SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
Download to read offline
10	 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran
Ang Pisikal na Kapaligiran ng AsyaAralin 1
Kabanata 1 Ang Kapaligiran at ang Likas na Yaman ng Asya
1.	 Saan matatagpuan ang kontinente ng Asya?
2.	 Anu-ano ang mga anyong-lupa at anyong-tubig na matatagpuan sa Asya?
1.	 heograpiya – isang larangan ng siyentipikong
pag-aaral ukol sa katangiang pisikal at kultural
ng mundo
2.	 lunas ng ilog (river basin) – isang mababang lugar
kung saan umaagos ang malalawak na ilog
Ang Asya
Nahahati ang daigdig sa pitong kontinente.
Ang mga kontinenteng ito ay ang Asya, Antarctica,
Oceania, Europe, Africa, North America, at South
America. Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong
kontinente ng daigdig. Saklaw ng Asya ang halos
sangkatlong bahagi (1—
3
) ng kabuuang lupain ng
mundo. Aabot sa halos 44 936 000 kilometro
kwadrado (km²) ang lawak ng Asya.
Kung ang pagbabatayan ay ang Europe,
masasabing ang Asya ay nasa silangan. Para sa mga
Griyego, ang salitang “asya” na hango sa salitang
Griyego na asu ay nangangahulugang “pagsikat ng
araw” o “silangan.” Sa matagal na panahon, hindi
malinaw sa mga heograpong Europeo kung ano
ang saklaw ng lupaing tinatawag na “silangan.”
Tradisyunal na hangganan na humahati
sa Europe at Asya ang Bulubunduking Ural na
Ang lokasyon ng Asya sa mapa ng mundo
Pagtanaw at Pag-unawa: Asya	 11
matatagpuan sa Russia. Sa kasalukuyan, ang mga
anyong-tubig na nagsisilbing hangganan ng Asya
ay ang mga sumusunod: Karagatang Arktiko sa
hilaga; Kipot ng Bering at Karagatang Pasipiko sa
silangan; Karagatang Indian sa timog; at ang mga
dagat ng Red at Mediteraneo sa timog-kanluran.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya batay sa
pagkakatulad ng katangiang heograpikal, kultural, at
historikal. Ang mga ito ay ang Timog-silangang Asya
(Southeast Asia), Timog Asya (South Asia), Silangang
Asya (East Asia), Kanlurang Asya (West Asia), at
Hilagang Asya (North Asia). Sa mga sumusunod na
aralin ay pag-aaralan ang mga rehiyong ito.
Ang Heograpiya ng Asya
Mga Anyong-lupa
Bilang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo, matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang
anyong-lupa.
  1.	 Bundok at Bulubundukin – ang bundok ay
ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel
ng dagat (sea level) at may taas na umaabot sa
mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang
hanay ng mga bundok ay tinatawag na
bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang
naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag
sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas
mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa
bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok
Everest, ang itinuturing na pinakamataas na
bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang
Bulubunduking Karakoram. Sa dalawang
bulubunduking ito matatagpuan ang halos
lahat ng pinakamatataas na bundok sa daigdig.
Ang iba pang mahahalagang bulubundukin sa
Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu
Kush, Zagros, Caucasus, at Ural.
Ang tuktok ng Bundok Everest
  2.	Bulkan – ito ay biyak sa ibabaw ng lupa
kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw
na mga bato na tinatawag na lava o kung
saan nagmumula ang makapal na alikabok sa
pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy
ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan
sa mga bulkan ay nakabubuo ng hugis-
balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad
ng Fuji sa Japan at Mayon sa Pilipinas—dalawa
sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang
tanyag na bulkan sa Asya ay ang Krakatoa
at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang
Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng
pinakamapanirang pagsabog nitong huling
siglo.
Ang Bundok Fuji sa Japan
12	 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran
  3.	Burol – ito ay isang nakaangat na anyong-lupa
na mas mababa kaysa bundok at karaniwan
ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa Timog
China ay kilala dahil sa kamangha-mangha
nitong mga burol. Tanyag din ang Chota
Nagpur sa India dahil sa mga burol nito
na inukit ng ulan mula noong panahong
prehistoriko.
Larawan na nagpapakita ng mga sundalong Amerikano
na nakahimpil malapit sa burol ng Old Baldy noong
Digmaang Koreano
	 	 Dahil naman sa trahedyang dulot ng
Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga
liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay
nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga
sumusunod: Bunker Hill, Old Baldy, Sniper
Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike’s
Peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill.
Nagsilbing dambana ang mga burol na ito
ng libu-libong sundalong Amerikano na
nakipaglaban sa Digmaang Koreano.
  4.	Kapatagan – ito ay pantay at malawak na
anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan
ay malapit sa mga baybayin. Ang mga
kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan
sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia),
silangang baybayin ng China, silangang
bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang
bahagi ng Indochina.
  5.	Talampas – ito ay malawak na kapatagan
sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa.
Ang mahahalagang talampas ng Asya ay ang
mga talampas ng gitnang Siberia (Russia),
Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey.
  6.	Lambak at Lunas ng Ilog – ang lambak
ay kapatagang halos napalilibutan o
napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwan
sa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river
basin, isang mababang lugar kung saan
umaagos ang ilog. Ang mahahalagang lunas
ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at
Pakistan; Huang He at Yangtze sa China;
Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa
Thailand; at Mekong na dumadaloy mula
Tibet hanggang Vietnam.
Larawan ng Ilog Huang He na kilala rin bilang Yellow River
Pagtanaw at Pag-unawa: Asya	 13
  7.	 Interyor ng kontinente – kalakhan ng
kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interyor
ng kontinente. Halos lahat ng matatayog na
bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o
malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming
bansang Asyano ang hindi napalilibutan o
hinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng
Laos, Mongolia, at Nepal.
  8.	Baybayin – ito ang tawag sa mga anyong-lupa
na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa
Asya ang malapit sa baybayin.
  9.	Tangway – ito ay kalupaang nakausli sa
dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang
mahahalagang tangway ng Asya ay ang mga
tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina,
at Kamchatka.
10.	 Isthmus – ito ay isang makitid na lupain na
nagsisilbingtulaynanagdurugtongsadalawang
malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito
ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga
kontinenteng Asya at Africa.  
11.	 Pulo – ito ay isang lupaing napalilibutan
ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan
sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu
at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa
Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas;
