12. Chalice/Kalis- pinaglalagyan at
iniinuman ng itinalagang alak sa Misa.
Mula sa salitang latin na calix, na
nangangahulugang kopa o mangkok.
Ciborium/Siboryo- ito ay sisidlan ng
mga maliliit na ostiyang ipinamahagi sa
tao sa komunyon at inilalagak ang mga
natira sa tabernakulo. Mula sa salitang
griyego na kiborion (kiborion), isang
kopang inuman na siyang hugis nito.
13. Paten/Patena- hugis platitong
lalagyan ng malaking ostiya.
Karaniwang nakalagay sa ibabaw
ng kalis. Galing sa salitang griyego
na patene (patene), na ang ibig
sabihin ay platito o mangkok.
Cruets/Binahera- ito ay ang
lalagyan ng mga alak at tubig
para sa Misa. Kinakailangang
madaling makilala kung alin ang
naglalaman ng alak at tubig.
14. Lavabo Set/Pitcher and Basin-
ito ay ginagamit sa paghuhugas
ng kamay ng pari matapos
maihanda ang mga alay, at
maaari rin namang matapos ng
komunyon sa mga tao.
Pyx- ito ay maliit na sisidlan ng Banal na
Sakramento na ginagamit sa pagdadala
ng komunyon sa maysakit. Hango sa
salitang griyego na pruxis (pruxis), na
nangangahulugang isang sisidlang
kahon.
15. Monstrance/Ostensoryo- ito ay
sisidlan ng Banal na Sakramento para
sa pagtatanghal at pagbabasbas sa
pamamagitan ng Banal na
Sakramento. Ang tawag dito ay hango
sa salitang latin na monstrare o
ostendere na ang kahulugan ay
ipakita.
Lunette/Luna- ito ay sisidlang
pinag-iipitan ng Banal na
Sakramento, upang ito ay tumayo
habang nasa ostensoryo. Luna-
sapagkat ito ay hugis buwan.
16. Holy Oil Container/Oil Stock-
lalagyan ng ng mga banal na
langis: langis para sa may sakit,
langis para sa mga ihahanda sa
pagbibinyag, at Langis ng krisma.
Sa kaliwa; imahen ng
pagdiriwang ng Misa ng Krisma.
17. Aspersorium/Aspergillium/Holy
Water Container- ito ay lagayan ng
Banal na Tubig (Holy Water) na
ginagamit sa pagbabasbas. Ang
tawag dito ay galing sa simula ng
antipona sa pagwiwisik (Salmo
50:9) na naisalin sa wikang Latin
bilang “Asperges me…”
Communion Plate- ginagamit ito
upang saluhin ang mga mumo na
nalalaglag sa pagbabahagi ng
komunyon. Hawak ito ng mga
tagapaglingkod sa ilalim ng baba ng
nangongomunyon o sa may ilalim ng
kamay kung sa paraang ito niya
tatanggapin ang komunyon.
18. Thurible/Insensaryo- ito ay isang metal
na nalalagyan ng kamanyang/insenso
ang baga sa loob nito . Ginagamit ito sa
pagprusisyon, pagbabasbas o pagsamba sa
Banal na Sakramento. Hango sa salitang latin
na thus, na ang ibig sabihin ay insenso.
Thurifer- tawag sa taong
may hawak ng insensaryo.
Incense Boat/Lalagyan ng
Insenso- metal na sisidlan ng
kamanyang/insenso na
ginagamit sa pag-iinsenso. May
kasama itong kutsarita upang
makapaglagay ng insenso sa
insensaryo. Incense boat- dahil
sa hugis bangka ito.
19. Bell- ginagamit ito upang
makatawag pansin sa mga
nagsisimba at ituon nila ang
kanilang pansin sa ginagawa sa
dambana, lalo na ang
mahahalagang bahagi nito.
Matraka- ito ay kahalili ng bell mula
pagkatapos ng pag-awit ng Papuri sa
Misa ng Huling Hapunan hanggang
bago magdiwang ng Misa ng Pasko ng
Pagkabuhay. Karaniwang gawa ito sa
kahoy.
20. Ciriales/Seryales- ito ay binubuo
ng isang krus, at dalawang
kandila na nakalagay sa
mahabang kahoy o bakal at
ginagamit upang pangunahan ang
prusisyon. Hango sa salitang kastila
na cirio na ang kahulugan ay
malaking kandila.
Processional Candles/Kandilang
Pamprusisyon- ito ay matayog at
magkaparis na lalagyan at kandilang
dinadala ng dalawang sakristan sa
pagpuprusisyon sa simula at wakas ng
Misa, gayun din sa pagpapahayag ng
Mabuting Balita (maliban kung
panahon ng Pasko ng Pagkabuhay) at
sa bahagi ng konsegrasyon.
