Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Ang bilis ng panahon.docx
1. PAALAM, ANG HULING SANDALI
(Grade 9 Chiva)
Oh tara na , tara na patapos na ang klase , uwian na sinong sasabay diyan?
Ang bilis ng panahon, Parang unang araw lang ng klase kahapon,
Tapos ang isat-isa’y iiwan na natin ngayon.
(Grade 8 Trixie)
Napakaraming ala-alang nabuo,
Ang dami nating inayos na gulo,
at ang daming guro ang napataas natin ang dugo.
(Grade 9 Chiva)
Dahil sa katigasan ng ating ulo, Madalas tayong napapagalitan,
At madalas tayong napag iinitan, Dahil sa walang humpay nating kulitan,
Ngunit isa iyon sa mga ala-alang tiyak na hindi natin makakalimutan.
(Grade 8 Trixie)
Nagsisi ako noong una, Kung bakit sa silid na ito ako napunta,
Akala ko hindi ako magiging masaya, Akala ko wala kong mararamdamang tuwa,
Akala ko wala kong mapapala, Akala ko lang pala, ngunit mali pala.
(Grade 9 Chiva)
Dumaan ang mga araw, Lahat ng nasa isip ko ay natunaw,
Ang lahat ay naging malinaw, Na hindi pala kompleto ang araw,
Kapag hindi ko kayo natatanaw.
(Grade 8 Trixie)
Sa loon ng sampung buwan,
Hindi ko na mabilang ang mga nagawa nating kalokohan,
Hindi ko na mabilang kung ilang tawa na ang ating pinigilan,
habang tayo ay napapagalitan.
2. (Grade 9 Chiva)
Ang mga ganitong eksena ay hindi ko na muling masisilayan,
Dahil sa susunod na taon, May kanya kanya na tayong pagkaka abalahan,
may kaniya kaniya nang pakikisamahan,
At hindi na makakasama ang mga taong nakasanayan.
(Grade 8 Trixie)
Napakadaming memories,
ang siguradong ating mamimis,
Lalo na ang mga klasmeyts nating nakakainis,
(Grade 9 Chiva)
Mga nanghihingi lagi ng papel tuwing may quiz,
Mga nagpapakalat lagi ng mga tsismis,
Mga hindi sumisipot kapag may praktis,
At yung iba on the way na daw pero ang totoo hindi pa pala nakaalis.
(Grade 8 Trixie)
Isang araw sa muli nating pagpasok,
Hindi na natin masisilayan ang mga nanghahampas lagi ng batok.
Mga bigla na lang nananapok,
Mga nagpapaayos lagi ng buhok,
Mga kaklaseng laging inaantok,
Pumapasok lang sa klase para matulog.
(Grade 9 Chiva)
At iyong iba ay halos nalamon na ng tiktok,
Karamihan sa kanila ay marurupok,
Bukambibig lagi ang salitang hotdog,
Marami ang kalog, Ngunit kadalasan sa kanila,
sa maling tao nahuhulog!
3. (Grade 8 Trixie)
Sa silid na ito, Dito ko natagpuan lahat ng uri ng kaklase,
May genius at dumbbell, Tapos yung iba adik sa ML,
Tuwing quiz iisa lang ang hihingan ng papel,
Tuwing may lecture, lagi na lang paki tell.
(Grade 9 Chiva)
Karamihan sa kanila mga walang girlfriend at boyfriend,
May hindi makauwi paghindi naka liptint,
Halos lahat ng babae adik sa blackpink,
Yung iba laging sabog kaka overthink.
Lalo nayung kaklaseng genius pagdating sa mathematics.
(Grade 8 Trixie)
Maya’t maya ang paalam sa banyo,
Sa canteen naman lagi ang diritso,
May taga daldal ng guro,
para maubos ang oras at hindi na makapagturo.
(Grade 9 Chiva)
Iba’t ibang kaklase, At lahat ng ito makikita mo sa aming klase.
May peke at walang pake, May baliw at komedyante,
Meron ding paimportante, Inuuna lagi ang arte.
(Grade 8 Trixie)
Sa room walang gustong magtapon ng basura,
Pag nauutusan pumapangit ang itsura,
Hindi magtatapon hanggat walang kasama,
Kaya ang iba mas gusto na lang magbura ng pisara.
4. (Grade 9 Chiva)
Kapag nagcacapture ng lecture,
Paniguradong sure na sure,
Pati ang teacher kasama sa picture.
Kanya kanyang trip pagdating sa kalokohan,
Tipong kakapasok lang nasa isip kaagad ang uwian.
