Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)Darwin Caronan
Ang Kasaysayan ng Greece, Athens at Sparta, mga digmaan, mga ambag at pilosopiya, hanggang sa pananakop ni Alexander the Great at itinatag ang Kabihasnang Hellenistiko.
Para naman mas mapalawak ang kaalaman sa panahon ng MESOPOTAMIA. Mataming pang susunod, susunod pa at sususnod pa :D !! Jeric Presas, Jerz , NEWTONTASTICS, Grade 9 Science Class of Camalaniugan National, High School
Ang presentasyong ito ay para sa karagdang panturo patungkol sa mga Kabihasnang umusbong sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay ang Kontinente ng Asya, Africa at America.
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)Darwin Caronan
Ang Kasaysayan ng Greece, Athens at Sparta, mga digmaan, mga ambag at pilosopiya, hanggang sa pananakop ni Alexander the Great at itinatag ang Kabihasnang Hellenistiko.
Para naman mas mapalawak ang kaalaman sa panahon ng MESOPOTAMIA. Mataming pang susunod, susunod pa at sususnod pa :D !! Jeric Presas, Jerz , NEWTONTASTICS, Grade 9 Science Class of Camalaniugan National, High School
Ang presentasyong ito ay para sa karagdang panturo patungkol sa mga Kabihasnang umusbong sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay ang Kontinente ng Asya, Africa at America.
3. “Natatandaan niyo pa ba ang
tinalakay niyo noong nakaraang
araw? kung ano Ano- ano mga
kabihasnan klasikal ng America?”
4. Gawain 1: Pagaayos ng salita
Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita upang maka buo ng
wastong salita, upang malaman ang tinutokoy sa
pangungusap.
1.Ang pangalawa sa pinakamalaki at
pangalawa sa pinakamataong
kontinente, pagkatapos ng Asia sa
parehong mga kaso at Tinawag ito ng
mga Kan luranin na dark continent
dahil hindi nila ito nag alugad
kaagad. (FIRCAA)
5. 2.Uri ng mga halaman na tumutubo sa ilalim ng
mainit, pana-panahong tuyo na mga klimatiko na
kondisyon at nailalarawan sa pamamagitan ng
isang bukas na canopy ng puno (ibig sabihin, mga
nakakalat na puno) sa itaas ng tuluy-tuloy na
matataas na damo sa ilalim ng sahig (ang
vegetation layer sa pagitan ng canopy ng
kagubatan at ng lupa). (VNSNAAA)
6. 3.isang lugar sa isang disyerto
kung saan ang tubig ay umaahon
sa ibabaw mula sa malalim na
ilalim ng lupa. Ang mga puno at
iba pang halaman ay tumutubo sa
paligid ng isang oasis, at ang mga
hayop ay dumarating upang
uminom, kumain ng mga
halaman, at makahanap ng lilim.
(SAOSI)
8. Gawain 2: Watch and reflect
“ Upang mas mag- karoon pa
kayo ng karadgadang clue
patungkol sa ating layunin sa
araw na ito, panoorin ninyo
ang video na akin inihanda”
https://www.youtube.com/watch?v=qqYc_hBzoMU
9. “Batay sa inyong nabuong mga
salita at nakita na larawan at
napanood na video, ano kaya sa
tingin ninyo ang magiging layunin
natin sa araw na ito?
10. “Sino ang gustong mag
volunteer? Itaas lamang ang
kanang kamay sa gustong
sumagot”
11. Gawain 3: Recitation
Panuto:Matapos mapanood and video
sagutan ang mga tanong. Itaas lamang ang
kanang kamay sa gustong sumagot.
1. Saang bahagi ng Africa makikita ang
lupain ng Carthage?
2. Ano ang ibig sabihin ng Caravan?
13. 1.Ang Carthage ay humigit-kumulang 15 km sa silangan-
hilagang-silangan ng Tunis, na matatagpuan sa pagitan
ng mga bayan ng Sidi Bou Said sa hilaga at Le Kram sa
timog.
2.Ang caravan ay pangkat ng mga taong
magkakasamang naglalakbay.
14.
15. Maging sa sinaunang kasaysayan ng daigdig,
karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at
mga pulo sa Pacific. Maliban sa kaharian ng
Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng
kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang
pagbanggit naman sa mga pulo sa Pacific.
Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa
dalawang rehiyong ito
16. Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit
ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng
mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga
Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito
nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman
ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng
ito hanggang noong ika-19 na siglo.
17. Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan
ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at
Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara.
Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap
dito. Ang kalakalang Trans-Sahara ay tumagal
hanggang ika-16 na siglo.
Tinawag itong kalakalang Trans-
Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong
mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t
ibang uri ng kalakal.
18. Nang makapagtatag ng mga
pamayanang Muslim sa Morocco, ang
Islam ay unti-unting nakilala at
kalaunan ay namayani sa mga kultura
at kabihasnang nananahan sa
Kanlurang Africa.
19. Ang kaharian ng Axum ay sentro ng
kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan,
ito ay may pormal na kasunduan ng
kalakalan sa mga Greek. Mga elepante,
ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o
rekado ang karaniwang kinakalakal sa
Mediterranean at Indian Ocean.
