1. Inihanda ni: Arnel O. Rivera
Aralin 28
Panunungkulan ni
Corazon C. Aquino
2. Talambuhay
• Pagsilang: Enero 25, 1933 sa Maynila
• Magulang: Jose Cojuangco at
Demetria Sumulong
• Edukasyon: Mount St. Vincent College, New York
(AB French & Math)
• Asawa: Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
• Anak: Ma. Elena, Aurora Corazon, Benigno III,
Victoria Eliza at Kristina Bernadette
• Kamatayan: Aug, 1, 2009 sa
Makati Medical Center
3. Alam nyo Ba?
• Si Corazon Aquino ang tanging pangulo na
walang karanasan sa pamahalaan. Siya rin ang
unang babaeng pinuno ng bansa sa buong
Asya. Siya rin ang unang pinuno ng bansa sa
buong mundo na nailuklok sa pamamagitan ng
isang mapayapang rebolusyon.
4. Mga Programa ng
Administrasyong Aquino
• Pagbabalik ng
Demokrasya sa Bansa
• Pagbawi sa mga
nakaw na yaman ng
mga Marcos
• Libreng Edukasyon sa
Elementarya at
Secondarya
5. Paglikha ng Bagong
Saligang Batas
• Ipinag-utos ni Pang.
Aquino ang pagbuo ng
Constitutional Commission
upang gumawa ng bagong
Saligang Batas. Natapos
ito noong Sept. 2, 1986 at
sinang-ayunan ng mga
Pilipino sa pamamagitan
ng isang plebisito noong
Peb. 2, 1987. Tinawag
itong Saligang Batas ng
1987.
6. Karapatan sa Pagboto
• Muling ibinalik sa mga
Pilipino ang karapatang
pumili ng kanilang mga
pinuno sa loob ng
mahabang panahon.
Ginanap ang unang
halalan sa ilalim ng
bagong saligang batas
noong Mayo 11, 1987. Ito
ang unang malayang
halalan makalipas ang 15
taon.
7. Pagbawi sa mga nakaw na
yaman ng mga Marcos
• Itinatag ng pangulo ang
Presidential Commission on
Good Government (PCGG)
upang muling mabawi ang
mga yaman ng bansa na
ninakaw ng pamilya
Marcos. Tinatayang aabot
sa 10 bilyong dolyar ang
nawala sa kaban ng bayan
noong panunungkulan ni
Pang. Marcos.
Dating senador
Jovito Salonga,
unang pinuno ng
PCGG.
8. Libreng Edukasyon
• Sa bisa ng RA 6655 o Free Secondary Education
Act of 1986, naging libre ang pag-aaral sa lahat
ng pampublikong paaralan sa elementarya at
mataas na paaralan sa buong bansa.
9. Konklusyon:
• Bagamat maari pa, hindi na muling tumakbo sa
pagkapangulo si Corazon Aquino sa sumunod na
halalan noong 1992. Nanatili na lamang siyang
aktibo sa mga gawaing pansibiko matapos
magretiro. Pumanaw siya noong Aug. 1, 2009 na
ipinagluksa ng buong bansa. Kinikilala siya ng
mundo bilang Ina ng Demokrasya.