6. Ano ang dapat na
isinaalang-alang upang
maging makatotohanan
ang paghahambing sa
dalawang pelikula?
Bakit higit na karapat-
dapat tanghaling number
1 ang Titanic kaysa
Avengers End Game?
7. Upang magkaroon ng makatotohanang
pagsukat ng economic performance ng
isang bansa, mahalaga na isinasaalang-
alang ang inflation o ang price index sa
pagkompyut ng Gross National Income.
Kung hindi ito gagawin, ang mga datos o
numero ay palaging magpapakita ng pag-
unlad dahil tumataas ang presyo ng mga
produkto taun-taon Samakatwid, hindi
magkakaroon ng totoong repleksiyon sa
estado ng ekonomiya ng isang bansa.
8. Magkano ba ang movie ticket
ngayon sa SM? (Php200.00)
Noon kayang 1997? (Php50.00!).
Samakatwid, kung i-didivide mo
ang kinita ng bawat pelikula sa
halaga ng movie ticket, di hamak
na mas marami ang nakapanood
ng Titanic kaysa Avengers End
Game! Parehong prinsipyo ang
pinaiiral sa pagkompyut ng GNI.
Isinaalang-alang ang price index
o pagbabago sa presyo upang
mataya ang tunay na lagay ng
ekonomiya.