3. Hebreo 12:1
Kaya nga, dahil napapaligiran
tayo ng napakaraming saksi,
tanggalin natin ang anumang
balakid at ang kasalanang
kumakapit sa atin. Buong
tiyaga tayong tumakbo sa
takbuhing nasa ating harapan.
8. Roma 8:18-21
Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa
kasalukuyan ay hindi maihahambing sa
kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.
19 Sapagkat nananabik ang sangnilikha na ihayag
ng Diyos ang kanyang mga anak. 20 Nabigo ang
sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi
dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay
rin siya ng pag-asa 21 na ang lahat ng nilikha ay
pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at
upang makabahagi ito sa maluwalhating
kalayaan ng mga anak ng Diyos.
9. B. Dapat nating asahan ang mga
pagsubok.
Juan 16:33
Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong
pakikipag-isa sa akin ay magkaroon
kayo ng kapayapaan. Magdaranas
kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito,
ngunit tibayan ninyo ang inyong loob!
Napagtagumpayan ko na ang
sanlibutan!
10. Gawa 14:21-22
Ang Magandang Balita ay ipinangaral nina
Pablo at Bernabe sa Derbe, at marami
silang nahikayat na maging alagad.
Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, Iconio,
at Antioquia ng Pisidia. 22 Pinalakas nila ang
loob ng mga alagad at pinayuhang
manatiling tapat sa pananampalataya.
“Daranas muna tayo ng maraming
kapighatian upang makapasok sa kaharian
ng Diyos,” sabi nila sa mga alagad.
12. A. Ibinibigay niya sa iyo ang
kanyang kapayapaan.
Filipos 4:6-7
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang
bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat
ng inyong kailangan sa pamamagitan ng
panalanging may pasasalamat. 7 At ang
kapayapaan ng Diyos na hindi kayang
maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa
inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong
pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
13. B. Ibinibigay niya sa iyo ang
kanyang presensya.
Mateo 28:20
Turuan ninyo silang sumunod sa
lahat ng iniutos ko sa inyo.
Tandaan ninyo, ako'y laging
kasama ninyo hanggang sa
katapusan ng panahon.
15. A. Ang iyong pananampalataya ay ipinapakita na
tunay.
1 Pedro 1:6-7
Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring
magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa
loob ng maikling panahon. 7 Ang ginto, bagama't
nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman
kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong
pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto,
ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang
tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at
pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.
16. B. Ang pagtitiyaga ay nagpapaunlad ng
pagkatao.
Santiago 1:2-4
Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y
dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.
3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag
ang inyong pananampalataya sa
pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat
kayong magpakatatag hanggang wakas upang
kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
17. C. Ang magtitiyaga hanggang
wakas ay maliligtas.
Mateo 24:12-13
Lalaganap ang kasamaan, kaya't
manlalamig ang pag-ibig ng
marami. 13 Ngunit ang mananatiling
tapat hanggang wakas ang siyang
maliligtas.
18. Santiago 1:12
Pinagpala ang taong
nananatiling tapat sa kabila ng
mga pagsubok; sapagkat
matapos niyang malampasan
ang pagsubok, tatanggap siya
ng gantimpala ng buhay, na
ipinangako ng Panginoon sa
mga umiibig sa kanya.