2. Ang paggamit ng mga pahayag ng pagtutol o pagsang-ayon
ay nakatutulong upang mas maging malinaw ang paglalahad ng
saloobin o pahayag batay sa pahayag ng ibang tao o di kaya ang
mga naiisip nito. Ginagamit sa pangsang-ayon ang mga pahayag
na sang-ayon ako, tumpak, tunay, talaga, may katotohanan, at
iba pa.
3. Halimbawa:
1. Talagang nakabubuti sa katawan ang pag-inom ng mga
halamang gamut.
2. Sang-ayon ako na maraming naghihirap na pamilya sa crisis
na hinahaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
3. Tamang magkaroon ng libreng pag-aaral para sa mga
mahihirap na mag-aaral ng kolehiyo.
4. Totoong maraming nangangambang mga Pilipino sa
pagbabakuna laban sa covid-19.
4. Ang mga pahayag naman na ginagamit bilang pagtutol ay
hindi ako sang-ayon, tutol ako, ayaw ko, hindi, at iba pa.
1. Tutol ako sa panukalang dagdagan ang kontribusyon ng
mga miyembro ng SSS sa kasalukuyang panahon.
2. Hindi dapat iwina-walang bahala ng pamahalaan ang usapin
sa West Phil Sea.
3. Hindi ako pabor sa political dynasty dahil nagiging sanhi ito
ng korapsyon.