
tahasang pagtutol ng mga Pilipino. Ilan sa kanilang tinutulan ay mataas na buwis, sapilitang
paggawa, diskriminasyon sa lipunan at malupit na pamamalakad ng mga prayle at pinunong
Espanyol. Ang mga pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga katutubong buhat sa iba’t ibang
sektor ng lipunan at mga liblib na lugar sa Pilipinas at maging mga binyagang – Katoliko na
nakaranas ng kalupitan ng mga Espanyol. Suriin ang kahalagahan ng mga pag-aalsang ito.
Si Raha Lakandula (1574)
Ang Dakilang Raha ng Tondo –na si Raha Lakandula ay nanguna rin sa isang
pag-aalsa laban sa mga Kastila. Sa simula ay naging maayos ang ugnayan ni Raha Lakandula
at Kastila sa isa’t isa sapagkat mayroon siyang prebilehiyo na hindi pagbabayad ng buwis sa
mga Kastila at pagiging malaya sa paghahanap-buhay. Ang pribilehiyong kanyang natanggap
ay hindi naging pangmatagalan sapagkat ipinatigil ito ni Gobernador Guido Lavezares na
siyang pumalit kay Legaspi nang ito ay mamatay. Naging mapang–abuso at mapang-alipin si
Gobernador Guido Lavezares, bagay na ikinagalit ni Raha Lakandula. Noong taong 1574,
nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang mga Kastila. Subalit isinugo ni Lavezares
sina Padre Geronimo Martin at Kapitan Juan de Salcedo upang himuking sumuko ang
dalawang hari (sina Raha Lakadula at Sulayman). Sumuko ang dalawa nang tiyakin ang
paggalang sa kanilang karapatan sampu ng kanilang nasasakupan. Muling nanumbalik ang
kapayapaan at pagkakaibigan sa pagitan ni Raha Lakandula at Kastila. Tumulong pa sina
Lakandula at Sulayman sa pagtataboy kay Limahong at ng kanyang mga mandirigma. Noong
1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang
paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang pribilehiyo nila ng hindi
pagbabayad ng buwis.(LeaP)
Si Raha Sulayman (1574)
Si Raha Solayman na nakilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na
datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakandula, hari ng Tondo, isang malaking
populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na
dantaon. Malugod niyang tinanggap at pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina
Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga
kongkistador ng mga pampalasa at mga babae bilangregalo. Ngunit nang dumaan ang mga
linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay
ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang likas na yaman ng kanyang
lugar. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.
(LeaP)
Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol (1744-1829)
20, 000 rebelde at nagtatag ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan. Ito ang
pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas na may kabuuang 85 taon. Namatay
si Dagohoy sa sakit at katandaan. Ipinagpatuloy ng kaniyang mga anak ang pag-aalsa.
Pag-aalsang Agraryo ng mga Magsasaka sa Katagalugan (1745 -1746)
Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ng lupa
sa mga katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga
bayan ng Lian at Nasugbu na umabot sa mga karatig lalawigan ng Laguna, Cavite maging sa
Morong at Bulacan. Nakilala sa kasaysayan bilang Pag-aalsang Agraryo ng 1745. Isang
pagkilos upang bawiin sa mga prayle at mga orden ang mga lupang pamana sa kanila ng
kanilang mga ninuno o ancestral domain. Dahil dito lumaganap ang kaguluhan at naging
talamak ang pagnanakaw sa mga kumbento. Ang ilang simbahan, maging mga kabukiran ay
winasak at sinunog ng mga katutubo. Nakarating ito kay Ferdinand VI na dagliang ipinag-utos
na ibalik ng mga prayle ang mga naturang lupang pamana. Nag-apila ang mga prayle kung
kaya’t walang lupang naibalik sa mga katutubo.
Pinamunuuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa ng mga
Boholano. Nagalit siya nang tanggihan ng kura na bigyan ng
Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na yumao. Pinatay niya
ang pari at hinikayat ang mga mamamayan ng Bohol na
magrebelde at lumaban sa mga Espanyol. Namundok ang may
Ipinagpatuloy ng kaniyang asawa na si Maria Josefa Gabriela, ang paghihimagsik
ngunit sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kaniyang pagrerebelyon. Pinatay siya ng
mga Espanyol noong Setyembre 20, 1763.