21. Sacramentary Stand- ito ay
ipinapatong sa ibabaw ng altar
upang patungan ng
sakramentaryo o maliit na misal.
Maaari itong gawa sa kahoy o
metal.
Altar Candles/Mga Kandila sa Altar-
ito ang mga kandilang nakalagay sa
paligid ng dambana bilang sagisag
ng ating pananampalataya sa
pananatili ni Kristo sa ating
sambayanan lalo na sa ginaganap na
pagdiriwang. May iba’t-ibang antas
ng pagdiriwang; dalawa-
karaniwang araw, apat-kapistahan,
anim-dakilang kapistahan, at pito-
tuwing may obispo.
22. Paschal Candle- sumisimbolo
kay Kristong muling nabuhay,
na siyang pinagmumulan ng
kaliwanagan. Wala ng kandila
sa pagbasa ng Mabuting Balita.
23. Sacramentary/Sakramentaryo-
aklat na naglalaman ng panalangin
sa Misa sa anumang pagkakataon,
wastong pagdiriwang, at mga
pangkalahatang pagdiriwang . Ito
ang ginagamit ng pari na
karaniwang nakalagay sa dambana.
Lectionary/Leksyonaryo- aklat na
naglalaman ng lahat ng pagbasang
ipinahahayag sa Misa: Unang Pagbasa,
Salmong Tugunan, Ikalawang Pagbas, at
Mabuting Balita. Ito ang ginagamit ng Lektor
sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Hindi ito
dinadala sa prusisyon sa pasimula ng Misa.
24. Gospel Book/Evangelary- aklat na
naglalaman ng Mabuting Balita na
ipinahahayag ng pari o diyakono
tuwing araw ng Linggo, mga
kapistahan at iba pang pagdiriwang.
Ito ay dinadala ng Diyakono sa
prusisyon sa pasimula ng Misa. Maaari
ring dalhin ng Lector kung walang
Diyakono.
Missalette/Maliit na Misal-
maliit na aklat na naglalaman
ng mga panalangin, pagbasa at
awit para sa mga Misa sa
nakatakdang panahon.
25. Ordo- aklat ng taunang
kalendaryo ng simbahan na
naglalaman ng araw ng
kapistahan, at iba pang mga
gawain ng simbahan. Dito rin
mababatid ang kulay, pagbasa,
awit at ilan pang gawain
kaugnay ng liturhiya ng
simbahan.
Collectio Rituum- nilalaman nito
ang mga panalangin at tagubilin
sa mga rituwal, gaya ng
pagbabasbas ng mga sasakyan, at
sa mga pagkakataong
magdiriwang ng sakramento nang
labas sa pagdiriwang ng Misa.
26. Altar Cloth/Mantel ng
Dambana- puting telang linen
na ginagamit na pantakip sa
dambana (altar).
Corporal- hugis parisukat na
piraso ng telang linen na
tinitiklop sa tatlong bahagi
pahalang at pababa (sagisag ng
Santisima Trinidad). Mula sa
salitang latin na corpus, na ibig
sabihin ay katawan, dahil ito ang
pinagpapatungan ng ostiya at
kalis na nagiging katawan ni
Kristo. Mayroon itong krus(+) sa
gitna.
27. Purificator- Mula sa salitang
ugat na purify na ang ibig
sabihin ay linisin. Ito ay
ginagamit upang tuyuin at
punasan ang mga bagay na
ginamit sa Misa. Mayroong
krus (+) sa gitna at naiiba ang
hugis dahil ito ay parihaba at
paraan ng pagtutupi.
Pall- pantakip sa kalis upang
hindi malagyan ng dumi. Ito ay
hugis parisukat na linenna may
pampatigas sa loob at may krus
(+) o disenyo sa gitna. Hango sa
salitang kastila na paliar, na ang
ibig sabihin ay takpan.
28. Finger Towel/Towel- isang piraso ng
linen/bimpo na ginagamit upang
tuyuin ang kamay ng pari sa
paghuhuga s niya ng kamay matapos
magpakomunyon. Ang krus (+) nito
ay nasa ibaba.
30. Cassock/Sutana- ito ang
mahabang kasuotan na siyang
tanda ng katayuan ng mga
tagapaglingkod ng simbahan o
ng isang seminarista. Dati, ito
ang pangkaraniwang suot ng
pari. Ang tawag dito ay hango
sa salitang Latin na subtanea,
dahil sa opisyal na gawain sa
Liturhiya, ito ay pinapatungan
ng surplice o alba kaya
nagiging damit na pang-ilalim.
31. Cassock of the
Bishop/Sutana ng
Obispo
Most Rev. Gabriel V. Reyes, D.D.
Bishop of Diocese of Antipolo
Most Rev. Francisco de Leon, D.D.