at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansang
Indonesia, Malaysia, at Brunei.
12.	 Kapuluan o Arkipelago – ito ay pangkat ng
mga pulo. Ang mga bansang Japan, Pilipinas,
Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan.
Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo
angbansangIndonesianatinatayangmayroong
mahigit 13 000 pulo.
Mga Anyong-tubig
Ang mundo ay may mahigit na 70%
katubigan. Ang kontinente ng Asya ay hindi
lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan,
marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa
looban nito.
1.	 Karagatan at Dagat – ang mga ito ay
malalawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko
ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga dagat ng Silangang
Siberia, Laptev, Kara, Chukchi, at Barents.
	 	 Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea. Makikita naman sa
silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at pinakamalalim na
karagatan sa buong mundo. Ito ay may lawak
na 165 384 000 km2
. Karugtong ng Karagatang
Pasipiko ang mga dagat ng Timog China,
Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang
PasipikomatatagpuanangMarianasTrench.Ito
ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.
2.	 Ilog – ito ang anyong-tubig na dumadaloy mula	
sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa
lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang
mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog
ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India
at Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at
Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa
bahaging Turkey at Iraq; Euphrates sa bahaging
Turkey, Syria, at Iraq; Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.
14	 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran
Isang bahagi ng kahabaan ng Ilog Huang He
3.	 Lawa – ito ay malawak na anyong-tubig na
nakukulong ng lupa. May dalawang uri ng
lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming
malalawak na lawa na may tubig-alat at
napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga
ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang pinakamalawak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo.  
Isang bahagi ng Lawa ng Baikal sa Russia
4.	 Kipot – isa itong makitid na katubigan na nag-
uugnay sa dalawang mas malalaking anyong-
tubig. Ang Kipot ng Bering (Russia) ay nag-
uugnay sa mga dagat ng Bering at Chukchi.
Ang Kipot ng Malacca (Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat
Java.
5.	 Golpo – ito ay malawak na katubigan na
karugtong ng dagat. Ang kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo
sa Asya ay ang Tonkin, Aden, Oman, at
Thailand.
Isang bahagi ng Golpo ng Persia
6.	 Look – ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look
ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang Look
ng Bengal na humahati sa rehiyon ng Timog
at Timog-silangang Asya.
Pagtanaw at Pag-unawa: Asya	 15
1.	 Paano mailalarawan ang kinaroroonan ng
Asya?
2.	 Paano mailalahad ang iba’t ibang anyong-lupa
at anyong-tubig ng Asya?
3.	 Ipaliwanag ang kaibahan ng dagat sa
karagatan, ng bundok sa bulkan.
1.	 Siyasatin ang mahalagang papel na
ginagampanan ng kapaligiran sa paghubog ng
lipunan. Bumuo ng isang pangkat at magtalaga
ng pinuno, kalihim, at tagaulat. Pumili ng
isang barangay na susuriin. Magmasid ukol sa
pisikal na kapaligiran ng barangay at ang bisa
nito sa pamumuhay ng mga taong naroroon.
Kumuha ng datos tungkol sa mga ito mula sa
tala ng barangay hall. Suriin ang mga nakalap
na impormasyon at sagutin o gawin ang mga
sumusunod:
a.	 Ano ang katayuan ng mga anyong-lupa at
anyong-tubig ng barangay?
b.	 May kaugnayan ba ang pisikal na
kapaligiran ng barangay sa karaniwang
gawaing pangkabuhayan ng mamamayang
nakatira rito?
c.	 Bilang isang pangkat, magpanukala
kung paano mapangangalagaan ang
pisikal na kapaligiran ng barangay at
mapahahalagahan ang bisa nito sa buhay
ng mamamayang naroroon.
d.	 Iulat sa klase ang kinalabasan ng pag-
aaral. Magbigay rin ng kopya ng mga
rekomendasyon sa punong barangay.
2.	 Magpangkat-pangkat. Gamit ang mga recycled
na bagay, gumawa ng mapang topograpikal
ng isang rehiyon sa Asya na nagpapakita ng
kapaligirang pisikal nito. Ipakita ang umbok
ng mga bundok at lalim ng mga karagatan
at lawa. Kung maaari, lagyan ng tubig ang
nilikhang karagatan at lawa. Ang tagaulat
ang magtatanghal sa klase sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga pangalan at kinaroroonan ng
mga anyong-lupa at anyong-tubig.
16	 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran
Ang mga Pinaka sa Asya
Ang Asya ay punung-puno ng mga kamangha-manghang katangiang pisikal. Ang ilan sa
mga ito ay itinatampok natin ngayon sa Samut-saring Kwento.
Pinakamalalim at pinakamatanda: Lawa ng Baikal
Ang malalaking lawa sa Asya ay may tubig-alat kaya napagkakamalan ang mga itong
dagat, gaya ng Dagat Aral at Dagat Caspian. Pero iba ang Lawa ng Baikal (Russia) dahil
tubig-tabang ang matatagpuan dito. Sa lalim na isang milya, ang Lawa ng Baikal ang
pinakamalalim na lawa sa mundo. Ang lawang ito ay tinatayang 25 milyong taon na. Dahil
dito, ito na rin ang pinakamatandang lawa ng mundo. Tahanan ito ng mahigit sa 2 400 uri
ng mga halaman at hayop. Sa katunayan, karamihan sa mga hayop at halaman na ito ay
matatagpuan lamang sa Lawa ng Baikal.
Pinakamababa at Pinakamaalat: Dead Sea
Isang bahagi ng Dead Sea
Pagtanaw at Pag-unawa: Asya	 17
Batay na rin sa pangalan, ang Dead Sea ay itinuturing na isang patay na anyong-
tubig. Ang tubig nito ay apat na ulit na mas maalat kumpara sa karaniwang tubig-dagat. Sa
dami ng asin at mineral na natunaw sa tubig nito, hindi kayang mamuhay ng mga hayop
o halamang-dagat dito. Dahil sa lalim na 400 metro, ang Dead Sea ang maituturing na rin
na pinakamababang bitak sa mundong ibabaw. Noon namang 1947, natagpuan sa isang
kweba malapit sa lawa ang Dead Sea Scroll na naging batayan sa pagpapatunay sa Bibliya
bilang akdang historikal.
Pinakamataas: Bundok Everest
Isang bahagi ng Bundok Everest
Pangarap ng bawat mountaineer na makaakyat sa tuktok ng Bundok Everest, ang
pinakamataas na bundok sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Himalayas, sa mga bansang
Nepal at China. Ang taas nitong 29 028 talampakan mula sa lebel ng dagat, matatarik
na dalisdis, nagyeyelong taluktok, at baku-bakong daanan ang tunay na hamon sa mga
mountaineer.
Noong 1953, unang narating ang tuktok ng Bundok Everest ni Sir Edmund Hillary ng
New Zealand kasama ang kanyang giya na isang katutubong Sherpa na si Tenzing Norgay.
Kinikilala ang yumaong si Sir Edmund na isang bayani sa kanyang bansa. Simula noon,
marami na ang nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest. Sa pagharap sa hamon ng bagong
milenyo, narating ng mga mountaineer na Pilipino ang tuktok ng Himalayas bilang tanda ng
pagsisikap ng lahing Pilipino na mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.
18	 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran
Isang Sulyap sa mga Bansang AsyanoAralin 2
1.	 Anu-ano ang mga bansang matatagpuan sa kontinente ng Asya?
2.	 Anu-ano ang mga bansang pangkontinente, pangkapuluan, at transkontinental?
3.	 Ano ang estado ng mga bansang transkontinental?
1.	 Association of Southeast Asian Nations –	
isang organisasyon ng mga bansa sa Timog-
silangang Asya
