SlideShare a Scribd company logo
At ipangangaral ang EBANGHELIONG ITO
NG KAHARIAN sa buong sanglibutan sa
pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung
magkagayo'y darating ang wakas (Mateo 24:14,
Marcos 13:10).
ANG KASUKLAMSUKLAM NA
PANINIRA SA HERUSALEM
Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng
mga hukbo ang Jerusalem, kung Magkagayo'y
talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay
malapit na (Lucas 21:20). Kaya nga pagkakita ninyo ng
kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa
pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa
dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung
magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa
Judea: Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang
maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha
ng kaniyang balabal (Mateo 24:15-18; Marcos 13:14-16;
L u c a s 1 7 : 3 1 ; 2 1 : 2 1 ) . D a t a p u w a ' t s a a b a n g
nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw
na yaon! At magsipanalangin kayo na huwag
mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o
sa sabbath man sapagka't magkakaroon ng malaking
kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang
ito (Mateo 24:19-20; Marcos 13:17-18; Lucas 21:23). At sila'y
mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at
dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan
ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad
ang mga panahon ng mga Gentil (Lucas 21:24).
PANAHON NG KAPIGHATIAN NG
JACOB (Jeremiah 30:6-7)
Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng
malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari
buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon,
at ni hindi na mangyayari kailan man. At malibang
paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang
makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay
paiikliin ang mga araw na yaon (Mateo 24:21-22;
Marcos 13:19-20; Lucas 21:23). Sapagka't ito ang mga
araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng
mga bagay na nangasusulat (Lucas 21:22).
11
12
13
BULAANG CRISTO AT BULAANG
PROPETA
Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong
sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag
ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na
mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at
mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga
kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng
mga hirang. Ingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang
sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay (Mateo 24:23-24;
Marcos 13:21-23). Kaya nga kung sa inyo'y kanilang
sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong
magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag
ninyong paniwalaan. Sapagka't gaya ng kidlat na
kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa
kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak
ng tao. (Mateo 24:26-27, Lucas 17:23-24).
MGA TANDA SA KALANGITAN
Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng
kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang
araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang
liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa
langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa
mga langit (Mateo 24:29; Marcos 13:24-25; Lucas 21:25).
At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at
mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa
mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at
mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao
dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay
na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't
mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit
(Lucas 21:25-26).
At kung magkagayo'y lilitaw ANG TANDA
NG ANAK NG TAO sa langit: at kung
magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan
sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na
napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may
kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. At
14Ang Panginoong Hesu-Kristo ay magbabalik sa
mundong ito sa lalong madaling panahon. Ito ang
ipinangako Niya noon pa mang narito Siya dalawang
libong taon na ang nakalipas (Juan 14:1-3). Marahil ay
naitanong mo sa iyong sarili “Paano tayo nakatitiyak
na magbabalik nga Siya?” Mangyaring basahin ang
mga palatandaan na binanggit mismo ng Panginoong
Hesus na magaganap bago Siya bumalik. Ang
m a i n g a t p a g b a b a s a n g m g a K a s u l a t a n a t
paghahambing sa mga pangyayari sa ating daigdig sa
ngayon- sa mga kaganapan sa kasalukuyan ang
nagpapatunay na ang Panginoong Hesus nga ay
tunay na magbabalik sa ating kapanahunan.
ANG PAGKAWASAK NG TEMPLO
At paglabas niya sa templo, ay sinabi sa kaniya
ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo,
pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga
gusali! At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga
ang malalaking gusaling ito? Walang matitira ditong
isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak
(Mateo 24:1-2, Marcos 13:1-2, Lucas 21:5-6). Ito ay
naganap noong A.D. 70.
MGA TANDA NG MULING PAGBABALIK
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng
mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng
lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres,
Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga
bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka
malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito,
At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro,
kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano
ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang
mga bagay na ito? (Mateo 24:3, Marcos 13:3-4, Lucas 21:7).
SUSULPOT ANG MGA MANLOLOKO
M a n g a g i n g a t k a y o n a h u w a g k a y o n g
mangailigaw: sapagka't marami ang paririto sa
aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at,
Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod
sa kanila (Mateo 24:4-5, Marcos 13:5-6, Lucas 21:8).
DIGMAAN AT MGA ALINGAWNGAW NG
MGA DIGMAAN
At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at
mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak:
sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga
bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas
(Mateo 24:6, Marcos 13:7, Lucas 21:9).
1
2
3
BANSA LABAN SA BANSA | MGA LINDOL
| MGA SALOT | MGA SAKIT
Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig
ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian
laban sa kaharian; At magkakaroon ng malalakas na
lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at
magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na
kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit
(Mateo 24:7, Marcos 13:8, Lucas 21:10-11).
Ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan
(Mateo 24:8, Marcos 13:8).
PAGUUSIG SA MGA CRISTIANO
Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga
bagay na ito, ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo,
na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga
bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga
hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Ito'y
magiging patotoo sa inyo (Mateo 24:9, Marcos 13:9,
Lucas 21:12-13).
At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga
kapulungan, at kayo'y ibigay, ay huwag kayong
mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin:
datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay
siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang
magsasalita, kundi ang Espiritu Santo (Marcos 13:11,
Lukas 21:14-15).
IPAGKANULO NG MGA MAHAL SA
BUHAY
Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang,
at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan;
at ipapapatay nila ang iba sa inyo. At kayo'y
kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking
pangalan. At hindi mawawala kahit isang buhok ng
inyong ulo. Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi
ninyo ang inyong mga kaluluwa (Mateo 24:9-10,
Marcos 13:12-13, Lucas 21:16-19).
PAG-IBIG AY LALAMIG
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan,
ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang
magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas
(Mateo 24:12-13).
5
6
7
8
9
10
The Gospel of the Kingdom of God _Tagalog_ _INSIDE05DEC12jesus ministries
15
4
16
susuguin ang kaniyang mga anghel na may
matinding pakakak, at kanilang titipunin ang
kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng
sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang
sa kabila (Mateo 24:30-31, Marcos 13:26-27, Lucas 21:27).
Datapuwa't kung magpasimulang mangyari
ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo,
at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit
na ang pagkatubos ninyo o (Lucas 21:28).
At sinalita niya sa kanila ang isang
talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos
at ang lahat ng mga punong kahoy: Pagka
nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at
nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang
tagaraw. Gayon din naman kayo, pagka nangakita
ninyong nangyari ang mga bagay na ito,
talastasin ninyo na malapit na ang kaharian
n g D i o s ( M a t e o 2 4 : 3 2 - 3 3 ; M a r c o s 1 3 : 2 8 - 2 9 ;
Lucas 21:29-31). Nguni't tungkol sa araw at oras na
yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa
langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang
(Mateo 24:36, Marcos 13:32).
At kung paano ANG MGA ARAW NI NOE,
gayon din naman ang pagparito ng Anak ng
tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw,
sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at
pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si
Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa
dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat
(Mateo 24:37-39, Lucas 17:26-27).
Gayon din naman kung paano ang nangyari
sa MGA ARAW NI LOT; sila'y nagsisikain,
sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y
nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y
nangagtatayo ng bahay. Datapuwa't nang araw na
umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng
apoy at asupre, at nilipol silang lahat: Gayon din
naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao
ay mahayag (Lucas 17:28-30).
17
19
Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot.
Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang
buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang
mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon
(Lucas 17:32-33).
Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang
lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:
Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang
isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan (Mateo 24:40-41;
Lucas 17:34-36). Datapuwa't kung ang masamang
aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso,
Magtatagal ang aking panginoon; At pagsagot nila ay
sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa
kanila, kung nasaan naroon ang bangkay ay doon din
naman magkakatipon ang mga uwak (Mat 24:48,
Lucas 17:37).
MAGING MAPAGMASID AT
MAPANALANGININ
Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang
lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at
pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin,
sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din
naman sa bantay-pinto na magpuyat. Mangagpuyat
nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung
kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa
hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa
umaga; Baka kung biglang pumarito ay kayo'y
mangaratnang nangatutulog (Mateo 24:43-44).
Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung
nalalaman ng puno ng sangbahayan kung
anong panahon darating ang magnanakaw, ay
siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang
tibagin ang kaniyang bahay. Kaya nga kayo'y
magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng
tao sa oras na hindi ninyo iniisip (Marcos 13:33,
Lucas 21:34-35).
Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at
magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo
nalalaman kung kailan kaya ang panahon.
Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka
mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at
21
23
24
sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay
na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon
na gaya ng silo: Sapagka't gayon darating sa kanilang
lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa
(Marcos 13:33; Lucas 21:34-35).
Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't
panahon, na mangagsidaing, upang kamtin
ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na
mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan
ng Anak ng tao (Lucas 21:36).
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi
lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap
ang lahat ng mga bagay. Ang langit at ang lupa ay
lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi
lilipas (Marcos 24:34-35; Marcos 13:30-31; Lucas 21:32-33).
26
27
The Gospel of the Kingdom of God_ _05DEC12_OUTSIDETagalogjesus ministries
18
20
TAGALOG | PHILIPPINES
Local Contact AddressManood ng ANGEL TV
www.angeltv.org
22
25

