Nilagdaan ni Aquino ang Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 noong Setyembre 12, 2013, na naglalayong lumikha ng mga polisiya upang pigilan ang pambu-bully sa mga paaralan sa buong bansa. Ayon sa mga survey, mataas ang bilang ng mga kabataan na nakakaranas ng pambu-bully sa Filipinas, kung saan ang mga nabanggit na dahilan ay nag-uugat sa takot, kawalang-kumpiyansa, at hindi magandang asal ng mga bully. Inaatasan ng batas ang mga paaralan na magpatupad ng karampatang parusa sa mga nambu-bully, tulad ng reprimand, community service, suspensyon, at eksklusyon sa paaralan.