2.	 United Nations – samahan ng nagkakaisang
mga bansa na may layuning panatilihin ang
kapayapaan sa buong mundo
Mga Bansa sa Asya
Sa kasalukuyan, may apatnapu’t walong (48)
bansa ang matatagpuan sa Asya. Ang mga ito ay
ang mga bansang pangkontinente, pangkapuluan,
at transkontinental o yaong mga nasa hangganan.
Mga Bansang Pangkontinente
Tatlumpu’t walo (38) sa mga bansa sa Asya
ang matatagpuan sa mismong kontinente ng
Asya o sa mainland. Ang mga ito ay tinaguriang
bansang pangkontinente. Ang bawat bansang
pangkontinente ay maaaring tawaging bansang
baybayin o bansang looban. Ang mga bansang
baybayin ay yaong mga bansa na may dalampasigan
o ang bahagi ng teritoryo ay nakaharap sa dagat.
Halimbawa ng mga ito ang mga bansang China,
India, Myanmar, Pakistan, at Turkey.
Ang mga bansang looban o landlocked naman
ay yaong mga bansang napagigitnaan ng kalupaan
at malayo sa dalampasigan. Halimbawa ng mga
ito ang mga bansang Afghanistan, Bhutan, Laos,
Mongolia, at Nepal.
Pagdating sa lawak ng teritoryo, ang
pinakamalaking bansa sa Asya ay ang Russia. Kung
isasama ang bahagi ng teritoryo ng Russia na nasa
kontinente ng Europe, aabot sa 17 098 242 km²
ang sukat nito. Pumapangalawa sa Russia ang
China na may sukat na 9 596 961 km².
Mga Bansang Pangkapuluan
May mga bansa rin sa Asya na biniyayaan
ng maraming pulo bilang bahagi ng kanilang
topograpiya. Ang mga ito ay tinatawag na
mga bansang pangkapuluan. Ang kapuluan o
arkipelago ay isang pangkat ng mga pulo kung
saan ang mga dagat sa pagitan ng mga pulo ay
itinuturing na mga dagat-panloob.
Sa ilalim ng United Nations Convention
on Law of the Seas (UNCLOS), isinabatas ang
mga tuntunin sa pagmamarka ng teritoryo ng
mga bansang pangkapuluan. Ipinahintulot
Pagtanaw at Pag-unawa: Asya	 19
ang paglagay ng mga tuwid na imaginary line na
dumurugtong sa mga pinakadulong dako ng mga
pulo at animo’y pader na pumapalibot sa buong
kapuluan. Ang mga karagatang nakapaloob sa
arkipelago ay itinuturing na mahahalagang bahagi
ng teritoryo ng nasabing bansa. Halimbawa
ng mga bansang pangkapuluan sa Asya ang
Indonesia, Pilipinas, at Japan.
Mga Bansang Transkontinental
Tinagurian namang transkontinental
ang mga bansang matatagpuan sa Asya na ang
teritoryo, pamanang lahi, kapaligirang pisikal,
o pakikipag-ugnayang pulitikal ay umaabot
hanggang sa ibang kontinente. Kabilang sa mga
bansang Asyano na may teritoryong lumalagpas
sa Asya at umaabot hanggang sa ibang kontinente
ang Azerbaijan, Georgia, Kazakhstan, Turkey, at
Russia. Sa katunayan, mahigit 23% ng Russia,
kasama ang kabisera nito, ay matatagpuan sa
Europe.
Samantala, bagama’t Asyano ang bansang
Turkey, malaking bahagi naman ang ginampanan
ng bansang ito sa kasaysayan ng Europe. Ito ay
dahil sakop ng imperyo ng mga Turkong Ottoman
ang Silangang Europe ng mahigit tatlong siglo.
Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng Turkey ang
pagiging ganap na kasapi nito sa European Union
(EU).
1.	 Paano mailalahad ang batayang pagkakaiba ng
mga bansang pangkontinente, pangkapuluan,
at transkontinental?
2.	 Bakit itinuturing na transkontinental ang
bansang Turkey?
3.	 Paano itinatakda ang mga teritoryo ng
mga bansang pangkapuluan sa ilalim ng
UNCLOS?
1.	 Pagtalunan sa klase ang mga sumusunod
na paksa. Gawing malalim at kawili-wili ang
debate.
•	 Nagtagumpay ba ang UNCLOS sa
pagtatakda ng mga hangganan ng mga
bansang pangkapuluan?
•	 Bilang isang makasaysayang bansang
Asyano, nararapat bang ibasura ang hiling
ng bansang Turkey na maging kasapi ng
European Union?
Ang Moscow, na kabisera ng Russia, ay bahagi sa 23%
lupain ng Russia na nakapaloob sa kontinente ng Europe.
20	 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran
2.	 Pag-aralang muli ang mapa ng Asya at punan ang mga patlang. Huwag nang isama ang mga bansang
nabanggit na sa unang hanay.
Mga Bansang Baybayin Mga Bansang Looban Mga Bansang Pangkapuluan Mga Bansang Transkontinental
India Afghanistan Maldives Cyprus
Agawan sa Teritoryo
Sino nga ba ang mas may karapatan sa Palestine, ang mga Hudyo o ang mga Arabe?
Ang mga Hudyo at Arabeng Palestino ay parehong may makasaysayang kaugnayan sa
rehiyon ng Palestine na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Dagat Jordan.
Ang mga Arabe ang siyang unang nanirahan sa rehiyong ito sa loob ng maraming siglo.
Nakasaad naman sa kasaysayan ang pandarayuhan dito ng mga ninuno ng mga Hudyo
sa pagitan ng 1900 at 1700 bce. Nang lumaon ay kinilala ang mga Hudyong ito bilang mga
Hebreo.
Noong 586 bce, nagapi at sinakop ng mga taga-Babylonia ang mga Hudyo. Mula noon,
nagkawatak-watak ang mga Hudyo at napadpad sa iba’t ibang lugar. Noong pagpasok ng
taong 1882, nagkalat ang halos sampung milyong Hudyo sa buong mundo. Ang ilan sa kanila
ay nanirahan sa Palestine at determinadong buuing muli ang kanilang bansa. Bago maganap
ang Unang Digmaang Pandaigdig, umabot sa 85 000 ang mga Hudyong naninirahan sa
Palestine.
Noong 1917, ipinahayag ng Britain ang suporta nito sa pagtatatag ng isang matatawag na
tahanan ng lahing Hudyo sa rehiyon ng Palestine. Umalma rito ang mga Arabeng Palestino
dahil nais din nilang magkaroon ng kasarinlan.
Pagtanaw at Pag-unawa: Asya	 21
Noong 1933, nang mailuklok sa kapangyarihan ang Aleman na si Adolf Hitler na kilala sa
kanyang pag-uuri sa mga tao, nagsimula ang diskriminasyon laban sa mga Hudyo. Tinawag
ni Hitler ang mga Hudyo na parasitiko at intermenschen, o nabibilang sa uring mas mababa
pa sa tao. Para kay Hitler at sa kanyang mga tagasunod na mga Nazi, ang paglipol sa mga
Hudyo ang siyang tanging paraan upang malinis ang kulturang Aleman. Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos anim na milyong Hudyo ang namatay sa piitan. Ang
pangyayaring ito ay tinaguriang holocaust.
Gayunman, lalo pang sumidhi ang
pagnanais ng mga Hudyo na makabalik
sa lupain ng kanilang mga ninuno lalo na
nang matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Nais nilang magkaroon ng
sariling teritoryo subalit okupado ng mga
Arabe ang Palestine, at ang pagpupumilit ng
mga Hudyo ay nagdulot ng kaguluhan.
Iminungkahi ng United Nations na hatiin
ang Palestine sa dalawang rehiyon para sa
dalawang lahi at ang Jerusalem, na isang
mahalagang bayan, ay gawing pandaigdigang lungsod. Tinanggap ng mga Hudyo ang
mungkahi. Ibinasura naman ito ng mga Arabe dahil mas malaki ang bahaging mapupunta sa
mga Hudyo kahit na higit na kaunti ang bilang ng mga ito sa rehiyon.
Noong ika-14 ng Mayo 1948, idineklara ang pagtatatag ng bansang Israel. Ilang oras
lamang ang nakalipas matapos ang deklarasyon, inatake na ng mga karatig-bansang Arabe
mula sa halos lahat ng direksyon ang Israel. Isang digmaan sa pagitan ng mga Israeli at ng
mga Arabe ang nangyari. Pagkatapos ng digmaan, nahulog sa mga kamay ng mga Israeli
ang halos ikatlong bahagi ng Palestine. Ang natira ay pinaghati-hatian ng mga bansang
Egypt at Jordan. Ang mga Arabeng Palestino ay nawalan ng tahanan.
Ang agawan sa teritoryo ang siyang dahilan ng mga digmaang Israeli-Arabe na sumiklab
noong 1948, 1956, at 1967. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang digmaan ng mga
Hudyo at Arabeng Palestino para sa teritoryo at kasarinlan.
Sanggunian: Michael Berenbaum (ed.), Witness to the Holocaust (1997)
Conor Cruise O’Brien, The Siege: The Saga of Israel and Zionism (1988)
Isang larawan ng lungsod ng Jerusalem. Ito ay itinuturing
na banal na lunsod ng mga Hudyo.