More Related Content

What's hot

Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?ACTS238 Believer
 
Ang paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtas
Ang paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtasAng paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtas
Ang paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtas
Raymundo Belason
 
Timeframe
TimeframeTimeframe
Timeframe
MyrrhtelGarcia
 
Don't Miss the Signs!
Don't Miss the Signs!Don't Miss the Signs!
Don't Miss the Signs!
ACTS238 Believer
 
Bakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ay
Bakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ayBakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ay
Bakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ayaileenj
 
Tunay na mananamba
Tunay na mananambaTunay na mananamba
Tunay na mananamba
ACTS238 Believer
 
HE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEHE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 
Tatlo o Isa?
Tatlo o Isa?Tatlo o Isa?
Tatlo o Isa?
ACTS238 Believer
 
Baptism in the name of Jesus Christ
Baptism in the name of Jesus ChristBaptism in the name of Jesus Christ
Baptism in the name of Jesus ChristACTS238 Believer
 
Lesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng Diyos
Lesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng DiyosLesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng Diyos
Lesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng DiyosTruth
 
Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus
Albert B. Callo Jr.
 
Kristiyanong Pagkakaloob
Kristiyanong PagkakaloobKristiyanong Pagkakaloob
Kristiyanong Pagkakaloob
Albert B. Callo Jr.
 
Desiring the supernatural
Desiring the supernaturalDesiring the supernatural
Desiring the supernatural
Myrrhtel Garcia
 
Ayos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng Taon
Ayos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng TaonAyos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng Taon
Ayos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng Taon
Albert B. Callo Jr.
 
Comfort, comfort my people
Comfort, comfort my peopleComfort, comfort my people
Comfort, comfort my people
e-symposia
 
Repent ye for the kingdom of heaven
Repent ye for the kingdom of heavenRepent ye for the kingdom of heaven
Repent ye for the kingdom of heaven
ACTS238 Believer
 
BIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
BIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEBIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
BIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
Faithworks Christian Church
 

What's hot (18)

Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?
 
Ang paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtas
Ang paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtasAng paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtas
Ang paglalarawan ni propeta isaias, sa darating na tagapagligtas
 
Timeframe
TimeframeTimeframe
Timeframe
 
Don't Miss the Signs!
Don't Miss the Signs!Don't Miss the Signs!
Don't Miss the Signs!
 
Bakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ay
Bakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ayBakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ay
Bakit tayo nakararanas ng pagdurusa gayung ang diyos na ating ama ay
 
Tunay na mananamba
Tunay na mananambaTunay na mananamba
Tunay na mananamba
 
HE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEHE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 2 - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 
Tatlo o Isa?
Tatlo o Isa?Tatlo o Isa?
Tatlo o Isa?
 
Baptism in the name of Jesus Christ
Baptism in the name of Jesus ChristBaptism in the name of Jesus Christ
Baptism in the name of Jesus Christ
 
Lesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng Diyos
Lesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng DiyosLesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng Diyos
Lesson 9 Nalibing at Kinalimutan ng Diyos
 
Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus
 
Kristiyanong Pagkakaloob
Kristiyanong PagkakaloobKristiyanong Pagkakaloob
Kristiyanong Pagkakaloob
 
Desiring the supernatural
Desiring the supernaturalDesiring the supernatural
Desiring the supernatural
 
Ayos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng Taon
Ayos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng TaonAyos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng Taon
Ayos ng Banal na Pagsamba para sa Huling Linggo ng Taon
 
Comfort, comfort my people
Comfort, comfort my peopleComfort, comfort my people
Comfort, comfort my people
 
Repent ye for the kingdom of heaven
Repent ye for the kingdom of heavenRepent ye for the kingdom of heaven
Repent ye for the kingdom of heaven
 
BIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
BIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEBIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
BIG CHURCH 07 - BIG OPPORTUNITY - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Masahol pa kaysa sa una
Masahol pa kaysa sa unaMasahol pa kaysa sa una
Masahol pa kaysa sa una
 

Viewers also liked

Ang tao nga naman
Ang tao nga namanAng tao nga naman
Ang tao nga naman
Jenita Guinoo
 
Mapa at Bansa sa Africa
Mapa at Bansa sa AfricaMapa at Bansa sa Africa
Mapa at Bansa sa AfricaJackai Laran
 
Aqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outs
Aqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outsAqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outs
Aqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outs
abby cruz
 
Epp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikas
Epp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikasEpp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikas
Epp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikas
Arnel Bautista
 
Epp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanim
Epp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanimEpp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanim
Epp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanim
'Maryjoy Elyneth Duguran
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
Jolly Ray Bederico
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
Jolly Ray Bederico
 
Fil 6 sanggunian
Fil 6   sanggunianFil 6   sanggunian
Fil 6 sanggunian
aizenikuta
 
Kabanata 1
Kabanata 1Kabanata 1
Kabanata 1
Jolly Ray Bederico
 
Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa
Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa
Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa
EDITHA HONRADEZ
 
SILANGANG ASYA
SILANGANG ASYASILANGANG ASYA
SILANGANG ASYA
Ritchell Aissa Caldea
 
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asyaModyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Evalyn Llanera
 
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulatMga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Via Martinez Abayon
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Muel Clamor
 
Sistemang pulitikal sa asya
Sistemang pulitikal sa asyaSistemang pulitikal sa asya
Sistemang pulitikal sa asyaHanna Paguia
 
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
Kimberly Abao
 
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asyaModyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
Evalyn Llanera
 

Viewers also liked (20)

Ang tao nga naman
Ang tao nga namanAng tao nga naman
Ang tao nga naman
 
Mapa at Bansa sa Africa
Mapa at Bansa sa AfricaMapa at Bansa sa Africa
Mapa at Bansa sa Africa
 
Aqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outs
Aqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outsAqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outs
Aqua seminar bicol region, Fishery Arts, hand outs
 
Epp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikas
Epp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikasEpp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikas
Epp 6 he aralin 2- mga dapat isaalang-alang sa pagiging maayos at mabikas
 
Epp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanim
Epp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanimEpp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanim
Epp 6 aralin 2 mga kagamitan at paraan sa pagtatanim
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Fil 6 sanggunian
Fil 6   sanggunianFil 6   sanggunian
Fil 6 sanggunian
 
Hilagang asya at timog asya
Hilagang asya at timog asyaHilagang asya at timog asya
Hilagang asya at timog asya
 
Kabanata 1
Kabanata 1Kabanata 1
Kabanata 1
 
Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa
Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa
Yunit iii aralin 4Paraan ng Pagpili at Kapangyarihan ng mga Namumuno ng Bansa
 
SILANGANG ASYA
SILANGANG ASYASILANGANG ASYA
SILANGANG ASYA
 
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asyaModyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
 
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulatMga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
 
Hilagang asya
Hilagang asyaHilagang asya
Hilagang asya
 
Sistemang pulitikal sa asya
Sistemang pulitikal sa asyaSistemang pulitikal sa asya
Sistemang pulitikal sa asya
 
Mga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asyaMga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asya
 
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
 
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asyaModyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
 

