2. Mga
Layunin
1. Naibibigay ang kahulugan ng
ekwilibriyo;
2. Naipaliliwanag ang interaksiyon ng
demand at suplay sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan (MELC);
3. Natatalakay ang epekto ng
disekwilibriyo sa pamilihan;
4. Nasusuri ang mga kaganapan sa
pamilihan sa pagbabago ng mga
salik ng demand at suplay;
5. Naimumungkahi ang paraan ng
pagtugon sa mga suliraning dulot ng
kakulangan at kalabisan.
9/3/20XX Presentation Title 2
3. Ang Ekwilibriyo sa
Pamilihan
Ang Ekwilibriyo (Equilibrium) ay
isang kalagayan sa pamilihan kung
saan nagtatagpo ang quantity
demanded (Qd) at quantity
supplied (Qs) sa pamamagitan ng
pagkakasundo sa presyo ng
produkto o serbisyong nais bilhin
ng mamimili at nais ibenta ng
prodyuser.
9/3/20XX Presentation Title 3
4. Ang Ekwilibriyo sa
Pamilihan
Ito rin ay tumutukoy sa isang
kalagayan sa pamilihan na ang
dami ng handa at kayang bilhing
produkto o serbisyo ng mga
konsyumer at ang handa at
kayang ipagbiling produkto at
serbisyo ng mga prodyuser ay
pareho ayon sa presyong kanilang
pinagkasunduan.
9/3/20XX Presentation Title 4
6. Ekwilibriyong Dami
Tawag sa bilang o dami ng
produkto na handang bilhin at
ipagbili sa halagang
napagkasunduan
7. 9/3/20XX Presentation Title 7
• Itinatakda ng ekwilibriyong presyo ang ekwilibriyong
dami ng produkto sa pamilihan.
8. 9/3/20XX Presentation Title 8
Paano nga ba makukuha ang ekwilibriyong presyo?
Isa pang paraan upang makuha ang Ekwilibriyong presyo ay ang
paggamit ng Supply Function at Demand Function sa pamamagitan
ng mathematical equation na Qs = Qd. Ipagpalagay natin ang
equation para sa quantity supplied ay Qs = 0 + 5P at ang Quantity
demanded ay Qd = 60 – 5P
9. 9/3/20XX Presentation Title 9
Dalawang hakbang sa pagkuha ng ekwilibriyong presyo.
1.Unahing alamin ang halaga ng presyo (P) gamit ang demand at
supply function upang ipanghalili ang mathematical equation na Qs
= Qd.
2.Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa demand at supply function.
Ang makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong
dami nito.
10. 9/3/20XX Presentation Title 10
Ang komputasyon na nasa talahanayan ay nagpapakita kung paano
makukuha ang ekwilibriyong presyo at ekwilibriyong dami.
12. Disekwilibriyo sa Pamilihan (Shortage at
Surplus)
9/3/20XX Presentation Title 12
• Sa pagkalat ng COVID-19 virus, tumaas ang demand sa alcohol,
face mask, face shield at iba pa na nagdulot ng kakulangan sa
suplay.
• Samantalang ang mga gulay naman sa ibang parte ng bansa ay
labis dahil hindi maihatid ang mga ito sa iba pang karatig lugar na
nagdulot naman ng kalabisan.
• Ito ay ilan lamang sa mga suliranin na nararanasan sa
pamilihan sa tuwing hindi naaabot ang kalagayang ekwilibriyo.
13. Disekwilibriyo sa Pamilihan (Shortage at
Surplus)
9/3/20XX Presentation Title 13
Ang suliranin ay nag-uugat dahil sa walang naitakdang
ekwilibriyong presyo. Dahil dito ay nagkakaroon ng
kakulangan o shortage at ang kalabisan o surplus sa
pamilihan.
14. Disekwilibriyo sa Pamilihan (Shortage at
Surplus)
9/3/20XX Presentation Title 14
Shortage -tumutukoy sa kakulangan ng suplay ng
produkto o serbisyo na inihanda ng prodyuser dahil sa
mga salik na nakaaapekto sa suplay.
15. Disekwilibriyo sa Pamilihan (Shortage at
Surplus)
9/3/20XX Presentation Title 15
Surplus - tumutukoy sa labis na suplay ng produkto na
nagdudulot ng pagbaba ng presyo at pagkalugi ng mga
prodyuser
20. MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA
PAMILIHAN
9/3/20XX Presentation Title 20
Tinalakay sa Modyul 2 at Modyul 4 ang mga salik na
nagpapabago sa demand at suplay ng mga bilihin.
Ang mga ito ay maaaring makapagbabago sa kalagayan
ng pamilihan.
21. MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA
PAMILIHAN
9/3/20XX Presentation Title 21
1. Paglipat ng kurba ng demand pakanan subalit walang
pagbabago sa suplay. Ipinapakita sa graph na maaaring
tumaas ang demand ng hindi nagbabago ang suplay ng
isang produkto. Isa sa maaaring salik ay ang pagtaas ng
kita ng mga mamimili.
23. MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA
PAMILIHAN
9/3/20XX Presentation Title 23
2. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.
25. MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA
PAMILIHAN
9/3/20XX Presentation Title 25
3. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang
pagbabago sa demand curve
27. MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA
PAMILIHAN
9/3/20XX Presentation Title 27
4. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
28. 9/3/20XX Presentation Title 28
Batay sa pagsusuri sa mga kaganapan at pagbabago
sa pamilihan ito ang apat na punto na dapat tandaan.
1. Sa pagtaas ng demand at hindi nagbago ang suplay,
tataas ang ekwilibriyong presyo, tataas din ang
ekwilibriyong dami.
2. Sa pagbaba ng demand at hindi nagbago ang suplay,
bababa ang ekwilibriyong presyo at baba rin ang
ekwilibriyong dami.
29. 9/3/20XX Presentation Title 29
3. Sa pagtaas ng suplay at hindi nagbago ang demand,
bababa ang ekwilibriyong presyo at tataas naman ang
ekwilibriyong dami ng bilihin.
4. Sa pagbaba ng suplay at hindi nagbago ang demand,
tataas ang ekwilibriyong presyo at bababa naman ang
ekwilibriyong dami ng bilihin.