More Related Content

What's hot

Ang Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-Heograpiko
Ang Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-HeograpikoAng Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-Heograpiko
Ang Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-Heograpikoshebasalido1
 
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa AsyaAnyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa AsyaJohn Eric Calderon
 
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang AsyanoAng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang AsyanoMavict De Leon
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya南 睿
 
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa AsyaAnyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa AsyaMaybel Din
 
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng AsyaAP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng AsyaJuan Miguel Palero
 
SILANGANG ASYA
SILANGANG ASYASILANGANG ASYA
SILANGANG ASYABianca Go
 
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladYamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladBelle Sy
 
Suliraning pangkapaligiran Sa Asya
Suliraning pangkapaligiran Sa AsyaSuliraning pangkapaligiran Sa Asya
Suliraning pangkapaligiran Sa Asyacar yongcong
 
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asyaAP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asyaJared Ram Juezan
 
Mga grupong etnolinggwistikosa asya
Mga grupong etnolinggwistikosa asyaMga grupong etnolinggwistikosa asya
Mga grupong etnolinggwistikosa asyaTesha Layug
 
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng AsyaAP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng AsyaJuan Miguel Palero
 
Mga vegetation cover sa asya
Mga vegetation cover sa asyaMga vegetation cover sa asya
Mga vegetation cover sa asyaMirasol Fiel
 
Asya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdig
Asya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdigAsya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdig
Asya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdigBhing Marquez
 
Heograpiya ng Asya - Katangiang Pisikal
Heograpiya ng Asya - Katangiang PisikalHeograpiya ng Asya - Katangiang Pisikal
Heograpiya ng Asya - Katangiang PisikalSophia Martinez
 
Araling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng Asya
Araling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng AsyaAraling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng Asya
Araling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng AsyaLuvyankaPolistico
 

What's hot (20)

Mga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asyaMga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asya
 
Ang Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-Heograpiko
Ang Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-HeograpikoAng Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-Heograpiko
Ang Konsepto ng Asya tungo sa Paghahating-Heograpiko
 
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa AsyaAnyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong lupa at Anyong Tubig sa Asya
 
Ang kontinente ng asya
Ang kontinente ng asyaAng kontinente ng asya
Ang kontinente ng asya
 
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang AsyanoAng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa AsyaAnyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya
 
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng AsyaAP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
 
SILANGANG ASYA
SILANGANG ASYASILANGANG ASYA
SILANGANG ASYA
 
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladYamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
 