Ang Rebelyon ni Palaris sa Pangasinan (1762-1764)
Pag-aalsang Basi (1807)
Cavite Mutiny (1872)
Ang Cavite Mutiny noong 1872 ay binuo ng mga kawal na Pilipino ng Fort San Felipe
ng Spanish Arsenal sa Cavite. Ito ay naganap noong January 20, 1872. Mahigit sa 200
Pag-aalsa ni Diego Silang at Gabriela Silang sa Ilocos (1762-1763)
Nag-alsa si Diego Silang laban sa mga Espanyol dahil ikinulong
siya nang magpetisyong alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino.
Hinimok niya ang mga kababayan na maghimagsik laban sa mga pang-
aabuso ng mga Espanyol nang siya ay pakawalan. Nagtatag siya ng
sariling pamahalaan sa Vigan. Sinamantala niya ang pananakop ng mga
Ingles sa ating bansa. Nakipag-ugnayan siya sa mga Ingles upang
makayanan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol. Pinadalhan siya ng
mga sandata ng mga ito at nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14,
1762 sa Vigan. Nagpadala ng puwersa si Arsobispo Bernardo sa Vigan
upang supilin ang mga rebelde ngunit hindi sila nagtagumpay. Pinatay
siya sa Silang ng kaniyang kaibigang si Miguel Vicos na inupahan ng mga
Espanyol noong Mayo 28, 1763.
www.google.com
Pinamunuan ni Juan de la Cruz Palaris ang isang himagsikan sa
Binalatongan, Pangasinan noong Nobyembre 3, 1762. Nagtatag si
Palaris ng isang malayang pamahalaan at ginawa niyang kabisera ang
Binalatongan. Nasupil ni Don Miguel de Arza ang paghihimagsik noong
1764. Nahuling buhay si Palaris at binitay ng mga Espanyol.
www.google.com
Pinamunuan ni Pedro Ambaristo ang isang pag-aalsa sa
kasalukuyang Piddig, Ilocos Norte noong Setyembre 16, 1807. Nag-
ugat sa paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta
ng basi (isang uri ng alak na mula sa tubo). Ipinagbawal ang
pribadong produksiyon ng alak. Dahil dito, napilitan ang mga Ilocano
na bumili ng basi sa pamahalaan sa higit na mataas na halaga.
Makalipas ang ilang linggo ng pag-aalsa, nasupil din agad ito ng mga
Espanyol
www.google.com
sundalong Espanyol kasama ng iba pang mga manggagawa ang nadamay dito na hindi agad
mapaniwalaan ng mga Espanyol at ilang Pilipino dahil ang mga nag-aklas ay pawang mga
kawal din. Ang kanilang pag-aaklas ay nabunsod dahil sa pagkakabitay ng tatlong paring
Pilipino, ang GOMBURZA. Bagaman nagtagumpay sila sa umpisa ay hindi rin ito nagtagal ng
sila ay mahuli rin ng ipinadalang mga kawal na Kastila at sila ay binitay agad. (LeaP)
Mga Muslim sa Mindanao na Namuno sa Pagtatanggol ng Kanilang Kalayaan at
Relihiyong Islam Laban sa mga Mananakop na Espanyol:
1. Sultan Jamalul Ahlam Kiram- ipinagtanggol ang Jolo noong 1876
2. Datu Utto- ipinagtanggol ang Cotabato noong 1886-1887.
3. Datu Amai Pakpak- ipinagtanggol ang Lanao noong 1889-1891
4. Datu Piang(Amal Mingka)- nasakop ang Cotabato at Tamontaka noong 1878-
1899
Reaksiyon ng Iba Pang Pangkat
Kailanman ay hindi nasakop ng mga Espanyol ang ilang Pilipinong naninirahan sa mga
bulubundukin ng Luzon na kabilang sa mga tribu at pangkat-etniko. Sila ay hindi naging
Kristiyano. Nanatili ang kanilang sariling kultura at wika dahil hindi sila naimpluwensiyahan ng
mga Espanyol. Kabilang sa mga pangkat-etnikong ito ang mga Apayao, Tinggian, Kalinga,
Bontoc, Ifugao, Kankanai, at Ibaloi. Sila ay matatagpuan sa rehiyong bulubundukin ng
Cordillera at sa mga lalawigan ng Hilagang Luzon tulad ng Abra, Cagayan at Nueva Ecija.