20. Gawain 4: Compare and Contrast!
Panuto:Batay sa talakayan, gabayan ang mga mag-aaral na
paghambingin ang Trans- Sahara at Axum. Isulat sa aking iibigay
na bond paper na may table at sa loob ng table ang kanilang
pagkakaiba at sa gitna naman ang mga pagkakatulad.
Trans- Sahara Axum
21. Gawain 4: Compare and Contrast!
Mga inaasahang sagot sa compare and contrast
Trans- Sahara Axum
Ang kalakalang Trans- Sahara ay tumagal
hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong
kalakalang Trans- Sahara dahil tinawid ng
mga nomadikong mangangalakal ang
Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-
dala ang iba’t ibang uri ng kalakal.
Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga
caravan.
Ang kaharian ng Axum ay sentro ng
kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan,
ito ay may pormal na kasunduan ng
kalakalan sa mga Greek.
22. Gawain 5: Discussion Web
Panuto:Sagutin ang tanong na nasa loob ng kahon. Pagkatapos ay isulat sa tamang kahon
ang iyong paliwanag. Ibibigay ko lang sa inyo ang isang ½ short bond paper na may
table.
Mabuti Masama
23. Gawain 5: Discussion Web
Mga inaasahang sagot sa Discussion Web
Mabuti Masama
•Umunlad ang kalakalan ng sinaunang
Africa.
•Maraming hayop ang nag hirap dahil sa
pangangaso.
•Mas naging advance ang mga tao sa • Maraming elepante at rhinoceros ang
napatay dahil
africa sa pangangalakal. sa pag kuha ng mga sungay nito.
•Nag karoon ng magandang epekto sa
pag-gawa ng mga baong gamit.
24. Gawain 6: Question and Answer
“Ano ano ang mga naging sentro ng kalakalan
sa klasikong kabihasnan ng Africa?”
“Nakabuti ba ang mga kalakalan sa Africa?
Oo o hindi at Bakit?.”
“Itaas lamang ang kanang kamay sa gusto
sumagot”
25. 1.Ang mga naging sentro ng mga kalakalan sa Africa sa Klasikong
Kabihasnan ay ang Trans-Sahara, Axum, Egypt, Ghana, Mali at
Shonghai.
2.Oo, nakakabuti ang kalakalan sa Africa sa panahon ng klasikong
kabihasnan sapagkat sa panahong ito ay nag karoon ng kaunlaran sa
Africa.
Kung Hindi ang sagot: Hindi, dahil sa mga pag unlad at kalakalan
maraming hayop ang napatay lalo na ang Lion, elepante, at rhino sa pag
kuha ng mga balat at sungay nito.
26. Gawain 7: Table
Panuto: Punan ang table na aking ibibigay sa inyo. Ilagay sa table kung paano
umosbong at umunlad ang Kabihasnan sa Africa.
“Mayroon lamang kayong 10 na minuto sa pagsagot ng gawaing ito, Maliwag ba
klas?”
Kabihasnan sa Africa Pag-usbong Pag-unlad
1.Trans-Sahara
2. Axum
3. Ghana
27. 1.Trans-Sahara- Pag-usbong :Sa paligid ng ikalimang siglo, salamat sa pagkakaroon ng
kamelyo, nagsimulang tumawid ang mga taong nagsasalita ng Berber sa
Sahara Desert. Mula noong ikawalong siglo, sinundan ng taunang mga trade
caravan ang mga rutang inilarawan nang maglaon ng mga may-akda ng
Arabe na may maliit na atensyon sa detalye.
Pag unlad- Ang kalakalan sa Trans-Saharan ay nangangailangan ng paglalakbay sa
buong Sahara sa pagitan ng sub-Saharan Africa at North Africa. Habang umiiral mula
sa mga sinaunang panahon, ang rurok ng kalakalan ay pinalawig mula sa ika-8 siglo
hanggang sa unang bahagi ng ika-17 siglo. Ang Sahara ay dating ibang-iba ang
kapaligiran.
28. 2. Axum- Pag- usbong: Isang pangunahing imperyo ng sinaunang daigdig, ang
kaharian ng Axum ay bumangon sa Ethiopia noong unang siglo C.E. Ang
mayamang sibilisasyong ito ng Aprika ay umunlad sa loob ng maraming
siglo, na kinokontrol ang isang malaking teritoryong estado at ang daan sa
malalawak na ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa Imperyo ng Roma sa
Gitnang Silangan at India.
Pag-unlad Ang Axum ay nakabuo ng isang sibilisasyon at imperyo na ang
impluwensya, sa kasagsagan nito noong ika-4 at ika-5 siglo CE, ay lumawak sa buong
mga rehiyon na nasa timog ng Imperyong Romano, mula sa mga gilid ng Sahara sa
kanluran, sa kabila ng Dagat na Pula hanggang sa panloob na disyerto ng Arabia. sa
silangan.
29. 3. Ghana- Ang sinaunang Ghana ay namuno mula noong 300 hanggang 1100 CE. Ang
imperyo ay unang nabuo nang ang isang bilang ng mga tribo ng mga taong
Soninke ay nagkaisa sa ilalim ng kanilang unang hari, si Dinga Cisse.