Suliraning pangkapaligiran Sa Asya
Suliraning pangkapaligiran Sa AsyaSuliraning pangkapaligiran Sa Asya
Suliraning pangkapaligiran Sa Asya
 
Mga kontinente sa daigdig
Mga kontinente sa daigdigMga kontinente sa daigdig
Mga kontinente sa daigdig
 
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asyaAP G7/G8 Aralin  1   katangiang pisikal ng asya
AP G7/G8 Aralin 1 katangiang pisikal ng asya
 
Mga grupong etnolinggwistikosa asya
Mga grupong etnolinggwistikosa asyaMga grupong etnolinggwistikosa asya
Mga grupong etnolinggwistikosa asya
 
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng AsyaAP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
 
Mga vegetation cover sa asya
Mga vegetation cover sa asyaMga vegetation cover sa asya
Mga vegetation cover sa asya
 
Asya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdig
Asya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdigAsya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdig
Asya bilang isa sa pitong kontinente sa daigdig
 
Yamang Tao sa Asya
Yamang Tao sa AsyaYamang Tao sa Asya
Yamang Tao sa Asya
 
Heograpiya ng Asya - Katangiang Pisikal
Heograpiya ng Asya - Katangiang PisikalHeograpiya ng Asya - Katangiang Pisikal
Heograpiya ng Asya - Katangiang Pisikal
 
Araling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng Asya
Araling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng AsyaAraling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng Asya
Araling Panlipunan 7- Ang Konsepto ng Asya
 

Similar to Asya 1

Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)megangarcia
 
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)megangarcia
 
Ang heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaAng heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaJenny Serroco
 
Modyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran (2).pptx
Modyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao  at Kapaligiran (2).pptxModyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao  at Kapaligiran (2).pptx
Modyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran (2).pptxfaithdenys
 
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptx
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptxAnyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptx
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptxSilvestrePUdaniIII
 
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxAralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxMaryJoyTolentino8
 
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asyaAnyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asyaRelmaBasco
 
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptxANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptxGerlyn Villapando
 
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptxAraling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptxAlfredCyrusRedulfin1
 
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxCherryLim21
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigJared Ram Juezan
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigiyoalbarracin
 
4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx
4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx
4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptxkathlene pearl pascual
 

Similar to Asya 1 (20)

Asia
AsiaAsia
Asia
 
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
 
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
 
Ang heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaAng heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asya
 
Modyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran (2).pptx
Modyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao  at Kapaligiran (2).pptxModyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao  at Kapaligiran (2).pptx
Modyul 2 Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran (2).pptx
 
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptx
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptxAnyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptx
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya.pptx
 
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxAralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
 
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asyaAnyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
 
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptxANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
 
AP7.pptx
AP7.pptxAP7.pptx
AP7.pptx
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
ap
apap
ap
 
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptxAraling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
 
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
 
Konsepto ng asya
Konsepto ng asyaKonsepto ng asya
Konsepto ng asya
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
 
Week-1-ppt.pptx
Week-1-ppt.pptxWeek-1-ppt.pptx
Week-1-ppt.pptx
 
Aralin 1 gawain 4
Aralin 1 gawain 4Aralin 1 gawain 4
Aralin 1 gawain 4
 
4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx
4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx
4-ANG-PISIKAL-NA-HEOGRAPIYA-NG-ASYA.pptx
 

More from Marife Briones Jalata (9)

ap 7 monthly test
ap 7 monthly testap 7 monthly test
ap 7 monthly test
 
Anyong lupa
Anyong lupaAnyong lupa
Anyong lupa
 
Asya
AsyaAsya
Asya
 
Asya
AsyaAsya
Asya
 
Asya
AsyaAsya
Asya
 
Asya 1
Asya 1Asya 1
Asya 1
 
Asya 1
Asya 1Asya 1
Asya 1
 
Asya 1
Asya 1Asya 1
Asya 1
 
Ap grade-1-and-7-revised-twg-feb-18(1)
Ap grade-1-and-7-revised-twg-feb-18(1)Ap grade-1-and-7-revised-twg-feb-18(1)
Ap grade-1-and-7-revised-twg-feb-18(1)
 