Ang mga Aeta na nasa Zambales, Sierra Madre, Panay, at Negros ay hindi rin
naimpluwensiyahan ng mga Espanyol at ng Kristiyanismo. Kahit wala silang makabagong
armas, matagumpay nilang naitaboy ang mga mananakop dahil kabisado nila ang pasikot-
sikot sa kabundukan.
Sektor ng Kababaihan
Gregoria de Jesus
Siya ay kilala sa bansag na “Lakambini ng Katipunan”. Siya ay sumapi sa Katipunan
bago pa man makasal kay Andres Bonifacio. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero,
nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay
nahalal na pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging
kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan. Bilang
Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo. Siya ang tagapagtago ng mga lihim na
dokumento ng samahan. Pinamahalaan din ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa
w
w
w
.
g
o
o
g
l
e
.
c
o
m
w
w
w
.
g
o
o
g
l
e
.
c
o
m
w
w
w
.
g
o
o
g
l
e
.
c
o
m
w
w
w
.
g
o
o
g
l
e
.
c
o
m
Sultan
Jamalul
Ahlam Kiram
Datu Utto Datu Amai Pakpak Datu Piang
mga kasapi ng Katinapunan na nasugatan sa labanan. (LeaP)
Gabriela Silang
Siya ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong
kolonyalismo. Ipinagpatuloy niya ang ipinaglaban ng kanyang asawang si Diego Silang. Dahil
sa kanyang katapangan at kagitingan sa pakikipaglaban, tinagurian din siyang Unang
Babaeng Heneral at Unang Babaeng Martir. (LeaP)
Patrocinio Gamboa
Tubong Ilo-Ilo si Patrocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang angkan
ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa
Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi
nagtagal,sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan. Hindi siya
kaagad pinagdudahan ng mga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik at
sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red
Cross. Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay
nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi
na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng
watawat. May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema
nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan
nila ang mga bantay na kawal ng mga Espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit
ng mga nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan. Mahusay
na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regalong espada ni Aguinaldo
kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila naman
ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya
ang isang katipunero na siya namang nagpanggap na kaniyang asawa. Nang dumaraan sila
sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag- aaway. Natatawang pinalampas sila
ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa. (LeaP)
Melchora Aquino
Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi
siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak
ang mga ito sa labanan. Dahil mayroon siyang palayan, naging mainam na kanlungan ng mga
rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya naging maramot na magbigay ng palay o
kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at
ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung
saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sa kanila kaysa
tumanggap ng libreng tulong. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga
Amerikano ay nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.
(LeaP)
Teresa Magbanua
Tinaguriang “Unang Magdirigma sa Panay” at mas kilala bilang “Joan of Arc ng
Visayas”. Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang
asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawang
may mataas na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga
kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa
pamumuno at tinawag na ‘Nay Isa’. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng
gutom at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang
masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla. Nakuha niya ang mga armas
laban sa mga Espanyol, pinangunahan ang mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan sa
ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa
panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa
nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si Elias. Nang
bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, naging gerilya sila.
Napatay ang kaniyang kapatid na si Elias sa isang labanan, samantalang patraydor namang
pinatay si Pascual. Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang
magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip
na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya
ang pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng
mga Amerikano. (LeaP)
Sa kabuuan hindi man lubusang nagtagumpay, natuto ang mga katutubo sa mga
isinagawa nilang pag-aalsa. Malaki rin ang naging ambag nito sa paghubog at pagpapatibay
sa kamalayang pambansa ng mga Pilipino na siyang nagsulong sa kanilang pagnanais na
makalaya mula sa pananakop ng mga Espanyol.
Pamprosesong Tanong: (LeaP)
1. Sino - sino ang mga bayaning Pilipino na kinilala sa ating kasaysayan na nakipaglaban sa
mga Espanyol?
2. Ano ang kanilang ipinaglaban?
3. Magbigay ng isang bayaning Pilipino na nakipaglaban sa mga Espanyol? Ilahad ang
kahalagahan ng kanyang pakikibaka?