Ang Imperyo ng Ghana ay yumaman mula sa tumaas na trans-Saharan na kalakalan
sa ginto at asin, na nagbibigay-daan para sa mas malalaking mga sentro ng lunsod na
umunlad.
30. Gawain 8: Africa i- drawing mo
Panuto: Gumuhit ng kahit na anong larawan man o
bagay na may ka ugnayan sa Klasikong kabihasnang
Africa.
Mga kagamitan sa pagguhit :
•1 short bond paper.
•Lapis o Ball pen.
•Mga Pangkulay ( Crayons, oil pastel etc.)
31. 10 7 3
Presentasyon Maganda ang
pagka guhit.
Maganda ang
pagka kulay
malinis.
Di gaano maganda
pero malinis.
Madumi ang
gawain. Di klaro
ang pag guhit.
Walang kulay.
Creativity Kakaiba at
maaliwalas ang pag
halo halo ng mga
kulay.
Di gaano kakaiba at
di gaano maganda
ang pag halo halo
ng kulay.
Hindi pinag isipan
ng husto at hindi
minabuti ang pag
ka guhit.
Connectivity Napaka angkop at
ugnay ang drawing
sa klasikong Africa.
Di gaano ka angkop
at ugnay ang
drawing klasikong
Africa.
Di ugnay ang
drawing klasikong
Africa
“Maliwanag ba klas?”
32. Gawain 9: Venn diagram
Panuto:Upang malaman natin ang pag kakaiba at
pagkakatulad ng mga pangyayari noong panahon ng
Klasikong Africa at sa panahong kasalukuyan. May
inihanda akong venn diagram at ilagay ninyo didto ang
pag kakaiba at pag kakatulad sa panahon ng Klasikong
Africa at kasalukuyang panahon.
“Mayroon lamang kayong sampung minuto sa pag
sagot klas, maliwag ba?”
35. “Upang malaman natin kung talagang naunwaan
ninyo ang ating layunin sa araw na ito, sagutan
ninyo ang gawaing ito.”
“Bibigyan ko kayo ng isang short bond paper
upang sa short bond paper ninyo ilagay ang
inyong graphic organizer.”
“Maliwanag ba klas?”
36. Gawain 10: Graphic organizer
Panuto:Buin ang sumusunod na Organizer. Bigyang kahulogan ang salitang
Africa, maari ninyo din isulat ang mga mahalagang kaganapan sa klasikong
Africa at iba pa na may kaugnayan sa Africa. Isulat ang mga konsepto na
nakapaluob sa salitangito.
38. Gawain 10: Multiple Choice
“Sagotan ang mga tanong at Ilagay ang
mga kasagotan sa isang kapat na papel.”
1. Tinawag itong dark continent dahil ang kontinenteng ito ay hindi kaagad
na galugad ng mga taga kanluran.
A.America
B.Europe
C.Antartica
D.Africa
39. 2. Anong kaharian ang naging sentro ng kalakalan noong 350 C.E?
A.Axum
B.Trans- Sahara
C.Egypt
D.Ghana
3. Ang mga hayop na ito ay makikita sa Africa maliban sa.
A. Lion
B. Elepante
C. Zebra
D. Kangaroo.
4. Ang isang masaganang kalakalan ang umunlad sa
pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara.
Tinawag na ?
A.Trans- Axum
B.Trans- Africa
C.Trans- Ghana
D.Trans- Sahara
40. 5. Taong umunlad ang kalakalan ng Trans- Sahara?
A.3000 B.C.E
B.3200 B.C.E
C.4000 B.C.E
D.5000 B.C.E
6. Tawag sa taong mga magkasama maglalakbay upang makipagkalakalan
A.Carthage
B.Herd
C.Knights
D.Caravan
7. Isang malawak na grassland sa Africa.
A.Oasis
B.Savanna
C.Disyerto
D.Rainforest
41. 8. Anong Relihiyon ang naging opisyal sa kaharian ng Axum sa taong 395 C.E?
A.Judaism
B.Islam
C.Shintoism
D.Kristiyanismo
9. Isang mainit na lugar sa Africa na pinamumuhayan ng mga mababangis na
hayop.
A.Disyerto o Desert
B.Oasis
C.Mountain
D.Forest
10.Tinawag ang Africa na _______ dahil ito nagalugad kaagad ng mga taga kanluran
hanggang noong ika-19 na siglo.
A.Land of the rising sun.
B.Rainbow Nation
C.Land of the white elephants
D.The Dark Continent
42. Gawain 10: Multiple Choice
Mga wastong sagot sa Multiple choice
1. D. AFRICA
2. B. Axum
3. D. Kangaroo
4. D. Trans-Sahara
5. A.3000 B.C.E
6. D. Caravan
7. B. Savanna
8. D. Kristiyanismo
9. A. Disyerto o Desert
10. D. The dark Continent
43. Panuto:Sagutan ang katanungan sa inyong
kwaderno.”
“Paano ba nagsimula ang imperyong Mali?”
“Islulat ito sa inyong kwaderno.”