Asya 1

  • 1. 10 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Ang Pisikal na Kapaligiran ng AsyaAralin 1 Kabanata 1 Ang Kapaligiran at ang Likas na Yaman ng Asya 1. Saan matatagpuan ang kontinente ng Asya? 2. Anu-ano ang mga anyong-lupa at anyong-tubig na matatagpuan sa Asya? 1. heograpiya – isang larangan ng siyentipikong pag-aaral ukol sa katangiang pisikal at kultural ng mundo 2. lunas ng ilog (river basin) – isang mababang lugar kung saan umaagos ang malalawak na ilog Ang Asya Nahahati ang daigdig sa pitong kontinente. Ang mga kontinenteng ito ay ang Asya, Antarctica, Oceania, Europe, Africa, North America, at South America. Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente ng daigdig. Saklaw ng Asya ang halos sangkatlong bahagi (1— 3 ) ng kabuuang lupain ng mundo. Aabot sa halos 44 936 000 kilometro kwadrado (km²) ang lawak ng Asya. Kung ang pagbabatayan ay ang Europe, masasabing ang Asya ay nasa silangan. Para sa mga Griyego, ang salitang “asya” na hango sa salitang Griyego na asu ay nangangahulugang “pagsikat ng araw” o “silangan.” Sa matagal na panahon, hindi malinaw sa mga heograpong Europeo kung ano ang saklaw ng lupaing tinatawag na “silangan.” Tradisyunal na hangganan na humahati sa Europe at Asya ang Bulubunduking Ural na Ang lokasyon ng Asya sa mapa ng mundo
  • 2. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 11 matatagpuan sa Russia. Sa kasalukuyan, ang mga anyong-tubig na nagsisilbing hangganan ng Asya ay ang mga sumusunod: Karagatang Arktiko sa hilaga; Kipot ng Bering at Karagatang Pasipiko sa silangan; Karagatang Indian sa timog; at ang mga dagat ng Red at Mediteraneo sa timog-kanluran. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya batay sa pagkakatulad ng katangiang heograpikal, kultural, at historikal. Ang mga ito ay ang Timog-silangang Asya (Southeast Asia), Timog Asya (South Asia), Silangang Asya (East Asia), Kanlurang Asya (West Asia), at Hilagang Asya (North Asia). Sa mga sumusunod na aralin ay pag-aaralan ang mga rehiyong ito. Ang Heograpiya ng Asya Mga Anyong-lupa Bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang anyong-lupa. 1. Bundok at Bulubundukin – ang bundok ay ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel ng dagat (sea level) at may taas na umaabot sa mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang hanay ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang Bulubunduking Karakoram. Sa dalawang bulubunduking ito matatagpuan ang halos lahat ng pinakamatataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahahalagang bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at Ural. Ang tuktok ng Bundok Everest 2. Bulkan – ito ay biyak sa ibabaw ng lupa kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw na mga bato na tinatawag na lava o kung saan nagmumula ang makapal na alikabok sa pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan sa mga bulkan ay nakabubuo ng hugis- balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad ng Fuji sa Japan at Mayon sa Pilipinas—dalawa sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang tanyag na bulkan sa Asya ay ang Krakatoa at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng pinakamapanirang pagsabog nitong huling siglo. Ang Bundok Fuji sa Japan
  • 3. 12 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran 3. Burol – ito ay isang nakaangat na anyong-lupa na mas mababa kaysa bundok at karaniwan ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa Timog China ay kilala dahil sa kamangha-mangha nitong mga burol. Tanyag din ang Chota Nagpur sa India dahil sa mga burol nito na inukit ng ulan mula noong panahong prehistoriko. Larawan na nagpapakita ng mga sundalong Amerikano na nakahimpil malapit sa burol ng Old Baldy noong Digmaang Koreano Dahil naman sa trahedyang dulot ng Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga sumusunod: Bunker Hill, Old Baldy, Sniper Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike’s Peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill. Nagsilbing dambana ang mga burol na ito ng libu-libong sundalong Amerikano na nakipaglaban sa Digmaang Koreano. 4. Kapatagan – ito ay pantay at malawak na anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan ay malapit sa mga baybayin. Ang mga kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia), silangang baybayin ng China, silangang bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang bahagi ng Indochina. 5. Talampas – ito ay malawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa. Ang mahahalagang talampas ng Asya ay ang mga talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey. 6. Lambak at Lunas ng Ilog – ang lambak ay kapatagang halos napalilibutan o napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwan sa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river basin, isang mababang lugar kung saan umaagos ang ilog. Ang mahahalagang lunas ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at Pakistan; Huang He at Yangtze sa China; Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa Thailand; at Mekong na dumadaloy mula Tibet hanggang Vietnam. Larawan ng Ilog Huang He na kilala rin bilang Yellow River
  • 4. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 13 7. Interyor ng kontinente – kalakhan ng kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interyor ng kontinente. Halos lahat ng matatayog na bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming bansang Asyano ang hindi napalilibutan o hinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng Laos, Mongolia, at Nepal. 8. Baybayin – ito ang tawag sa mga anyong-lupa na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa Asya ang malapit sa baybayin. 9. Tangway – ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang mahahalagang tangway ng Asya ay ang mga tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina, at Kamchatka. 10. Isthmus – ito ay isang makitid na lupain na nagsisilbingtulaynanagdurugtongsadalawang malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga kontinenteng Asya at Africa. 11. Pulo – ito ay isang lupaing napalilibutan ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas; at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansang Indonesia, Malaysia, at Brunei. 12. Kapuluan o Arkipelago – ito ay pangkat ng mga pulo. Ang mga bansang Japan, Pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan. Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo angbansangIndonesianatinatayangmayroong mahigit 13 000 pulo. Mga Anyong-tubig Ang mundo ay may mahigit na 70% katubigan. Ang kontinente ng Asya ay hindi lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan, marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa looban nito. 1. Karagatan at Dagat – ang mga ito ay malalawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko. Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng karagatang ito ang mga dagat ng Silangang Siberia, Laptev, Kara, Chukchi, at Barents. Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang Indian ang Red Sea. Makikita naman sa silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa buong mundo. Ito ay may lawak na 165 384 000 km2 . Karugtong ng Karagatang Pasipiko ang mga dagat ng Timog China, Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang PasipikomatatagpuanangMarianasTrench.Ito ang pinakamalalim na bambang sa daigdig. 2. Ilog – ito ang anyong-tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa bahaging Turkey at Iraq; Euphrates sa bahaging Turkey, Syria, at Iraq; Irrawaddy at Salween sa Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.
