pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.
inuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan.
pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.
inuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente
MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
MILITARISASYON, ALYANSA, IMPERYALISMO, NASYONALISMO
Pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente
MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
MILITARISASYON, ALYANSA, IMPERYALISMO, NASYONALISMO
1. Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I/pinaikling WWI) ay isang pandaigdigang
digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa
sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong
Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso atPransiya)
at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-
Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang giyera sa kasaysayan.[1][2]
Ang pagpaslang kay Archiduque FranzFerdinand ng isang makabayang Serbiyo na
nanggalan Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng
pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong 28 Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma
ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang
alyansang nabanggit, kasama na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibaka sa isa't isa.
Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.[3][4][5]
Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang
Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang
Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang
mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman
patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya
naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon
ay nakisangkot na rin sa digmaan angImperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at
iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong
1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod
na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa
digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918
matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.[6][7]
Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga
imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga
Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga
kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga
mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang
muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong ika-7
ng Hulyo 1937 sa Asyaat unang araw ng Setyembre 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945,
at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sadaigdig at bawat kontinente na may naninirahan.
Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng
sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming
2. pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.ga dahilan[baguhin | baguhin ang
batayan]
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya at ng kanyang mga
kasapi noong 1918. Nabago ang mapa ng Europa, at bilang resulta nito, nagsipagsulutan ang mga
bagong bansa, kasama na ang bagong nabuongRepublika ng Weimar na kumakatawan sa
nasabing bansa, dulot nito. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa
digmaan; sila ay ginamit bilang pambayad ng pera sa Britanya at Pransiya na nagwagi sa digmaan.
Binigyan ang naunang nasabing bansa ng mga pagbabawal at sangksyon, kabilang na rito
ang Kasunduan sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng hukbong katihan na
umabot sa mahigit sa sandaang libong kawal, para maiwas ang karagdagang gulo sa Europa at
upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang dulot ng nasabing digmaan.
Mga pangyayari bago ang digmaan[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga pagbabagosa mga bansa[baguhin | baguhin ang batayan]
Naglunsad si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923 sa lungsod ng Munich sa Alemanya
kasama ng kanyang mga kapartidong Nazi upang tangkaing ipalawak ang kanilang kapangyarihan.
Pero ang himagsikang ito ay pumalpak, at marami sa kanyang mga kasamahan ay nabihag ng mga
awtoridad. Aabutin ang partido ng sampung taon bago sila ang magiging pinuno ng bansa.
Pagkatapos ng mga tagumpay laban sa iba't ibang imperyo kamakailan bago at pagkatapos ng
digmaan, naramdaman ng mga Hapon ang ginigiit nilang karapatang magpalawak ng kanilang
kapangyarihan sa Asya. Sinimulan nila ito, noong taong 1931, sa pamamagitan ng paglusob
ng Manchuria na sakop ng Tsina noon. Sapagkat nasa digmaang sibil ang bansa roon, mga
nasyunalistang Kumintang na lumalaban sa mga Komunista na dati nilang kapanalig, lubos na
mahina ang Tsina upang ipagtanggol nito ang mga teritoryong sakop nito; ang kinalabasan ay ang
mabilisang pagkaagawng mga territoryo sa kamay ng mga Hapon. Nang malaman ito ng League of
Nations at kinondena pagkatapos, umalis ang Hapon sa samahan at pinalawak nito ang imperyo sa
iba't ibang ibayo ng Tsina.
Pagsikatng mga diktador[baguhin | baguhin ang batayan]
Adolf Hitler, angFührer, o pinuno, ng Alemanya mula 1933 hanggang 1945.
3. Ganap na naitatag ang Unyong Sobyet noong 1922 mula sa mga lupaing dating sakop ng
mga Ruso at nawala nila pagkatapos ng mga himagsikan sa bansa noong taong 1917. Humalili
si Joseph Stalin bilang pinuno ng bagong bansa pagkatapos ng pagpanawni Vladimir Lenin noong
1924. Sinimulan niya ang malawakang industriyalisasyon at pagpapalakas ng pambansang hukbong
katihan, tinawag na "Hukbong Pula ng mga Manggagawa at Magsasaka" o kilala lamang
bilangHukbong Pula, habang kumikitil ng buhay ng mga pinagkakamalang mga traydor at
rebisyonista sa Partido at ng bansa.
Sa Italya naman, naglunsad ng kudeta si Benito Mussolini kasama ang mga kanyang mga
kapartidong pasista sa Roma. Bilang resulta, ibinigay ng haring si Vittorio Emanuele III ang mga
ehekutibo at mga pangmilitar na kapangyarihan kay Mussolini. Ganap na siyang naging diktador ng
bansa.
Samantala, sa Alemanya, napasakamay na rin ng Partidong Nazi sa pamumuno ni Adolf Hitler sa
wakas ang pamumuno ng bansa noong 1933. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga
Hudyo. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular na ang
bansang Italya na naging unang bansang yumayakap sa ideolohiyang pasismo.
Sanhi ng Masidhing Panlulumo na nagsimula noong 1929 na sumira sa mga ekonomiya ng iba't
ibang bansang industriyalisado sa daigdig, ipinangatwiran ng mga ibang diktador na kailangan
nilang palakasin at palawakin ang kani-kanilang mga bansa. Lumusob ang mga Italyano sa
Etiyopiya na matagal na nilang balak gawing kolonya nila noong 1936, at naging matagumpay sila.
Bilang paghihiganti sa pakikipagdigma laban sa Tsina, tinigilan ng Estados Unidos ang pagsusuplay
ng langis sa mga Hapon. Dahil dito, nalilimita ang mga militar na kapabilidad ng mga Hapon, at ito
rin ang dahilan kung bakit pagulat na inataki nila ang base militar ng Pearl Harbor noong 1941.