4. Bilang mag aaral, paano mo pahahalagahan ang kabayanihang ginawa ng mga unang
PIlipino na nakibaka laban sa mga dayuhan.
5. Paano mo pahahalagahan ang kanilang ipinaglabang kalayaan para sa ating bansa na
hanggang ngayon ay tinatamasa natin.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8.2 -Pagpili
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: (Moodle Activity: Quiz – Multiple Choice)
Panuto: I-click ang letra ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa mga lupa, teritoryo, at kayamanan ng likas na pagmamay-ari ng mga
katutubo na naging dahilan ng pag-aalsang agraryo noong 1745.
A. eminent domain C. territorial domain
B. ancestral domain D. foreign domain
2. Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang layunin na
masugpo ang pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay ipinagpatuloy ng kaniyang asawa na
si_____________.
A. Gregoria de Jesus C. Marcela Agoncillo
B. Teresa Magbanua D. Gabriela Silang
3. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit kaya ito
nagtagal?
A. Marami siyang tauhan
B. Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin
C. Marami siyang armas
D. Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban
4. Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera.
A. Cebuano B. Igorot C. Muslim D. Tagalog
5. Bakit hindi naimpluwensiyahan na maging Kristiyano ang ilang pangkat ng mga Pilipino
noon?
A. Sila ay nanlaban at hindi maabot ang mga lugar
B. Sila ay mga pagano
C. Sila ay mga dating datu at sultan
D. Sila ay nanirahan sa mga lungsod at may mga armas.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tsek o Ekis
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng pagpapahalaga at ekis ( X ) kung hindi.
______ 1. Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa rebolusyon at ang
ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino,Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Gliceria, at
Patrocinio.
______ 2. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga
ipinaglalaban.
______ 3. Kinamkam ng mga prayle ang mga lupain ng mga katutubo.
______ 4. Pagtatatag ng lihim na samahan para bumuo ng pag aaklas laban sa mga dayuhan.
______ 5. May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa
Pilipino sa panahon ng pag-aalsa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sanaysay
Panuto: Bilang pagpapahalaga sa ipinamalas na pakikiisa ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa
pagsulong ng kamalayang pambansa. Magsulat ng isang talata na binubuo ng 5 pangungusap
kung paano mo hihikayatin ang iyong kapuwa kabataan na maging mabuting mamamayan.
Isaalang-alang ang rubric sa ibaba sa iyong gagawing talata.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________________________________

Aralin 8.pdf

  • 1.
    Aralin 8 Partisipasyon ngIba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa Natutuhan mo sa huling aralin ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. Nalaman mo rin ang mga grupo ng mga katutubo at kababaihan na lumahok sa pakikibaka, ang kanilang katapangan, pagiging makabayan ay ang naging dahilan upang hindi nila isuko ang kanilang teritoryo sa mga Kastila. Sa araling ito, inaasahang: a. Naiisa-isa ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa pagsulong ng kamalayang pambansa. b. Natatalakay ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa pagsulong ng kamalayang pambansa (LeaP ) Gawain sa Pagkatuto Bilang 8.1 – Maikling Sagot Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng bawat pahayag. 1. Rehiyong iyong kinabibilangan________________________________________ 2. Matapang na pangkat na hindi nasakop ng mga Espanyol__________________ 3. Asawa ni Diego Silang na nagpatuloy sa kaniyang ipinaglalaban______________ 4. Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa sa _________________. 5. Naging tugon ng mga Pilipino sa pagmamalabis ng mga Espanyol_____________ Aralin 8: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay humantong sa tahasang pagtutol ng mga Pilipino. Ilan sa kanilang tinutulan ay mataas na buwis, sapilitang paggawa, diskriminasyon sa lipunan at malupit na pamamalakad ng mga prayle at pinunong Espanyol. Ang mga pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga katutubong buhat sa iba’t ibang sektor ng lipunan at mga liblib na lugar sa Pilipinas at maging mga binyagang – Katoliko na nakaranas ng kalupitan ng mga Espanyol. Suriin ang kahalagahan ng mga pag-aalsang ito. Si Raha Lakandula (1574) Ang Dakilang Raha ng Tondo –na si Raha Lakandula ay nanguna rin sa isang pag-aalsa laban sa mga Kastila. Sa simula ay naging maayos ang ugnayan ni Raha Lakandula at Kastila sa isa’t isa sapagkat mayroon siyang prebilehiyo na hindi pagbabayad ng buwis sa mga Kastila at pagiging malaya sa paghahanap-buhay. Ang pribilehiyong kanyang natanggap
  • 2.