Ang Ebanghelyo ng Diyos

  • 1. At ipangangaral ang EBANGHELIONG ITO NG KAHARIAN sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas (Mateo 24:14, Marcos 13:10). ANG KASUKLAMSUKLAM NA PANINIRA SA HERUSALEM Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung Magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na (Lucas 21:20). Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal (Mateo 24:15-18; Marcos 13:14-16; L u c a s 1 7 : 3 1 ; 2 1 : 2 1 ) . D a t a p u w a ' t s a a b a n g nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito (Mateo 24:19-20; Marcos 13:17-18; Lucas 21:23). At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil (Lucas 21:24). PANAHON NG KAPIGHATIAN NG JACOB (Jeremiah 30:6-7) Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon (Mateo 24:21-22; Marcos 13:19-20; Lucas 21:23). Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat (Lucas 21:22). 11 12 13 BULAANG CRISTO AT BULAANG PROPETA Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Ingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay (Mateo 24:23-24; Marcos 13:21-23). Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. (Mateo 24:26-27, Lucas 17:23-24). MGA TANDA SA KALANGITAN Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit (Mateo 24:29; Marcos 13:24-25; Lucas 21:25). At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit (Lucas 21:25-26). At kung magkagayo'y lilitaw ANG TANDA NG ANAK NG TAO sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. At 14Ang Panginoong Hesu-Kristo ay magbabalik sa mundong ito sa lalong madaling panahon. Ito ang ipinangako Niya noon pa mang narito Siya dalawang libong taon na ang nakalipas (Juan 14:1-3). Marahil ay naitanong mo sa iyong sarili “Paano tayo nakatitiyak na magbabalik nga Siya?” Mangyaring basahin ang mga palatandaan na binanggit mismo ng Panginoong Hesus na magaganap bago Siya bumalik. Ang m a i n g a t p a g b a b a s a n g m g a K a s u l a t a n a t paghahambing sa mga pangyayari sa ating daigdig sa ngayon- sa mga kaganapan sa kasalukuyan ang nagpapatunay na ang Panginoong Hesus nga ay tunay na magbabalik sa ating kapanahunan. ANG PAGKAWASAK NG TEMPLO At paglabas niya sa templo, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali! At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? Walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak (Mateo 24:1-2, Marcos 13:1-2, Lucas 21:5-6). Ito ay naganap noong A.D. 70. MGA TANDA NG MULING PAGBABALIK At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito, At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito? (Mateo 24:3, Marcos 13:3-4, Lucas 21:7). SUSULPOT ANG MGA MANLOLOKO M a n g a g i n g a t k a y o n a h u w a g k a y o n g mangailigaw: sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila (Mateo 24:4-5, Marcos 13:5-6, Lucas 21:8). DIGMAAN AT MGA ALINGAWNGAW NG MGA DIGMAAN At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas (Mateo 24:6, Marcos 13:7, Lucas 21:9). 1 2 3 BANSA LABAN SA BANSA | MGA LINDOL | MGA SALOT | MGA SAKIT Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian; At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit (Mateo 24:7, Marcos 13:8, Lucas 21:10-11). Ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan (Mateo 24:8, Marcos 13:8). PAGUUSIG SA MGA CRISTIANO Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Ito'y magiging patotoo sa inyo (Mateo 24:9, Marcos 13:9, Lucas 21:12-13). At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo (Marcos 13:11, Lukas 21:14-15). IPAGKANULO NG MGA MAHAL SA BUHAY Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. At hindi mawawala kahit isang buhok ng inyong ulo. Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa (Mateo 24:9-10, Marcos 13:12-13, Lucas 21:16-19). PAG-IBIG AY LALAMIG At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas (Mateo 24:12-13). 5 6 7 8 9 10 The Gospel of the Kingdom of God _Tagalog_ _INSIDE05DEC12jesus ministries 15 4 16
  • 2. susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila (Mateo 24:30-31, Marcos 13:26-27, Lucas 21:27). Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo o (Lucas 21:28). At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy: Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw. Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian n g D i o s ( M a t e o 2 4 : 3 2 - 3 3 ; M a r c o s 1 3 : 2 8 - 2 9 ; Lucas 21:29-31). Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang (Mateo 24:36, Marcos 13:32). At kung paano ANG MGA ARAW NI NOE, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat (Mateo 24:37-39, Lucas 17:26-27). Gayon din naman kung paano ang nangyari sa MGA ARAW NI LOT; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay. Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag (Lucas 17:28-30). 17 19 Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon (Lucas 17:32-33). Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan (Mateo 24:40-41; Lucas 17:34-36). Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon; At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, kung nasaan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak (Mat 24:48, Lucas 17:37). MAGING MAPAGMASID AT MAPANALANGININ Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat. Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga; Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog (Mateo 24:43-44). Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip (Marcos 13:33, Lucas 21:34-35). Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon. Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at 21 23 24 sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo: Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa (Marcos 13:33; Lucas 21:34-35). Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao (Lucas 21:36). Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas (Marcos 24:34-35; Marcos 13:30-31; Lucas 21:32-33). 26 27 The Gospel of the Kingdom of God_ _05DEC12_OUTSIDETagalogjesus ministries 18 20 TAGALOG | PHILIPPINES Local Contact AddressManood ng ANGEL TV www.angeltv.org 22 25