  • 5. 14 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Isang bahagi ng kahabaan ng Ilog Huang He 3. Lawa – ito ay malawak na anyong-tubig na nakukulong ng lupa. May dalawang uri ng lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming malalawak na lawa na may tubig-alat at napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman sa Siberia sa Russia ang pinakamalawak at pinakamalalim na lawang tabang sa mundo. Isang bahagi ng Lawa ng Baikal sa Russia 4. Kipot – isa itong makitid na katubigan na nag- uugnay sa dalawang mas malalaking anyong- tubig. Ang Kipot ng Bering (Russia) ay nag- uugnay sa mga dagat ng Bering at Chukchi. Ang Kipot ng Malacca (Malaysia) naman ay nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat Java. 5. Golpo – ito ay malawak na katubigan na karugtong ng dagat. Ang kabuuan ng golpo ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya, tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa Asya ay ang Tonkin, Aden, Oman, at Thailand. Isang bahagi ng Golpo ng Persia 6. Look – ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan. Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang Look ng Bengal na humahati sa rehiyon ng Timog at Timog-silangang Asya.
  • 6. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 15 1. Paano mailalarawan ang kinaroroonan ng Asya? 2. Paano mailalahad ang iba’t ibang anyong-lupa at anyong-tubig ng Asya? 3. Ipaliwanag ang kaibahan ng dagat sa karagatan, ng bundok sa bulkan. 1. Siyasatin ang mahalagang papel na ginagampanan ng kapaligiran sa paghubog ng lipunan. Bumuo ng isang pangkat at magtalaga ng pinuno, kalihim, at tagaulat. Pumili ng isang barangay na susuriin. Magmasid ukol sa pisikal na kapaligiran ng barangay at ang bisa nito sa pamumuhay ng mga taong naroroon. Kumuha ng datos tungkol sa mga ito mula sa tala ng barangay hall. Suriin ang mga nakalap na impormasyon at sagutin o gawin ang mga sumusunod: a. Ano ang katayuan ng mga anyong-lupa at anyong-tubig ng barangay? b. May kaugnayan ba ang pisikal na kapaligiran ng barangay sa karaniwang gawaing pangkabuhayan ng mamamayang nakatira rito? c. Bilang isang pangkat, magpanukala kung paano mapangangalagaan ang pisikal na kapaligiran ng barangay at mapahahalagahan ang bisa nito sa buhay ng mamamayang naroroon. d. Iulat sa klase ang kinalabasan ng pag- aaral. Magbigay rin ng kopya ng mga rekomendasyon sa punong barangay. 2. Magpangkat-pangkat. Gamit ang mga recycled na bagay, gumawa ng mapang topograpikal ng isang rehiyon sa Asya na nagpapakita ng kapaligirang pisikal nito. Ipakita ang umbok ng mga bundok at lalim ng mga karagatan at lawa. Kung maaari, lagyan ng tubig ang nilikhang karagatan at lawa. Ang tagaulat ang magtatanghal sa klase sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangalan at kinaroroonan ng mga anyong-lupa at anyong-tubig.
  • 7. 16 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Ang mga Pinaka sa Asya Ang Asya ay punung-puno ng mga kamangha-manghang katangiang pisikal. Ang ilan sa mga ito ay itinatampok natin ngayon sa Samut-saring Kwento. Pinakamalalim at pinakamatanda: Lawa ng Baikal Ang malalaking lawa sa Asya ay may tubig-alat kaya napagkakamalan ang mga itong dagat, gaya ng Dagat Aral at Dagat Caspian. Pero iba ang Lawa ng Baikal (Russia) dahil tubig-tabang ang matatagpuan dito. Sa lalim na isang milya, ang Lawa ng Baikal ang pinakamalalim na lawa sa mundo. Ang lawang ito ay tinatayang 25 milyong taon na. Dahil dito, ito na rin ang pinakamatandang lawa ng mundo. Tahanan ito ng mahigit sa 2 400 uri ng mga halaman at hayop. Sa katunayan, karamihan sa mga hayop at halaman na ito ay matatagpuan lamang sa Lawa ng Baikal. Pinakamababa at Pinakamaalat: Dead Sea Isang bahagi ng Dead Sea
  • 8. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 17 Batay na rin sa pangalan, ang Dead Sea ay itinuturing na isang patay na anyong- tubig. Ang tubig nito ay apat na ulit na mas maalat kumpara sa karaniwang tubig-dagat. Sa dami ng asin at mineral na natunaw sa tubig nito, hindi kayang mamuhay ng mga hayop o halamang-dagat dito. Dahil sa lalim na 400 metro, ang Dead Sea ang maituturing na rin na pinakamababang bitak sa mundong ibabaw. Noon namang 1947, natagpuan sa isang kweba malapit sa lawa ang Dead Sea Scroll na naging batayan sa pagpapatunay sa Bibliya bilang akdang historikal. Pinakamataas: Bundok Everest Isang bahagi ng Bundok Everest Pangarap ng bawat mountaineer na makaakyat sa tuktok ng Bundok Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Himalayas, sa mga bansang Nepal at China. Ang taas nitong 29 028 talampakan mula sa lebel ng dagat, matatarik na dalisdis, nagyeyelong taluktok, at baku-bakong daanan ang tunay na hamon sa mga mountaineer. Noong 1953, unang narating ang tuktok ng Bundok Everest ni Sir Edmund Hillary ng New Zealand kasama ang kanyang giya na isang katutubong Sherpa na si Tenzing Norgay. Kinikilala ang yumaong si Sir Edmund na isang bayani sa kanyang bansa. Simula noon, marami na ang nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest. Sa pagharap sa hamon ng bagong milenyo, narating ng mga mountaineer na Pilipino ang tuktok ng Himalayas bilang tanda ng pagsisikap ng lahing Pilipino na mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.