    ay hindi nagingpangmatagalan sapagkat ipinatigil ito ni Gobernador Guido Lavezares na siyang pumalit kay Legaspi nang ito ay mamatay. Naging mapang–abuso at mapang-alipin si Gobernador Guido Lavezares, bagay na ikinagalit ni Raha Lakandula. Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang mga Kastila. Subalit isinugo ni Lavezares sina Padre Geronimo Martin at Kapitan Juan de Salcedo upang himuking sumuko ang dalawang hari (sina Raha Lakadula at Sulayman). Sumuko ang dalawa nang tiyakin ang paggalang sa kanilang karapatan sampu ng kanilang nasasakupan. Muling nanumbalik ang kapayapaan at pagkakaibigan sa pagitan ni Raha Lakandula at Kastila. Tumulong pa sina Lakandula at Sulayman sa pagtataboy kay Limahong at ng kanyang mga mandirigma. Noong 1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang pribilehiyo nila ng hindi pagbabayad ng buwis.(LeaP) Si Raha Sulayman (1574) Si Raha Solayman na nakilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakandula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon. Malugod niyang tinanggap at pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mga pampalasa at mga babae bilangregalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod. (LeaP) Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol (1744-1829) 20, 000 rebelde at nagtatag ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan. Ito ang pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas na may kabuuang 85 taon. Namatay si Dagohoy sa sakit at katandaan. Ipinagpatuloy ng kaniyang mga anak ang pag-aalsa. Pag-aalsang Agraryo ng mga Magsasaka sa Katagalugan (1745 -1746) Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ng lupa sa mga katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at Nasugbu na umabot sa mga karatig lalawigan ng Laguna, Cavite maging sa Morong at Bulacan. Nakilala sa kasaysayan bilang Pag-aalsang Agraryo ng 1745. Isang pagkilos upang bawiin sa mga prayle at mga orden ang mga lupang pamana sa kanila ng kanilang mga ninuno o ancestral domain. Dahil dito lumaganap ang kaguluhan at naging talamak ang pagnanakaw sa mga kumbento. Ang ilang simbahan, maging mga kabukiran ay winasak at sinunog ng mga katutubo. Nakarating ito kay Ferdinand VI na dagliang ipinag-utos na ibalik ng mga prayle ang mga naturang lupang pamana. Nag-apila ang mga prayle kung kaya’t walang lupang naibalik sa mga katutubo. Pinamunuuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa ng mga Boholano. Nagalit siya nang tanggihan ng kura na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na yumao. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mga mamamayan ng Bohol na magrebelde at lumaban sa mga Espanyol. Namundok ang may
  • 3.
    Ipinagpatuloy ng kaniyangasawa na si Maria Josefa Gabriela, ang paghihimagsik ngunit sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kaniyang pagrerebelyon. Pinatay siya ng mga Espanyol noong Setyembre 20, 1763. Ang Rebelyon ni Palaris sa Pangasinan (1762-1764) Pag-aalsang Basi (1807) Cavite Mutiny (1872) Ang Cavite Mutiny noong 1872 ay binuo ng mga kawal na Pilipino ng Fort San Felipe ng Spanish Arsenal sa Cavite. Ito ay naganap noong January 20, 1872. Mahigit sa 200 Pag-aalsa ni Diego Silang at Gabriela Silang sa Ilocos (1762-1763) Nag-alsa si Diego Silang laban sa mga Espanyol dahil ikinulong siya nang magpetisyong alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino. Hinimok niya ang mga kababayan na maghimagsik laban sa mga pang- aabuso ng mga Espanyol nang siya ay pakawalan. Nagtatag siya ng sariling pamahalaan sa Vigan. Sinamantala niya ang pananakop ng mga Ingles sa ating bansa. Nakipag-ugnayan siya sa mga Ingles upang makayanan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga ito at nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Nagpadala ng puwersa si Arsobispo Bernardo sa Vigan upang supilin ang mga rebelde ngunit hindi sila nagtagumpay. Pinatay siya sa Silang ng kaniyang kaibigang si Miguel Vicos na inupahan ng mga Espanyol noong Mayo 28, 1763. www.google.com Pinamunuan ni Juan de la Cruz Palaris ang isang himagsikan sa Binalatongan, Pangasinan noong Nobyembre 3, 1762. Nagtatag si Palaris ng isang malayang pamahalaan at ginawa niyang kabisera ang Binalatongan. Nasupil ni Don Miguel de Arza ang paghihimagsik noong 1764. Nahuling buhay si Palaris at binitay ng mga Espanyol. www.google.com Pinamunuan ni Pedro Ambaristo ang isang pag-aalsa sa kasalukuyang Piddig, Ilocos Norte noong Setyembre 16, 1807. Nag- ugat sa paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta ng basi (isang uri ng alak na mula sa tubo). Ipinagbawal ang pribadong produksiyon ng alak. Dahil dito, napilitan ang mga Ilocano na bumili ng basi sa pamahalaan sa higit na mataas na halaga. Makalipas ang ilang linggo ng pag-aalsa, nasupil din agad ito ng mga Espanyol www.google.com
  • 4.