Auxiliary Bishop of Diocese of Antipolo
Color: Red Violet
“The Pastor’s of the Church”
32. His Eminence Luis Antonio G.
Cardinal Tagle, D.D.
Archbishop of Archdiocese of Manila
Cassock of the
Cardinal/Sutana ng
Cardinal
“Prince of the Church”
Color: Red
33. Pope Emeritus Benedict XVI
Cassock of the
Pope/Sutana ng Santo
Papa
“The Visible Head of the Church”
Color: White
34. Alb/Alba- ito ay puting
damit(panloob ng pari kung
nagmimisa), mahaba at
maluwang ang manggas at
hanggang sakong.
Kailangan itong puti, gaya
ng sinasaad ng ngalan
nitong hango sa salitang
latin, albus, na ang ibig
sabihin ay puti.
Sumasagisag ito sa
kalinisan ni Kristo.
35. Chasuble/Kasulya- ito ang panlabas na
kasuotan ng pari tuwing magmimisa.
Maaari itong magtaglay ng kulay na
hinihingi ng panahon ng Simbahan.
Hango ito sa salitang Latin na, casula, na
ibig sabihin ay maliit na bahay, dahil
tinatakpan nito ang alba at estolang suot
ng pari. Sumasagisag din ito sa pamatok
ni Kristo, gaya ng isinasaad sa panalangin
sa pagsusuot nito.
Center Design
36. Chasuble-Alb/Kasulyang
Alba- ito ay isa ring alba na
niyaring may higit na
kaluwagan upang magmukha
ring kasulya, at karaniwang
nagagamit ng pari upang
magsilbing alba at kasulya
na rin.
37. Stole/Estola- makitid at mahabang
balabal na isinusuot ng Obispo, Pari
at Diyakono sa pagdiriwang ng
Liturhiya. Ito ay sagisag ng kanilang
pamumuno. Kadalasan itong
isinusuot sa labas ng kasulya (o alba
sa diyakono). Nagmula ang pangalan
sa Latin na stola, na ang ibig sabihin
ay mahabang kasuotan. Ito rin ay
nangangahulugang
kawalang-hanggang
kamatayan.
38. Cincture/Pamigkis- ito ay mala-
lubid na taling ginagamit upang
maiayos ang pagkakasuot ng alba
dahil ang yari nito ay may
kaluwagan. Maaari nitong
taglayin taglayin ang kulay na
hinihingi ng pagdiriwang. Hango
ang tawag sa salitang Latin na
cinctus, na ibig sabihin ay
pamigkis. Ito ay sumasagisag sa
kalinisan mula sa kamunduhan,
na isa sa ipinangako ng pari.
Sash/Paha
39. Cope/Kapa- damit na ginagamit
ng pari sa pagprusisyon, sa
halip na kasulya na ginagamit
sa Misa. Maaari nitong taglayin
ang kulay ng kapanahunan sa
simbahan, o pagdiriwang. Ito ay
tinatawag ding pluviale, na
siyang salin sa wikang Latin ng
kapote.
Humeral Veil/Belong Pambisig-
kasuotan para sa pagdadala sa
prusisyon, at pagbabasbas sa
sambayanan, taglay ang banal na
Sakramentong nakalagay sa
ostensoryo (monstrance).
40. Surplice/Sobrepelis-
kasuotang ipinapatong sa
ibabaw ng sutana, lalo na
tuwing naglilingkod. Ito ay
damit na may habang
hanggang sa may tuhod, at
mas maluwang kaysa
sutana. Mula sa Latin na
superpellicium, ibig
sabihin ay pampatong.
41. Dalmatic/Dalmatika-
kasuotang ito ay para
lamang sa mga diyakono,
isinusuot sa ibabaw ng
alba at estola. Ang ngalan
nito ay tinatayang mula sa
lugar na pinagmulan nito
na, ang Dalmatia.
DALMATIC
STOLE
ALB
42. Episcopal Ring- singsing na
sumasagisag ng kanyang
katapatan sa kanyang
nasasakupang Diyosesis.
The Pope's ring, known as the
Fisherman's Ring
Cardinals make use of the
cardinalatial ring
Bishops use the episcopal ring
bestowed upon them at their
consecration
43. Pectoral Cross- kwintas ng
obispo na may haba ng 6 inch. na
isinusuot sa ilalim ng mga
liturhikal na kasuotan.
44. Bishop’s Staff/Crosier- mula sa salitang
latin na crocia, na ibig sabihin ay pang-
kawit. Ito din ay sumisimbolo ng
kanyang kapangyarihan sa
nasasakupang kawan. Ginagamit sa
mga pagdiriwang at pagbebendisyon sa
tao.
Pastoral Staff of the Pope