  • 9. 18 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Isang Sulyap sa mga Bansang AsyanoAralin 2 1. Anu-ano ang mga bansang matatagpuan sa kontinente ng Asya? 2. Anu-ano ang mga bansang pangkontinente, pangkapuluan, at transkontinental? 3. Ano ang estado ng mga bansang transkontinental? 1. Association of Southeast Asian Nations – isang organisasyon ng mga bansa sa Timog- silangang Asya 2. United Nations – samahan ng nagkakaisang mga bansa na may layuning panatilihin ang kapayapaan sa buong mundo Mga Bansa sa Asya Sa kasalukuyan, may apatnapu’t walong (48) bansa ang matatagpuan sa Asya. Ang mga ito ay ang mga bansang pangkontinente, pangkapuluan, at transkontinental o yaong mga nasa hangganan. Mga Bansang Pangkontinente Tatlumpu’t walo (38) sa mga bansa sa Asya ang matatagpuan sa mismong kontinente ng Asya o sa mainland. Ang mga ito ay tinaguriang bansang pangkontinente. Ang bawat bansang pangkontinente ay maaaring tawaging bansang baybayin o bansang looban. Ang mga bansang baybayin ay yaong mga bansa na may dalampasigan o ang bahagi ng teritoryo ay nakaharap sa dagat. Halimbawa ng mga ito ang mga bansang China, India, Myanmar, Pakistan, at Turkey. Ang mga bansang looban o landlocked naman ay yaong mga bansang napagigitnaan ng kalupaan at malayo sa dalampasigan. Halimbawa ng mga ito ang mga bansang Afghanistan, Bhutan, Laos, Mongolia, at Nepal. Pagdating sa lawak ng teritoryo, ang pinakamalaking bansa sa Asya ay ang Russia. Kung isasama ang bahagi ng teritoryo ng Russia na nasa kontinente ng Europe, aabot sa 17 098 242 km² ang sukat nito. Pumapangalawa sa Russia ang China na may sukat na 9 596 961 km². Mga Bansang Pangkapuluan May mga bansa rin sa Asya na biniyayaan ng maraming pulo bilang bahagi ng kanilang topograpiya. Ang mga ito ay tinatawag na mga bansang pangkapuluan. Ang kapuluan o arkipelago ay isang pangkat ng mga pulo kung saan ang mga dagat sa pagitan ng mga pulo ay itinuturing na mga dagat-panloob. Sa ilalim ng United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS), isinabatas ang mga tuntunin sa pagmamarka ng teritoryo ng mga bansang pangkapuluan. Ipinahintulot
  • 10. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 19 ang paglagay ng mga tuwid na imaginary line na dumurugtong sa mga pinakadulong dako ng mga pulo at animo’y pader na pumapalibot sa buong kapuluan. Ang mga karagatang nakapaloob sa arkipelago ay itinuturing na mahahalagang bahagi ng teritoryo ng nasabing bansa. Halimbawa ng mga bansang pangkapuluan sa Asya ang Indonesia, Pilipinas, at Japan. Mga Bansang Transkontinental Tinagurian namang transkontinental ang mga bansang matatagpuan sa Asya na ang teritoryo, pamanang lahi, kapaligirang pisikal, o pakikipag-ugnayang pulitikal ay umaabot hanggang sa ibang kontinente. Kabilang sa mga bansang Asyano na may teritoryong lumalagpas sa Asya at umaabot hanggang sa ibang kontinente ang Azerbaijan, Georgia, Kazakhstan, Turkey, at Russia. Sa katunayan, mahigit 23% ng Russia, kasama ang kabisera nito, ay matatagpuan sa Europe. Samantala, bagama’t Asyano ang bansang Turkey, malaking bahagi naman ang ginampanan ng bansang ito sa kasaysayan ng Europe. Ito ay dahil sakop ng imperyo ng mga Turkong Ottoman ang Silangang Europe ng mahigit tatlong siglo. Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng Turkey ang pagiging ganap na kasapi nito sa European Union (EU). 1. Paano mailalahad ang batayang pagkakaiba ng mga bansang pangkontinente, pangkapuluan, at transkontinental? 2. Bakit itinuturing na transkontinental ang bansang Turkey? 3. Paano itinatakda ang mga teritoryo ng mga bansang pangkapuluan sa ilalim ng UNCLOS? 1. Pagtalunan sa klase ang mga sumusunod na paksa. Gawing malalim at kawili-wili ang debate. • Nagtagumpay ba ang UNCLOS sa pagtatakda ng mga hangganan ng mga bansang pangkapuluan? • Bilang isang makasaysayang bansang Asyano, nararapat bang ibasura ang hiling ng bansang Turkey na maging kasapi ng European Union? Ang Moscow, na kabisera ng Russia, ay bahagi sa 23% lupain ng Russia na nakapaloob sa kontinente ng Europe.
  • 11. 20 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran 2. Pag-aralang muli ang mapa ng Asya at punan ang mga patlang. Huwag nang isama ang mga bansang nabanggit na sa unang hanay. Mga Bansang Baybayin Mga Bansang Looban Mga Bansang Pangkapuluan Mga Bansang Transkontinental India Afghanistan Maldives Cyprus Agawan sa Teritoryo Sino nga ba ang mas may karapatan sa Palestine, ang mga Hudyo o ang mga Arabe? Ang mga Hudyo at Arabeng Palestino ay parehong may makasaysayang kaugnayan sa rehiyon ng Palestine na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Dagat Jordan. Ang mga Arabe ang siyang unang nanirahan sa rehiyong ito sa loob ng maraming siglo. Nakasaad naman sa kasaysayan ang pandarayuhan dito ng mga ninuno ng mga Hudyo sa pagitan ng 1900 at 1700 bce. Nang lumaon ay kinilala ang mga Hudyong ito bilang mga Hebreo. Noong 586 bce, nagapi at sinakop ng mga taga-Babylonia ang mga Hudyo. Mula noon, nagkawatak-watak ang mga Hudyo at napadpad sa iba’t ibang lugar. Noong pagpasok ng taong 1882, nagkalat ang halos sampung milyong Hudyo sa buong mundo. Ang ilan sa kanila ay nanirahan sa Palestine at determinadong buuing muli ang kanilang bansa. Bago maganap ang Unang Digmaang Pandaigdig, umabot sa 85 000 ang mga Hudyong naninirahan sa Palestine. Noong 1917, ipinahayag ng Britain ang suporta nito sa pagtatatag ng isang matatawag na tahanan ng lahing Hudyo sa rehiyon ng Palestine. Umalma rito ang mga Arabeng Palestino dahil nais din nilang magkaroon ng kasarinlan.
  • 12. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 21 Noong 1933, nang mailuklok sa kapangyarihan ang Aleman na si Adolf Hitler na kilala sa kanyang pag-uuri sa mga tao, nagsimula ang diskriminasyon laban sa mga Hudyo. Tinawag ni Hitler ang mga Hudyo na parasitiko at intermenschen, o nabibilang sa uring mas mababa pa sa tao. Para kay Hitler at sa kanyang mga tagasunod na mga Nazi, ang paglipol sa mga Hudyo ang siyang tanging paraan upang malinis ang kulturang Aleman. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos anim na milyong Hudyo ang namatay sa piitan. Ang pangyayaring ito ay tinaguriang holocaust. Gayunman, lalo pang sumidhi ang pagnanais ng mga Hudyo na makabalik sa lupain ng kanilang mga ninuno lalo na nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nais nilang magkaroon ng sariling teritoryo subalit okupado ng mga Arabe ang Palestine, at ang pagpupumilit ng mga Hudyo ay nagdulot ng kaguluhan. Iminungkahi ng United Nations na hatiin ang Palestine sa dalawang rehiyon para sa dalawang lahi at ang Jerusalem, na isang mahalagang bayan, ay gawing pandaigdigang lungsod. Tinanggap ng mga Hudyo ang mungkahi. Ibinasura naman ito ng mga Arabe dahil mas malaki ang bahaging mapupunta sa mga Hudyo kahit na higit na kaunti ang bilang ng mga ito sa rehiyon. Noong ika-14 ng Mayo 1948, idineklara ang pagtatatag ng bansang Israel. Ilang oras lamang ang nakalipas matapos ang deklarasyon, inatake na ng mga karatig-bansang Arabe mula sa halos lahat ng direksyon ang Israel. Isang digmaan sa pagitan ng mga Israeli at ng mga Arabe ang nangyari. Pagkatapos ng digmaan, nahulog sa mga kamay ng mga Israeli ang halos ikatlong bahagi ng Palestine. Ang natira ay pinaghati-hatian ng mga bansang Egypt at Jordan. Ang mga Arabeng Palestino ay nawalan ng tahanan. Ang agawan sa teritoryo ang siyang dahilan ng mga digmaang Israeli-Arabe na sumiklab noong 1948, 1956, at 1967. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang digmaan ng mga Hudyo at Arabeng Palestino para sa teritoryo at kasarinlan. Sanggunian: Michael Berenbaum (ed.), Witness to the Holocaust (1997) Conor Cruise O’Brien, The Siege: The Saga of Israel and Zionism (1988) Isang larawan ng lungsod ng Jerusalem. Ito ay itinuturing na banal na lunsod ng mga Hudyo.