    sundalong Espanyol kasamang iba pang mga manggagawa ang nadamay dito na hindi agad mapaniwalaan ng mga Espanyol at ilang Pilipino dahil ang mga nag-aklas ay pawang mga kawal din. Ang kanilang pag-aaklas ay nabunsod dahil sa pagkakabitay ng tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA. Bagaman nagtagumpay sila sa umpisa ay hindi rin ito nagtagal ng sila ay mahuli rin ng ipinadalang mga kawal na Kastila at sila ay binitay agad. (LeaP) Mga Muslim sa Mindanao na Namuno sa Pagtatanggol ng Kanilang Kalayaan at Relihiyong Islam Laban sa mga Mananakop na Espanyol: 1. Sultan Jamalul Ahlam Kiram- ipinagtanggol ang Jolo noong 1876 2. Datu Utto- ipinagtanggol ang Cotabato noong 1886-1887. 3. Datu Amai Pakpak- ipinagtanggol ang Lanao noong 1889-1891 4. Datu Piang(Amal Mingka)- nasakop ang Cotabato at Tamontaka noong 1878- 1899 Reaksiyon ng Iba Pang Pangkat Kailanman ay hindi nasakop ng mga Espanyol ang ilang Pilipinong naninirahan sa mga bulubundukin ng Luzon na kabilang sa mga tribu at pangkat-etniko. Sila ay hindi naging Kristiyano. Nanatili ang kanilang sariling kultura at wika dahil hindi sila naimpluwensiyahan ng mga Espanyol. Kabilang sa mga pangkat-etnikong ito ang mga Apayao, Tinggian, Kalinga, Bontoc, Ifugao, Kankanai, at Ibaloi. Sila ay matatagpuan sa rehiyong bulubundukin ng Cordillera at sa mga lalawigan ng Hilagang Luzon tulad ng Abra, Cagayan at Nueva Ecija. Ang mga Aeta na nasa Zambales, Sierra Madre, Panay, at Negros ay hindi rin naimpluwensiyahan ng mga Espanyol at ng Kristiyanismo. Kahit wala silang makabagong armas, matagumpay nilang naitaboy ang mga mananakop dahil kabisado nila ang pasikot- sikot sa kabundukan. Sektor ng Kababaihan Gregoria de Jesus Siya ay kilala sa bansag na “Lakambini ng Katipunan”. Siya ay sumapi sa Katipunan bago pa man makasal kay Andres Bonifacio. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalal na pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo. Siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan. Pinamahalaan din ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa w w w . g o o g l e . c o m w w w . g o o g l e . c o m w w w . g o o g l e . c o m w w w . g o o g l e . c o m Sultan Jamalul Ahlam Kiram Datu Utto Datu Amai Pakpak Datu Piang
  • 5.
