2. LIPUNANG PULITIKAL
Sa isang lipunan, nangangailangan
ng isang mas malinaw na sistema ng
pagpapasya at pagpapatakbo.
Hindi maiiwasan ang pagkakaiba-iba,
kalituhan, at pagbabanggaan ng mga
kultura.
3. Kailangang mapag-isa ang mithiin ng
bawat mamamayan upang makamit ang
kabutihang panlahat.
Pampulitika
- paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang
masiguro na ang bawat isa ay malayang
magkaroon ng maayos na pamumuhay.
4. • isatitik sa batas ang mga
pagpapahalaga at adhikain ng mga
mamamayan.
• estruktura na maninigurong
nakakamit ng mga tao ang kanilang
batayang pangangailangan.
• pagbubuwis at pagbibigay-serbisyo.
5. Ang pamahalaan ang mukha ng estado sa
internasyonal na larangan.
Pamahalaan
- magpapatupad ng batas upang matiyak
ang soberanya at mapanatili ang seguridad
at kapayapaan sa loob ng bansa.
6. Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa (Solidarity)
Prinsipyo ng Pagkakaisa
- tungkulin ng mga mamamayan ang
magtulungan at ng pamahalaan na
magtayo ng mga akmang istruktura upang
matugunan ang mga pangangailangan ng
mga mamamayan.
7. "May kailangan kang gawin na hindi mo
kayang gawing mag-isa, tungkulin ko
ngayong tulungan ka sa abot ng
makakaya ko. Ako naman ay may
kailangan ring gawin nang hindi ko kaya
mag-isa, tungkulin mo ngayon na
tulungan ako sa abot ng makakaya mo."
8. Magandang halimbawa ng Prinsipyo
ng Pagkakaisa ang pagpapatayo ng
sariling bahay sa tulong ng inhinyero,
arkitekto, tubero, electrician, at mga
karpintero.
9. Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa (Solidarity)
Prinsipyo ng Subsidiarity
- nagbibigay diin sa katauhan ng isang
indlbidwal, kanyang mga karapatan,
pagiging pribado, at maging sariling
kalayaan.
10. Ito ang mag-aakay sa estado na igalang
at pangalagaan ang mga likas na
karapatan ng bawat indibidwal at ng
pamilya na naaayon sa kabutihang
panlahat.
- "secondary importance"
11. Ang dalawang prinsipyong ito ay higit
na makakatulong sa pagtataguyod ng
isang maunlad at mapayapang
komunidad kung saan mapagmahal
ang bawat pamilyang naninirahan
dito.
12. magandang halimbawa ng
Prinsipyo ng Subsidiarity ang
malayang pagpapahayag ng kultura
at tradisyon ng mga Plipinong Intsik
sa ating bansa.
13. Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng
Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa (Solidarity)
• Pakikipagkapwa-tao
• Interes
• Matatag na samahan
• Pagkakawang gawa
• Pagiging responsable