(Grade 8 Trixie)
Kanya kanyang diskarte mahagip lang ng electric fan,
Ang batohan ng bote at papel ay hindi maiiwasan,
Pag parating na ang teacher kanya-kanyang ayus na ng upuan,
At sa ilang Segundo magbabago ang ayos ng silid aralan,
Na parang walang nangyari bago pumasok ang guro sa pintuan.
(Grade 9 Chiva)
Maingay tayo palagi tuwing discussion,
Basta SEX at LOVE ang topic lahat active sa recitation,
kahit sino sasagot pag may question,
Lahat may kanya-kanyang opinion,
Pero pagdating sa Math ni isa walang gusto mag solve ng solution.
(Grade 8 Trixie)
Kapag may announcement,
Kawawa lagi si President,
Sira lagi ang moment,
lalo na pag abala ang lahat sa paggawa ng assignment,
At abala ang bawat isa sa pagpasa ng requirements,
sa sobrang ingay daig pa mga nagtitilian sa pageant.
5. (Grade 9 Chiva)
Araw-araw pa iba-iba ang ganap,
Iba-ibang trip lagi ang hanap,
magugulat kana lang may mga lalaking naka make-up,
Tapos magbabakla-baklaan sa harap,.
Ngunit minsan nasisira ang trip,
Dahil sa mga kaklase nating pabida at sipsip.
(Grade 8 Trixie)
Pero nanjan lagi ang mga prangka nating kaklase para sumingit,
Para di maudlot ang naumpisahang saya at kulit,
Lahat pasaway at malikot,
Pag nagcecellphone ka bigla na lang may pipindot,
May bigla nalang manunundot,
At laging may nangangalabit sa likod,.
(Grade 9 Chiva)
Pag uwian tumatakas lahat ng cleaners,
kaya ang responsibilidad na iiwan sa mga class officers,
Wala laging gustong magbayad sa tuwing maniningil si treasurer,
Pag nagtanong ka sa GC lahat seener,
Wala kang makukuhang answer.
(Grade 8 Trixie)
Sa bawat kompetisyon lahat tayo ay Ganado,
Lahat ay determinado, Dahil suportado ng gurongtagapayo,
Mananatiling nakatayo, Manalo man o matalo.
(Grade 9 Chiva)
At ang Samahan ay hindi magbabago, Ang daming nangyari,
Ang daming naitamang pagkakamali, At sa lahat ng laban ay hind tayo nagpahuli.
6. (Grade 8 Trixie)
Ngunit ilang araw na lang ang nalalabi, Ang araw ay padali na ng padali,
Bilang na lang ang mga araw ng ating pananatili,
At nalalapit na ang huli nating mga sandali.
(Grade 9 Chiva)
Huling tatlong buwan, huling halakhak ,tawanan at kantahan,
Huling asaran, Iyakan at habulan, Huling daldalan, Kulitan at kopyahan.
Ito ang mga buwan na nagdudulot ng matinding kasiyahan,
At ang mga huling araw na ito’y nagdudulot ng matinding kalungkutan.
(Grade 8 Trixie)
Pero heto na, malapi na, Liliko na tayo ng landas,
Di na tayo maaaring umatras,
Dahil bilang na lang ang mga araw at oras,
At ang Samahan natin ay tuluyan ng magwawakas.
(Grade 9 Chiva)
Kaya ngayon palang ay humugot na tayo ng lakas,
Nang sa gayon ang pagtatapos ay magkaroon ng magandang wakas,
At makayanan nating harapin ang susunod pang mga bukas.
(Grade 8 Trixie)
Ang huling araw ay magiging masakit para sa atin,
Ito ang araw na tiyak di natin magagawang limutin,
Ito rin ang araw na kung saan ang isa’t-isa’y atin ng palalayain,
At ito rin ang huling araw na dapat kayanin natin.
7. (Grade 9 Chiva)
Salamat sa lahat, Salamat dahil ang bawat isa ay sama sama nating nai-angat,
At salamat dahil sama-sama tayong lumaban kahit gaano kabigat.
(Grade 8 Trixie)
Kaya sulitin na natin ang mga araw na nalalabi,
Wag tayong magmadali,
Magpakatatag tayo hanggang sa huli.
(Grade 9 Chiva and Grade 8 Trixie )
Sama-sama nating salubungin ang Liwanag ng huling sandali,
At magkita-kita ulit tayo hanggang sa muli,
At sa ating paghihiwalay,
ay sama-sama parin nating aabutin,
ang tamis ng tagumpay.