    mga kasapi ngKatinapunan na nasugatan sa labanan. (LeaP) Gabriela Silang Siya ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonyalismo. Ipinagpatuloy niya ang ipinaglaban ng kanyang asawang si Diego Silang. Dahil sa kanyang katapangan at kagitingan sa pakikipaglaban, tinagurian din siyang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaeng Martir. (LeaP) Patrocinio Gamboa Tubong Ilo-Ilo si Patrocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal,sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan. Hindi siya kaagad pinagdudahan ng mga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross. Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat. May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay na kawal ng mga Espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan. Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regalong espada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya ang isang katipunero na siya namang nagpanggap na kaniyang asawa. Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag- aaway. Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa. (LeaP) Melchora Aquino Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan. Dahil mayroon siyang palayan, naging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya naging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sa kanila kaysa tumanggap ng libreng tulong. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107. (LeaP) Teresa Magbanua Tinaguriang “Unang Magdirigma sa Panay” at mas kilala bilang “Joan of Arc ng Visayas”. Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na ‘Nay Isa’. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng
  • 6.
    gutom at kakulangansa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla. Nakuha niya ang mga armas laban sa mga Espanyol, pinangunahan ang mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, naging gerilya sila. Napatay ang kaniyang kapatid na si Elias sa isang labanan, samantalang patraydor namang pinatay si Pascual. Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. (LeaP) Sa kabuuan hindi man lubusang nagtagumpay, natuto ang mga katutubo sa mga isinagawa nilang pag-aalsa. Malaki rin ang naging ambag nito sa paghubog at pagpapatibay sa kamalayang pambansa ng mga Pilipino na siyang nagsulong sa kanilang pagnanais na makalaya mula sa pananakop ng mga Espanyol. Pamprosesong Tanong: (LeaP) 1. Sino - sino ang mga bayaning Pilipino na kinilala sa ating kasaysayan na nakipaglaban sa mga Espanyol? 2. Ano ang kanilang ipinaglaban? 3. Magbigay ng isang bayaning Pilipino na nakipaglaban sa mga Espanyol? Ilahad ang kahalagahan ng kanyang pakikibaka? 4. Bilang mag aaral, paano mo pahahalagahan ang kabayanihang ginawa ng mga unang PIlipino na nakibaka laban sa mga dayuhan. 5. Paano mo pahahalagahan ang kanilang ipinaglabang kalayaan para sa ating bansa na hanggang ngayon ay tinatamasa natin. Gawain sa Pagkatuto Bilang 8.2 -Pagpili Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: (Moodle Activity: Quiz – Multiple Choice) Panuto: I-click ang letra ng tamang sagot. 1. Tumutukoy sa mga lupa, teritoryo, at kayamanan ng likas na pagmamay-ari ng mga katutubo na naging dahilan ng pag-aalsang agraryo noong 1745. A. eminent domain C. territorial domain B. ancestral domain D. foreign domain 2. Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang layunin na masugpo ang pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay ipinagpatuloy ng kaniyang asawa na si_____________. A. Gregoria de Jesus C. Marcela Agoncillo B. Teresa Magbanua D. Gabriela Silang 3. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit kaya ito nagtagal? A. Marami siyang tauhan B. Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin C. Marami siyang armas D. Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban 4. Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera.
  • 7.
    A. Cebuano B.Igorot C. Muslim D. Tagalog 5. Bakit hindi naimpluwensiyahan na maging Kristiyano ang ilang pangkat ng mga Pilipino noon? A. Sila ay nanlaban at hindi maabot ang mga lugar B. Sila ay mga pagano C. Sila ay mga dating datu at sultan D. Sila ay nanirahan sa mga lungsod at may mga armas. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tsek o Ekis Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagpapahalaga at ekis ( X ) kung hindi. ______ 1. Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa rebolusyon at ang ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino,Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Gliceria, at Patrocinio. ______ 2. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga ipinaglalaban. ______ 3. Kinamkam ng mga prayle ang mga lupain ng mga katutubo. ______ 4. Pagtatatag ng lihim na samahan para bumuo ng pag aaklas laban sa mga dayuhan. ______ 5. May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sanaysay Panuto: Bilang pagpapahalaga sa ipinamalas na pakikiisa ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa pagsulong ng kamalayang pambansa. Magsulat ng isang talata na binubuo ng 5 pangungusap kung paano mo hihikayatin ang iyong kapuwa kabataan na maging mabuting mamamayan. Isaalang-alang ang rubric sa ibaba sa iyong gagawing talata. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________________________________________________